HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 10, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 10, 2013 Book Release   Thu Apr 11, 2013 2:56 pm

1. DST 003 Big Girl by Danielle Steel (translated by Claudia Santiago)


Isang matabang batang babae na may pangkaraniwang hitsura si Victoria Dawson. Dahil dito, pakiramdam niya ay hindi siya kabilang sa sarili niyang pamilya—lalo na sa L.A. na walang ginawa ang mga tao kundi panatilihing maganda ang hubog ng kanilang katawan. Habang ang mga magulang at kapatid niya ay puwedeng kumain ng kahit ano na hindi nadadagdagan ang timbang, si Victoria naman ay kailangang maging maingat sa lahat ng kanyang kakainin. Bukod doon, kailangan niyang pagtiisan ang mga panlalait ng kanyang ama at ang pambabale-wala nito sa ipinakikita niyang galing sa kanyang pag-aaral. Ang pagkain ng ice cream at mga maling pagkain ang nagbibigay sa kanya ng panandaliang kaginhawahan. Ang tanging alam niya ay kailangan niyang makalayo sa kanyang pamilya. Kaya pagkatapos ng kolehiyo sa Chicago ay nagtungo siya sa New York. Sa napasukan niyang pinapangarap na trabaho bilang isang guro sa high school, masayang-masaya si Victoria sa piling ng kanyang mga estudyante. Kasabay niyon ay ang pagpapakapagod sa gym upang masolusyunan ang problema niya sa timbang. Sa kabila ng namumuong tensiyon sa pagitan niya at ng kanyang mga magulang, nanatili siyang malapit sa nakababata niyang kapatid—si Grace. Kahit malayo ang hitsura nila sa isa’t isa, hindi matatawaran ang pagmamahalan nila. Kaya nang sabihin ni Grace na ikakasal na ito sa isang lalaking katulad na katulad ng kanilang amang walang ibang minahal kundi ang sarili, nag-alala si Victoria sa kaligayahan ng kapatid niya. At dahil wala siyang lalaking matatawag na kanya, pakiramdam niya ay bigo na naman siya. Habang papalapit ang kasal, isang di-sinasadyang pagtatagpo, isang nakababahalang pagtataksil, at isang pagtatalo sa pagitan ng pamilya ang humantong sa isang malaking pagbabago. Pinilit ni Victoria na kalimutan ang mga pasakit at pambabale-walang naranasan niya sa buong buhay niya. Ang hinaharap ay isang hamon at pakikipagsapalaran: ang tanggapin ang sarili sa kung ano siya at angkinin ang mga tagumpay na ipinaglaban niya nang husto na nararapat lamang na mapasakanya. Mataba man o hindi, siya ay kahanga-hanga at natuklasan niya iyon sa kanyang sarili.

2. PHR 4716 Chance Of My Life by Laurice del Rio


Masasabing successful na si Alanis sa buhay niya. Wala nang kahit sinong makapagsasabi sa kanya na hindi siya good enough.
Ang tagumpay na tinatamasa niya ay malaki ang itinutulong sa kanya para maging matatag siya. Pero ang mga tao sa paligid niya ay ipinagpipilitan na panahon na para umibig siya. At wala siyang balak na sundin ang mga ito. Love equals heartache. Mas dapat niyang pag-aksayahan ng panahon ang paghahanap ng bagong modelo na pasisikatin niya.
At sinuwerteng nakita niya si Pablo na taglay na yata ang lahat ng potensiyal na mayroon ang isang “Alanis’ Discovery.” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at pinilit niya itong maging modelo. Nadiskubre niya ang lahat ng magagandang katangian nito at iyon ang hindi niya napaghandaan.
Masyadong loveable si Pablo. Pero gaya ng pagpilit niya rito sa pagmomodelo, mukhang kailangan rin niyang pilitin ito na mahalin siya.

3. PHR 4717 “Such As” In A Chase by Wilhelmina


Walang interes si Faye sa sushi, animé, at higit sa lahat, sa mga singkit na lalaki. Naniniwala siya na isa siyang taal na makabayang Pilipino. Pero nang makisukob si Chase sa payong niya isang gabing malakas ang buhos ng ulan, hindi niya maunawaan kung bakit tila naakit siya sa singkit na singkit na mga mata nito.
Wala siyang planong pansinin ito, o kahit ang paglapit-lapit nito sa kanya. Nananalig pa rin siya sa pagiging makabayan. But he was persistent. Kaunti na lang at bibigay na siya. After all, his chinky eyes were irresistible.
Pero nagkamali pala siya para isiping may pagtingin ito sa kanya. Dahil iba pala ang dahilan ng pakikipaglapit nito sa kanya. At iyon ang sumira sa pagkakaroon na sana ng pananalig niya sa sushi, animé, at singkit na lalaki. Humingi man ito ng tawad ay huli na. Puwera na lang kung magiging makabayan ito, sa puso, sa salita, at sa gawa. Pero gawin naman kaya nito iyon?

4. PHR 4718 Wherever With You by Chelsea


Samantha was the famous editor in chief of Showbiz 101, the most widely read magazine in the Philippines. She was tough, goal-driven, and always on the top of her game. Ang hindi alam ng marami, may pinaghuhugutan siya ng pagsusumikap niyang magtagumpay. Gusto niyang bumalik sa kanya si Rico, ang sikat na model-turned-actor who dumped her some years back. Pero nabalitaan na lang niya na ikakasal na ito sa longtime screen partner nito.
Isang pangyayari ang naging dahilan para mapadpad siya sa isang liblib na bayan sa Siargao at makilala niya si Marco, ang guwapong trabahador sa palaisdaan ng lola niya. Sa kabila ng kakulitan at pagiging sarkastiko nito, ipinakita nito sa kanya ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.
Pero habang tumatagal ay unti-unting nagiging sagabal sa relasyon nila ang magkaibang mundong ginagalawan nila. Hindi niya kayang iwan ang tagumpay na narating niya sa siyudad, samantalang wala itong balak na iwan ang tahimik na buhay sa probinsiya. Isa pang nagpagulo sa lahat—si Rico na nagbabalik sa buhay niya…

5. PHR 4719 Baby Donor by Shazreen


Minahal nang labis ni Gion si Hezekiah, lalo na nang malaman niyang nagbunga ang dalawang gabing pinagsaluhan nila sa Macau. Pero ayaw nitong pakasal sa kanya. Hindi na siya nagpumilit pa sa kondisyong hahayaan siya nitong tumira sa bahay nito at mananatili sa tabi nito hanggang sa pagkapanganak nito. Naging maayos naman ang pagsasama nila kahit madalas silang may hindi napagkakasunduan. Pero bigla itong isinugod sa ospital habang nasa isang meeting siya. At nang makausap niya ang ob-gyn nito, isang bagay ang labis na nagpabigat sa kanyang kalooban. Nasa panganib ang buhay ng dalawang tao sa buhay niya. At isa lang daw sa mga ito ang kayang mailigtas. Pinapili siya ng doktor kung sino ang ililigtas ng mga ito, ang babaeng pinakamamahal niya o ang anak nila sa sinapupunan nito.

6. PHR 4720 Cherish by Laurice del Rio


Ikakasal na dapat si Cherish pero umatras sa kasal ang boyfriend niya. Sinulsulan pala ang lalaki ng mommy nito nang maaksidente siya, na naging dahilan para hindi siya makalakad. Sa paglipas ng panahon ay bumalik ang kakayahan niyang maglakad, pero ang sugat sa puso niya ay malabo na yatang maghilom.
Nakilala niya ang guwapong beterinaryo na si Chad nang dalhin niya rito ang asong inilagak sa pinapasukan niyang animal shelter. Biktima ang aso ng pagmamalupit kaya sobrang bagsik nito. Ipapa-euthanize na dapat ito pero nagprisinta si Chad na kukunin na lang nito ang aso. Sa sobrang tuwa ay nayakap ni Cherish ang binata. At doon na siya nagsimulang makadama ng kung ano-ano rito.
Iyon ay kahit sumumpa pa siya na hindi na siya mai-in love. Ever.
Pero mahirap pigilan ang puso, lalo pa kung katakam-takam na nga ang pinag-iinteresan niyon ay mukha pang may pagtingin din sa kanya. Iyon nga lang, kung kailan sigurado na siyang mahal na niya si Chad ay saka umeksena ang ina ng lalaki. Kagaya ng mommy ng ex niya, ayaw ng ginang sa kanya. At mukhang mauulit ang masagwang kapalaran niya.

7. PHR 4721 Her True-to-life Love Story by Maricar Dizon


Hindi naisip ni Rica kahit kailan na darating ang araw na made-depress siya dahil kahit lampas-treinta na ay single pa rin siya. Ngunit iyon mismo ang nadarama niya ngayong nagsipag-asawa na ang lahat ng mga kaibigan niya. Ang single na lang din sa mga kaibigan niya ay si Harry, na wala namang problema sa pagiging single dahil hinahabol naman ito ng mga babae.
Isang gabi ay hindi na talaga niya kinaya ang depresyon kaya inihinga niya ang lahat ng takot niya kay Harry. Inalo siya nito at sinabing tutulungan siya nito. Mula noon ay palaging ito ang naging takbuhan niya. Until one night, they ended up in bed.
Kinabukasan ay nataranta siya. She slept with a very special friend. And he awakened a feeling in her heart that she thought she would never feel. Ang kaso, may girlfriend na ito.

8. PHR 4722 Multimillion Marriage Deal by Charlene Sands (translated by Yasmin Joo)


Maagang nabiyuda si Rena. Bukod sa pangungulila sa namayapang asawa ay nakadagdag pa sa isipin niya ang pabagsak na negosyo nila at ang sanggol na dinadala niya. Sa gitna ng kalungkutan niya ay nagbalik si Tony, isang milyonaryo at sikat na car race driver at best friend ng asawa niya.
At sa gulat niya ay inalok siya nito ng kasal.
Minsan na siyang iniwan at pinaluha ni Tony kaya alam niyang hindi niya ito dapat pagkatiwalaan lalo na’t kung tungkol sa puso ang pag-uusapan. Pero sa kabila ng mga agam-agam niya ay pikit-matang nagpakasal siya rito upang maisalba ang kanyang kabuhayan at may maipansuporta siya sa kanyang pagbubuntis.
Their marriage was pure business. Pero kahit anong kumbinsi niya sa sarili na galit siya kay Tony ay natatagpuan pa rin niya ang sarili na nanghihina sa mga halik nito.

9. PHR 4723 The Runaway Bride’s Keeper by Nicka Gracia


Aidan found a sleeping girl at his doorstep. Nakasuot ng wedding gown ang babae at mahimbing na natutulog sa tapat ng pinto ng condo unit niya. Walang sabi-sabi ay binuhat niya ito at ipinasok sa loob ng condo unit niya sa pag-aakalang ito ang regalo sa kanya ng isang kaibigan niya para sa kanyang kaarawan.
Lihim siyang nanghinayang nang mapagmasdan niya ang babae na iniregalo sa kanya. The girl had a sweet and innocent face that nobody could resist. Sayang nga lamang at napasok ito sa ganoong trabaho. At bago pa niya napigil ang sarili ay sinunod na niya ang udyok ng isip niya. He lowered his head and kissed his sleeping present. Ngunit bago pa niya malubos ang halik na iyon ay nagulat siya nang lumapat ang kamay nito sa pisngi niya.
Sinampal siya nito! Not just once but twice! Mukhang totoo yata ang kasabihang magbiro ka na sa lasing huwag lang sa magandang dalagang bagong gising.

10. PHR 4724 Story Of Us Trilogy 1: A Love To Cherish by Aya Myers


Sa trabaho lang ni Bainisah bilang isang kilalang newscaster nakasentro ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay lumitaw ang kanyang knight in shining armor sa katauhan ng guwapong sundalo na si Vladimir Mondragon. Iniligtas siya nito mula sa nagtangka sa buhay niya. He evoked strange but powerful emotions she had never felt before. Napakahirap bale-walain ang damdaming iyon, napakahirap itanggi sa sarili niya ang epekto sa kanya ng binata.
Mukhang pareho lang sila ng nararamdaman ni Vladimir. Daig pa nila ang apoy na nagliliyab kapag nagkakalapit sila. Naniniwala siya na ang anumang mayroon sila ay higit pa sa matinding physical attraction. Na mahal siya nito gaya ng mahal niya ito. Na panghabang-buhay na ang kung anumang mayroon sila.
Pero nagkamali siya. Hindi niya inasahan ang isang pangyayari na siyang dahilan upang manganib na mawala ito sa kanya…

11. PHR 4725 Story Of Us Trilogy 2: A Tale Of Forever by Aya Myers


Iisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon—ang maghiganti kay Ezekiel.
He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito nang mahal para sa lahat ng iniluha niya dahil sa paglalaro nito noon sa damdamin niya. She would give that heartless man a dose of his own medicine.
Ngunit nang magkita uli sila ni Ezekiel ay hindi niya napaghandaan ang naging epekto nito sa kanya. At ang puso niya na sintigas na ng bakal, gustong malusaw sa maiinit na titig nito…

12. PHR 4726 Story Of Us Trilogy 3: A Tale Of Love To Cherish Forever by Aya Myers


Isang malaking biyaya ang pagkakaroon ng isang anak ngunit paano kung ni hindi mo alam kung sino ang ama at kung paano ka nagdalang-tao?
Iyon ang malaking dilemma ni Christine. She was suffering from retrograde amnesia because of an accident. Ngayon, wala siyang magagawa kundi buhayin ang batang nasa sinapupunan niya at ipagpatuloy ang buhay kahit kulang ang kanyang alaala. Noon nagtagpo ang mga landas nila ng sikat na modelo na si Alexander Mondragon. He was larger than life. Hindi niya inakala na ang simpleng babae na katulad niya ay mapapansin ng isang celebrity na katulad nito. He even showed affection to her daughter Daphne. Ang puso niya na dati nang humahanga nang labis kay Alexander ay tuluyang umibig dito. Mukhang ganoon din ang nararamdaman nito para sa kanya.
Sa kabila niyon, hindi niya magawang magsaya. Paano kung bumalik ang nawawala niyang alaala at matuklasan niya na wala na siyang karapatang magmahal ng iba?
Back to top Go down
 
April 10, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News April 6, 2013
» George Clooney Aficionados News April 17, 2013
» George Clooney Aficionados News April 18, 2013
» Rome Premiere of OHF - April 5, 2013
» George Clooney Aficionados News April 7, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: