HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 17, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 17, 2013 Book Release   Tue Apr 30, 2013 8:09 pm

1. PHR 4727 Miss Ugly Duckling Chases Mr. Bangko by Luna King


“If you walk away now, I won’t chase you again, Stone!” Isinugal ni Kisa ang lahat ng pag-asa sa puso niya na mahal din siya ni Stone sa bantang iyon. Isang taon na niya itong hinahabol-habol, sinusuyo, at minamahal. Kahit “Mr. Bangko” lang ito sa basketball, hindi sikat at magaspang ang pag-uugali, ito pa rin ang pinili niyang gustuhin. At kahit ilang beses na siya nitong itinaboy, wala pa rin siyang kadala-dala.
It was because he was the only boy who made her feel beautiful despite the ugly scar on her face. Isa pa, nararamdaman niyang mahal na rin siya nito, gaano man nito itanggi iyon.
But she forgot that in love, there were two rules: never expect, never assume. At natutuhan lang niya ang batas na iyon nang sa halip na magbalik ay naglakad si Stone palayo sa kanya…

2. PHR 4728 Love In A Bottle by Reve San Jose


Nakilala ni Fernanda si Gilbert nang minsang maligaw ang lalaki sa Sierra Madre kung saan siya nakatira. At noon pa lang ay minahal na nila ang isa’t isa, na pilit din nilang ibinaon sa limot dahil na rin sa batang edad nila.
Years passed by, young Fernanda had grown into a simple but very beautiful woman, while dashing Landon Gilbert Ray was already a millionaire in the making.
Muling nagtagpo ang mga landas nila. At kahit maraming taon na ang lumipas, naroon pa rin ang pagmamahal na minsan na nilang naramdaman para sa isa’t isa. Gayunman, sinikap ni Fernanda na layuan si Landon dahil ang tanging gusto niya ay isang simpleng buhay, na malayong mangyari oras na magkalapit sila nito.
But Landon had other plans. Tila wala itong balak na isuko na lang siya nang basta-basta. Maayos na sana ang lahat, ngunit natuklasan ni Fernanda na konektado si Landon sa isang taong may malaking kasalanan sa kanya na hindi niya magawang mapatawad sa kabila ng lumipas na mga taon.

3. PHR 4729 My Polaris by Shinsei Balmes


Inis si Lhia sa walang modong lalaki na umagaw sa sapatos na gustong-gusto niya. Sa sobrang inis ay tinuruan niya ito ng leksiyon na halos pumatay sa mga kuko nito sa paa. Inakala niya na hindi na sila magkikita pa, pero sadya yatang mapaglaro ang tadhana dahil muli silang pinagtagpo ng lalaki. Ang masama, MVP pala ito ng basketball team ng eskuwelahan na pinapasukan niya.
At hindi ito nakapaglaro sa game one ng UAAP dahil sa kanya. The next thing she knew, Drew Santillan was filing a complaint against her. Isa lang ang paraan para hindi nito ituloy ang reklamo nito: kailangan niya itong tulungan na mapalapit sa babaeng iniibig nito na nagkataong pinsan niya. Wala siyang nagawa kundi magpahinuhod sa gusto nito.
Habang tinutulungan niya si Drew na mapalapit sa pinsan niya ay hindi niya inasahan na mahuhulog din ang loob niya rito. Hindi iyon maaari! At dahil nagkakalapit na ito at ang pinsan niya, mukhang ang puso naman niya ang nanganganib na magtamo ng matinding injury mula rito…

4. PHR 4730 Best For Last by Kandice Gonzales


Sinamahan ni Carmen ang best friend niya na magbakasyon sa Batangas pagkatapos nitong makipag-break sa taksil nitong boyfriend. Doon ay nakilala niya si Patrick. Para itong pinagsama-samang Greek god, Superman, Batman, Ironman, at Prince Charming na naligaw sa probinsiya. Hindi niya maiwasang ma-in love dito, lalo na at palagi itong to the rescue sa kanya tuwing nalalagay siya sa alanganin. Hindi niya gustong umasa pero ang pahamak niyang puso, hayun at nagsimulang umasa.
Kumbaga sa nobela, nagsisimula nang gumanda ang love story nila nang biglang umeksena ang ex-girlfriend nito na umiwan dito noon at nagdeklarang babawiin si Patrick sa kanya. Para na rin itong nagdeklara ng world war sa kanya. Sa pagitan niya at ng ex nito, sino ang unang makakarating sa finish line kung saan ang premyo ay ang puso ni Patrick?

5. PHR 4731 Sisterets Club Book 1: Ellice by Mellicent Martinez


Mula pa noong nasa college sina Ellice at Jacove ay madalas na silang magbangayan. He was a burden and a total pain in the ass. Hindi kompleto ang araw nito kung hindi siya nito naaasar.
Kaya nang magtapos sila ng college ay tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Hindi na sila nagkita nito.
Pagkalipas ng pitong taon ay nakilala niya si Kian. Maayos naman ang relasyon nila noong una. Hanggang isang araw—sa mismong araw ng second anniversary nila—ay nakipaghiwalay ito sa kanya. Sa labis na galit ay binato niya ito ng sapatos. But to her horror, hindi si Kian ang tinamaan niyon kundi isang lalaking may mahaba at makintab na buhok. Uh-oh, she hit the wrong man! Dali-dali siyang tumakbo sa kinaroroonan ng lalaki at nag-“sorry” dito, pagkatapos ay iniwan na niya ito. Ngunit tinawag siya nito sa buong pangalan niya. Diyata’t kilala siya nito?
“Did you miss me, kitten?”
Kitten? Humarap siya rito at pinaglakbay ang kanyang mga mata sa mukha nito. Her eyes settled on his mouth. She gasped when his smile widened. Kilala niya ang ganoong klase ng ngiti. Si Jacove! Uh-oh, the guy from hell was back at hindi na siya makakaiwas pa.

6. PHR 4732 Sisterets Club Book 2: Abby By Mellicent Martinez by Mellicent Martinez


Sikat na actor si Gav Florence sa Pilipinas pero walang pakialam doon si Abby. Malaki ang inis niya rito mula pa lang nang una niya itong makatagpo sa ladies’ room ng Mom’s Café kung saan siya nagtatrabaho bilang supervisor. Sinira nito ang sales report na pinagpuyatan niyang gawin. Ang pagtatagpong iyon ay nasundan pa nang makabanggaan nito ang snatcher ng bag niya. Nabawi niya ang bag ngunit naiwan naman si Gav na nakabulagta sa daan, lasing, at walang malay. She took him to the nearest hotel and again, inubos nito ang katiting na pasensiyang natitira sa kanya. Hanggang isang araw ay naabutan niya ito sa opisina ng Mom’s Café, claiming himself as the new owner. He was her new boss.
Nadagdagan ang pagkabuwisit niya rito nang iharap siya nito sa media at ipakilala bilang girlfriend nito, dahilan para putaktihin, intrigahin, at sundan-sundan siya ng press people. Instantly ay nahawa siya sa kasikatan ni Gav. But she wasn’t pleased. To her, it was a curse.
Ngunit sa kabila ng lahat ng bangayan nila ng binata ay hindi niya napigilang bumigay sa charm nito. She realized she was falling in love with him. Sa tingin niya ay ganoon din ito sa kanya. Pero natuklasan niya ang totoong dahilan kung bakit siya nito ipinakilala bilang girlfriend nito—isang katotohanan na dumurog sa puso niya.
What broke her heart even more was when she found out that Gav was still in love with the woman from his past.

7. PHR 4733 Sisterets Club Book 3: Lhian by Mellicent Martinez


Ang hunk motocross racer na si Zyke Ocampo ang dream guy ni Lhian. Mula pa noong nasa college sila ay pinapangarap na niya ito pero parang hindi nito alam na nag-e-exist siya. Ni hindi nga yata nito alam ang pangalan niya kahit pa madalas sila nitong magkita. Para mapansin siya nito ay pumasok siyang photographer sa isang sports magazine na nagko-cover ng kaganapan sa mundo ng motocross racing. Malakas ang paniniwala niyang may patutunguhan na ang kahibangan niyang iyon dito.

Subalit nalaman niyang may bago na naman itong girlfriend—si Eulene, ang editor in chief ng magazine kung saan siya nagtatrabaho. Isang masamang balak ang pumasok sa kukote niya isang gabi. Ngunit tila hindi sang-ayon ang kapalaran sa evil scheme niya—dahil napansin nga siya ni Zyke pero nagalit naman ito nang todo sa kanya.

8. PHR 4734 Sisterets Club Book 4: Alia by Mellicent Martinez


Isang gabing abala si Alia sa pagsusulat ng nobela niya ay bigla siyang pinasok sa kuwarto niya ng isang matangkad na lalaking sabog-sabog ang buhok at naka-briefs lang. Sa takot ay hinambalos niya ito ng laptop sa mukha.
Eksakto namang dumating ang pinsan niyang si Moi. Nalaman niya mula rito na hindi naman psycho killer/rapist ang lalaki kundi kaibigan nito at lead vocalist ng Half-blood band na si Neo Ravensdale. Ito rin ang lalaking dati na siyang may malaking atraso.
Pagkalipas ng ilang araw ay naabutan niya ito sa bahay na tinitirhan niya. Pinapalayas siya nito at nagpakita pa ng dokumento na may karapatan itong tumira sa tinitirhan niya. Anim na buwan daw itong titira doon. Sa huli ay pumayag itong doon na rin siya tumira. Living with him was like hell, kaya wala siyang hinangad kundi hintayin ang araw ng pag-alis nito.
Ngunit bakit noong gabing magpaalam ito ay parang namatay ang kalahati ng puso niya? At sa laking pagtataka pa niya, nang makaalis na ito ay natuklasan niya ang isang lihim na ginawa nito: tinulungan siya ni Neo na matupad niya ang matagal na niyang pinapangarap sa buhay. Bakit kaya?

9. PHR 4735 Los Matadores Bullriding Club Series 10: Nicolas Santa Cruz by Camilla


Nang datnan ng kanya-kanyang mga problemang pampamilya ang magkasintahang Maiah at Cole, hindi sukat-akalain ng dalaga na dagli silang magugupo niyon. Umasa siya sa walang-maliw na katapatan ng kanyang nobyo sa kanya, pero ano at nahuli niya itong may kayakap na babae habang naroon pa siya sa mismong pamamahay ng pamilya nito?

Mabilis ang naging pagpapasya ni Maiah. Kung dati ay nahihirapan siyang pagbigyan ang hiling ng ina niya na makapiling niya ito sa ibang bansa, ngayon ay ora-oradang tinalikuran niya si Cole at lumayo siya rito. Ngunit tila ayaw siyang tantanan ng alaala nito. May pagkakataon na waring nakikita niya ito, ngunit sa isang kisap-mata ay naglalaho…

10. PHR 4736 Los Matadores Bullriding Club Series 11: Jack Obert Contrera by Camilla


Magkaibang-magkaiba sina Jackie at Jacko. Maliban sa magkahawig na pangalan ay wala nang masasabing pareho sa dalawa. Kaya marami ang nagulat nang maging sila. Ngunit dahil sa kanya-kanyang mga nakaraan at mga plano sa kinabukasan na sadyang magkasalungat, tila mahihirapan silang ipagpatuloy ang nabuo nilang relasyon. Idagdag pa ang pagsingit sa eksena ng napakagandang si Zenia—ang babaeng itinakda ng domineering grandfather ni Jacko na pakasalan nito.
Sa hiwalayan ba ang tuloy ng isang pag-iibigang sa simula pa lang ay tila nakatadhana nang magwawakas?

11. PHR 4737 Muling Magmamahal Dahil Sa Iyo by Sofia


Hindi makapapayag si Janis na tuluyang mawala sa kanya ang pinakamamahal niyang si JM. Hindi niya matanggap ang dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa kanya. Takot daw ito dahil baka masaktan lang daw siya kagaya ng ginawa ng tatay at kapatid nitong parehong babaero. Para mabawi ito, kailangang patunayan niya rito na sila ang para sa isa’t isa.
Kaya hiningi niya ang tulong ng kapatid nitong si Vermont na ubod ng babaero at walang sineseryosong babae. Umaasa siyang kapag nakita ni JM na magkasama sila ng kapatid nito ay babawiin siya nito.
Pero mukhang mapapa-trouble ang puso niya sa piling ni Vermont. Pakiramdam niya ay naliligaw siya at hindi na niya alam kung paano babalik kay JM.

12. PHR 4738 Los Matadores Bullriding Club Series 12: Philip Moreno by Camilla


Dumating si Aimee Cortez sa puntong nababagot na siya sa panatag niyang buhay. She had a nice job and an equally nice business, kung saan ka-partner niya ang guwapong si Philip Moreno. Sa kapi-feature ba naman ni Aimee sa love stories ng mga kapwa nito miyembro ng Los Matadores, sino ba naman ang hindi makakaramdam ng pagkabagot sa kawalan niya ng love life?
Hindi na siya bumabata, kaya sadyang napapaisip na siyang sumabak sa larangang iyon kung saan wala siyang karanasan.
At isang gabi ay bigla na lang may naganap sa pagitan nila ni Philip—isang bagay na nagpabago sa tingin nila sa isa’t isa. Well, in her case, at least. Dahil natuklasan niyang tila bale-wala lang iyon kay Philip.

13. PHR 4739 Sabi Ng Puso by Laurice del Rio


Kung kaya lang ni Marissa, matagal na niyang nilayasan ang pamilya niya na walang ibang ginawa kundi ipapasan sa kanya ang mundo. Pero dahil hindi naman talaga niya kayang tiisin ang mga ito, humiling na lang siya ng sandaling katahimikan sa buhay niya na mabilis na ipinagkaloob sa kanya. Naaksidente siya. Nagpanggap siya na may amnesia na mabilis na kinagat ni Clay, ang lalaking nagkaloob ng panalangin niya. Sa sobra yatang pagka-guilty ng binata, nag-offer pa ito sa pamilya niya na doon na lang siya magpagaling sa bahay nito. Sandaling katahimikan lang ang habol ni Marissa sa pamamalagi sa poder ni Clay pero may iba pa siyang natagpuan doon. Naging crush niya ito at sa kalaunan ay parang mas lumalalim pa ang damdamin na iyon.
Noon na siya natuliro. Bukod sa alangan siya sa binata, hindi niya alam kung ano ang gagawin nito kung sakaling malaman nito ang ginawa niyang pagpapanggap.
Hanggang sa tadhana na ang gumawa ng paraan…
Back to top Go down
 
April 17, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News April 6, 2013
» George Clooney Aficionados News April 17, 2013
» George Clooney Aficionados News April 18, 2013
» Rome Premiere of OHF - April 5, 2013
» George Clooney Aficionados News April 7, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: