HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 3, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 3, 2013 Book Release   Thu Apr 11, 2013 2:48 pm

1. Bud Brother’s Unlimited Series 26: Guido by Rose Tan


Nagising na lang isang umaga si Guido na tatay na siya ng isang baby girl. Pero hindi niya alam kung sino ang nanay ng bata. Sa pagtuklas sa misteryo ng pagkatao ng anak niya, hiningi niya ang tulong ni Madam Sonia.
Ang kaso, nang makita ng matagal nang dalagang si Sonia ang anak niya, natuwa ito. Nabuhay yata ang mammary glands nito at gusto na rin nitong magkaanak, sa pamamagitan niya.
Anakan daw niya ito, sa lalong madaling-panahon.
May prinsipyo siyang lalaki, hindi siya basta-basta magbibigay ng semilya kahit pa maiksing-maiksi ang damit at ovulating in the next room si Sonia.
Hindi talaga. Promise. So help me, God.

2. PHR 4704 My Darling Brat by Belle Feliz


Phylbert had loved Jace since forever. Sa palagay niya ay wala na siyang ibang mamahalin kundi ito lamang. Anong saya niya nang matupad ang pangarap niya na maangkin ito. She had loved him with all of her heart. Ginawa niya ang lahat upang maging masaya ito sa relasyon nila.
Ngunit isang araw ay nalaman niya na hindi pala siya ang totoong iniibig nito kundi ang kanyang matalik na kaibigan. Ginawa lamang siya nitong panakip-butas. Nasaktan siya nang labis. Pagkatapos niya itong sukuan ay nagdesisyon siyang lumayo na lang at paghilumin ang mga sugat na nilikha nito sa puso niya.
Hindi naglaon ay nagawa rin nilang maging magkaibigan kahit magkalayo sila. Naghilom ang mga sugat at nagawa niyang magmahal ng iba. Akala niya ay maayos na sila, ngunit sa muli nilang pagkikita pagkatapos ng limang taong pagkakalayo ay napagtanto niyang hindi pa rin siya lubusang nakakawala sa pag-ibig niya rito.

3. PHR 4705 Second Once In A Lifetime by Sofia


Sa loob ng isang taon, walang ginawa si Ceress kundi takasan ang asawa niyang si Alekos Basañez. Ayaw niyang makita pa ito kahit kailan pagkatapos niyang malaman na hindi siya ang babaeng totoo nitong mahal at ginamit lang siya nito para saktan ang ibang babae. She wished she could just forget him and everything about their past.
Subalit dahil sa sakit ng pamangkin niya, napilitan siyang humingi ng tulong kay Alekos. Isa lang ang kondisyon nito para tulungan siya: ang bumalik siya sa piling nito at bigyan niya ito ng mga anak.

4. PHR 4706 K.R.Y Trilogy 1: Marcus (Seven Years Of Love) by Marione Ashley


Marcus Cho loved Joanne once in his life. Mas mahalaga pa ito kaysa sa pangarap niya. But she hurt him big-time. He vowed to himself he would never fall in love again. Kasabay niyon ay ipinangako niya sa sariling hindi na siya babalik pa sa Pilipinas.
But it seemed like fate had another plan for him. Kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas kasama ng dalawa niyang kabanda.
Binali niya ang pangako niyang hindi na magbabalik pa sa Pilipinas. And as if fate was taunting him, sa lugar na tinutuluyan ni Joanne sila tumuloy.
When Marcus saw her again, something inside him shifted. He longed to have her inside his arms again. He silently wished for her to be his again. Muli ay may binali na naman siyang pangako dahil sa ikalawang pagkakataon ay minahal niya si Joanne.
Subalit wala nang pagkakataon pang magkatugon ang damdamin niya rito. Because Joanne wasn’t free anymore like him. For the second time, he was hurt again. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung makakalimot pa siya…

5. PHR 4707 K.R.Y Trilogy 2: Nathan (If I Love You More) by Marione Ashley


Nang magbalak si Nathan na magbagong-anyo dahil sa babaeng napupusuan niya ay sa best friend niyang si Lyn siya nagpatulong. Pumayag naman kaagad ang dalaga sa hiling niya. Everything went smoothly according to his plan. Until he saw Lyn smile at his cousin’s friend, Vincent. Bigla-bigla ay nagbago ang tingin niya rito. Nagseselos siya kapag may kausap itong iba.
Naiinis siya kapag nakatingin ito sa iba. But they were just friends, so why was he feeling this way?
It was then that he realized that friends do fall in love. And he fell for her friend Lyn. Hard. Pero kung kailan handa na siyang magtapat dito ay saka ito naglahong parang bula.
Pagkatapos ng pitong taon ay muli silang nagkita. Hanggang sa ikalawang pagkakataon ba ay friend zone pa rin siya sa buhay ng dalaga?

6. PHR 4708 K.R.Y Trilogy 3: Jerome (It Has To Be You) by Marione Ashley


Seven years ago, Jerome thought music was all that was important to him. Hanggang sa nakilala niya si Cher. Sa kabila ng mala-Sadako nitong anyo ay nagkagusto siya rito. Sa katunayan, nagustuhan niya ang lahat-lahat dito. Subalit napakailap nito. Kaya gumawa siya ng paraan para makalapit dito. Nagtagumpay naman siya. He then thought of teaching her the ways of love.
Gusto kasi niyang mahalin din siya nito—na nangyari naman kaya ganoon na lang ang pagtalon ng puso niya sa tuwa. Pero dumating sa puntong nabulag siya ng pangarap niya. Ang naging kapalit: si Cher.
Pagkalipas ng pitong taon ay muli niya itong nakita. He realized that all this time, he still loved her. Sa kabila ng galit nito ay pinilit pa rin niyang gawin ang lahat para mahalin uli siya nito. He thought that everything was already okay between them. Hanggang sa pumasok sa eksena ang fiancé nito.
May pag-asa pa kayang madugtungan ang naunsiyaming relasyon nila?

7. PHR 4709 Heart IQ by Laurice del Rio


Kahit mukhang nerd si Drake ay mega-crush ito ni Jillian. Laking tuwa niya nang sa wakas ay makilala niya ito. Lalo pa siyang humanga rito nang madiskubre niya na isa pala itong certified genius. Sa ilang pagkakataon na nakasama niya ito ay tuluyan nang nahulog ang loob niya rito. Kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang magtapat ito sa kanya na gusto raw siya nitong maging girlfriend. Hindi na siya nagpakipot pa.
Jillian opened up a whole new world to him. Napakalaki ng ipinagbago ni Drake pagdating sa pagbibihis, pagkilos, at maging sa pambobola. Higit sa lahat, ipinaranas niya rito kung gaano kasaya ang may nagmamahal.
Natuklasan ni Jillian na parang may kulang sa araw niya kapag hindi niya kasama si Drake. Paano nga ay mahal na mahal niya ito. Pero totoo yatang ang lahat ng sobra ay masama. Sa labis na pagmamahal niya kay Drake ay hindi niya namalayan na nasasakal na niya ito. Naging daan iyon ng kanilang pansamantalang paghihiwalay.
Akala ni Jillian ay nasa kanya ang problema sa relasyon nila. Pero hindi pala—dahil nakita niyang may kahalikan itong iba…

8. PHR 4710 Checkmate by Phoebe


Napagtanto ni Lizzle na hindi pa tapos ang misyon ni Lola Aning bilang disipulo ni Kupido. Pagkatapos nitong magtagumpay sa pakikialam sa love life ng apo nito at kaibigan niyang si Claire, ang love life naman niya ang gustong pakialaman nito. Isiningit pa ni Lola Aning sa eksena ang apo nitong si Lyndon sa next project nito. Labis niyang kinaiinisan ang binata dahil napakaarogante nito. Ngunit gumawa naman ng paraan si Lola Aning para magkalapit sila.
Hindi rin nagtagal at tuluyan siyang napalapit kay Lyndon.
Inaamin ni Lizzle na unti-unti na niya itong nagugustuhan lalo at napatunayan niyang loveable naman ito. Iyon nga lang, kailangan niyang rendahan ang damdamin niya dahil may ibang babae pala itong nagugustuhan.
Hindi yata magtatagumpay ngayon ang misyon ni Lola Aning…

9. PHR 4711 Yeleen by Serafina


Wala sa plano ni Yeleen na tumanggap ng isang lalaking executive assistant. Lalong hindi niya inakalang makatatagal ito sa pamamahala niya. After all, she had the reputation of being strict, ruthless, and a slave driver. Ngunit hindi man lang naligalig si Samuel.
Sa halip, siya ang naligalig dito. Paanong hindi? Matalino, guwapo, at simpatiko ito. Pinabibilis nito ang tibok ng puso niya tuwing nasa malapit ito at tuwing nagtatama ang kanilang mga mata.
Alam niya, nanganganib ang puso niya rito…

10. PHR 4712 Set You Free by Nicka Gracia


Isang misteryosong lalaki ang nagbigay kay Laiza ng iPod noong unang beses siyang mabigo sa pag-ibig. Sa tingin niya ay may hiwagang hatid ang iPod na iyon dahil tuwing nabibigo siya sa pag-ibig ay ang musikang nagmumula roon ang nakapagpapagaan ng loob niya. Kung sana ay nakilala man lang niya ang lalaking nagbigay niyon sa kanya. Pero ni hindi man lang niya nakita ang mukha ng lalaki. Isa lang ang tanging natatandaan niya rito: his distinct scent. Pero tuwing inaalala niya ang amoy nito ay napapataas ang isang kilay niya dahil isang tao lang ang pumapasok sa isip niya—si James, ang makulit na empleyado ng daddy niya. Hmm… bakit kaya?

11. PHR 4713 Can’t Fight This Feeling by Chelsea


Nagpasya si Cass na lumipad patungong Singapore para makapag-move on pagkatapos siyang ipagpalit sa iba ng boyfriend niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si AJ doon. She liked him the moment she first saw him.
Nagawa pa nga niyang ibigay ang sarili dito kahit pa pangalan lang nito ang alam niya. Nang magkahiwalay sila ay inakala niyang hindi na niya ito makikita pa. Pero ganoon na lang ang gulat niya na ito pala ang tatayong best man sa kasal niya!
She wanted to stay away from him dahil kapag hindi niya ginawa iyon ay baka masaktan niya ang taong lubos na nagmamahal sa kanya.

12. PHR 4714 Caught Up In Rapture by Sapphire Morales


Wala sa plano ni Kristine na ma-involve sa kahit kaninong lalaki. Kaya nga kung kani-kanino na siya ipinapa-date ng mga kaibigan niya pero wala pa ring nangyayari. Kulang na lang din ay ipagtulakan siya ng mga magulang niya para makipagrelasyon. Pero nanatiling nakatuon sa career ang atensiyon niya. She enjoyed being single. Sabi nga niya, “No commitment, no complications.”
Hanggang sa makilala niya si Richmond, ang bagong prospect ng mga kaibigan niya na i-match sa kanya. Kahit anong pagtataray ang gawin niya ay hindi iyon naging hadlang para ituloy ni Richmond ang panliligaw sa kanya. Para dito, isa siyang challenge na hindi nito puwedeng palampasin.
And he succeeded.
Kristine was starting to fall for Richmond when Shantal came. At tila walang balak ang babae na tigilan ang paghadlang sa pagmamahalan nila ni Richmond.
Hindi pa man sila nagkakarelasyon, problema na agad ang hatid ng lalaki. Sabi na nga niya, “No commitment, no complications.”
Back to top Go down
 
April 3, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News April 6, 2013
» George Clooney Aficionados News April 17, 2013
» George Clooney Aficionados News April 18, 2013
» Rome Premiere of OHF - April 5, 2013
» George Clooney Aficionados News April 7, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: