HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 27, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 27, 2013 Book Release   Thu Apr 11, 2013 1:05 pm

1. PHR 4691 Los Matadores Bullriding Club 7: Brylle Ganza by Camilla


Nang muling dumating sa buhay ni Tata si Brylle—ang lalaking bumigo nang husto sa puso niya noon—ay hindi lang ang nakaraan nila ang magbubuklod sa kanila kundi ang dalawang paslit na magkamukhang-magkamukha: si Jaja, ang pamangkin ni Tata, at si Niknik, ang adopted na anak ng ngayon ay biyudo nang si Brylle.
Hulog ng langit at sugo ng impiyerno kung ituring ni Tata ang dating nobyo. Hulog ng langit, dahil posibleng magkakambal ang dalawang bata at kailangan ni Jaja ng bone marrow donor dahil sa sakit nitong leukemia. Sugo ng impiyerno dahil sa muling pagkikita nila ni Brylle, muli na naman nitong ginulo ang kahit paano ay gumagaling nang puso niya…

2. PHR 4692 Los Matadores Bullriding Club 8: Vinzent Del Mundo by Camilla


Hindi pa man matatawag na soltera, pakiramdam ni Monina ay napag-iiwanan na siya ng panahon. Nang mag-asawa ang love of her life na si Logan, parang bigla ay nais niyang magkaroon na rin ng karanasan.
At pumasok sa eksena si Vinzent del Mundo, ang gorgeous and sexy matador na ten years ago pa ay alam na niya kung ano ang reputasyon pagdating sa mga babae. Their affair was a passionate one. At dumating sila sa punto na nagkakahulugan na ang loob nila—hanggang sa mag-alok pa ito ng kasal sa kanya.
Ngunit hindi pa rin yata ito nagbabago gaya ng sinasabi nito sa kanya. Sapagkat sumulpot sa eksena ang diumano ay mag-ina nito…

3. PHR 4693 Los Matadores Bullriding Club 9: Frank Enzi Mercurio by Camilla


Biglang nagkaroon ng pangitain si Dia isang araw na nasa kalsada siya. Malapit na niyang makasama ang soul mate niya!
Pero nagulantang siya sa malakas na pagbusina at pagpreno ng rumaragasang sasakyan—at tila babangga sa kanya. Nadismaya siya dahil sa halip na si Clyde—ang kanyang childhood sweetheart na nangakong pakakasalan siya kapag nagbeinte-singko anyos siya—ay ang imahen ng masungit na driver ang nakita niya sa balintataw niya. Si Frank Enzi Mercurio.
Hindi sukat-akalain ni Dia na magkukrus uli ang mga landas nila ni Frank nang i-hire siya nito bilang manghuhula sa Halloween event sa Los Matadores Bullriding Club. At doon ay ninakawan pa siya ng halik ng walanghiya.
Pero nang bumait ito sa kanya, sinamantala na niya ang alok nito na tulungan siya. Hiniling niyang dalhin siya nito sa Amerika para hanapin ang kanyang kababata.
Ngunit bakit ganoon? Habang palapit ang katuparan ng napakatagal na niyang pangarap, binabalot naman ng lungkot ang puso niya sa kaalamang mawawala si Frank sa buhay niya…

4. PHR 4695 Here, There, Anywhere For You by Lexi Levina


Buong buhay ni Lorin ay minahal na niya si Jacob Galeria. Nang maaksidente ito at pansamantalang hindi magawang makapaglakad, nagkaroon siya ng pagkakataong maipakita at maiparamdam dito ang nararamdaman niya. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya maramdaman lang nito ang pagmamahal niya. Hanggang sa dumating sa puntong ipinagtapat na niya rito ang nilalaman ng puso niya.
Pero bakit ganoon? Tila kinulang siya ng pagpapakita rito kung gaano niya ito kamahal. Pagkatapos ng lahat ay sasabihan lang siya nito na may iba pang mas karapat-dapat sa pagmamahal niyang iyon. Hindi ba makita ni Jacob na ito lamang ang “mas karapat-dapat” para sa kanya?

5. PHR 4696 Words That Are Hard To Say by Xandria


Todo ngawa ang pinsan ni Mabelle dahil binasted daw ito ni Kang Jae Won—sikat na Filipino-Korean basketball player. Isa kasi ang pinsan niyang si Charity sa mga milyon-milyong babaeng patay na patay kay Jae.
The next thing Mabelle knew, she was already courting Jae for two main reasons: one, gusto niyang patunayan kay Charity na walang-kuwentang lalaki si Jae para iyakan nito; and two, para asarin ang mayabang na lalaki na mukhang allergic yata sa mga babaeng nagkakandarapa rito.
Nagkunwari siyang nililigawan niya si Jae para turuan ito ng leksiyon.
Pero sa halip na kasiraan ay magagandang katangian ang nakita niya kay Jae. Biglang nasira ang mga plano ni Mabelle dahil sa halip na bastedin siya ni Jae ay bigla siyang minahal nito. And she loved him, too.
But then, those were the words that were really hard to say.

6. PHR 4697 Isla Sanctuario (Love Heals) by Dawn Igloria


Bata pa lang sila ay secret love na ni Lucie si Jaime. She was always there for him. Ngunit ang babaeng kapitbahay nila ang minahal nito at pinakasalan.
Tiniis niya ang kabiguan ng kanyang first love. Eighteen years later ay nabiyudo si Jaime. Namatay sa isang shipwreck ang asawa nito. Pero committed na siya kay Emil.
Ngayon, si Jaime naman ang naghahabol sa pansin niya. Kailangan daw siya nito.
Ano, bale? Nasa kanya na ang Mr. Perfect na si Emil, kaya bakit pa siya susugal kay Jaime? Gagawin lang siyang panakip-butas nito sa namatay nitong asawa.
Kaya lang ay nag-iisa lang siya laban sa dalawang makulit na puwersa: Ang habol nang habol na si Jaime at ang puso niya.
Kaya ginawa niya ang pinaka-effective na paraan. Tumakas siya.

7. PHR 4698 SCU: Campus Girl: Angela, The Dark Angel by Heart Yngrid


Angela’s name suited her face but not her character. She was known in campus as a bully who loved to pick on nerds and play at their expense.
Hanggang sa makilala niya si Anthony—isang guwapo ngunit nerd na transferee. Nakatuwaan niya itong gawing “laruan.” Ginawa niya itong “boyfriend” sa ayaw at sa gusto nito. At dahil nerd at lampa ito, wala itong nagawa kundi sundin ang lahat ng gusto niya. Malalagot kasi ito sa mga “alipores” niya na protective sa kanya.
Hindi niya inakala na mag-e-enjoy siya nang husto sa “love life” niya. Until she realized she was already falling for him. Nagbago siya nang dahil dito. Everything was perfect between them until she learned something about him that crushed her heart to pieces…

8. PHR 4699 Blessed by A.M. Mananzala


Para kay Violet ay perpekto ang relasyon nila ni Reed. Si Reed ang naisip niyang nakatakdang makasama niya habang-buhay. Mula pa kasi noong bata siya hanggang sa magdalaga siya ay ito na ang nakasama niya, ang taong nagturo sa kanya na tumawa sa kabila ng mga masakit na pangyayari sa buhay niya. Ngunit nagkamali siya ng akala. Sa unang pagkakataon na nagkalayo sila, sinubok ng tadhana ang katatagan ng pagsasama nila.
Nang makilala niya si Jay ay naintindihan niya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal: Wala iyong hinahanap na basehan at labas doon ang usapin ng responsibilidad at utang-na-loob.
Namalayan na lang niyang umiibig siya rito. Sinikap niyang maging tapat kay Reed pero mahirap para sa kanya na iwasan si Jay. Nang matuklasan ni Reed ang relasyon nila ni Jay ay hinayaan siya nitong pumili: ito o si Jay. Si Reed ang pinili niya.
Ngunit nang malayo na siya kay Jay ay natanto niyang hindi niya makakayang ipagkait sa sarili ang kaligayahan sa piling ng tunay niyang minamahal.

9. PHR 4700 Cluelessly In Love With You by Akira Ellie


Hindi kasundo ni Aiko si Calvin, ang psychiatrist-slash-friend ng best friend niyang si Perry. May pakiramdam kasi siya na hindi siya gusto nito, at kaysa naman magmukha siyang kawawa, inaasar na lang niya ito. But things changed when Calvin asked for her help. Kailangan na raw nitong ipagtapat kay Perry ang kinikimkim nitong damdamin. Pumayag naman siyang tulungan ito, may katumbas nga lang na halaga.
Sa ilang araw na hindi sila nagbabangayan, nakaramdam si Aiko ng kapayapaan ng loob na ito lang ang nakapagbigay sa kanya. At kung kailan naman bumalik si Kiko—ang lalaking pinaniniwalaan niyang mahal niya—sa kanyang buhay, saka naman niya napagtanto na nag-iba na pala ang tibok ng puso niya. Calvin na ang isinisigaw niyon.
Pero imposibleng maging kanya si Calvin, iba rin kasi ang isinisigaw ng puso nito.

10. PHR 4701 Falling For Mr. Grouch by Maria Rome


Hindi naging maganda ang impresyong nabuo sa isip ni Mattie tungkol kay Erick. Sa unang engkuwentro niya rito, muntik na siyang mabangga ng kotse ni Erick. Sa halip na humingi ito ng pasensiya ay siya pa ang sinungitan nito. Sa pangalawang pagkikita nila ay sinabihan naman siya nitong pakialamera. Mula nang araw na iyon ay lihim na niya itong tinatawag na Mr. Sungit.
Pero tila bumaligtad ang mundo ni Mattie nang biglang naging mabait sa kanya si Erick. Hindi lang iyon, binigyan pa siya nito ng trabaho. Pero lahat pala ng iyon ay may kapalit. Kailangan niyang magpanggap na girlfriend nito para pagselosin ang pamangkin nitong si Jacob na may gusto naman sa kanya. Iyon lang daw ang tanging paraan na naiisip ni Erick upang mapilitang lumapit dito at bumalik sa kompanya si Jacob. Noong una ay tumanggi siya pero dahil sa kakaibang convincing power ni Erick, sa huli ay napapayag din siya nito.
Ang problema, habang tumatagal ay napapalapit na ang loob niya rito. Iyon ay sa kabila ng babala nito na bawal ang ma-in love dahil pasakit lang daw ang aabutin niya. Pero kahit ilang libong pasakit pa iyon, hinding-hindi magpapapigil ang puso niyang hulog na hulog na rito.

11. PHR 4702 Kaylus’ Only Sky by Tyra


Skyla had always been in love with her stepbrother, Kaylus. At the age of four, natuto na ang kanyang batang puso na mahalin ito—kahit alam niyang hindi tama ang nararamdaman niya para dito.
Pero kahit ano ang gawin niya ay hindi niya magawang kalimutan ang espesyal na nararamdaman niya para dito.
Hanggang maganap ang isang insidente na nagpabago sa buhay nilang lahat. Pinalayas ito ng kanyang ama sa kanilang rancho. Lumipas ang mga taon pero hindi pa rin niya ito makalimutan. And then she met Matteo. Dahil sa kabaitan nito at sa pagmamahal na walang sawang ibinibigay nito sa kanya ay sinubukan niyang makipagsapalaran dito. Naisip niya na baka matulungan siya nito na kalimutan si Kaylus.
Pero nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon ay saka naman biglang nagpakita uli si Kaylus. The moment she saw him again, alam niyang mahal pa rin niya ito. Pero wala nang silbi iyon dahil nandiyan na si Matteo at hindi niya maaatim na saktan ito.

12. PHR 4703 Confirmed With A Kiss by Serafina


Ang akala ni Tilde ay sa pangarap lang niya makakasama si Blas Ritter: ang bokalista ng sikat na banda na Ironwood. Ngunit hindi niya inakala na ang pagtatagpo nila sa isang kamalasan sa buhay niya ay magsisilbing simula ng magandang pagtitinginan nila. Mula nang tulungan siya nito nang madukot ang kuwintas niya ay lagi na itong nakikipag-communicate sa kanya. At upang makapagbayad siya sa tulong na ibinigay nito sa kanya ay pinagsisilbihan niya ito nang isang beses sa isang linggo.
Pawang kasiyahan ang dulot ng mga araw na kasama niya si Blas. Hanggang ang simpleng paghanga niya rito bilang fan ay unti-unting lumalim. Umabot pa ang magandang pagsasamahan nila sa panliligaw nito sa kanya.
Ngunit ang sayang naramdaman niya ay naglahong parang bula nang malaman niya ang tunay na dahilan kung bakit siya pinaibig nito. Pinagmukha siya nitong tanga. Kung bakit kasi hindi niya naisip na malayong magkagusto si Blas sa kanya. Kung bakit kasi hindi man lang niya inalam kung may nobya na ito.
Back to top Go down
 
March 27, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News March 29, 2013
» Kuch Toh Log Kahenge VU 28th March 2013
» George Clooney Aficionados News March 24, 2013
» George Clooney Aficionados News March 27, 2013
» Iss Pyaar Ko Kya Naam Doon EK Baar Phir - Written Update - 24th September 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: