HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 6, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 6, 2013 Book Release   Sat Mar 09, 2013 12:22 pm

1. PHR 4662 Rui, The Gorgeous Cake Thief by Ella Raye Venice


Kasalukuyang nagpapahinga na si Sahara sa kuwarto niya nang may narinig siyang ingay sa kusina. Nang usisain niya iyon, may nakita siyang lalaki na abalang-abala sa paghahalungkat sa loob ng refrigerator niya. Sa wakas, mahuhuli na rin niya ang salarin sa pagkawala ng mga cake na ginagawa niya. Muntik na niya itong mahambalos ng dalang baseball bat kung hindi lang niya ito nakilala—si Rui, ang pasaway at mapang-inis na ex-classmate niya na animo member ng akyat-bahay gang sa galing nitong pumasok sa bahay niya.

Sa tulong ng kinakapatid niyang si Xanthe ay nasentensiyahan ito. Magiging alipin niya si Rui sa loob ng isang linggo bilang kaparusahan sa pagnanakaw nito ng mga cake niya. Pumayag naman ito kaysa makulong. Sinamantala naman ni Sahara ang pagpapahirap dito para gawing miserable ang buhay nito. Pero sandaling natigil ang amo-alipin setup nila nang kinailangan nilang umuwi sa probinsiya nila para sa fiesta roon. Kasal din ng pinsan ni Rui na pareho nilang dinaluhan. May legend daw ang lugar ng pinagdausang reception ng kasal: ang lahat ng babaeng nakakasalo ng bouquet at ang lalaking nakakasalo ng garter ay nagkakatuluyan. Kaya ganoon na lang ang kaba ni Sahara nang masalo niya ang bouquet. At laking pagkagulat naman niya nang makitang halos makipagpatayan si Rui masalo lang ang garter. Sa pagtataka ni Sahara, natuwa siya nang magtagumpay si Rui na masalo ang garter. Sana lang ay hindi ito nanggu-goodtime tulad ng nakagawian na nito. Tiyak na masasaktan siya—dahil hindi lang yata ang mga cake niya ang nanakaw nito kundi pati na ang puso niya.

2. PHR 4654 He Could Be The One by Xyann Alexandria


Ang buong akala ni Rona ay masaya at kontento na siya sa paglalaro ng online games at panonood ng animé, mapa-DVD o TV man. Pero nang makilala niya ang half Thai-half Filipino na si Jirayu Champakdee, tila noon lang niya napagtantong dalaga na siya at kailangan na niyang ma-in love. Tila binigyang-katuparan naman ni Jirayu ang napagtanto niyang iyon nang ligawan at paibigin siya nito.
Ngunit nang tuluyan nang mahulog ang loob niya rito at tila wala na siyang mahihiling pa sa buhay, saka naman dumating si Pin—ang nagsasabing ito raw ang babaeng nakatakdang pakasalan ni Jirayu.

3. PHR 4655 The Unexpected You by Sonia Francesca


Nakilala ni Tara si Avex habang naghihintay siya sa pagdating ng kanyang working visa. Matangkad, guwapo, pero mukhang bagot na bagot na sa buhay si Avex. Walang interes dito si Tara, kaya nagtataka siya kung bakit lagi siyang tumatakbo sa tabi nito tuwing nalalaman niyang kailangan nito ng tulong.
And then one day, Avex suddenly changed. The lazy and the-hell-I-care-with-the-world guy turned into one hot irresistible I’m-the-king-of-the-world guy.
“I found you irritatingly fascinating… Would you mind being my girl?” May gano’n pang banat pagkatapos. Kaya ang pobre niyang puso, hayun at biglang nawala na rin sa tamang direksiyon… patungo sa kinaroroonan ng taong inakala niyang isang simpleng sosyal na palaboy lang na naligaw sa kanyang lungga. Would she mind being his girl? Of course… not?

4. PHR 4656 Forever With Mr. Right Now by Sofia


Nang magkaroon ng pangalawang pagkakataong mabuhay ay naging misyon na ni Yrene ang ilayo ang nanay niya sa mga gigolo na ang gusto lang ay ang pagkaperahan ito. At ang latest apple of the eye ng nanay niya—si Edward Melendez, ang guwapo at makisig na dancer-turned-gym owner sa tapat ng bahay nila.
Wala siyang ibang magagawa kundi ang akitin si Edward palayo sa nanay niya. Pero sa pang-aakit niya kay Edward, parang siya naman ang naaakit dito… at nai-in love. Disaster ito.
Pansamantalang kaligayahan lang ang iniaalok ni Edward sa kanya. Pero kaya ba niya itong idispatsa sa buhay niya kung ito lang ang lalaking nakapagpasaya at nagbigay ng kulay sa buhay niya?

5. PHR 4657 Perfect With You by Maricar Dizon


Perfect. Iyon ang tingin ng lahat sa relasyon nina Mikha at Lei. Walang araw na hindi sila magkasama. O kung magkahiwalay man sila ay hindi nawawala ang tawag o text sa pagitan nila. Tila hindi sila mabubuhay nang wala ang isa’t isa.
Until after their seventh anniversary, when Mikha felt she needed to chase her lifelong dream: To work and live independently in Paris. Pero hindi iyon nagustuhan ni Lei.
“A few years will take so much from both of us! What if after those few years ay hindi na kita mahal? Ano’ng gagawin mo?” Iyon ang hamon nito sa kanya nang pag-awayan nila ang tungkol sa pangarap niya. Pumayag man ito sa huli na umalis siya ay malaki naman ang naging kapalit niyon. He broke up with her.
Ang akala ni Mikha, dala lang ng galit kaya nasabi iyon ni Lei. Nahiling niya na sana ay walang katotohanan ang mga sinabi nito dahil kung siya ang tatanungin, hindi kailanman nagbago ang damdamin niya para dito. Pero mali siya dahil pagkalipas ng ilang taon ay nalaman niyang masaya na ito sa piling ng iba…

6. PHR 4658 Stolen Love by Viel Roberts


Dahil nakahihigit sa kanya ang pinsang si Kieko, hinayaan na lang ni Natalie na maging sidekick siya nito. Pero nang sabihin ni Derren—ang lalaking mula pagkabata niya ay minahal na niya—na gusto nito ang pinsan niya, agad siyang nag-panic. Okay lang na lamang si Kieko sa lahat ng bagay basta nasa kanya si Derren. Kaya isang desisyon ang nabuo niya. She would steal Derren’s love from Kieko. At isang malaking pagkakamali iyon na nagawa niya. Pinagbayaran niya ang pagkakasalang iyon dahil naging miserable ang buhay ng lalaking mahal na mahal niya. At wala siyang alam na paraan para maibalik ang pitong taong ninakaw niya mula rito.
Hindi na siya nito mapapatawad at hindi kailanman maaaring mahalin ni Derren.

7. PHR 4659 Hot Intruder: Xerc, The Avenging Hero by Victoria Amor


Pumayag si Reign na maging driver ni Severano “Xerc” Venavidez kapalit ng ipinangakong proteksiyon ng lola nitong sumagip sa kanya sa tiyak na kapahamakan. Kasabay ng bagong trabaho niya ay ang bago ring anyo niya. Kailangan niyang mapaniwala si Xerc na “lesbian” siya kung hindi ay ibibilang lang siya nito sa listahan ng mga babaeng pinaiyak nito.
Sa unang linggo ay wala siyang problema rito. Sa ikalawang linggo ay mayroon na—inaalipin na siya nito at tila lagi siyang gustong patayin sa talim ng tingin. Sa ikatlo at ikaapat ay bigla itong bumait. At sa ikalimang linggo ay dumating ang pinakamalalang problema: Kung hindi niya naaabutang nagpu-push-up ito nang naka-briefs lang ay napapasukan naman niya itong hubad sa shower!
Nasa bingit nang mahubad ang maskara ni Reign. Kaunting-kaunti na lang ay mabubuking na siya ni Xerc sa pagpapanggap niya. Kapag nangyari iyon, wala na siyang laban sa lantarang pang-aakit nito.
Kailangan niya ng full force na depensa laban sa karisma nito. Kaya niyang tatagan ang depensa niya. Kaya lang ay hinalikan siya ng loko—iyon ang hindi kinaya ng puso at powers niya.

8. PHR 4660 One Lucky Night by Hazyl del Carmen


Isang ordinaryong babae lang si Euly kaya simple rin ang kanyang buhay. Walang bisyo. Walang lalaki. Walang nightlife. No complications at all. Hanggang ipadala siya ng boss niya sa isang kilalang resort sa Davao para sa isang business venture. Ngunit tila may sa-enkanto yata ang lugar na iyon dahil biglang nabago ang pananaw niya sa buhay.
One night, she found herself drunk inside a bar. At nakasagutan pa niya ang katrabaho niyang nagdala sa kanya roon. Dahil sa sama ng loob, napunta siya sa dalampasigan. There she met Carlisle Rameses—the most handsome guy she had ever met.
Nilapitan niya ito at bigla na lang hinalikan. Nagising na lang siyang sweet ito sa kanya at agad na nahulog ang loob niya rito. Ang problema, sa bilis ng mga pangyayari at sa biglang pagbabago ng takbo ng buhay niya, tila nakalimutan ni Euly na kilalanin muna ang pagkatao nito. Sana pala ay nalaman niya agad ang itinatago nitong lihim sa nakaraan.

9. PHR 4661 My Lovely Delinquent by Cranberry Laurel


Nakilala ni Irish si Jeff noong panahong nuknukan pa siya ng pasaway sa eskuwelahang pinapasukan nila. Seatmate niya si Jeff—ang instant pero masungit na crush niya. Hindi naman nagtagal ay nabawasan ang pagiging masungit nito sa kanya. Dumating pa sa puntong naging tutor niya ito sa academics dahil tagilid ang grades niya. Si Jeff din ang dahilan kung bakit naisip niyang magbago.
Ngunit sadyang sinubukan si Irish ng tadhana. Nakulong siya at ang isang kaklase niyang lalaki sa loob ng CR ng eskuwelahan nila. Kagagawan iyon ng isang kaklase niya na nagseselos dahil sa atensiyong ibinibigay ni Jeff sa kanya. Noon lang niya nakitang nagalit nang matindi si Jeff. Pakiramdam niya ay nadurog nang pinong-pino ang puso niya. Sumabay pa roon ang problema niya sa pamilya kaya bigla siyang umalis ng bansa.
Maraming taon ang lumipas, bumalik si Irish sa Pilipinas. Dumalo siya sa high school reunion ng batch niya. At laking gulat niya nang agawin siya ni Jeff sa lalaking kasayaw niya. Bakit tila nagseselos ito? At bakit pakiramdam niya ngayon ay ito pa rin ang lalaking para sa kanya? Akala niya ay nabura na ito sa puso’t isipan niya. Mali pala siya. At mali rin pala ang pagkukumbinsi niya sa sariling anumang ugnayan mayroon sila ni Jeff noon ay bunga lang ng kanilang kabataan.

10. PHR 4663 Jin, The Prim And Proper Prince by Ella Raye Venice


Isang malaking kalokohan para kay Raven ang sinabi ng kanyang ama. Hindi na uso ang arranged marriage sa panahon ngayon pero heto siya, engaged to be married na sa kung sinong anak ni Juan. Pero dahil sa sakit na dulot ng ex-boyfriend niya na nang-iwan sa kanya noong araw na magtatanan sila at sa pressure na dulot ng tangkang pagtakwil sa kanya ng ama, napilitan siyang sumunod kahit anong tanggi niya. Titira siya sa ilalim ng iisang bubong kasama ang mapapangasawa niya na Jin daw ang pangalan.
Jin was the most prim and proper guy she had ever met, ang tipong nasa dulo ng listahan niya. Lalo siyang naging determinadong umalis sa kasunduang iyon at kailangan lang ay magmula kay Jin ang pagtanggi. Madali lang iyon. She knew she could do it.
Pero mas mautak pala si Jin kaysa sa kanya. Bago niya maisakatuparan ang balak ay na-in love na siya rito. At masakit para sa kanya ang iwan ito nang umeksena ang ex-girlfriend nitong mas may karapatan dito kaysa sa kanya.

11. PHR 4664 Chances by Yara King


Naubos na ang pasensiya ng lolo ni Maan Ejada sa mga kalokohang ginagawa niya sa Maynila. Pinalayas siya nito sa condo na tinitirhan niya at pinutol ang kanyang allowance. Napilitan tuloy siyang umuwi sa kanilang probinsiya. Doon ay muli niyang nakita ang lalaking matagal na niyang kinalimutan: si Marco Federico.
Si Marco ang boyfriend niya noon ngunit nakipaghiwalay siya rito nang makita niyang kayakap nito si Rachel, ang babaeng ipinapangalandakan ang pagkagusto sa kanyang nobyo. Gusto niyang mamuhi at magalit ito sa kanya para maging madali sa kanya ang pakikipaghiwalay rito kaya sinabi niyang hindi na niya ito mahal. Ang labis niyang ipinagtataka ay kung bakit pagkalipas ng maraming taon ay malakas pa rin ang epekto ni Marco sa kanya. Tila lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya kapag malapit sa kanya ang binata—lalo pa at panay ang pagpapapansin nito sa kanya.
Parang torture sa kanya na unti-unting ipinaalala ni Marco ang nakaraan nila. Tuloy ay naisip niya kung tama ang desisyon niyang makipaghiwalay rito noon.
Pero muling namagitan sa kanila si Rachel. Hindi na alam ni Maan ang gagawin niya, lalo na at mukhang nalulong na naman ang puso niya kay Marco…

12. PHR Gothic Romance 21: Pintig by Camilla


Upang mailigtas sa kapahamakan ang kapatid, napilitan si Tippi na tanggapin ang tulong ni Thor—na isang bampira. Sa ayaw at sa gusto niya ay sasamahan daw siya nito kahit saang lupalop o dimensiyon pa siya magpunta. Iyon ay dahil naniniwala ito na siya ang kaisa-isang babaeng inilaan ng tadhana para dito.
In a span of a heartbeat, literally, she became a vampire’s bride.
So cliché, naisip niya. Pero bakit naman sa lahat ng nilalang, bampira pa? Kalabang mortal ito ng isa sa mga lahing pinagmulan niya—ang mga lobo. She earned her living going after and killing vampires. Pero ano ang magagawa niya kung kahit sa simpleng panunuyo nito ay kinikilig siya mula ulo hanggang talampakan niya?
Back to top Go down
 
March 6, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News March 29, 2013
» Kuch Toh Log Kahenge VU 28th March 2013
» George Clooney Aficionados News March 24, 2013
» George Clooney Aficionados News March 27, 2013
» Iss Pyaar Ko Kya Naam Doon EK Baar Phir - Written Update - 24th September 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: