HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 13, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 13, 2013 Book Release   Fri Mar 15, 2013 11:03 am

1. PHR 4665 Mga Pilat Ng Kahapon by Doreen Gabriel


Asar na asar si Deborah kay Marcus dahil wala itong ginawa kundi asarin siya tuwing nakikita siya nito. Sa kabila niyon ay nahulog ang loob niya rito dahil sa pagiging masayahin at makulit nito. Hanggang sa isang insidente ang bumago sa pag-uugali nito—ang dating nangingislap na mga mata nito ay naging matalim at ang palangiting mga labi ay mariin nang magkalapat. Nilamon ng galit sa ama ang puso nito at wala na itong ibang naiisip kundi ang paghihiganti. Masakit malamang ang tanging lalaking minahal niya ay nakikita lamang siya bilang instrumento magtagumpay lang itong sirain ang ama nito.

2. PHR 4666 A Love That Will Last by Olivette


Ilang taon ang lumipas nang muling dumating sa buhay ni Sindy si Tanner. He was the man who saved her and gave her strength to fight her most formidable fears. Binigyan din siya nito ng lakas para hindi siya bumitiw sa larangang kinabibilangan at minahal niya—ang musika.
Ngayong kasama uli niya ito, aminado siyang nahuhulog na ang loob niya rito. Ganoon na lang ang kasiyahan niya nang sabihin nitong matagal na siyang minamahal nito.
Ngunit kailangan niyang umalis upang harapin ang nakaraang pilit niyang tinatakasan…

3. PHR 4667 Loving Leigh by Kaye Ysabelle



Na-love at first sight si Georgina kay Doc Leigh, isang resident doctor sa ospital kung saan siya nagte-train sa orthopedic department. Pero sadyang aloof ito kaya ginawa niya ang lahat upang mapansin siya nito. Nagbunga naman ang mga pagsusumikap niya. Iyon nga lang, kinailangang umalis ni Doc Leigh para magpunta sa ibang bansa. Sinabi niya ritong handa siyang maghintay para dito.
Tinupad niya ang pangako niya. Lumipas ang tatlong taon, bumalik si Doc Leigh. Pero hindi ito nag-iisa. May kasama na itong isang magandang dalaga na balita ay… nobya raw nito.

4. PHR 4668 Enemies With Benefits: Our Heart’s Arrangement by Haze Prado


Jaycell was a self-confessed fan of romance, serendipity, love affair, commitment, et cetera. Hindi maipagkakaila iyon sa negosyong pinasok niya, ang Heart’s Arrangement na isang matchmaking agency.
It was ironic that she ran that kind of business gayong wala siyang love life. But that didn’t mean she was that desperate to have one. Kaya nag-enjoy na lang siya sa buhay-single niya, hanggang sa nakilala niya si Godfrey, ang anak ng isa sa mga kliyente niya. Sinabi nitong isang kalokohan lang ang ginagawa niya. Nagbanta si Godfrey na gagawin nito ang lahat upang hindi matuloy ang muling pagkabigo ng ina nito sa pag-ibig. Naniniwala raw itong walang naidudulot na maganda ang pag-ibig. At dahil wala pa ni isang taong nagsasabi niyon tungkol sa negosyo niya ay papatunayan niya ritong nagkakamali ito, na hindi nonsense ang negosyo niya, at hindi nonsense ang ma-in love. Gagawin ni Jaycell ang lahat upang pigilin si Godfrey sa binabalak nito.
Ngunit tila tama nga ito, walang idudulot na maganda ang pag-ibig dahil natagpuan niya ang sariling umiibig dito, at nasasaktan siya dahil sa paniniwala nitong hindi nito kayang umibig.

5. PHR 4669 Forever Mine by Grace Ayana


Mga bata pa lang sila ay itinatangi na ng puso ni Bernadette si Art. Si Art naman ay sumumpa na pakakasalan siya nito paglaki nila.
Ngunit, palibhasa mayaman, ipinagkasundong ipakasal si Art ng mga magulang nito sa isang kauri nito, si Dominique. Ang pinakamasakit sa lahat, mahal ni Art ang babae. Noon niya napagtanto na hanggang sa pangarap na lang niya ito maaaring ibigin.
Ngunit may ibang balak ang tadhana para sa kanila. Ipinagpalit ni Dominique si Art sa ambisyon nitong maging isang modelo at iniwan ang binata. At isang araw, may nangyari sa kanila ni Art na naging daan upang pakasalan siya nito.
Sa wakas ay nagkaroon na rin ng katuparan ang pangarap niya. Ngunit nagkamali siya. Kasal lang pala ang nakuha niya rito dahil ang puso nito ay pag-aari pa rin pala ni Dominique…

6. PHR 4670 Mas Bagay Tayo by Lush Ericson


“Comedienne of the Year” si Trixia sa school nila kaya nang magtapat siya ng pag-ibig sa long-time crush na si Todd ay pinagtawanan lang siya nito at inakalang nagbibiro lamang siya. Nasaktan siya ngunit nagpasya ring mag-move on.
Sumali si Trixia sa isang dating Web site. Nakakilala siya roon ng mga lalaki na nagbigay ng atensiyon sa kanya sa kabila ng pagiging mataba niya. Pumayag siyang makipag-date sa ilan sa mga iyon. Ngunit ang labis niyang ipinagtataka ay ang presensiya ni Todd tuwing may date siya.
Hanggang isang araw ay si Todd ang nagyaya sa kanya ng date. Wala siyang ideya kung ano ang dahilan nito sa pagyayaya sa kanya ngunit hindi niya maiwasang umasa ang puso niya. Sa ikalawang pagkakataon ay nagtapat siya ng pag-ibig dito. Hindi nga siya pinagtawanan nito, ngunit umiwas naman ito sa kanya…

7. PHR 4671 Tempted by Sheena Rose


Carmi already considered Lex as the big brother she never had. Sobrang close siya rito. Ngunit nang makipaghiwalay rito ang ate niya at mag-asawa ng iba ay lumayo na rin si Lex sa buong pamilya niya.
Ngunit hindi siya makapapayag na pati siya ay layuan nito. Ipinagsiksikan pa rin niya ang kanyang sarili rito kahit hiwalay na ito at ang kapatid niya. Gusto pa rin niya itong maging bahagi ng buhay niya bilang kaibigan at older brother. At dahil maparaan siya, nakuha niya ang gusto niya. No sweat.
Hanggang isang araw ay may nangyari na naging daan para ma-realize niya ang isang bagay: All along ay dinadaya lang pala niya ang sarili sa pagsasabing nakatatandang kapatid lang ang turing niya rito. In love siya kay Lex. Pero si Lex ay mukhang hindi pa totally nakaka-get over sa ate niya.
What to do now, Carmi?
Mukhang this time, dibdibang pamamaraan ang kailangan niyang gawin para maging permanenteng bahagi na ng buhay niya si Lex…

8. PHR 4672 The Guy From Apartment 4E by Kensi


Moving in to a new apartment was Cece’s first taste of independence. Sa edad na beinte-sais ay hindi pa niya nasusubukang malayo sa kanyang pamilya nang higit sa beinte-kuwatro oras. Wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang kanyang trabaho. Her parents thought it was the reason why she was still single. Sa katunayan, isa siyang certified NBSB, as in “no boyfriend since birth.”
Pero hindi naman problema iyon para sa kanya. Naniniwala siya na sooner or later, darating ang araw na mai-in love siya. But what she didn’t know was that it would come sooner rather than later. And it happened without her even realizing it.
Nang masilayan niya ang magagandang mata ng bagong kapitbahay niya ay wala siyang kaalam-alam na iyon na pala ang magiging simula ng pagbabago ng kanyang social status. That was probably because she was busy getting mesmerized by the most captivating eyes she had ever seen, the eyes that belonged to a certain Jasper Montecillo…

9. PHR 4673 Miss Pogi by Jamie Black


Madalas na mapagkamalang lalaki si Timmy dahil sa bihis at kilos niya. Wala naman sa kanya iyon. Hindi nakakaapekto sa kanya anuman ang sabihin ng tao sa kanya. Ang mahalaga ay kumportable at masaya siya sa kung ano siya.
Ngunit nakilala niya si Evan at tila nagsitubuan ang mga hibla ng pagkababae sa pagkatao niya. Bigla-bigla ay nais na niyang magsuot ng bestida at rumampa nang naka-stilettos. Nais na niyang maging babae—para mapansin siya nito.
Pero magtagumpay kaya siyang mapansin at makuha ang puso nito kung ang tingin nito sa kanya ay kalahi nina Aiza Seguerra at Ellen DeGeneres?

10. PHR 4674 So It’s You by Julianna Ran


Ruri was desperate to find love. Malapit na siyang mag-thirty years old ngunit hindi pa rin niya nakikita si Mr. Right. Pakiramdam niya ay napag-iiwanan na siya ng mga tao sa paligid niya. Nakailang dates na rin siya pero wala pang pumapasa sa panlasa niya. Gusto niyang patunayan sa mga kapatid niya na hindi siya magiging old maid tulad ng sinasabi ng mga ito. Ngunit wala naman siyang maipakitang matinong lalaki na magja-justify ng sinasabi niya.
Hanggang sa mapagtuunan niya ng pansin ang best friend niyang si Atticus. Single pa rin ito dahil panay tungkol sa computers ang inaatupag nito. Niyaya niya itong makipag-date sa kanya. Sa halip na pumayag ang herodes ay tinawanan lang siya nito. Nag-init tuloy ang ulo niya at sumama ang loob niya rito.
Hanggang sa mukhang dininig na ni Lord ang panalangin niya. Dahil bigla na lang niyang nakilala ang sa tingin niya ay ang hinahanap niyang Mr. Right—isang super hunk at generous na manliligaw. Pero kung sa akala ni Ruri ay magiging masaya na ang love life niya, nagkakamali siya. Biglang umeksena si Atticus! Ninakawan pa siya nito ng halik at ginulo ang mundo niya.
Paano na ang gagawin niya? Si Jed ang pinapangarap niya ngunit iba ang kilig sa nararamdaman niya kapag si Atticus ang kasama niya?

11. PHR 4675 The Tycoon’s Temporary Baby by Emily McKay (translated by Juno)


Nang mamatay ang pinsan ni Wendy ay sa kanya iniwan ang anak nitong si Mitsi. Kinailangan niyang mag-resign sa pinakamamahal niyang trabaho bilang executive assistant ni Jonathon Solano, isa sa tatlong may-ari ng FMJ, dahil kailangan niyang harapin ang pakikipaglaban sa ibang kamag-anak niya para sa kustodiya ng sanggol. Wala raw kasi siyang kakayahang maging pangalawang ina ng sanggol dahil wala siyang asawa.
Hindi pumayag si Jonathon na mag-resign siya dahil para dito, walang makakapalit sa kanya bilang isang magaling na executive assistant. Sa halip, ini-offer nito na magpakasal sila at magpanggap na mag-asawa kung iyon ang makakatulong para makuha niya ang kustodiya ng sanggol. Dahil doon ay tuluyang nahulog ang loob niya kay Jonathon. At may hinala siya na may pagtingin din ito sa kanya.
Pero kailangan niyang hiwalayan ito kahit mabigat sa kanyang kalooban para hindi ituloy ng tiyuhin niya ang pagpapabagsak sa FMJ.

12. PHR 4676 Through The Years by Maricar Dizon


Cameron used to be a troublesome student back in high school. Kaya nang bumalik siya sa kanyang alma mater bilang isang English teacher ay labis na nagulat ang ilan sa mga naging guro niya noon. Hindi lang alam ng mga ito, na may isang taong naging dahilan kung bakit siya nagbago.
Ang taong iyon ay si Rohan Montecarlo na guro pa rin sa paaralang iyon. Cameron fell in love with him when he was her teacher. Ngunit nang sabihin niya iyon dito ay tinanggihan nito ang damdamin niya. He said her love for him was superficial at mawawala rin iyon paglipas ng panahon.
Ngayong nagkita silang muli ay napatunayan niyang hindi pa rin nawawala ang damdamin niya para dito. Maaari nang mabigyang-daan ang pagmamahal na inihain niya rito noon. After all, hindi na teacher-student ang relasyon nila at hindi na bawal kung humigit pa roon ang relasyon nila. Ngunit ang masakit, sa kabila niyon ay tinatanggihan pa rin nito ang pag-ibig niya.

13. PHR 4677 You Make Me Love You by Saab de Andrade


Kahit mag-isa lamang si Maddi sa kanyang bahay ay masasabi niyang maayos ang buhay niya. Hanggang sa isang araw, ang tahimik niyang pamumuhay ay ginulo ni Renjie Osuke, a well-known Japanese model. Pilit siya nitong pinapaalis sa bahay niya dahil ito raw ang may-ari niyon.
Ginawa niya ang lahat-lahat ng kaya niya para lang mapaalis ang hambog, mayabang, at antipatikong Hapones. Pero wala ring nangyari dahil napakatigas ng ulo nito.
Wala nang nagawa si Maddi nang ipagsiksikan ni Renjie ang sarili nito sa bahay niya. Araw-araw ay pulos sila bangayan, asaran, at pikunan. Ang tahimik niyang pamumuhay sa sarili niyang pamamahay ay nabulabog ni Renjie.
Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang itong naging mabait sa kanya at hindi na kayang supilin ng puso niya ang kilig tuwing niyayakap at hinahalikan siya nito. Hindi nagtagal ay nahulog na ang loob niya rito. Pero agad ding napalitan iyon ng kakaibang sakit nang makita at marinig niya mismo ang katotohanang hindi totoo ang mga ipinapakita nitong pagbabago sa kanya. Kunwari lang pala ang lahat. Now, she would be much willing to give him her house kung iyon lang talaga ang makakapagpasaya rito.

14. PHR 4678 Baby, Be Mine by Sofia


Nawala ang lahat ng mga ari-arian ng pamilya ni Krystinia nang masangkot sa pyramid scam ang kapatid niya at makulong ito. Sa kamalas-malasan ay inatake pa sa puso ang kanilang ama. Nobody wanted to help them out. Kahit ang malalapit na kaibigan nila ay tinalikuran na sila. At nang makiusap siya kay Warrick Evaristo na huwag nitong ituloy ang hostile takeover sa kompanya ng kanyang ama, ibang offer naman ang inialok nito sa kanya.
“Puwede kong solusyunan ang lahat ng problema mo at ng pamilya mo sa isang iglap. Just give me a child.”
Warrick was not the marrying kind. Kailangan lang daw nito ng anak para may maiwang tagapagmana. Napakamisteryoso rin nito dahil walang alam si Krystinia tungkol dito maliban sa ulilang-lubos na ito. But it didn’t stop her from falling in love with him.
Pero hanggang saan ang itatagal ng pagmamahal niya rito kapag nalaman niyang ang nais nito ay wasakin ang pamilya niya sa simula pa lang?

15. PHR Gothic Romance Pintig by Camilla


Upang mailigtas sa kapahamakan ang kapatid, napilitan si Tippi na tanggapin ang tulong ni Thor—na isang bampira. Sa ayaw at sa gusto niya ay sasamahan daw siya nito kahit saang lupalop o dimensiyon pa siya magpunta. Iyon ay dahil naniniwala ito na siya ang kaisa-isang babaeng inilaan ng tadhana para dito.
In a span of a heartbeat, literally, she became a vampire’s bride.
So cliché, naisip niya. Pero bakit naman sa lahat ng nilalang, bampira pa? Kalabang mortal ito ng isa sa mga lahing pinagmulan niya—ang mga lobo. She earned her living going after and killing vampires.
Pero ano ang magagawa niya kung kahit sa simpleng panunuyo nito ay kinikilig siya mula ulo hanggang talampakan niya?

16. World's Bestsellers Daughter Of Smoke And Bone by Laini Taylor


Inosente siya noon, isang batang babaeng naglalaro ng mga balahibo sa sahig ng pugad ng demonyo.
Hindi na siya inosente ngayon…

Nagmula siya sa isang di-pangkaraniwang pamilya. At sa isang madilim at maalikabok na tindahan, ipinag-uutos ng kanyang mahiwaga at malahalimaw na ama na pumunta siya sa iba’t ibang panig ng mundo, upang manguha ng mga ngipin para sa isang hindi malinaw na layunin. Sa isang lakad na ipinag-utos ng kanyang ama, nakakilala siya ng isang anghel, at hindi nagtagal natuklasan niya ang mga lihim ng buhay niya pati na ng kanyang pamilya—na pawang may idudulot na maganda at kakila-kilabot na mga bagay.

-- ------ 0 -----------

Kilalanin si Karou. Pinupuno niya ang kanyang sketchbooks ng mga halimaw na maaaring totoo o likhang-isip lamang; nakapagsasalita siya ng maraming wika—hindi lahat ay wika ng tao; at ang kanyang matingkad na asul na buhok ay sadyang totoo. Sino siya? Iyan ang katanungang gumugulo sa kanya, at iyon ang kanyang aalamin.
Back to top Go down
 
March 13, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News March 29, 2013
» Kuch Toh Log Kahenge VU 28th March 2013
» George Clooney Aficionados News March 24, 2013
» George Clooney Aficionados News March 27, 2013
» Iss Pyaar Ko Kya Naam Doon EK Baar Phir - Written Update - 24th September 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: