HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Lexi Levina
Junior
Junior


Number of posts : 37
Location : Valenzuela City
Registration date : 2012-11-29

PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Thu Sep 12, 2013 11:53 am

ThisIsMe wrote:
@Lexi Levina: Thanks po. Nage-gets ko po ung sinabi mo. Siguro dapat pag-isipan ko muna ng mabuti ung plot hehe Ahm anu po ung example ng external at internal conflicts po?
External: problema sa pamilya, sa work place, sa career, sa line of work, sa health, problema sa character mismo (halimbawa: kapansanan, amnesia), problema sa paligid (halimbawa: may disaster as in bagyo, baha, nag-crash na eroplano), problema sa security (halimbawa: may stalker, my serial killer)....Na dapat ay makakaapekto sa goal ng character. Kasi puwede namang may family problem talaga siya pero wala siyang pakialam so hindi significant yong conflict.

Internal: mga issues at hang-ups sa buhay ng character like takot umibig, ayaw nang magtiwala ulit, takot masaktan, hindi naniniwala sa pag-ibig, laging nag-e-expect ng worst mula sa iba, maraming insecurities, naiinggit sa iba, silaw sa pera o sa kasikatan, di maka-move on mula sa mga pangyayari sa nakaraan... Mga ganoong drama. Na dapat ay may pinanggagalingan. In other words, kailangang may basehan kung bakit may ganitong internal conflict si character.
Back to top Go down
http://www.facebook.com/lexilevina
ThisIsMe
Guest



PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Thu Sep 12, 2013 11:12 am

@Lexi Levina: Thanks po. Nage-gets ko po ung sinabi mo. Siguro dapat pag-isipan ko muna ng mabuti ung plot hehe Ahm anu po ung example ng external at internal conflicts po?
Back to top Go down
Lexi Levina
Junior
Junior


Number of posts : 37
Location : Valenzuela City
Registration date : 2012-11-29

PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Thu Sep 12, 2013 11:02 am

ThisIsMe wrote:
Paano po gumawa ng matibay na conflict?
I-develop muna po yung characters mo. Kasi 'yung matibay na conflict ay depende sa character. Dahil may character naman na hindi apektado ng halimbawa conflictA pero apektado siya ng conflictB. So dapat 'yung characters ay makikitang mahihirapan dahil sa conflict na ibinigay sa kanila.

Or puwedeng unahin i-develop 'yung plot. Bigyan 'yon ng magandang conflict na titibay sa pamamagitan ng pagbibigay ng akmang characters na magre-react sa conflict.

And maganda kung related ang external at internal conflicts sa romantic conflict para cohesive 'yong story. Kapag watak-watak kasi magiging parang trivial ang conflict.

Pero...dapat hindi masyadong mabigat ang conflict to the point na imposible na siyang ma-resolve at hindi na justifiable ang happily-ever-after ng kuwento. Ito 'yong mistake ko lately. Masyadong komplikado 'yong love story ng hero ko. Hahah. So revise revise.
Back to top Go down
http://www.facebook.com/lexilevina
ThisIsMe
Guest



PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Thu Sep 12, 2013 10:48 am

Paano po gumawa ng matibay na conflict?
Back to top Go down
IamMe
Guest



PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Tue Sep 03, 2013 1:54 pm

Thanks po! Hanggang ngaun po kxe la pa rin silang feedback. Anyweiz po, sana nga po pareho taung makapasa.Very Happy 
Back to top Go down
Lexi Levina
Junior
Junior


Number of posts : 37
Location : Valenzuela City
Registration date : 2012-11-29

PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Sun Sep 01, 2013 7:51 pm

IamMe wrote:
Hi po sa lahat!Very Happy Gusto ko lang po sana malaman if normal lang ba na almost mag-two months na pero wala pa rin feedback sa pinasang manuscript? Ive followed up them thrice already. Medyo kinakabahan na kase ako sa result..silent
Parang matagal na 'yong two months. Pero baka busy lang din 'yong nag-e-evaluate ng MS mo. Kasi ako one month na rin ang lumipas pero wala pa ring feedback. Kaka-follow up ko lang.

But to help you with the kaba, magsulat ka na lang nang magsulat ng mga panibagong ipapasa mo. Para malihis 'yong atensiyon mo.

Hope we both get good results. Very Happy 
Back to top Go down
http://www.facebook.com/lexilevina
IamMe
Guest



PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Sat Jul 27, 2013 8:39 pm

Hi po sa lahat!Very Happy Gusto ko lang po sana malaman if normal lang ba na almost mag-two months na pero wala pa rin feedback sa pinasang manuscript? Ive followed up them thrice already. Medyo kinakabahan na kase ako sa result..silent
Back to top Go down
cjm.025
Newbie
Newbie


Number of posts : 5
Registration date : 2013-05-24

PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Wed Jun 26, 2013 10:45 am

Sana ma-approved yung pinasa ko. Lampas 1 month na, wala pa rin silang feedback... hay! sana positive ang response. =)
Back to top Go down
laiza
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 2136
Age : 22
Location : tondo, manila
Registration date : 2009-03-03

PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Mon Jun 10, 2013 4:31 pm

Pagkatangap sa MS mo magmemessage agad sila. Originally mga 1month bago mo malaman yung result then kung after a month wala kang nakuhang feedback paFollow up mo na lang siya.
Back to top Go down
Lexi Levina
Junior
Junior


Number of posts : 37
Location : Valenzuela City
Registration date : 2012-11-29

PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Mon Jun 03, 2013 6:03 pm

mielle02 wrote:
parang nakakatakot mag-submit Crying or Very sad meron bang chance na ma-approve o ma-reject agad ung MS? pale


meron po. In general, tatlo ang feedback na puwede mong ma-receive. Approved. Revision. Returned.

Anyway, just go ahead and submit. Parte ng buhay ng isang writer ang ma-reject. Huwag matakot. Smile
Back to top Go down
http://www.facebook.com/lexilevina
mielle02
Junior
Junior


Number of posts : 86
Age : 23
Location : Caloocan City
Registration date : 2011-09-16

PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Sat May 25, 2013 10:55 pm

parang nakakatakot mag-submit Crying or Very sad meron bang chance na ma-approve o ma-reject agad ung MS? pale
Back to top Go down
Lexi Levina
Junior
Junior


Number of posts : 37
Location : Valenzuela City
Registration date : 2012-11-29

PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Fri May 17, 2013 6:42 pm

mielle02 wrote:
hello. pag nag-submit ba ng MS dapat kasama na ung resume?

Pwede meron na agad. Pwedeng wala. Pero para naman makilala ka ng makakatanggap ng MS mo, maigi nang ipadala mo ang MS mo kaakibat ng iyong resume. Smile
Back to top Go down
http://www.facebook.com/lexilevina
mielle02
Junior
Junior


Number of posts : 86
Age : 23
Location : Caloocan City
Registration date : 2011-09-16

PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Sat May 11, 2013 11:31 pm

hello. pag nag-submit ba ng MS dapat kasama na ung resume?
Back to top Go down
dee dee
Guest



PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Thu May 09, 2013 12:42 pm

maraming salamat po sa pagsampal sa akin sa pamamagitan ng katotohanan. God bless. =D
Back to top Go down
hellionist
Junior
Junior


Number of posts : 136
Age : 29
Location : Cavite
Registration date : 2011-04-03

PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Thu May 09, 2013 2:50 am

dee-dee wrote:
hindi naman po kaya nagsasawa ang editor na ipa-revise ng ipa-revise hanggat hindi po siya natatanggap? Smile

Hanggang 2 revisions na lang. After ay rejected na. Ang tanong: hindi ba nagsasawa ang writer na magpasa ng hilaw pang nobela? May dahilan kaya ibinabalik.

Habang nagsusulat, dumadami rin ang experience. Habang pinag-aaralan ang tungkol sa larangan ng pagsusulat, mas lalong dumadami ang kaalamang magagamit sa pagsusulat. Mas malaki ang tsansa na matanggap ang nobela. Wink
Back to top Go down
dee-dee
Guest



PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Wed May 08, 2013 1:33 pm

hindi naman po kaya nagsasawa ang editor na ipa-revise ng ipa-revise hanggat hindi po siya natatanggap? Smile
Back to top Go down
dee-dee
Guest



PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Wed May 08, 2013 1:31 pm

hindi naman po kaya nagsasawa ang editor na ipa-revise ng ipa-revise hanggat hindi po siya natatanggap? Smile
Back to top Go down
romzz
Junior
Junior


Number of posts : 38
Registration date : 2011-05-09

PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Sun Apr 28, 2013 5:13 pm

dee-dee wrote:
if ever po nag-try po akong magpasa ng MS ko po today so, kelan ko po malalaman kung natanggap po ung MS ko po? then, ano-ano po mga possible na procedure na gawin? thank you Smile) God bless

after mong magsend ng MS magrereply agad yung PHR also through email na natanggap na nila yung MS mo. Usually 2 to 4 weeks bago ka makatanggap ng feedback mula sa editor kung approved ba or for revision yung pinasa mong MS.
Back to top Go down
dee-dee
Guest



PostSubject: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Sat Apr 27, 2013 3:14 pm

if ever po nag-try po akong magpasa ng MS ko po today so, kelan ko po malalaman kung natanggap po ung MS ko po? then, ano-ano po mga possible na procedure na gawin? thank you Smile) God bless
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty   Today at 7:54 pm

Back to top Go down
 
Gaano po katagal bago ma-approve 'yung MS? ty
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Yung Lean/Yung Sherman & *SAD BOYS*
» Wonder Woman?
» Would Hiashi Approve?
» Opinions of certain people on Naruto and Hinata on their relationship?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: General Discussion-
Jump to: