HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 1, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 1, 2013 Book Release   Sat May 18, 2013 12:42 pm

1. PHR 4752 Astoria’s Place Book 1: The Founder: Ramsey Pizarro by Mei Sanchez


Sa matagal na panahon ay wala nang iba pang nasa isip si Lailani kundi ang kanyang pangarap na maging matagumpay na restauranteur kaya wala siyang inilaan na panahon para sa pag-ibig. Subalit dumating sa kanyang buhay ang mayabang, antipatiko, at pinakanakakainis na lalaki sa buong mundo—si Ramsey Pizarro. Isa itong matagumpay na hotelier na kahit napakaguwapo at nag-uumapaw ang sex appeal ay mananatili itong devil incarnate para sa kanya.
Sinubukan niyang iwasan ito subalit naging pasaway naman ang kanyang puso dahil unti-unti iyong nahulog para dito kahit alam niyang may reputasyon itong naglalaho na lang na parang bula kapag nagsawa na ito sa isang babae.
Handa na siyang umamin sa kanyang sarili na pag-ibig na nga ang nararamdaman niya para dito ngunit umiwas naman ito sa kanya.
Hindi siya pinaasa ni Ramsey sa wala. Ang puso niya ang umasa na may katugon ang nararamdaman niya. She finally knew how it feels to be in love and how painful it is to be brokenhearted.

2. PHR 4753 Astoria’s Place Book 2: The Engineer: Augustus “Paku” Regencio by Mei Sanchez


Labing-apat na taon pa lang si Astoria nang una niyang nakita si Paku. Best friend ito ng Kuya Ramsey niya. Na-love at first sight agad siya rito. Pero mula nang panahong iyon hanggang sa pagsapit niya sa edad na beinte-singko ay hindi na nagbago ang pagtingin nito sa kanya. Itinuturing siya nito bilang isa lang nakababatang kapatid.
Naging escort niya ito sa lahat ng memorable events ng kanyang buhay at mukhang iyon lang ang maibibigay nito sa kanya. Hinintay niyang makita siya nito bilang isang babae at hindi bilang isang younger sister.
Nang sa wakas ay dumating din ang panahong magkakapag-asa na siya rito, na akala niya ay mahal na rin siya nito, saka niya nalaman na may girlfriend na ito. Magkakaroon pa ba ng pag-asa ang puso niyang labing-isang taon nang nagmamahal dito?

3. PHR 4754 Astoria’s Place Book 3: The Architect: Kalton Pelaez by Mei Sanchez


Natupad ang matagal nang pangarap ni Sheryll na maranasan ang isang magical meeting sa kanyang first love. At naganap nga iyon nang makilala niya si Kalton Pelaez sa Astoria’s Place.
Ang laking tuwa niya nang masundan pa ang kanilang unang pagkikita. Gaya ng inaasahan niya ay nagkalapit silang dalawa. Naging isang malapantasyang fairy-tale romance ang lahat para sa kanya. Subalit kagaya ng mga ganoong kuwento, laging may kontrabida at iyon ay lumabas sa katauhan ng kababata at unang pag-ibig ni Kalton.
Ang akala niya ay hawak na niya ang puso’t damdamin ni Kalton.
Subalit isang araw ay napatunayan niyang siya ay nabigo.
Halos buong buhay niyang hinintay na dumating ang pagkakataong maranasan niya ang umibig. Ngunit hindi niya inakala na pagkatapos niyon ay mararanasan din niya ang pagkawasak ng kanyang puso.

4. PHR 4755 Astoria’s Place Book 4: The Interior Designer: Deena Tambengco by Mei Sanchez


Para hindi matuloy ang balak ng mga magulang ni Deena na ipakasal siya kay Cheng, nakipagkasundo siya sa huli na magpapanggap silang pumapayag na sa kasunduang iyon. Ngunit pagkalipas ng dalawang buwan, kunwari ay magbe-break na sila dahil natuklasan nilang hindi sila compatible sa isa’t isa. Babalik na sa Canada si Cheng upang tuparin ang pangarap nito habang siya ay babalik na rin sa normal niyang buhay.
Ayos na sana ang planong iyon dahil pareho silang makakaligtas sa isang arranged marriage. Ang kaso, kahit kunwari lang ang drama nila ni Cheng, hindi niya maiwasang kiligin sa mga ginagawa nito para sa kanya. Kahit anong paalala niya sa kanyang sarili, hindi niya maawat ang kanyang sarili na tugunin nang buong puso ang mga halik nito. Hindi rin niya napigil ang kanyang pasaway na puso na ma-in love dito.
Hanggang isang araw, mula sa isang magandang panaginip ay nagising siya sa isang masakit na katotohanan. Hindi lang pala ang pagtupad sa pangarap ni Cheng ang dahilan kung bakit ito babalik sa Canada kundi babalikan pala nito ang tunay na nagmamay-ari ng puso nito.

5. PHR 4756 Astoria’s Place Book 5: The First Tenant: Valiant Regencio by Mei Sanchez


Dahil sa simpleng traffic violation na beating the red light ay nakilala ni Val si Rochelle, isang traffic officer. Ngunit dahil din sa pangyayaring iyon ay natagpuan ni Val ang sarili na tumutulong sa isang estrangherong hindi niya basta matalikuran.
Malayo si Rochelle sa mga babaeng nakasanayan nang makasalamuha ni Val, simple lang ito at mula sa isang payak na pamilya, subalit hindi niya mapigilan ang sarili na ibigin ito. He found himself doing things for her that he didn’t usually do for other women… At higit sa lahat, nakahanda siyang maghintay kung kailan nito bubuksan ang puso nito para sa kanya.
Ngunit sa isang importanteng gabi ng buhay niya, natuklasan niya na hindi lang siya nito maitaboy dahil sa isang utang-na-loob. Dati na siyang nabigo nang bastedin siya ng babaeng matagal niyang inalagaan sa puso niya. Sa pagkakataong iyon ay mabibigo na naman ba siyang mapaibig ang babaeng pinag-alayan niya ng buong puso higit pa sa unang babaeng minahal niya?

6. PHR 4757 The Hermit’s Kiss by Destiny


May sumpa sa pamilya nina Maggie. Ayon sa kuwento, nakararanas ng kasawian sa pag-ibig ang mga babae sa pamilya nila sa edad na beinte-singko. Malapit na siyang tumuntong sa nasabing edad kaya iisa lang ang ibig sabihin niyon: kumakatok na sa pinto niya ang sumpa.
Napag-alaman niya na tanging anting-anting lang ang puwedeng pangontra sa sumpa. At ang tanging makapagbibigay niyon sa kanya ay isang magaling na ermitanyo.
Umakyat siya sa Bundok Paraiso upang magpagawa ng anting-anting sa pinakamagaling na ermitanyo sa bayan nila. Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat niya nang madiskubre na sa halip na uugod-ugod na matanda, guwapo at isang hunk pala ang ermitanyo na nagngangalang “Rigo”! At tila tinamaan siya ng pana ni Kupido sa unang pagkakataon.
Pero sa inis niya, ayaw siya nitong igawa ng anting-anting; hindi raw totoo ang sumpa.
Sa kabila niyon, determinado siyang makuha ang gusto niya rito. Tumira pa siya sa bahay nito kahit ayaw nito. Pero ano na nga ba ang gusto niyang makuha rito: ang anting-anting ba o ang puso na nito?

7. PHR 4758 My One And Only Elyen Girl by Luna King


Napilitan si Luka na makipag-date kay Khaki Villazar para pagbigyan ang kanyang ina. Aminado siyang hindi ito katulad ng ibang mga lalaki na ipina-date sa kanya ng kanyang butihing ina—na makita pa lang ang gothic Lolita dress at colored wig niya, kulang na lang ay kumaripas ng takbo palayo sa kanya. Mahaba rin ang pasensiya nito sa kanya. Not to mention guwapo ito.
Sa kabila niyon, ipinamukha pa rin niya rito na hindi niya ito kailanman magugustuhan. Na mas gugustuhin pa niyang pakasalan ang isang anime character kaysa pakasalan ito.
Inakala niyang sa ginawa niya ay madi-discourage na ito pero nagkamali siya. Tila lalo pa yata itong na-challenge sa sinabi niya kaya hindi ito tumigil sa pagpapapansin sa kanya.
Pero hindi niya inakala na isang araw ay magigising na lang siya na hinahanap-hanap ito. Okay lang sana iyon kung hindi lang sana siya nakapangako sa isang napakahalagang tao sa buhay niya. At ang mahalin si Khaki ay mangangahulugang sisirain niya ang pangako niya sa taong iyon…

8. PHR 4759 My Bright Star by Kensi


When they were in college, Yumi considered Pete as a pain in the neck that never went away. Makulit at may-kayabangan ito.
Granted na may karapatan naman itong magyabang dahil guwapo talaga ito at charming. Nakakainis ito dahil siya ang paborito nitong asarin. And he knew quite well how to use those charms to his advantage.
Then one day, bigla na lang siya nitong binigyan ng regalo. He even called her his bright star. Parang biglang nag-iba ang tingin dito ni Yumi. Suddenly, he was Prince Charming material. Then she noticed she was starting to feel all warm and mushy whenever Pete was around.
Handa na sana siyang aminin na may pagtingin na siya rito, pero bigla naman itong nagpaalam. Binanatan pa siya ng, “I’m sorry, I can’t love you.”
Hindi ba nito napapansin na may nararamdaman na rin siya para dito? Men, they can be really stupid sometimes.

9. PHR 4760 My Heart Belongs To You by Laurice del Rio


Mula pagkabata ay hinubog na si Pia ng mommy niya na maging isang abogado katulad nito. Kaya ganoon na lang ang pagkadismaya nito sa kanya nang hindi niya kayanin na makipagsabayan sa Law school. Mabuti na lang at may pakonsuwelo siya rito dahil mahusay na abogado ang boyfriend niya.
“At least, I’d have a lawyer for a son-in-law,” sabi nito.
Pero dumating ang punto na tinabangan si Pia maging sa nag-iisang alas niya sa mommy niya. She tried to bring back the loving feeling but she ended up discovering what her boyfriend really was. Sa mga panahong tuluyan na siyang nawalan ng maipagmamalaki sa mommy niya, isang tao ang natatanging nagpakita sa kanya ng tiwala—si Jerron, ang suki niyang taxi driver. Bukod sa hatid-sundo, kasama sa naging serbisyo nito ang pagpapalakas ng loob niya. Katagalan ay hindi na lang pag-alo nito ang inasam niya kundi maging ang pag-ibig nito.
Nagtagumpay siya. Iyon nga lang, minsan lang itong nakatikim ng masasakit na salita mula sa mommy niya ay nagpahiwatig na agad ito na bitiwan siya. Noon niya natuklasan na mukhang hindi naman pala sila pareho ng nararamdaman para sa isa’t isa.
Back to top Go down
 
May 1, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» ACTION MAN DAY 2 MAY 12th 2013 ****BOOK NOW****
» 2013 Harvey Baseball Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Sailor Moon Artbook 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: