HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 27, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 27, 2013 Book Release   Sat Mar 09, 2013 11:49 am

1. Bud Brothers Unlimited 23: The Bloomer Bandits (Rook) by Rose Tan


Napasugod sa basurahan si Laurel dahil may nagtapon doon ng mga damit niya. Pikit-matang nag-dive siya sa dumpster at muntik nang malunod sa mga basura.
Mabuti na lang at may nakakita ng kuyukot niya at naisipan nitong sagipin siya sa mga nabubulok at di-nabubulok. Si Rook.
Simula noon, hindi na siya tinantanan ng matatamis na boladas at malalagkit na titig nito. Malas nito. Allergic siya sa mga mambobola. Kakain na lang siya ng panis na bubog with uod kaysa maniwala kay Rook.
Pero nang mangailangan ito ng pekeng pregnant girlfriend, guess who kung sino ang pumapel?

2. Bud Brothers Unlimited 24: The Bloomer Bandits (Corgy) by Rose Tan


Nang makilala si Corgy ng kaibigan ni Lupe ay napakanta ito ng “The Search is Over.” Hindi naman ito masisi ni Lupe. Out of this world kasi ang kaguwapuhan ng lalaki. Maginoo pa ito. Kaya tinulungan niya ang kaibigan na mapasagot si Corgy.
Pero nabalitaan niya, siya raw ang type nito.
Kinilig siya.
At sa isang resort, isinugal ni Lupe hindi lang ang friendship, pati na puso’t kaluluwa niya. Ipinagkaloob niya ang lahat-lahat kay Corgy.
Subalit pagkatapos niyon, iniwasan na siya nito. Maging magkaibigan na lang daw sila.
Anyare?

3. Bud Brothers Unlimited 25: The Bloomer Bandits (Badong) by Rose Tan


“Atsay-killer” ang naging bansag ng lahat kay Badong nang bigla niyang patulan ang maid nilang si Doray. Pero hindi alam ng lahat, maging ni Doray mismo, na hindi atsay ang turing niya rito. Kinakapatid niya ang babae at inihabilin ito sa kanya ng yumao nitong ama.
Iyon nga lang, hindi niya napigilang “salakayin” ang pinababantayan sa kanya.
At nagbunga ang “pananalakay” niya.
Wala namang problema. Handang-handa siyang panagutan ang responsibilidad. Pero si Doray, umepal.
“Nagbabayad lang ako ng utang-na-loob sa `yo! Alam ko na, na ikaw ang nagpapaaral sa akin. Tumatanaw lang ako ng utang-na-loob kaya kita pinatulan, Badong.”
Ang sakit n’on.

4. PHR 4647 Can’t You See That I Love You by Tyra


Mula nang makilala ni Chrisnelle ang batikang manunulat na si Ashley Sandoval ay hindi na natahimik ang mundo niya. Kung hindi ito tumatambay sa opisina niya ay kinukulit naman siya nito.
Ginawa na niya ang lahat para lubayan siya nito. Naroong tarayan at ipagtabuyan niya ito, pero lahat ng iyon ay bale-wala rito.
Malapit na siyang mawalan ng pag-asa na titigil din ito sa pangungulit sa kanya. Hanggang sa yayain siya nito sa isang party. Hindi siya pumayag noong una. Pero nang sabihin nitong hindi na ito magpapakita o magpaparamdam sa kanya pagkatapos ng date nilang iyon ay napapayag din siya. Iyon na ang nakita niyang solusyon sa problema niya.
True enough, pagkatapos ng first date nila, hindi na ito nagparamdam sa kanya. Wala nang Ashley na tumatambay sa opisina niya, wala nang tumatawag, at wala nang nangungulit. Balik sa pananahimik ang mundo niya.
Ngayon ay may bago siyang problema. Kailangan niya si Ashley para guluhin uli ang mundo niya. Pero nasaan na ito?

5. PHR 4648 Unwanted Ms. Right by Destiny


“Zane, can we talk?” alanganing wika ni Misha sa binata. “Totoo bang may girlfriend ka na at malapit na ang engagement n’yo?” Tumawa ito sa pagiging forward niya; pagkatapos ay tumango ito. “I guess nasabi na sa `yo ng kapatid ko kaya napasugod ka rito,” anito, sabay hagod ng tingin sa kanya. Suot pa rin niya ang magandang debutante gown niya. “Well, that’s true.” She tried her hardest to compose herself. “M-mahal mo ba talaga siya?”

Ngumiti ito, ngiting unti-unting dumudurog sa pag-asa niya. “Misha…” anito sa masuyong tinig, saka hinaplos ang kulot na buhok niya. “Darating ang araw na makakahanap ka ng lalaking mas babagay sa `yo…”
Habang sinasabi nito sa kanya iyon ay para na ring binibiyak nito ang puso niya. Tuluyan na niyang hindi napigilan ang pagtulo ng mga luha niya sa sobrang sama ng loob na ipinadarama nito sa kanya.
Batid niya mula nang ma-in love siya rito na siya si Ms. Right. Ngunit para dito, siya ay walang iba kundi si Unwanted Ms. Right.

6. PHR 4649 Love At Second Sight by Dawn Igloria


Natuklasan ni Cherry na hindi lang ang tanawin sa bagong biling beachfront house ng mga magulang niya ang kaaya-aya, kundi maging ang guwapong kapitbahay nila roon na si Richard. Wala siyang balak na buruhin sa puso niya ang matinding attraction na naramdaman niya para sa hunk neighbor nila kaya naman day in and day out kung magpa-cute siya rito.
Sa malas, daig pa nito ang matimtimang birhen sa sobrang hirap “ligawan”! Pero wala siyang balak sumuko. At sa wakas, bumigay rin ang puso ni Richard. Daig pa niya ang naka-jackpot sa lotto nang maging boyfriend niya ito.
Pero hindi pa man niya lubusang nae-enjoy ang TLC nito, bigla na lang umeksena ang ex-girlfriend nito. Mukhang gusto pang agawin sa kanya ng babaeng iyon si Richard! Pero ang masaklap, mukhang willing magpaagaw ang boyfriend niya.

7. PHR 4650 The Enchanted Sailor by Tyra


Kabilang si Kaieska sa tribong Bulawanon at isa siya sa pinakapipitagang mandirigma ng tribo. Buong buhay niya ay gusto lang niyang sumunod sa yapak ng kanyang ama na pinuno ng mga mandirigma sa tribo nila. But one man changed all that. Si Arik Villacorta.
Nakita niya ang binata na palutang-lutang sa dagat isang araw na nagpa-patrol siya sa labas ng kanilang isla. Iniuwi niya ito at inalagaan. Arik looked like an angel dahil sa maamo nitong mukha. She thought he would also be as kind as an angel. Pero nang magkamalay ito, napatunayan niyang mali ang kanyang iniisip.
Dahil ito na yata ang pinakamayabang at nakakainis na lalaking nakilala niya.
Then an accident happened. And the worst possible thing that could happen happened. Kailangan niyang pakasalan si Arik! Ang pinakamalala sa lahat ay nang matagpuan niya ang sarili na unti-unting nahuhulog ang loob sa lalaking dati ay kinaiinisan niya.

8. PHR4651 Forever Yours by Dwayne Izzobelle


Si Tristan ang lahat ng “first” sa buhay ni Beryl: first romance, first kiss. Ito rin ang unang lalaking pinag-alayan niya ng sarili. But the irony of it all, he also gave her her first heartbreak.
Pinagbintangan kasi siya ni Tristan na nagtataksil dito, isang mabigat na paratang na hindi niya ginawa. Dahil doon ay nagdesisyon siyang huwag nang magpakita pa rito. Hindi nito alam na sa pag-alis niya ay dala niya ang isang sekreto, isang magandang alaala ng kanilang pagmamahalan.
Years later, just when Beryl had finally picked up the broken pieces of her heart, Tristan came barging into her peaceful life again, threatening to take back what he believed were his—her body, her heart, and her soul.
“You belong to me, Beryl. And I always get what is mine!” Her mind was telling her not to surrender herself to him again, but her heart said otherwise…

9. PHR 4652 Old Flames by Mandie Lee


Time and heartbreak changed Haley a lot. Hindi na siya ang dating naïve, spoiled, and sheltered na babaeng nahulog sa matamis na pangako ng pag-ibig dahil napatunayan niyang hindi totoo ang mga nababasa at napapanood niyang romance story. She even learned it the hard way.
Ngunit nakialam ang tadhana at nagkrus uli ang mga landas nila ni Dixon, ang lalaking pinag-alayan niya noon ng abot-langit na pag-ibig. Nakipagtanan pa siya rito ngunit isinauli naman siya nito sa kanyang ina. Bumitiw ito sa pangako, hindi siya ipinaglaban, at itinaboy siya palayo.
Haley thought she had already moved on and grown up, but she was wrong. The moment she met Dixon’s eyes again, amidst the hatred that was brought by her heartache, she felt that same old magical feelings again, that and more. The sexual tension between them became more intense, the flames burning hotter than ever.
Nagpadala naman siya sa bugso ng damdamin at hinayaang may mangyari sa kanila ni Dixon. Ngunit ang init bang ipinapadama nito sa kanya ay bunsod ng pag-ibig o purong pagnanasa lamang?

10. PHR 4653 I’ll Be by Andrea Ylagan


Georgina had always been a huge fan of the Peruvian pop rock band Ardammo. Mula nang maging matunog ang pangalan ng banda sa industriya ng musika sa Latin America ay tinutukan na niya iyon. The language difference between Peru and the Philippines didn’t stop her from admiring the members of the band. She adored them, especially the head vocalist and face of the band Lorenzio Olivares. For long before he became the famous Lorenzio Olivares, she knew him as the plain and simple Ezio de San Martin. Her first love.
Kontento na sana siyang tinitingala lang ito mula sa malayo, ngunit nang mabalitaan niya ang disbandment ng grupo na siyang pangunahing dahilan kung bakit biglaang naisipan ni Lorenzio na magbakasyon at umuwi sa bansang minsan na nitong nilisan, biglang nagulo ang tahimik na sana niyang mundo.
And now that he was back, she knew she was bound to lose her heart to him again. Would all this time be worth the wait in the end?

11. World's Bestsellers: The Sands Of Time by Sidney Sheldon (translated by Armine Rhea Mendoza)


Espanya. Isang bayan na may walang-hanggang kapusukan at walang katapusang pagdanak ng dugo. Dahil sa paghihiganti ng isang malupit na pinuno, apat na babae ang tumakas mula sa sagrado at dating ligtas na kumbento: ang mapagmataas na si Lucia, na may itinatagong nakamamatay na lihim mula sa mga brutal na digmaan ng mga angkan ng Sicily… si Graciella, isang kagandahan na hindi pa napapatawad ng nanunurot na konsiyensiya dahil sa isang mapusok na pagkakasala mula sa kanyang kabataan… si Megan, ang ulilang naghahanap ng mapanganib na kanlungan sa mga bisig ng isang mapanghamon na rebeldeng Basque… at si Teresa, ang nananalig na dinadalaw ng isang pananampalatayang tahimik na kumukutya sa kanya. Iniwan nila ang kawalang-muwang, ngunit hindi ang pag-asa. Nakipagsapalaran sila sa isang bago at nakamamanghang mundo, kung saan matatagpuan ng bawat isa ang isang hindi inaasahang kapalaran at katotohanan sa kanyang sarili.
Back to top Go down
 
February 27, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» QUBOOL HAI 8TH FEB 2013 WRITTEN UPDATE
» Veera - 3rd February 2014 - Written Update
» Amazon Royalties.
» ACTION MAN DAY 2 MAY 12th 2013 ****BOOK NOW****
» 2013 Harvey Baseball Address Book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: