HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 6, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 6, 2013 Book Release   Sat Feb 09, 2013 4:53 pm

1. PHR 4611 When Toni Meets Pete by Jamie Black


Itinalaga ni Toni ang sarili bilang tagapagtanggol ng best friend niyang si Bea. Naging saksi kasi siya sa mga kabiguan ng kaibigan pagdating sa pag-ibig. Kaya nangako siya sa sarili na kapag natagpuan na niya ang tamang lalaki para dito, siya mismo ang gagawa ng paraan upang magkatuluyan ang mga ito.

At natagpuan naman niya ang lalaking hinahanap—si Pete na isang Literature student and the gorgeous student in her Photography class. Toni knew he was the perfect man for her best friend. So she did everything she could para magkaroon ng relasyon ang mga ito. She was right. Nang maging magnobyo ang dalawa ay naging masaya na si Bea. At sa wakas magiging masaya na rin siya para sa kaibigan. Kung hindi lang sana siya na in love kay Pete…

2. PHR 4612 A Run For Love by Reve San Jose


Nang bumagsak ang kabuhayan ng pamilya Towers, nagpasya si Marie Antonette na magbakasyon sa probinsiya ng mga lolo at lola niya para makaiwas sa mga mapanuring mata ng mga nakakakilala sa pamilya niya. Dahil din sa pagbagsak na iyon ay nangawala ang mga itinuturing niyang kaibigan.
Doon din na-realize ni Marie Antonette na maganda ring mamuhay nang simple at hindi sa pera lang umiikot ang lahat ng bagay. Doon din niya nakilala si Miguel. Nayayabangan siya rito ngunit natalo iyon ng damdamin na umusbong para dito. Ito lang ang nagpadama sa kanya ng kakaibang pagmamahal na masasabi niyang kumompleto sa pagkatao niya.
Wala nang mahihiling si Marie Antonette nang maging magnobyo sila ni Miguel. Pero hindi niya inakalang may mas malaking problema pang darating sa buhay niya. Nagkasakit siya nang malubha sa puso at kinakailangan niya ng heart transplant. Ang problema ay walang heart donor.
Miguel had been running all his life for a cause. At ngayon ay tatakbo ito para sa kanya. Pero pakiramdam niya ay sumuko na ito dahil hindi na ito nakipag-communicate sa kanya nang huli silang magkita…

3. PHR 4613 Tale As Old As Time by Akira Ellie


Dahil sa kasawian sa pag-ibig ay ipinangako ni Rodgine sa sarili na hindi na muna siya magmamahal. Pero wala pang isang araw pagkatapos niyang ideklarang brokenhearted siya ay parang biglang na-mighty bond ang puso niya at kusang nagdikit-dikit nang makilala niya si Kwesi. Para itong anghel na pinababa sa lupa upang mabilis siyang maka-recover mula sa pagkasawi niya.
Sa maikling panahon ay na-in love siya sa binata. Kinalimutan niya ang mga agam-agam dahil sa puso niyang nagpasyang mahalin ito. Hanggang sa malaman niya kung sino ba talaga ito at kung ano talaga ang pakay nito sa kanya. Dapat pa ba niyang ipagkatiwala rito ang puso niya o hahayaan na lamang niyang masaktan siya nito?

4. PHR 4614 Maty Go Mystery: Wedded Bliss by Rose Tan


Dalawang taon pa lang ang nakararaan, pakiramdam ni Maty ay tagilid na ang marriage nila ni Fernando—at inaatake siya ng matinding insecurity. Una kasi, nasa tuhod yata niya ang matris niya, kaya hindi sila makabuo ng supling.
Pangalawa, ang nadadalas na pagdalaw ni Fernando sa kapitbahay nilang biyuda—retokado pero ubod ng sexy at lambing sa asawa ng may-asawa!
And when things go bad, they will go worse. Ang retokadang biyuda, pinaslang sa sariling bahay.
The worse became worst: buntis daw pala ang biyuda at nakita ng mga pulis ang fingerprints ng minamahal niyang esposo sa silid niyon. May eksplanasyon daw, ayon kay Fernando. Talaga! Hahanapin niya iyon at kung mapapatunayan niyang taksil si Fernando, siya naman ang mabibiyuda, promise!

5. PHR 4615 Love Found Me by Amanda


Nagbakasyon si Francine sa beach house nila sa Nasugbu upang kahit pansamantala ay makalimutan niya ang lungkot sa pagkamatay ng kanyang ama. Pero unang gabi pa lang niya roon ay binulabog na siya ng isang lalaki—si Jack. Sinabi nito na nasa panganib ang buhay niya, na siya na ang susunod sa listahan ng hired killer na pumatay sa kanyang ama.
Wala siyang pagpipilian kundi ang ibigay kay Jack ang tiwala niya. Napatunayan naman nito sa kanya na totoo ang lahat ng iyon. Pero kung nanganganib ang buhay niya ay nanganganib din ang puso niya rito. Ang kaguwapuhan at kakisigan nito ay nagpapalito sa isip niya. Francine was starting to fall for him. At hindi niya alam kung alin ang mas mapanganib sa dalawa.

6. PHR 4616 My Love Guru by Zeria Villacarte


Thea was the greatest love guru in town. Hindi siya nawawalan ng kliyente dahil laging epektibo ang mga advice niya kahit wala siyang love life. Mas gusto niya iyon. Sabi nga nila, mas makapagbibigay ng matinong advice ang mga wala sa relationship. Ang ayaw lang niya ay ang pagkakaroon ng constant buwisit sa buhay niya sa katauhan ni Louie Abranda. Oo, guwapo na ito kung guwapo, at inaamin niyang naging crush niya ito noong mga bata pa sila. Pero ngayon ay isang malaking istorbo sa buhay na lang ang tingin niya rito. Walang araw na hindi nito pinapainit ang ulo niya. Hanggang sa nagsawa na siya sa pakikipag-away rito at pinili na lang niyang iwasan sana ito. Pero kung kailan humupa na ang giyera sa pagitan nila ay saka naman ito nag-umpisang magpa-cute sa kanya.

Oh, no! Hindi siya puwedeng tablan ng charms nito dahil naniniwala rin siya sa kasabihang ang magaling mag-advice ay hindi kayang pagsabihan ang sarili. And falling in love with Louie was a major no no!

7. PHR 4617 My Sweet Misery by Dwayne Izzobelle


Bata pa lang si Jessica ay kilala na niya si Ethan, palibhasa ay kaibigan ito ng kuya niya. At nang magdalaga siya, naging aware na siya rito bilang lalaki—sa kaguwapuhan at kakisigan nito. Alam din niya ang reputasyon nito bilang naglalaro ng mga babae. Ayon sa iba, sa takot din daw ni Ethan na iwan ito ng babae, inuunahan nitong makipag-break ang nakakarelasyon nito.
And Jessica knew the reason why. Takot si Ethan sa commitment dahil sa personal experience. Nasa private mental asylum ang ama nito dahil iniwan ng asawa, at nagpakamatay naman ang kapatid nito dahil sa babae.
Minsan ay sinabihan si Ethan na he never had a nice woman but only a bunch of bitches, whom he deserved. Jessica came to his rescue and pretended to be his girlfriend. Gusto niyang ipamukha sa mga nanghahamak dito na may papatol na “nice woman” dito sa katauhan niya.
Pero tama nga bang sagipin niya ito? O baka siya naman ang manganib na mahulog ang loob dito?

8. PHR 4618 Kiss Me, Slowly by Bethany Sy


Nagsisimula nang makipag-date si Athena nang magkrus muli ang mga landas nila ng lalaking naging sanhi kung bakit hindi niya pinahintulutang lapitan siya ng ibang lalaki—si Vrix.
Nagulat siya sa pagbabago ni Vrix. Iba na ang pakikitungo nito sa kanya. Ito ang bumubuo sa araw niya.
Pero nang aminin na niyang mahal na niya ito, nabalitaan niyang ikakasal na ito sa kaibigan niya…

9. PHR 4619 This Time by Camilla


Minsan lang umibig nang tunay si Bernice. Kaya labis-labis ang saya niya nang maging nobyo niya si Tyler, ang lalaking nagpadama sa kanya ng labis-labis na pagmamahal at importansiya. Pero may napakalaking hadlang sa pag-iibigan nila—ang ex-fiancée ni Tyler na si Martina, na ayaw bumitaw sa binata. Nang may mangyaring trahedya kay Martina ay doon na nagpasya si Bernice na lumayo na lamang. At nang muling magkita sila ni Tyler, mukhang nahuli na siya ng dating sa buhay nito dahil nakalaan na sa iba ang puso nito…

10. PHR 4620 My Miracle by Ezra Lindsey


Janiella was secretly in love with Collin. Nang malaman iyon ng kaibigan niyang si Meara ay sinabi nitong gagawa raw ito ng paraan para tulungan siyang mapalapit kay Collin. Iyon nga ang ginawa ni Meara. Nagpadala ito ng bulaklak kay Collin at pinalabas na galing iyon kay Janiella. Para pigilan ang pagde-deliver ng bulaklak, nagtungo siya sa bahay ni Collin. Pero huli na ang lahat. Nasa kamay na iyon ni Nate—ang best friend ni Collin. Dahil ayaw niyang malaman ni Collin ang sekreto niya, sinabi niya ritong para kay Nate ang bulaklak.
Ngayon ay bina-blackmail siya ni Nate. At para huwag mabisto ni Collin, ipinagpatuloy ni Janiella ang pagkukunwaring panliligaw kay Nate. Sa buong palabas nila, napansin niyang palaging bumibilis ang tibok ng puso niya tuwing kasama niya si Nate.
Could it be she was falling in love with Nate?

11. PHR 4621 What If by Juno


Muntik nang masagasaan si Maica kung hindi siya iniligtas ng isang guwapong pulis na sobra ang kabaitan. Nang malaman nito na hindi pa siya kumakain ay inilibre siya nito at nakipagkuwentuhan pa sa kanya. Bago sila maghiwalay, nalaman niya na Abiel ang pangalan nito at kinuha nito ang cell phone number niya. Bakit? Para kapag tumama ito sa Lotto, matutupad nito ang pangakong bibigyan siya ng tatlong milyon. At tumama nga si Abiel sa Lotto. Tinupad nito ang pangako nito at bilang kapalit, ipapasyal niya ito sa Samar kung saan naroon ang pamilya niya. Nakuha nito ang loob ng pamilya niya at hindi niya puwedeng itanggi na maging ang puso niya ay nakuha nito. Ang kaso, taken na si Abiel, at kailangan na niya itong ibalik sa tunay na nagmamay-ari dito…

12. PHR 4622 Sleeping With The Enemy by Julianna Ran


Ang tanging paraan na naisip ni Lemon para mapasakanya ang lalaking pinakamamahal niya ay ang pikutin ito. Determinado siyang mapasakanya si Migs—magmukha man siyang desperada. Ngunit nagkandaloko-loko ang plano niya. Dahil sa halip na si Migs ang mahulog sa bitag niya ay ang kuya pala nitong si Rihan ang napikot niya!
Bata pa lang sila ay kaaway na niya si Rihan. He was obnoxious, self-righteous, and her greatest enemy.
Labis ang naging pagsisisi niya dahil ang maprinsipyong ama pa nito ang nakakita sa kanila na parehong halos walang saplot na magkatabi sa iisang kama. At isang utos nito ang hindi nila mabali ni Rihan, kailangan nilang magpakasal.
Kinausap niya si Rihan bago sila ikasal. Sinabi niya rito na hanggang sa papel lang ang magiging pagsasama nila at tatagal lang iyon nang tatlong buwan. Pumayag ito sa gusto niya.
Ang akala niya ay naremedyuhan na niya ang gusot na siya mismo ang gumawa. Pero hindi pala. Dahil nakilala niya ang isang Rihan na may kakayahang magpatalon ng puso niya…

13. PHR 4623 In The Arms Of My Enemy by Mellicent Martinez


“Stay away from Dylan. You’re ruining his life.” Iyon ang mga katagang binitiwan ng guwapo, matangkad, at mestisong si Filan Walterson kay Vanna nang bigla na lang itong sumulpot sa harap niya. Nakaawang ang bibig na tiningnan lang niya ito na parang ibang lengguwahe ang inusal nito.
Nalaman ni Vanna na ito pala ang nakatatandang kapatid ni Dylan, ang nobyo ng stepsister niyang si Erin. Hindi niya lubos- maisip kung paanong siya ang pinaghinalaan nitong nobya ni Dylan. Isa lang ang alam ni Vanna: hindi niya sasabihin kay Filan ang totoo na hindi siya ang girlfriend ng kapatid nito sa takot na si Erin naman ang guluhin at pagbantaan nito.
Pero nabisto pa rin sila nito nang mabuntis ni Dylan si Erin— isang bagay na isinisi sa kanya ni Filan.
Paano pa siya makakalayo sa anino ni Filan ngayong konektado na ang mga pamilya nila dahil sa batang nasa sinapupunan ni Erin? Ngayon pa namang kailangang-kailangan niyang makalayo rito dahil in love na siya sa lalaking ginawang miserable ang buhay niya.

14. PHR 4624 Maey Prince Charming by Erin Victoria Chen


Minsan ay sinagip ni Maey ang isang matandang babae mula sa dalawang maton na nananakit dito. Hindi niya inasahan na iyon ang magiging dahilan ng pagbabago ng takbo ng buhay niya. The old lady happened to be the mother-in-law of the President of the Philippines. Palabas lang pala ng matanda ang “lola in distress” na eksenang naabutan niya. May misyon daw kasi ito: ang humanap ng karapat-dapat na babae para sa apo nitong si Gil.
The next thing she knew, buhay-prinsesa na siya habang nakatira sa mansiyon na pag-aari ng pamilya ng Presidente. Subalit may problema siya—hindi marunong ngumiti si Gil. At sa loob ng ilang linggo na magkasama sila sa iisang bubong, ni minsan ay hindi siya kinausap nito. Balak na sanang umayaw ni Maey sa sitwasyon na kinasuungan niya, pero napasubo siya sa pakiusap ng lola ni Gil na pasayahin niya ang apo nito. Ang problema, sa halip na mapaamo niya ang binata ay ang puso niya ang napapaamo nito.
Back to top Go down
 
February 6, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» QUBOOL HAI 8TH FEB 2013 WRITTEN UPDATE
» Veera - 3rd February 2014 - Written Update
» Amazon Royalties.
» ACTION MAN DAY 2 MAY 12th 2013 ****BOOK NOW****
» 2013 Harvey Baseball Address Book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: