HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 13, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 13, 2013 Book Release   Wed Feb 13, 2013 11:56 am

1. PHR 4625 Jeddahlyn’s Happy Ending by Camilla


Sanay na si Jeddahlyn na maging brokenhearted. Sa katunayan ay ordinaryo na sa kanya ang umiyak at magsumpa ng lalaki kapag naloloko siya. Sa pagnanais na magkaroon ng happy ending, nagpaka-reckless siya sa pag-ibig.
It was a good thing Isaac was there to catch her fall. Mabilis na nahulog ang loob niya rito. Pakiramdam niya talaga ay ito na ang itinadhana para sa kanya.
Pero nagkamali na naman siya. Tila si Isaac pa ang pinakamatinding heartache na daranasin niya—dahil kasabay ng pagkabigo niya rito ay ang pagkatuklas niya sa lihim ng kanyang pagkatao. Iyon pala ang dahilan kung bakit nilapitan siya nito at pinaibig in the first place.

2. PHR 4626 Forever Alone No More by Brandy Gallardo


Nagtungo si Solenn sa isang liblib na baryo sa Batangas upang kapanayamin para sa magazine nila ang isang sikat na Olympic swimmer. Gagawin niya ang interview kung hindi ay matatanggal siya sa trabaho. Mula kasi nang maudlot ang kasal niya sa dating kasintahan ay nawalan na siya ng gana sa buhay. At iyon ang last chance niya para patunayan sa boss niya na mahal pa niya ang kanyang trabaho.
Sa ibaba ng inupahan niyang bahay ay nakatira naman si Jeff, na naroon din pala sa kaparehong job assignment. Nagtunggali sila kung sino ang makakaunang makakuha ng interview.
Pero sobrang ilap ng swimmer—o mas tamang sabihing nagpapaimportansiya—dahil hindi nila ito matiyempuhan sa bahay nito. At habang hinihintay nila itong lumitaw, ginugol nila ni Jeff ang kanilang oras sa pamamasyal at sa pagkilala sa isa’t isa. Solenn found him funny, thoughtful, and a charmer—a deadly charmer. At nang malaman niyang wala pa itong nobya, tila nakakita siya ng fireworks display sa isip niya.
Bakit siya nakadama ng kasiyahan sa kaalamang iyon? Posible bang sa maikling panahon ay na-in love siya sa lalaking ito? At kung sakali, wala mang girlfriend si Jeff; nakasisiguro ba siyang type din siya nito?

3. PHR 4627 Mr. Unexpected by Mariane Reign


Heather didn’t know the exact meaning of love. Pero nang makilala niya ang isang Mark Jarvis Fuentes sa isang blind date ay para siyang hinampas ng pag-ibig sa kanyang mukha.
He brought unexpected feelings to her—na para bang tuwing makikita niya ito ay biglang pumapasok sa isip niya ang “forever.” He awakened feelings in her that she didn’t know she could feel.
Ang buong akala niya ay una at huling beses na makikita niya si Jarvis sa blind date na iyon. But destiny played a trick. He ended up pretending to be her boyfriend.
She expected the attraction, she expected the spark, and she expected being bedazzled by his charms.
Pero dapat ba niyang hayaang tuluyang mahulog ang loob niya rito?

4. PHR 4628 Cupid’s Haven Trilogy: Dainty Diane Book 1 by Andie Hizon


Umalis ng bansa si Diane nang kailanganin siya ng pamilya niya sa Australia. Bago pa man siya magtungo roon ay isinuko na niya ang pag-ibig niya kay Alfie, ang longtime ultimate crush niya. Pagkalipas ng isang taon ay bumalik siya sa Pilipinas at nagtrabaho sa Cupid’s Haven bilang manager.
Nangako siya sa sarili niyang hindi na uli siya mahuhulog kay Alfie. Bakit pa? Eh, patay na patay ang lalaking iyon sa fiancée nitong ilang taon nang missing in action. Ngunit nang naghiwalay ang dalawa, kinalimutan niya ang pangako niya na hindi na uli siya mai-in love kay Alfie. Siniguro niyang naroon siya sa tabi nito sa lahat ng panahong kailangan nito ng kausap at kasama. Hanggang sa mahulog din ang loob nito sa kanya.
Everything seemed so right. Ngunit nagbalik ang dating fiancée ni Alfie.

5. PHR 4629 Cupid’s Haven Trilogy: Jaunty Juanne Book 2 by Andie Hizon


Kung mayroon mang huling taong magugustuhan si Juanne, si Chef Roland na yata iyon. Si Chef Roland ang pastry chef ng Cupid’s Haven Makati kung saan siya ang branch manager. Hindi niya kasundo ang binata dahil masyado itong mapang-asar. Wika nga ng iba ay siya ang “trip” nito.
Ngunit wala namang imposible sa mundo. All of a sudden, nakaramdam siya ng kakaiba rito; biglang naging mabait ito sa kanya. From kontrabida, naging leading man ang tingin niya rito.
Ngunit paano na ang “pagsintang-ewan” niya rito kung may nobyo na siya? At paano rin kung nag-iilusyon lang pala siya na may gusto ito sa kanya kung hindi pa nakaka-move on ito sa nobya nitong sumakabilang-buhay?

6. PHR 4630 Cupid’s Haven Trilogy: Zealous Zoanne Book 3 by Andie Hizon


Inggit na inggit si Zoanne sa kanyang mga kaibigan dahil may masasayang love life ang mga ito. Samantalang siya ay pinagkaitan na yata ng tadhana. Hanggang isang araw, muli silang nagtagpo ng first and ultimate crush niyang si Dustin. At hindi lang iyon, bukod sa kapitbahay na niya ito ay magtatrabaho rin ito bilang acoustic singer sa Cupid’s Haven The Fort kung saan siya ang manager.
Nagkaroon siya ng pagkakataong balikan ang dating damdamin ngunit ibang Dustin na pala ang bumalik sa buhay niya. Bukod sa naging easy-go-lucky na ito, hindi na rin yata nagpa-function nang tama ang puso nito. Sa tingin niya, Dustin was not capable of loving at all. Naglalaro lamang ito, nagsasaya, at hindi nagseseryoso.
At kahit gustuhin niyang si Dustin ang makasama niya sa “happy ending” ng fairy-tale romance na ninanais niya, hindi pa rin maaari dahil hindi naman in-search ang binata sa “happy ending” na pangarap niya.

7. PHR 4631 The Heart Never Forgets by Camilla


Dahil mahal nila ang isa’t isa, nagpakasal sina Serena at Ricco sa kabila ng pagtutol ng kanilang mga ina. Ngunit huwad yata ang pag-ibig ni Ricco kay Serena. Ilang buwan pagkatapos ng kasal nila, nahuli ito ni Serena na may kasiping sa mismong silid nila. Sa sama ng loob ay umalis siya at naaksidente, dahilan para mamatay ang ipinagbubuntis niya at mabura ang kanyang alaala. Dinala siya ng mama niya sa Amerika.
Three years later, bumalik ang alaala ni Serena. May bago na siyang karelasyon at pakakasalan siya nito. Ngunit bago iyon, kailangan muna niyang umuwi sa Pilipinas upang ipawalang-bisa ang kasal niya kay Ricco.
Hindi niya inaasahan ang magiging reaksiyon ng puso niya nang muling makita niya ito. Tila mahihirapan siyang panindigan ang pasya niya na tuluyan nang ibaon sa limot ang mga alaala nila…

8. PHR 4632 Ten Minutes To Happiness by Shekinah Hope


Na-in love si Lovely kay Lawrence noong high school sila. Ito ang first love niya. Pero pagka-graduate nila ay hindi na niya ito nakita pa. Nangako si Lovely sa sarili na hihintayin niya ang pagbabalik ni Lawrence.
Sa paglipas ng panahon ay nakilala niya si Xyler, ang makulit na kaklase niya sa college. Sa kabila ng pagiging misteryoso nito ay naging malapit na magkaibigan sila. Hanggang sa bumalik ang first love niya. Dapat ay naging masaya si Lovely sa pagkikita nila ni Lawrence dahil ito dati ang pinakahihintay niyang sandali, pero wala siyang naramdamang pagkatuwa. At sa halip na sugurin niya ito ng yakap ay parang gusto niyang tumakbo palayo at magtago sa likod ni Xyler.
Ano ang nangyari?

9. PHR 4633 Swept Away by Claudia Santiago


“Isang buwang palugit upang mapaibig kita. Kaysa naman kung sino-sinong babae pa ang idine-date mo, di ako na lang ang bigyan mo ng chance? I’ll make you fall for me. Pagkatapos nang isang buwan at wala ka pa ring nararamdaman para sa akin, I’ll let you go. Completely. I’ll give you up and this love.”
Iyon ang proposal na ibinigay ni Patty sa lalaking matagal na niyang itinatangi—si Tristan. Sa gulat at tuwa niya ay tinanggap nito ang proposal niya. Ito pa nga ang nag-suggest na maging “magkasintahan” sila. Na agad naman niyang tinanggap.
Sa paglipas ng mga araw ay hindi nila namalayang lumagpas na pala sa taning ang “relasyon” nila. Nalunod na yata si Patty sa sweetness na ipinapadama sa kanya ni Tristan kahit hindi niya alam kung saan siya nakalugar sa puso nito. Wala naman itong binabanggit na mahal siya nito. Hindi rin niya ito matanong dahil natatakot siya sa magiging sagot nito.
Pero nang bumalik ang ex-girlfriend ni Tristan ay isinantabi niya ang lahat ng takot. Lakas-loob na niyang tinanong si Tristan kung mahal siya nito…

10. PHR 4634 Seducing Cupid by Kaye Ysabelle


Amber had been in love with Jade Paulo Torralba for such a long time. Pero tila ito isang mataas na bituin na hindi niya masungkit. She sought the help of Cupid, her best friend and Paulo’s acquaintance. Nagpalakad siya rito para mapalapit kay Paulo.
Kahit halatang napipilitan, pumayag ito kahit ayon dito ay isa iyong malaking kahibangan.
Mukhang tama si Cupid na malaking kahibangan nga iyon dahil ang lalaking nililiyag niya ay nadiskubre niyang may iba palang iniibig. She really felt devastated.
“Bakit ba kasi siya pa ang nagustuhan mo?” tanong ni Cupid sa kanya.
“Eh, sino ba ang puwede kong magustuhan?” balik-tanong niya.
“Ako,” sagot nito. “Puwede mo akong magustuhan.”
“Best. Joke. Ever,” aniya at saka tumawa. “That was really funny.”
Pero si Cupid ay hindi tumatawa. He looked… dismayed.
But why?

11. PHR 4635 The Wrong Proposal by Mellicent Martinez


“Marry me, sweetie.”
Napamulagat si Miel at dagling nag-angat ng tingin pagkarinig sa mga katagang iyon. Sa kanya nakatingin ang mga namumungay na mata ni Rafael, ang lalaking matagal na niyang itinatangi. Her throat tightened with the sudden tension. She could feel the eyes of the guests on them. Napatunayan niyang mali si Nora Aunor sa sinabi nitong “Walang himala!” dahil mayroong himala at nararanasan niya iyon nang mga sandaling iyon.
“Yes, I’m going to marry you!” Hindi na niya hinintay na isuot ni Rafael ang singsing sa daliri niya. Mabilis niyang kinuha iyon mula rito at siya na mismo ang nagsuot niyon sa daliri niya, pagkatapos ay kinabig niya ito sa batok at siniil ng halik sa mga labi. Pinakawalan lang niya ang mga labi ni Rafael nang kapusin na siya ng hangin. Habol ang hininga na tiningala niya ito habang nananatiling nakayapos ang mga braso niya sa leeg nito. She saw him frown as she stared down at her beaming face.
“W-who are you?” naguguluhang tanong nito sa kanya.
She caught the scent of alcohol on his breath. Unti-unti itong pumikit at dahan-dahang bumagsak sa kanya…

12. PHR 4636 Seduction On The CEO’s Terms by Charlene Sands (translated by Dawn Igloria)


Matagal nang in love nang lihim si Alie sa boss niya na si Jonas pero para dito ay isa lang siyang efficient secretary, no more, no less. Paano nga ba naman siya magugustuhan nito kung ang tingin ng mga tao sa kanya ay isang social climber o gold digger na gaya ng kanyang ina dahil sa modernong pananamit niya? Kaya nang may magpayo sa kanya na baguhin niya ang fashion style niya, sinunod niya ito. Ang dating modern at sexy Alie, isang demure at simple Alie na dahil sa ginawa niyang pagbabago sa style ng pananamit niya. At alas! Unti-unti siyang napansin ni Jonas.
Masaya siya na naa-attract na ito sa kanya. Ang dating pinapangarap lang niya na mapansin siya nito bilang isang babae na maaaring maging girlfriend ay isa na ngayong realidad. Pero mukhang hanggang kaswal na relasyon lang ang gusto nitong mangyari sa kanila gayong ang ultimate dream niya ay ang ikasal dito…

13. PHR 4637 Black Princess by Yasmin Joo


Bata pa lang si Deanna ay may reputasyon na siya bilang black sheep ng pamilya Torevilla. Kahit ang ibang tao ay masama ang tingin sa kanya, maliban na lang sa best friend niyang si Laura. Pero kahit sa best friend niya ay hindi niya naiwasang magmaldita. Kinukuha niya ang magagandang bagay na pag-aari nito. Gayunman, nagkasundo silang maging best friends forever at hindi sasaktan ang isa’t isa.
Years later, nang isa na siyang modelo, nakilala at umibig siya kay Gabriel, na napag-alaman niyang ang nag-iisang lalaking inibig naman ni Laura. Alam niyang siya ang gusto ng binata, pero alam din niyang hahadlang ang lahat sa kanila, lalo na’t hindi maganda ang kanyang reputasyon. Isa pa, paano ang pangako niya kay Laura?
Hindi niya alam kung ano ang mas pipiliin: ang kaligayahan o ang kaibigan?

14. Safe Haven by by Nicholas Sparks (translated by Dawn Igloria)


Ang biglaang pagsulpot ni Katie sa maliit na bayan ng North Carolina ng Southport ay nagdulot ng mga usap-usapan tungkol sa kanyang nakaraan. Maganda, bata, ngunit misteryosa at tahimik, determinado si Katie na umiwas sa pakikipaglapit kanino man. Hanggang ang pagkakasunod-sunod na mga pangyayari ang naglapit sa kanya sa dalawang relasyon na hindi niya sana gustong mangyari. Ang isa ay kay Alex—isang mabait na biyudo na may dalawang anak at may-ari ng isang tindahan; at kay Jo—ang kapitbahay niyang dalaga na tahasan kung magsalita. Sa kabila ng mga pag-aatubili ni Katie, unti-unti siyang nagtiwala, nakipagkaibigan sa nagkakaisang komunidad, at pinalalim ang pagtingin kay Alex at sa pamilya nito.
At kahit pa umiibig na siya, pinahihirapan siya ng isang pangit na lihim na laging nakasunod at tumatakot sa kanya… isang kahapon na naglagay sa kanya sa isang nakakapangamba at nakakalitong paglalakbay sa buong bayan, sa nakatagong ligtas na lugar ng Southport.
Sa matatag at mahigpit na pagtulong ni Jo, hindi nagtagal ay natanto ni Katie na kailangan niyang mamili sa dalawa: isang buhay na may pansamantalang kaligtasan at isang may mga mas mapanganib na gantimpala… at sa mga sandali ng kawalang-pag-asa, ang pag-ibig lang ang tanging tunay na ligtas na kanlungan.

15. The Hunger Games Trilogy: Mockingjay by Suzzane Collins (translated by Dianne Joy Felipe)


Si Katniss Everdeen, ang babaeng nag-aapoy, ay nanatiling buhay, kahit pa nawasak ang kanyang tahanan. Nakatakas si Gale. Ang pamilya ni Katniss ay ligtas. Nahuli ng Kapitolyo si Peeta. Totoong mayroong District Thirteen. May mga naghihimagsik. May mga bagong namumuno. Isang himagsikan ang kasalukuyang nabubunyag.
Sinadyang sagipin si Katniss mula sa arena sa malupit at hindi malilimutang Quarter Quell, at sadyang matagal na siyang bahagi ng rebolusyon nang hindi niya nalalaman. Lumantad ang District Thirteen at nakikipagsabwatan na pabagsakin ang Kapitolyo. Tila lahat ay may kinalaman sa maingat na pagpaplano—maliban kay Katniss.
Ang ipagtatagumpay ng himagsikan ay nakasalalay sa pagkukusa ni Katniss na magpagamit sa pagpapatupad ng kanilang mithiin, na akuin ang responsibilidad para sa hindi mabilang na buhay, at baguhin ang daan patungo sa hinaharap ng Panem. Para magawa ang mga iyon, kailangan niyang isantabi ang kanyang nararamdamang galit at kawalan ng tiwala. Kailangan niyang maging ang Mockingjay ng mga naghihimagsik—kahit ano pa ang maging personal na kabayaran niyon.
Back to top Go down
 
February 13, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» QUBOOL HAI 8TH FEB 2013 WRITTEN UPDATE
» Veera - 3rd February 2014 - Written Update
» Amazon Royalties.
» ACTION MAN DAY 2 MAY 12th 2013 ****BOOK NOW****
» 2013 Harvey Baseball Address Book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: