HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 24, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 24, 2013 Book Release   Sat May 18, 2013 11:20 am

1. PHR4740 The Entralled Warrior by Tyra


During the wedding of Ada’s very good friend, Aram, she accidentally bumped into a guy who left her with a very lasting impression. Iyon pa lang ang una nilang pagkikita pero kakaiba na agad ang naging epekto nito sa kanya. No other man affected her the way he did. Pero sa kasamaang-palad ay hindi man lang niya nakuha ang pangalan nito. Hindi rin niya ito magawang alisin sa isip niya.
Then Arik, Aram’s brother, asked her for help. Hiniling nito na makipagtulungan siya sa isang katribo ng asawa nito para maibalik ang pink diamond na ninakaw sa tribo ng mga ito.
Because for some reason the thief who stole the pink diamond made contact with her. At siya lang ang maaaring tumulong sa mga ito para makipagkita sa magnanakaw na iyon.
So, she agreed to help. Nang makilala niya ang lalaking ipinadala ng tribo ay labis siyang nagulat. It was the same guy she met on Aram’s wedding! Noon niya nalaman na Miros ang pangalan nito. She felt so ecstatic and excited to help him. Pero lagi naman siya nitong pinagsusupladuhan at hindi pinapansin. Hindi siya pinanghinaan ng loob. Hindi siya tumigil sa pangungulit dito hanggang sa tuluyan na silang maging magkaibigan. Sa bawat paglipas ng araw, she also found herself falling for him. Pero biglang dumating ang magnanakaw at para ibalik nito ang pink diamond ay isang kondisyon ang ibinigay nito sa kanila.
A condition that would probably change her life forever.

2. PHR 4741 Selphie’s Genius Lover by Julianna Ran


Sa simula pa lang ay hindi na gusto ni Selphie si Bugs Ibañez. Tuwing nakikita kasi niya ito, naiisip niya ang mga bagay na wala siya. He was a genius, samantalang siya ay isang malaking failure. Pati sarili niyang ama ay napakaliit ng tingin sa kanya. Kung puwede lang sigurong magpalit ng anak ay matagal na siya nitong ipinagpalit kay Bugs.
Ngunit may natuklasan siya tungkol sa binata. Hindi naman pala ito masama katulad ng iniisip niya. Napakabait pala nito. Sa katunayan, ito pa ang tumulong sa kanya para makalaya siya sa nanggugulong ex-boyfriend niya. Palagi pa siya nitong pinapangaralan tungkol sa relasyon nila ng daddy niya.
It turned out that Bugs was not only a genius but an angel as well. Kaya naman hindi niya napigilan na mahulog ang loob niya rito. Iyon nga lang, he was too good to be true. Masyado itong perpekto para sa isang tulad niya. Hindi sila bagay.
Pero hanggang kailan niya magagawang pigilan ang damdamin niyang sa araw-araw na lang yata ay patindi nang patindi ang pagmamahal niya rito?

3. PHR 4742 Hopelessly In Love With You by Shekinah Hope



Buong akala ni Zab ay simpleng paghanga lamang ang nararamdaman niya sa kaibigan niyang si TJ kaya pinilit niyang bale-walain ang damdaming iyon. Pero nang makita niya ang simpleng pag-aalaga nito sa kanya at ang mga simpleng banat nito na nagpapakilig sa kaibuturan ng puso niya, everything changed. She realized she was falling fast and hard for him. But as every love story went, may dumating na komplikasyon sa kanilang dalawa.
TJ’s ex-girlfriend for six years came back.
At hindi na niya alam kung saan pa siya lulugar sa buhay nito.

4. PHR4743 Little Jemi’s Big Love by Viel Roberts


Dahil sa kape, naging magkaibigan sina Nate at Jemi. Hindi naging hadlang ang limang taong agwat ng mga edad nila para magkasundo sila. They instantly clicked together at ang friendship na iyon, binigyan-kahulugan ng mga tao sa paligid nila.
Todo tanggi si Jemi. Friends lang sila ni Nate. Pero nang minsang mag-iba ang tibok ng puso niya, kinastigo niya ang sarili niya.
Friends lang ba talaga sila ni Nate?
At kung kailan naman niya na-figure out na more than friends ang nararamdaman niya para dito, saka naman pumasok sa eksena ang isang babae—si Jena. Ano ang laban niya sa matangkad, sexy, at intelihenteng babae? She was Jena’s total opposite. May magagawa ba ang ka-cute-an niya para maagaw niya si Nate dito?

5. PHR 4744 Let Me Love You by Skye Reyes


Matalik na kaibigan ni Chrissa sina Aldrich at Rane. Pero nasira ang pagkakaibigan nila nang mabunyag na si Rane pala ang lihim na minamahal ng fiancée ni Aldrich. Naipit si Chrissa sa dalawang kaibigan niya, pati na rin sa pagsintang-pururot niya para kay Aldrich. Lihim kasing nagbunyi ang puso niya nang maisip niyang may pag-asa pa ang dalawang dekadang pagmamahal niya para dito.
Sinamahan niya si Aldrich at inalo sa pagkabigo nito. Nang hindi na siya makatiis ay nagtapat siya. At gumuho ang mundo niya nang tanggihan siya nito. Pero isang araw ay binawi nito ang sinabi at iginiit na subukan diumano nila. Kaya naman mula sa pagiging magkaibigan ay naging mag-MU sila.
Tunay na malabong usapan ang namagitan sa kanila dahil isang araw ay nakita niyang magkayakap ito at ang dating fiancée nito…

6. PHR 4745 Love Match by Belle Feliz


Gabrielle’s boyfriend cheated on her. Wala siyang kamalay- malay na matagal na pala nitong karelasyon ang assistant nito. Kung hindi pa niya nahuli ang mga ito sa akto ay hindi pa niya malalaman. Nagalit siya dahil nasira ng pangyayari ang plano ng buhay niya. Sinisikap niyang ayusin ang nagulong buhay niya nang hindi inaasahang makita uli niya si Agila, ang dating nobyo niya na nagtaksil din sa kanya.
Tila nais nitong maging bahagi uli ng buhay niya ngunit hindi niya ito hahayaan. Iniwasan niya ito ngunit palagi itong sumusulpot sa mga lugar na hindi niya inaasahan. Kahit anong pagtataray ang gawin niya ay hindi ito nagpapatinag. At maraming pagkakataon na tila nais na niyang bumigay. Dahil bumabalik sa kanya ang masasayang sandali na pinagsamahan nila noong sila pa.
Laking pagkakamali niya nang sa ikalawang pagkakataon ay isugal niya rito ang kanyang puso…

7. PHR 4746 Matteo’s Fair Belle by Tyra


Ever since she was sixteen, Maebelle had been in love with Matteo Fernandez. He was the perfect guy for her. He was kind, gentle, and sweet. But there was one problem, boyfriend ito ng nakatatanda niyang kapatid. Ginawa niya ang lahat para lang itago at kalimutan ang nararamdaman niya. Pero sa bandang huli, lagi na lang niyang natatagpuan ang sarili na sinusundan ito ng tingin. At tuwing nakikita niya ang pagmamahal na ibinibigay nito sa kanyang kapatid ay lalong nahuhulog ang loob niya rito.
Then five years later, her sister and Matteo decided to break up.
Dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang mga landas nila ni Matteo sa Palawan. Where he was rendering his broken heart. Dahil siya lang ang kakilala nito sa lugar na iyon, he invited her to spend time with him. Hindi naman niya magawang tanggihan ito.
Pero agad din niyang pinagsisihan ang ginawa. Because she only found herself falling even harder for him. Even though she knew that no matter what happened, Matteo would always love her sister.

8. PHR 4747 Babo Cheorom (Like A Fool) by Jelaine Albert



Magtetreinta anyos, struggling artist, maraming utang, at hiniwalayan ng boyfriend—ang mga iyon ang pinagdaraanan ni Maureen. Dumagdag pa sa mga problema niya ang aksidenteng pagkakabangga niya sa mamahaling kotse ng guwapong businessman na si Gavin Centenno.
Puwede sana itong prospective boyfriend kung hindi lang ito mas bata sa kanya at saksakan pa ng sungit. Sa halip tuloy na maging girlfriend nito, pagiging driver at personal-alalay ang kinabagsakan niya bilang kabayaran sa na-damage niyang sasakyan. Gayunman, hindi niya napigil ang sariling magkagusto kay Gavin. Nang hindi umubra ang kakarampot niyang charm dito ay ibang taktika naman ang sinubukan niya. Nakipagkaibigan siya rito, na tinanggap naman nito. At kasabay ng paglago ng pagkakaibigan nila ay naramdaman din niyang lumalalim na rin ang damdamin nila para sa isa’t isa.
Iyon ang akala niya. Dahil matagal na pala itong pag-aari ng iba…

9. PHR 4748 Walang Iba Kundi Ikaw by Laurice del Rio


Wala sa hinagap ni Isis na magkakagusto siya sa isang katulad ni Buboy. There was nothing wrong with him. In fact, hunky, guwapo, mahusay sa propesyon nito, at napakasarap kasama ni Buboy. Pero bukod sa may boyfriend na siya ay may isa pang balakid na pumipigil sa kanya para patulan ito nang tuluyan: mas matanda siya rito. Sa katunayan ay naging estudyante niya ito noon sa kolehiyo.

No big deal daw iyon. Iyon ay ayon sa lalaki at sa mga kaibigan niya. Wala nga yata talagang magagawa si Isis kundi ang sundin ang pusong tumibok para dito. Lalo pa nga at napakasarap na magpaibig ni Buboy. Sa kabila ng matitinding agam-agam ni Isis, at kahit pa may ilang pagkakataon na nagkakaroon sila ng pagtatalo bunsod ng pagkakaiba ng antas ng maturity nila, ay hindi niya napigilan na pahulagpusin ang silakbo ng kanyang kalooban. Para lang matuklasan na may isa pang hadlang na maaaring hindi niya malagpasan…

10. PHR 4749 Iibigin Ka Magpakailanman by Chelsea


Isang malagim na pangyayari ang dahilan kung bakit nilisan ni Andrea ang lugar na kinalakhan niya at nagpalaboy-laboy siya sa Maynila. Suwerteng natagpuan niya roon si Rodrigo. Minahal, inaruga, at ibinigay nito ang lahat ng pangangailangan niya. Sa tulong nito ay naging maayos ang buhay niya at nakadama siya ng kaligtasan. Pero may kapalit ang lahat ng iyon: hindi siya maaaring makipaglapit sa ibang tao maliban dito.
Batid ni Andrea na iniisip lang ni Rodrigo ang makabubuti para sa kanya. Sa paglipas ng mga taon ay naging sunod-sunuran siya rito. Hanggang sa makilala niya si Mark. Nagkaroon ng bagong kulay ang mundo niya dahil dito. Pinunan nito ang hungkag na bahagi sa puso niya na hindi kayang punan ni Rodrigo. Dahil dito ay natuto siyang suwayin si Rodrigo.
Ngunit may nadiskubre siya tungkol sa kaugnayan ni Mark sa buhay nila ni Rodrigo. Ang kaugnayan na iyon ang magiging dahilan para magkahiwalay sila ni Mark at tuluyang maglaho ang pag-asa niya na lumigaya sa piling nito…

11. PHR 4750 My Tomorrow’s In Your Eyes by Camilla


To spite her estranged biological father, nagpanggap si Zaree na lesbian siya nang sa gayon ay mabigo ito sa pag-asang mabibigyan niya ito ng apo. Kung nabigo itong magkaapo sa yumaong anak nito na si Princess, puwes, lalo itong mabibigo sa kanya. Pagdating sa tahanan nito ay nagbihis-lalaki siya at desididong panindigan na tomboy nga talaga siya.
Ang hindi niya inasahan ay ang epekto sa kanya ni Lao, ang biyudo ng half sister niya. Hindi ito naniniwalang hindi siya tunay na babae at nakahanda itong patunayan iyon.

12. PHR 4751 LA’s Queen by Majesty Roque


Isang dekada nang kasama ni Reina si LA. Mula noong tumira ito sa bahay nila nang mamatay ang mga magulang nito ay naging malapit na silang magkaibigan. Itinuturing niya ito bilang idolo at knight in shining armor niya. At halos sa isang dekada na iyon ay nakadepende siya rito. Mas malapit pa nga ang loob niya rito kaysa sa mga magulang niya. Lahat ng kaya nitong gawin ay ginagawa nito at lahat ng kaya nitong ibigay ay ipinagkakaloob nito sa kanya dahil isang prinsesa ang turing nito sa kanya. Kaya nang hilingin niyang ipakilala siya nito kay Jonas—unang lalaking nakapagpakaba sa kanya, at unang nakapagpabilis ng tibok ng puso niya—ay ginawa nito.

Ngunit bakit kung kailan abot-kamay na niya ang gusto niya ay noon naman lumalayo sa kanya si LA? At bakit nasasaktan siya sa ginagawa nitong pambabale-wala sa kanya?
Back to top Go down
 
April 24, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News April 6, 2013
» George Clooney Aficionados News April 17, 2013
» George Clooney Aficionados News April 18, 2013
» Rome Premiere of OHF - April 5, 2013
» George Clooney Aficionados News April 7, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: