HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 20, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 20, 2013 Book Release   Wed Feb 20, 2013 6:35 pm

1. PHR 4638 Love Comes In Yellow Birds by Yna Paulina


Insecure, clueless at average, pakiramdam ni Girlie ay walang kapag-a-pag-asa na magustuhan din siya ng lalaking lihim niyang minamahal—si Pip. She was sixteen, he was twenty-one. She was way too ordinary, he was way too special. Ni hindi nga yata nito alam na nag-e-exist siya. Pero isang araw ay hindi na niya nakayang itago pa ang pagmamahal na iyon. So she wrote him poems written in origami birds. Hinatid ng mga ibong gawa sa papel ang pag-ibig na hindi niya masabi rito. But Pip found out the truth and rejected her. Kinailangan niyang lumayo para lumimot.
But a couple of years later, when she was supposedly wiser, she saw him and did the most stupid thing—she fell for him, again. And Pip said he loves her too. Pero bakit magpapakasal ito sa iba?

2. PHR 4639 Ang Happy Ending Ni Ekay by Hana Rei


Sa kanilang magbabarkada, si Erica, aka Ekay, na lang ang natitirang single. Hindi niya pinlanong maging single at NBSB sa edad na twenty-nine. She had been head over heels in love with her best friend Ron for nine years, so she told herself he was her Mr. Right.
Until she met her new roommate—Hiro Fujioka—who made her heart skip a beat every time he looked at her.
He was running away from an unwanted marriage and a psychotic fiancée. His head was full of work and ambition for his future. Planado ang lahat sa buhay nito.
Now, the two of them tried to live together under the same roof. They started as strangers but gradually became friends. Maaari kayang magbago pa ang simpleng pagkakaibigan nilang dalawa?
Can love between them come to be?

3. PHR 4640 My Heart’s Treasure by Estela Anderson


Sa secret organization na kinaaaniban ni Georgette, kailangang isailalim sa isang maselang operasyon ang miyembrong kagagaling sa isang misyon upang mabura sa kanyang kamalayan ang lahat ng naganap.
Nagtungo si Georgette sa Isla Bellizima upang “nakawin” at ibalik sa dapat nitong kalagyan ang isang nawawalang three hundred-year-old crown na gawa sa purong ginto. Ngunit ang puso niya ang ninakaw ng guwapong binatang pinuno ng aikido team sa unibersidad sa isla. Unang pag-ibig niya si Ethan—he was her heart’s treasure—at handa siyang bigyang-laya ang kanyang nararamdaman, sukdulang isantabi niya ang kanyang misyon at ibaling dito ang kanyang buong atensiyon.
Tadhana ang nasunod nang sa sandaling makuha niya ang korona ay si Ethan pa ang nakasukol sa kanya.
Wala siyang mapagpipilian kundi isuko ang kanyang pag-ibig sa binata at sumailalim sa operasyon upang mabura ito sa kanyang isip, pati na ang mga masasayang sandaling pinagsamahan nila…

4. PHR 4641 Five Faces Of Love by Heart Yngrid


Nang ma-realize ni Shaira na lahat ng past boyfriends niya ay nagpakasal sa mga babaeng sa tingin niya ay nakahihigit siya sa ganda at katangian ay labis siyang nagtaka. Kailangan niyang malaman kung bakit ang mga babaeng iyon ang piniling pakasalan ng mga ex niya at hindi siya. She wanted to be in those women’s shoes in order to know what was with them. At bilang isang contributor sa isang female magazine, nakaisip siya ng means upang magawa niya iyon.
Nagsagawa siya ng isang undercover research kung saan nagpanggap siyang ibang tao upang gayahin ang personalidad ng limang magkakaibang babae at makipag-date sa iba’t ibang lalaki bilang experiment. Sa ganoong paraan ay malalaman niya kung ano ang perception ng mga lalaki sa ganoong uri ng mga babae, partikular sa flaws ng mga ito.
Everything was running smoothly until she met James Benedicto. Hindi ito kasama sa mga lalaking naka-date niya pero tatlong beses siyang nakita nito sa magkakaibang identities! At tila ito pa ang sisira sa undercover niya at manggugulo sa mga plano niya.
At mukhang pati ang puso niya ay nakatakda nitong guluhin.

5. PHR 4642 Back To Your Heart by C.L. Marie


Isang seaman ang daddy ni Maxine. Ngunit dahil sa ginawa nito, naitanim sa isip niya na babaero at manloloko ang mga seaman. Kaya ipinangako niya sa sarili na hindi siya magmamahal ng katulad ng daddy niya. Hanggang sa makilala niya si Carl—ang pinakaguwapong lalaking nakilala niya na nagawan niya ng atraso sa bar.
Ginamit ni Carl ang atraso niya rito para mapilitan siyang pagbigyan ang pabor na hinihingi nito kahit labag sa kanyang kalooban. Tuloy, nagkaroon sila ng pagkakataon na magkasama. At nang maging malambing ito sa kanya, hindi niya naiwasang ma-in love dito. Mukhang napako na ang pangako niya sa sarili. Pero wala naman siyang maramdamang mali roon dahil araw-araw ay nakakatikim siya ng paglalambing mula rito. Maayos din ang lahat sa pagitan nila.
Ngunit isang araw, pinuntahan niya si Carl sa tinitirhan nito at laking gulat niya nang isang babae ang nagbukas ng pinto ng condo unit nito.

6. PHR 4643 Love On Trial by Aya Myers


Isa si Bianca Cusap sa mga Pilipinong pinalad na makilala sa fashion industry sa Europa bilang isang modelo. Pagkalipas ng maraming taon ay umuwi siya sa Pilipinas para sana magbakasyon. Pero natagpuan na lamang niya ang sarili niya na nasa loob ng courtroom—bilang abogado—para ipagtanggol ang isang taong malapit sa kanyang puso. Yes, she was also a lawyer. Pero hindi niya inakala na ang makakatunggali niya sa korte ay walang iba kundi si Attorney Milo Montecillo—ang matinik na abogadong wala pang natatalong kaso.
Noon din mismo ay gusto na ni Bianca na bumuka na ang lupa at lamunin siya nang buo. Nasisiguro niya na pakakainin siya nito ng alikabok. At sa kamalas-malasan ay nakipag-deal pa siya rito na magiging alipin ng mananalo ang matatalo sa loob ng isang buwan.
Pero bakit kinilig yata siya sa ideyang makakasama niya ang isang napakakisig na abogado sa loob ng isang buwan? Bakit parang gusto niyang solohin ang nakapanlalambot-tuhod na ngiti nito?

7. PHR 4644 My Secret Love by Dawn Igloria


Matagal nang may lihim na pagtingin si Catherine sa kababata at malapit na kaibigan niya na si Lawrence. Pero sa kasamaang-palad, mukhang kukulubot na ang mga balat nila pareho at uubanin na sila pero hindi pa rin siya nito makikita nang higit pa sa isang kaibigan.
Isang gabing nakatulog ito sa kanyang apartment ay naakit siyang titigan ang hunky sleeping form nito. Hindi sinasadyang naisaboses niya ang tumatakbo sa isip niya.
“Bakit ka ganyan? Hindi ka naman bading. Hindi ka naman torpe sa palagay ko. Pa-cute ka lang nang pa-cute sa akin, pero hindi mo naman ako nililigawan. Hanggang kailan ba tayo magpapakiramdaman na lang? Ano ba’ng problema sa akin? Wala ba akong sex appeal? Takot ka ba sa akin? O nag-aalangan ka dahil mag-best friends tayo kaya ayaw mo akong ligawan?”
Nanigas siya sa kinatatayuan nang magsalita ito.

8. PHR 4645 Love Letters Na Hindi Akin by Yna Paulina


Isang kahon ang natagpuan ng brokenhearted na si Shasha—na may lamang love letters—sa bahay na nilipatan niya. Hindi niya personal na kakilala ang lalaking sumulat niyon, maging ang babaeng minahal nito nang husto at pinag-alayan ng love letters. But the letters renewed her faith in love. It gave her hope. Okay na sana kung hindi lang umepal ang isang bagong kakilala niya—si Franz.
Asar na asar siya kay Franz, hindi lang dahil babaero ito pero dahil ang lakas pa ng loob nitong sabihing hindi totoo ang mga love letter na bumuhay sa pag-asa niya sa pag-ibig. Kaya hindi niya ito inatrasan nang makipagpustahan ito sa kanya. Magkasama nilang hinanap ang may-ari ng mga sulat para patunayang mali ang isa’t isa. Pero sa kanilang paghahanap ay natagpuan niya ang sariling nahuhulog ang loob dito. Nagsimula siyang i-appreciate ang magagandang katangian ni Franz. Until one day, she just fell for him completely. Pero nalaman niyang niloloko lang pala siya nito. At nalaman niya na kahit kailan ay hindi nito masusuklian ang pagmamahal niya. Paano pa niya mamahalin ang lalaking iisang babae lang ang kayang mahalin?

9. PHR 4646 Once Again by Laurice del Rio


Masaya na sana ang buhay ni Ann. Isa siya sa mga itinuturing na fast-rising star sa larangan ng pagkanta at mayroon siyang mayamang boyfriend na mukhang handa siyang pakasalan. Pero ang magandang mundo niya ay binulabog ng isang stalker. Mukhang desidido ito na gawan siya ng masama dahil sa kabila ng pagkakaroon niya ng mga bodyguard ay nakakalusot pa rin ito.
Masyado nang nag-aalala ang manager niya kaya nagkusa itong hingan ng tulong ang kakilala nito na isa diumanong security expert. Laking gulat niya nang malaman kung sino iyon: si James, ang dating kababata niya na minsan din niyang minahal.
Pinili nilang kumilos na parang estranghero sa isa’t isa, pero ramdam ni Ann ang panunumbalik ng damdaming pinilit niyang ibaon na sa limot. At tila ganoon din ito sa kanya. Ramdam niya iyon sa mga yakap at halik nito. Pero kagaya ng ginawa nito noon sa kanya, basta na lang siya nitong iniwan. Kung kailan handa na uli siyang ibigin ito…

Back to top Go down
 
February 20, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» QUBOOL HAI 8TH FEB 2013 WRITTEN UPDATE
» Veera - 3rd February 2014 - Written Update
» Amazon Royalties.
» ACTION MAN DAY 2 MAY 12th 2013 ****BOOK NOW****
» 2013 Harvey Baseball Address Book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: