HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 20, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 20, 2013 Book Release   Thu Apr 11, 2013 12:39 pm

1. PHR 4679 Los Matadores Bullriding Club 1: Airmond Carpio by Camilla


Dahil sa pamomroblema ni Barbette sa lasenggo niyang ama at sa kagustuhang hanapin ang kapalaran sa Maynila, nagkahiwalay sila ni Airmond—hanggang sa tuluyan na niyang i-give up ang damdamin niya para sa binata. Nang bumalik si Barbette sa hometown niya pagkaraan ng limang taon, nagulat siya sa laki ng ipinagbago niyon—kagaya ni Airmond na tila hindi na niya maabot ngayon.
Hindi niya maintindihan ang pagtrato nito sa kanya. Isang sandali ay mainit ang pakikitungo nito sa kanya, sa susunod ay tila malamig pa ito sa yelo. Nasaksihan ni Barbette kung paano habulin si Airmond ng mga babaeng nakahihigit nang sobra sa kanya. Nang tuluyan itong magpakita ng interes na makipagbalikan sa kanya, sino siya para magpakipot pa? Pero muli silang nagkalayo. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya alam kung may babalikan pa siya. Dahil ang unang balitang sumalubong sa kanya pagbalik niya ay abala raw si Airmond sa pag-aasikaso ng kasal nito…

2. PHR 4680 Los Matadores Bullriding Club 2: Jacob Briton by Camilla


Pagkalipas ng apat na buwan mula nang basta na lang ikansela ng nobyo ni Nola ang kasal nila, nagpakita ito sa kanya—at tila ibang-iba na ito. Nagtataka siya sa ikinikilos nito pero nagpatianod na lang siya. Niyaya uli siya nitong magpakasal at saka dinala sa isang bakasyon sa club na kinabibilangan nito—ang Los Matadores Bullriding Club sa Masbate.
Now Nola couldn’t help falling in love with Jason the second time around. Ngunit si Jason nga ba ito? Bakit “Jacob” ang tawag dito ng mga kasamahan nito sa Los Matadores?
She was to find out as soon as her heart started breaking for the second time around.

3. PHR 4681 Los Matadores Bullriding Club 3: Travis Lerma by Camilla


Nawala na lang si Travis, ang nobyo ni Smiley, pagkatapos nitong mag-propose ng kasal sa kanya. Inakala ng lahat na patay na ito, nasawi sa karagatan, hanggang isang gabi ay matuklasan ni Smiley na buhay pala ito—at wala pa ring ipinagbago ang epekto nito sa kanya. Aminado siyang sa kabila ng mga taong lumipas, nanatili sa puso niya ang binata.
Hindi inakala ni Smiley na malalagay sa peligro ang buhay niya dahil kay Travis, dahilan upang panatilihin na lang niyang lihim ang tungkol sa existence ng batang naging bunga ng pagmamahalan nila noon.
Sa gitna ng matinding panganib dahil sa isang babaeng obsessed dito, mas pipiliin ba niya ang sigaw ng kanyang damdamin kaysa sa kaligtasan niya at ng anak nila ni Travis?

4. PHR 4682 Los Matadores Bullriding Club 4: Gulliver Pasaje by Camilla


Nagkakilala sina Sukey at Gulliver sa panahong pareho silang galing sa heartbreak. Ang unang masamang engkuwentro sa pagitan nila ay dagling nahalinhan ng mabilis na pagkakahulog ng loob sa isa’t isa.
Ngunit tila hindi pa napapanahon para sa realisasyon ng kanilang pagmamahalan. Dahil nalaman ni Sukey na pinsang-buo ni Gulliver ang lalaking nanloko sa kanya… at tila hindi ito handang palayain siya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin, lalo at kasabay niyon ang bigla na lang pagkaputol ng komunikasyon nila ni Gulliver…

5. PHR 4683 A Step Closer To My Heart by Jelaine Albert


Joseph Arevalo felt he had no reason to live. Iyon ang nagtulak sa kanya para manirahan sa Chicago at sumabak sa mapanganib na mundo ng Ultimate Fighting Championship. It was like fulfilling a death wish. Gusto rin niyang takasan ang mapait niyang nakaraan at tuluyang kalimutan ang Pilipinas. Sa mahabang panahon na pagiging UFC fighter ay lagi siyang nakakaligtas sa kamatayan. Hanggang sa may humikayat sa kanya na bumalik sa Pilipinas.
Kasabay ng pagbabalik ni Joseph sa bansa ay ang pagharap niya sa mga tao na naging bahagi ng kanyang nakaraan na pilit niyang tinakasan. Isa sa mga ito si Bianca, ang babaeng minsang nagtapat sa kanya ng pag-ibig. He learned she was still the same girl who always seemed to see his soul. Ang pag-ibig na noon ay nagawa niyang pigilan ay unti-unting nangibabaw. Hanggang natagpuan na lamang niya ang sarili na umiibig dito.
Dahil kay Bianca ay nagkaroon siya ng hangarin na mabuhay— kaya nagpasya siya na tapusin na ang pagiging UFC fighter niya. Pero wala palang kasiguruhan ang kaligtasan niya sa kanyang huling laban…

6. PHR 4684 Blame It On The Prada Shoes by Mellicent Martinez


Fara Ledesma loved Prada shoes. She had twenty-eight pairs of them. Ang mga iyon ang nagsisilbing antidepressant, vitamins, and consolation niya kapag may hindi magandang nangyayari sa kanya. At reward naman kapag may maganda siyang nagawa. Para sa kanya, hindi niya kailangan ng Prince Charming para matawag na isang prinsesa. With an expensive pair of Prada shoes on her feet, she felt like a real princess. Isang araw ay may nakita siyang bagong labas na disenyo ng Prada shoes sa isang online store. Desperada siyang mabili iyon kahit maubos pa ang pera niya. Ngunit subalit datapwa, out of stock na iyon. At ang masaklap pa, ang nakabili niyon ay si Lora, ang kakambal niya slash numero unong kontrabida sa buhay niya. Lora offered to give her the shoes but on one condition: kailangan niyang mai-date si Brendon Zenith, the man with a piercing pair of grayish eyes and sensual red lips.
Magawa kaya niya ang hamon ni Lora, lalo pa’t isang multimillionaire businessman pala si Brendon? Paano niya mapapapayag si Brendon na makipag-date sa kanya nang hindi nahihimatay sa harap nito dahil sa pamatay na klase ng mga titig nito? Kaya ba niyang lunukin ang pride niya sa ngalan ng pinakaaasam niyang Prada shoes?

7. PHR 4685 Bets On Love by Holly Laine


Dahil sa kagustuhang matupad ang matagal nang pangarap ay napilitan si Scarlett na humingi ng tulong sa pinakaiinisan niyang nilalang—si Apollo, ang best friend ng kakambal niya. Para matulungan siya nito ay kinailangan niyang makasama ito sa bahay sa loob ng tatlong araw.
Expected na niya ang araw-araw na bangayan, pero hindi iyon ang nangyari. Nag-aaway man sila, ikinagulat naman ni Scarlett ang pagpapakita ni Apollo ng concern at pag-aalaga sa kanya.
Maniniwala na sana siyang totoo ang mga ikinikilos nito nang malaman niyang pinagti-trip-an lang siya nito. Hanggang sa humantong ang pagbabangayan nila sa isang pustahan. Huli na nang matanto niya na hindi siya dapat nakipagpustahan dito, dahil natalo siya. Ang parusa: magiging slave-girlfriend siya nito sa loob ng dalawang buwan.
Tinanggap niya ang pagkatalo. Ginampanan niya ang maging dapat niyang papel sa buhay nito—hanggang tuluyang mahulog ang loob niya rito. Ang problema na lang ay ang kumbinsihin niya ang sariling huwag seryosuhin ang relasyon nilang bunga lang ng isang pustahan.

8. PHR 4686 Malimot Man Kita by Antoinette


May nahihimigan si Elena na kaduda-duda sa kanyang pagkatao. Lagi siyang dinadalaw ng mga kakatwang panaginip kung saan isang magandang babae ang tumakas pagkatapos nitong matuklasan ang kataksilan ng asawa nito. Sa kasamaang-palad, nasalubong ng babae ang isang malakas na bagyo at tinangay ng lumalaking tubig ng ilog…
Isang araw, biglang sumulpot sa lugar nina Elena ang isang guwapong lalaking may kaakit-akit na biloy sa magkabilang pisngi—si Adam—at tinawag siya nitong “Annielyn!”
Matiyaga ito sa pagsunod-sunod sa kanya, at kung sa ibang pagkakataon ay mas pipiliin niya ito kaysa sa masugid na manliligaw niyang si Dante. Kung hindi lang isa ito sa mga taong nagpupursiging palayasin sila sa loteng kinatitirikan ng bahay nila…

9. PHR 4687 Blind-date Baby by Fiona Harper (translated by Salve Canale)


Walang kaalam-alam si Grace na i-s-in-ign up siya ng anak niya sa blinddatebrides.com, isang online dating site. Sa edad niya, ang pagpasok sa isang bagong relasyon ang pinakahuli sa listahan niya. At ang masaklap pa, kailangan niyang siputin ang date invitation mula sa dating site.
Sa date na iyon nakilala ni Grace si Noah. Hindi niya inakalang mag-e-enjoy siya sa date na iyon. Mabait ito, bagaman tila reserved ito. Marami silang bagay na pinagkakasunduan. Ang sumunod na namalayan niya, niyayaya na siya ni Noah na magpakasal. Tinanggap niya iyon hindi lang dahil gusto niya ng kasama sa buhay kundi dahil mahal na niya si Noah.
Pero ang pinakamalaking sorpresa sa kanilang pagsasama ay nang matuklasan ni Grace na buntis siya—sa edad niyang iyon! Pero isa pa ring magandang sorpresa iyon… Kung sana ay mas maging open si Noah sa damdamin nito sa kanya.

10. PHR 4688 The Idol Meets The Geek by Princess Faye


Dianne didn’t believe in romantic relationships. Mas gusto pa niyang iburo ang sarili sa trabaho niya at sa panonood ng animés. Trabaho lang ang dahilan kung bakit nilapitan niya si Max. Hindi lang niya maintindihan kung bakit kapag ngumingiti ito, nakakalimutan niya ang unang pakay niya.
Max didn’t believe in love, either. Para saan pa? He was an idol. Sanay siya na lahat ng babae ay nagkakandarapa sa kanyang paanan. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit baliktad ang sitwasyon nila ng geek na si Dianne. Siya pa ang humahabol dito at siya pa ang hindi nito pinapansin.
Kaninong puso kaya ang unang bibigay?

11. PHR 4689 Los Matadores Bullriding Club 5: Jasper Pardini by Camilla


Isang gabi ay nagkaroon ng pagkakataon si Christmas na bigyang-katuparan ang kahibangang kay tagal niyang kinimkim para sa boss niyang si Jasper Pardini. Palihim siyang nagtungo sa penthouse suite nito—at nang gabing iyon ay ipinagkaloob niya ang sarili niya rito. Pagkatapos niyon ay tinakasan niya ito, walang planong magpakita pang muli rito.
Ngunit itinakda marahil ng tadhana ang pagkikita nilang muli. Sa mga lihim ni Christmas na nabisto ni Jasper, ano ang panghahawakan niya na totoo ang tila pagkakagustong ipinakikita nito sa kanya ngayon? Sa pagkakaalam niya ay may nobya ito na di-hamak na nakahihigit sa kanya ang mga katangian.
Nang may magpamukha niyon sa kanya, isa lang ang kaya niyang gawin bilang reaksiyon: ang tumakbo na naman palayo kay Jasper…

12. PHR 4690 Los Matadores Bullriding Club 6: Logan Gumatay by Camilla


Sa unang pagtatagpo ay hindi agad maganda ang namagitan kina Vivienne at Logan—nagkasagutan sila dahil sa isang insidente.
Pero tila nakatakdang laging magkrus ang mga landas nila, hanggang sa lumaon ay nahulog ang loob ni Vivienne sa binata. Tila ganoon din si Logan sa kanya kung pagbabasehan ang halos araw-araw na pagdalaw nito sa kanya, may bitbit na kung ano-ano hindi lang para sa kanya kundi para sa mga kasama rin niya sa bahay.
Ngunit natuklasan ni Vivienne na anak si Logan ng lalaking napahamak dahil sa maling pag-aakusa niya maraming taon na ang nakalilipas.
Ano na ang mangyayari sa pag-iibigan nila kapag nalaman iyon ni Logan?
Back to top Go down
 
March 20, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News March 29, 2013
» Kuch Toh Log Kahenge VU 28th March 2013
» George Clooney Aficionados News March 24, 2013
» George Clooney Aficionados News March 27, 2013
» Iss Pyaar Ko Kya Naam Doon EK Baar Phir - Written Update - 24th September 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: