HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 8, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 8, 2013 Book Release   Sat May 18, 2013 1:30 pm

1. PHR 4761 Keeping You by Hazyl del Carmen


Maki had never been interested in guys until Jurdie Migrino popped out of nowhere and made her realize a different perspective in life. Ito ang dahilan ng mga panibagong nararamdaman niya. Kaya ganoon na lang ang paninisi niya rito sa pagtatalo ng isip at puso niya. Unti-unting nahulog ang loob niya rito hanggang sa ma-realize niyang mahal na niya ito.
She wanted to keep him for herself. Pero hindi sila maaaring magsama ni Jurdie. Hindi niya dapat isipin ang sariling damdamin. Because she knew she could hurt her best friend in the process…

2. PHR 4762 Dreaming Of You by Lush Ericson



Minsan nang nagtiwala si Purity sa isang lalaki pero sinaktan lang siya nito kaya natakot na siyang magtiwala at magmahal uli.
Kontento na siya sa kanyang trabaho bilang isang events organizer.
Ngunit sa kung anong dahilan ng tadhana, pinagkrus niyon ang mga landas nila ng lalaking nanakit sa damdamin niya—si Brendon. Ang masaklap pa, siya ang naatasang umayos sa engagement party nito. Pinalabas niya na hindi siya apektado, na kaya niyang maging propesyonal ang pakikitungo rito.
Pero hanggang salita lang pala siya. Sa muling paghaharap nila ay nabuhay uli ang dating damdamin niya para dito.
Paano na?

3. PHR 4763 Fashionista In Love by Yna Paulina


Para kay Tin, ang synonym ng “fashion” ay siya. Dahil sa branded na mga gamit, nakakalimutan niya ang kanyang ama na parang walang pakialam sa kanya. Dahil sa magagarang sapatos at damit, nawawala sa isip niya ang mga problema.
But one day, her father died and a dreadful secret came out—nakaw lang pala ang pinagmulan ng yaman nila. Noong taxi driver pa lang ang kanyang ama ay may nakaiwan ng bag na naglalaman ng napakalaking halaga sa taxi nito. Ang perang iyon ang ginamit ng kanyang ama sa pagsisimula ng negosyo na sa kalaunan ay lumago, sapat para bansagan itong “Hotel King.”
Pero sa pagkawala nito ay siya ang napag-iwanan nito ng responsibilidad na ipagtapat ang katotohanan sa totoong nagmamay-ari ng perang pinagmulan ng kanilang yaman—si Mr. Gerardo Mercado. Mabubuting tao ang pamilya Mercado at sa kalaunan ay pinatawad siya ng mga ito.
Naging magkaibigan sila ng anak ni Mr. Mercado na si Tintin na kapangalan pa niya. Isa siya sa mga nag-alala nang bigla na lang itong nawala. Bakit nito kailangang umalis? Tintin had an amazing family. She also had Paul, her gorgeous fiancé.
Ginusto ni Tin na hanapin si Tintin. Sa paghahanap na iyon ay nakasama niya si Paul. Hindi niya inasahan na may kung anong damdamin na binuhay sa kanya ang binata. She found herself falling in love with Paul.
Namamana rin yata ang pagiging mang-aagaw. Her father stole somebody else’s money and now she was tempted to steal somebody else’s fiancé… fashionably.

4. PHR 4764 A Moment To Remember by Lianne Gonzales



Love at first sight.
Iyon ang naramdaman ng dalagitang si Sydney sa unang pagtatama ng mga mata nila ni Blake, ang oh-so-handsome best friend ng kanyang kuya. Her feelings toward him grew deeper when he became her tutor in Trigonometry, ang subject na dapat niyang ipasa upang maka-graduate ng high school.
At kahit sabihin pa ng kanyang pamilya na simpleng atraksiyon lamang ang nararamdaman niya para sa binata, she was sure about her own feelings. She was in love with him.
Wala siyang pakialam kung hindi siya sineseryoso ng mga taong nakakaalam sa feelings niya. Okay lang iyon. Pero nang marinig niya mismo ang pagdududa ni Blake ay nasaktan siya nang sobra.
Matuling lumipas ang panahon at nagawang kalimutan ni Sydney ang nakaraan. Ngunit sa muling pagbabalik ni Blake sa kanyang buhay, muli ring nagbalik ang nararamdaman niya para sa binata.
This time sigurado siyang magiging sila na. Pero sa kasamaang-palad, hindi pa rin nagbabago ang pananaw ni Blake sa damdamin niya.

5. PHR 4765 Fickle-Hearted Biskit by Wilhelmina



Labis na nag-aalala si Biskit dahil sa ginawang paglalayas ng Kuya Harvey niya. Dahil doon ay ginusto niyang makita ang kapatid kaya nagpasya siyang hanapin ito.
In the pursuit of finding her brother, she found true love. Iyon ay sa katauhan ng pinakanakakainis na tao sa buong mundo—si Redrigo “Igo” Sebastian.
Bagay na bagay rito ang pangalan nito dahil para itong “ego” na tinubuan ng tao. Sa umpisa pa lang ay hindi na niya ito gusto. He was a reckless driver, he almost ran her over with his car. At may-pagkaintrigero pa. But his hands were the gentlest hands that ever touched hers. And when she was at her lowest, he stayed even when she was pushing him away.
That day, she pledged to make him love her. Pero hindi pa man nagsisimula ang misyon niyang paibigin ito ay may natuklasan siya patungkol sa nakaraan nito, dahilan para isuko niya ang pangakong iyon.

6. PHR 4766 Aseron Weddings: More Than That by Dream Grace


Batid ni Pauline ang tungkol sa plano ni Lolo Nemo na hanapan siya ng kapareha. Wala naman siyang tutol doon dahil saksi siya at kadalasan pa nga ay kakutsaba siya ng lolo niya nang ihanap nito ng kanya-kanyang kapareha ang mga pinsan niya. Malaki ang tiwala niya na ang lalaking mapipili nito ay nararapat talaga para sa kanya. Subalit nang malaman niya na ang lalaking napili nito para sa kanya ay walang iba kundi si Nikolas Ibrahim, bigla siyang nagduda sa plano ng lolo niya.
Because it was quite obvious that Nikolas was still in love with her cousin Danieca. Kaya paano naisip ni Lolo Nemo na ito ang lalaking mamahalin siya nang buong puso gayong pagmamay-ari na ng pinsan niya ang puso nito?

7. PHR 4767 Sofie’s Sweetest Mistake by Mellicent Martinez


Lintek lang ang walang ganti.
Iyon ang tumatakbo sa isip ni Sofie habang patungo siya sa simbahan para pigilan ang kasal ng ex-fiancé niyang si Arthur.
There was no way na ikakasal ito gayong hindi ito sumipot sa kasal nila several months ago. She successfully made it. Nagawa niyang guluhin ang kasal sa pamamagitan ng pag-imbento ng kung ano-anong kuwento sa harap ng maraming tao, dahilan para mag-walk out ang bride nito. Kaya galit na galit na kinaladkad siya ng binata palabas ng simbahan hanggang sa police station para sampahan ng demanda.
Doon na na-reveal na hindi naman pala si Arthur ang kaharap niya kundi si Ashton James Velez, ang half brother ng ex-fiancé niya na malaki ang pagkakahawig dito. Kasal ng maling tao ang ginulo niya!
Mula nang araw na iyon ay napapadalas na ang pagkukrus ng mga landas nila ni Ashton. Hindi nila maiwasang magbangayan. A number of unexpected things happened between them, but the most unexpected of all was when she found herself falling in love with the man who looked so much like her bastard ex-fiancé.

8. PHR 4768 Enemies With Benefits: Let’s Make Our Love Story by Haze Prado


Unang kita pa lang ni Jessamine kay Elric ay na-attract na siya rito. Para kasi itong isa sa mga hero sa isinusulat niyang nobela. Pero agad na nawala ang atraksiyong naramdaman niya nang makita nito ang mga librong isinulat niya at sinabing cheesy crap at full of nonsense lang daw ang mga iyon.
Labis siyang naapektuhan sa panlalait nito sa mga librong isinulat niya. Kaya patutunayan niya ritong nagkakamali ito sa opinyon nito tungkol sa happy-ever-after love stories. Unti-unti ay nabago niya ang paniniwala nito… at sa tingin niya ay pati ang puso nito dahil sa mga ikinikilos nitong tila isang nagseselos na nobyo tuwing may kasama siyang ibang lalaki.
Pero akala lang pala niya iyon dahil nang minsang makita niya itong kasama ang ex-girlfriend nito ay sinabi nito sa babaeng awa lang daw ang nararamdaman nito para sa kanya.

9. PHR 4769 Bring Me A Dream by Lush Ericson


Sa loob ng maraming taon, naging referee si Pipa sa relasyon ng best friend niya at ng boyfriend nitong si Kenneth. Kapag nag-aaway ang mga ito, gagawa siya ng paraan para magkabati ang mga ito. Tatahi siya ng cute na stuffed toys, iihip ng maliliit na lobo, magsusuot ng costume at sasama sa panghaharana ng lalaki sa kaibigan niya.
Ginagawa niya ang lahat ng iyon hindi dahil gusto niyang magkaayos ang mga ito. Ginagawa niya iyon dahil matagal na niyang gusto si Kenneth at ayaw niyang nakikita itong nalulungkot. And deep inside her, she knew she was still wishing that one day, Kenneth would notice all her sacrifices for him and would love her in return.
Well, there is a saying… Be careful with what you wish for. Because you just might get it. And when you get it, complications are sure to follow…

10. PHR 4770 Mesmerized By You by Valerie Shyne


Hindi si Ronald ang gusto ni Giselle kundi si Chris na kaibigan nito. Ang ipinagtaka niya ay napapayag siya ni Ronald na magkunwaring girlfriend siya nito, maipakita lamang sa lahat na hindi ito happy-go-lucky college student.
Kaya hindi inasahan ni Giselle na mahulog nang husto ang loob niya sa binata—hanggang sa maging official girlfriend na nga siya nito. To her, every time spent with Ronald was pure bliss—until his mother entered the picture.
Nagkahiwalay sila ni Ronald na dala niya ang lihim ng totoong nangyari sa pakikipag-usap niya sa ina nito.
Pagkaraan ng ilang taon ay nagkita uli sila ni Ronald. Kilala pa rin naman niya ito—pero kailangang kapain niya ang bawat sulok ng kanyang puso kung naroon pa rin ang pag-ibig niya rito…

11. PHR 4771 Her Perfect Time by Brandy Gallardo


Falling in love was not in Mavis’ life’s itinerary. Kontento na siya sa pagpapalago ng negosyo niya.
She would never dare to love again, take risk, and hurt herself.
She used to be romantic. Ngunit nang maunsiyami ang engagement niya sa lalaking minahal niya nang sobra ay na-trauma na siya sa pag-ibig. Ngayon ay natuto na siya. Tanga na siya kung magmamahal pa uli siya, pagkatapos ay masasaktan lang.
Ngunit nagbalik sa Pilipinas si Johnny—ang kababata niya na madalas niyang i-bully noon na ngayon ay taglay ang kakisigan at kaguwapuhan na hindi niya noon pinapansin. Suddenly, she felt like she was developing some kind of serious feelings for him.
Ngunit karapat-dapat nga ba si Johnny upang ibigin niya?

12. PHR 4772 Totally Made For Each Other by Claudette Serene


Bumalik si Daniel sa buhay ni Shania sa panahong inakala niyang wala na siyang pag-asa pang makaahon mula sa kinasadlakan niyang kabiguan. Sariwa pa ang sakit na nararamdaman niya nang iwan siya ng boyfriend niya at magpakasal ito sa iba. Pero binigyan siya ni Daniel ng pag-asa sa buhay. Hindi siya nito nilubayan. Lagi itong nasa tabi niya. Ibinuhos nito ang atensiyon sa kanya.
Ngunit nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya ay natakot siya. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya. At nang bigyan na niya ng pagkakataon ang sarili niya na magmahal uli, saka naman sila sumuong ni Daniel sa isang problema—isang problemang dadaig sa pag-iibigan nila at hihila kay Daniel palayo sa kanya. At sa pangalawang pagkakataon, iiwan siya nito.

13. PHR 4773 My Heart In A Box by Yna Paulina


In love ang painter na si JL sa best friend niyang si Maddie pero iba ang mahal nito. Brokenhearted, he flew to China. Kasalukuyan siyang nakikipaglandian sa mga kapwa niya singkit nang maging dying wish ng mentor niyang si Pedro the Great na hanapin niya ang isang babae.
Noon niya nakilala si Tiny, ang pamangkin ng babaeng hinahanap niya. She was totally not his type. Para itong si Barney na binigyang-boses ni Minnie Mouse. He was also not her type.
Masama raw ang ugali niya. Pero habang hinahanap nila ang tiyahin nitong nawawala, nagdeklara si Tiny na in love ito sa kanya.
Paano nangyari iyon? At bakit pagkatapos niyang tanggihan ang pag-ibig ni Tiny ay hinahanap-hanap niya ito?

14. PHR 4774 Not Another Ghost Story by Heart Yngrid



May third eye si Fina; may kakayahan din siyang makakita at makakausap ng mga kaluluwa. Isang kliyente ang kumuha sa serbisyo niya—si Therese. Desperado itong makausap ang kaibigan nitong nag-suicide at malaman ang misteryoso sa pagpapakamatay niyon. Ang problema ay mailap ang kaluluwang iyon—ayaw siyang kausapin at tila nakikipag-hide-and-seek sa kanya.

May isa pa siyang problema—ang pakialamerong manliligaw ni Therese na si Steven. Ayon sa lalaki, isa raw siyang huwad at manggagantso na medium. Pero hindi nito nakontra si Therese nang hilingin ng babae na tulungan siya ni Steven sa misyon niya.
Habang kasama niya si Steven ay panay ang pag-aasaran at pagbabangayan nila. Isa-isa rin niyang nadiskubre ang magagandang katangian nito. Kaya hindi kataka-takang isang araw ay nagising na lamang siyang nagkakagusto na sa mayabang na lalaki.
Kung sana ay kasama sa special powers niya ang manggayuma…

15. PHR 4775 Ghost In You by Rose Tan


Dahil laging “kausap” at “kasama” ni Maddie ang yumaong fiancé niya na si Alfred, naisip ng malalapit sa kanya na magdaos ng séance para daw mapakiusapan ang kaluluwa ni Alfred na layuan siya.
Nagpaunlak naman ang kaluluwa sa séance—at nag-request. Kailangan daw magpakasal si Maddie sa nakababatang kapatid ni Alfred na si Alvin.
Mahigpit na tinutulan niya iyon. At kanino siya tatakbo sa oras ng kagipitan?
Kay Nick, ang childhood friend ng kuya niya at lihim niyang itinatangi.
Nangako naman ang lalaki na tutulungan siya. Pero nang pormal na siyang ipagkasundo sa lalaking hindi niya gusto, walang Nick na nagligtas sa kanya. Sa halip ay inilaglag siya nito.
Pinagtaguan. Dahil takot ito sa multo.

16. PHR 4776 Kailan Bawal Ang Magmahal by Dawn Igloria


Cool at hassle-free ang buhay ni Timmy sa isang tahimik na bayan nang isang araw ay makita niyang pinagkakatuwaan ng mga tambay sa kanila ang guwapo at bagong saltang si Sam. Pinasasayaw ito ng mga tambay ng “Gangnam Style.” Nainis si Timmy. Hukot at bulol lang si Sam ngunit malaki ang katawan. Hindi siya makapaniwalang hinahayaan lang nitong i-bully ito ng mga patpating tambay sa kanila. Ipinagtanggol niya ito sa mga tambay. Pero sa halip na matuwa ito, pinagalitan pa siya nito. Sa halip na ma-turn off ay naintriga siya sa pagkatao nito. Mula noon, sinundan-sundan na niya ito, kinaibigan, hanggang sa matuklasan niyang hindi ito totoong hukot at bulol.
Dapat na niyang layuan ang isang manlolokong gaya ni Sam. Ngunit hindi niya magawa. Dahil namalayan na lang niyang nabingwit na nito ang puso niya. Bukod doon, nais din niyang matuklasan ang dahilan ng pagbabalatkayo nito.
Noon biglang nagsulputan ang mga disgrasya at insidenteng naging dahilan para masaktan siya at manganib ang kanyang buhay. At ang dahilan ng lahat ng mga iyon ay nagtuturo kay Sam.

17. Precious World's Bestsellers: New Moon by Stephenie Meyer (translated by Armine Rhea Mendoza)


Alam kong kapwa kami nasa matinding panganib at maaaring mamatay. Gayunman, noon ding sandaling iyon, pakiramdam ko ay walang masamang nangyari sa akin. Walang pinsala. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko sa aking dibdib, ang muling mabilis na pagdaloy ng mainit na dugo sa mga ugat ko.
Langhap ko ang mabangong amoy na nagmumula sa balat niya.
Parang hindi nagkaroon ng anumang butas sa dibdib ko.
Maayos ang lagay ko—hindi man naghilom, ngunit parang hindi naman talaga nagkaroon ng sugat doon.

18. Precious World's Bestsellers: The Lucky One by Nicholas Sparks (translated by Angel Bautista)


Mula nang matagpuan ni US Marine Logan Thibault ang litrato ng isang nakangiting babae na natatabunan ng lupa noong nakatalaga siya sa Iraq, palagi na siyang sinusuwerte—nananalo sa poker games at nakaligtas sa mapanganib na laban. Tanging ang matalik na kaibigan niyang si Victor ang may paliwanag sa magandang kapalaran niya: ang litrato—ang kanyang lucky charm.
Pagbalik sa bahay niya sa Colorado, hindi maialis ni Thibault sa isip niya ang babae sa litrato, at nagsimula siyang maglakbay sa bansa para hanapin ito. Pero hindi napaghandaan ni Thibault ang matinding atraksiyon na naramdaman niya nang dalhin siya ng paghahanap niya kay Elizabeth, isang diborsiyadang ina na nakatira sa North Carolina kasama ang anak nitong batang lalaki—at inilihim niya rito ang kuwento tungkol sa litrato at sa kanyang magandang kapalaran.
At nang simulan nila ni Elizabeth ang isang mapusok na relasyon, naging banta ang lihim ni Thibault para magkahiwalay sila, wawasakin hindi lamang ang kanilang pag-iibigan kundi pati na rin ang kanilang mga buhay.
Back to top Go down
 
May 8, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» ACTION MAN DAY 2 MAY 12th 2013 ****BOOK NOW****
» 2013 Harvey Baseball Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Sailor Moon Artbook 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: