HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 30, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 30, 2013 Book Release   Mon Feb 04, 2013 11:23 am

1. PHR 4605 Villa Cattleya: Unexpected Love by Belle Feliz


Mula nang unang beses na makita ni Cathellya si Seth ay nakita na kaagad niya ang kaibahan nito sa mga kakambal nitong sina Simon at Sean. Magkamukhang-magkamukha man ang tatlo, kaya niyang kilalanin kung sino sa mga ito si Seth.
Malapit na malapit siya sa pamilya nito ngunit ramdam niyang hindi lubos ang pagtanggap nito sa kanya. Hindi natuloy ang pag-ampon sa kanya ng mga magulang nito dahil sa matinding pag-ayaw nito noon. Napakadalang nilang magkasundo. Ni hindi siya sigurado kung itinuturing siya nitong kaibigan.
Hanggang sa hilingin ng lola ni Seth na pakasalan siya nito.

2. PHR 4606 Twinkle’s Star by Akira Ellie


Sa tagal ng pagiging magkakilala nina Milo at Twinkle, hindi kailanman lumampas sa pagiging magkaibigan ang estado ng kanilang relasyon. Para silang may silent agreement na kahit ano ang mangyari ay mananatili sila sa tabi ng isa’t isa. Kaya nang malaman ni Milo na may bagong kinalolokohang lalaki si Twinkle ay talagang nag-panic siya. He realized that he can’t just give Twinkle to any man. So, he proposed to her.

Ipinangako ni Milo sa sarili na gagawin niya ang lahat upang mapasaya si Twinkle. Pero hindi pala mangyayari ang lahat ng iyon dahil sa isang biro ng tadhana. Isang malagim na aksidente ang bumago sa pagmamahal nito sa kanya.

3. PHR 4607 His Penniless Beauty by Julia James (translated by Iris Anne)


Mula sa pagiging socialite at isang promising piano student, ngayon ay mahirap na ang buhay ni Sophie kaya kailangan niyang tumanggap ng sarisaring trabaho nang sabay-sabay—kahit pa minsan ay labag na sa loob niya ang trabahong napapasukan niya. Kailangan niyang gawin iyon upang mabuhay at masuportahan ang may-sakit niyang ama. Hindi niya inakalang sa isa sa mga trabaho niya ay magtatagpo uli ang mga landas nila ni Nikos Kazandros, ang lalaking minamahal pa rin niya nang lubos kahit ito ang dahilan ng pagkawala ng lahat sa kanya. Hindi nito maaaring malaman ang mga pinagdaraanan niya dahil hindi awa ang gusto niya mula rito. Mula noon at ngayon, pagmamahal nito ang kailangan niya. And he still has the power to hurt her…

4. PHR 4608 Nothing Better by Bethany Sy


Hindi mahilig si Angeline sa Korean Music o sa kahit na anong may kaugnayan sa Korea. Pero biglang nagbago ang lahat nang marinig niyang kumanta si Garett Han, ang bagong bokalista ng campus band nila na The String. Parang biglang gusto na niyang pag-aralan kahit ang buong history ng Korea dahil sa guwapong Koreano na bumihag sa inosenteng puso niya.
Kung may mas masungit pa kay Garett ay hindi niya alam. At kung may mas sisipag pa sa kanya sa pagsunod-sunod dito ay hindi rin niya masasagot. Isa lang ang masasabi niya sa ngayon: handa siyang gawin ang lahat mapaamo lang ang campus bad boy at walang kasingguwapong lalaki na palaging laman ng puso at isip niya.
Nagawa naman ni Angeline ang nais niya. Naging malapit sila ni Garett. Nakita rin niya ang pagbabago nito. Akala niya ay hindi na matatapos ang kaligayahan na nararamdaman niya. Ngunit laking pagtataka niya nang isang araw ay bigla na lang siyang iniwasan nito. At wala siyang maisip na dahilan kung bakit nangyari iyon.
Hanggang sa makita niya mismo ang dahilan kung bakit nawala sa kanya si Garett.

5. PHR 4609 Saving Viktoria by Giorgianna Vittoria


Walang nakakaalam kung bakit hindi pa rin magawang buksan ni Viktoria ang puso niya sa mga lalaking lumalapit sa kanya. Hindi naman sa wala siyang planong mag-asawa, sadyang may hinihintay lang ang puso niya—ang pagbabalik ni Samuru. Pinakaaasam-asam ni Viktoria ang ipinangako nito sa kanya noong nasa high school pa lang sila—na babalikan siya ni Samuru. Nagpunta ito sa Amerika para mag-aral. At kahit walong taon na ang lumipas ay naghihintay pa rin siya rito.
Walang kasinsaya ang naramdaman ni Viktoria nang tuparin ni Samuru ang pangako nito. Sa bawat araw na kasama niya ito ay hindi na tumigil sa malakas na pagkabog ang dibdib niya. Ngunit aminado pa rin siya sa takot na nararamdaman na kalakip ng sayang iyon. Kilalang magaling na news reporter si Samuru at kasama sa maiinit na usapin nang panahong iyon ang ama ni Viktoria. Paano kung malaman nito ang matagal nang sekreto ng pamilya niya? Kaya ba niyang ipagpalit ang tahimik na buhay ng pamilya niya sa sayang hatid sa kanya ni Samuru?

6. PHR 4610 A Love That Started With A Lie by Maricar Dizon



Dahil sa isang hula ay nangako si Elay na hindi siya mag-aasawa. Ngunit nais niyang magka-baby. Kaya sa gabi bago ang thirty first birthday niya ay determinado siyang humanap ng lalaking makapagbibigay sa kanya ng anak. Nakilala niya si Miguel. At kahit ang plano niya ay umatras na sa kalokohang naisip niya ay natagpuan niya ang sariling kapiling ito buong gabi.
Ang akala ni Elay ay hindi na niya makikita pa si Miguel. Ngunit laking gulat niya nang malamang kaibigan pala ito ng kuya niya.
He was persistent to continue where they left off. Subalit ayaw niyang ma-involve dito dahil takot siyang lumalim pa ang nararamdaman niya para dito. Nang malaman nito na nagsinungaling siya sa una nilang pagkikita ay hindi ito nagalit sa kanya, bagkus ay niyaya pa siya nitong magpakasal.
Sa likod ng isip niya ay naroon ang takot dahil sa nagbabantang maganap na trahedya rito kapag nagpakasal sila. Should she take the risk and fall in love with him?

7. Señorita 33 Constantina by Rose Tan


For the first time, may manliligaw si Constantina—si Mateo. He was the perfect suitor: good-looking, rich, decent, a gentleman. Pero kung hindi ka kagandahan, hindi kaseksihan at katalinuhan na kagaya niya, sasagutin mo ba si Mateo?
Siyempre hindi—insecure ka, eh!
Kaya, ang binalak niyang patusin ay ang best friend ni Mateo. Ang kaso, dahil doon ay nalagay siya sa alanganin. Naitakda siyang ikasal sa naturang best friend, isang lalaking hindi siya type at hindi rin niya type.
Hiningi ni Constantina ang tulong ni Mateo. Tumanggi itong makipagsabwatan sa kanya para maiurong ang kasal.
Constantina had no choice. Ginawa niya ang hindi pa niya nagagawa at nararanasan sa buong buhay niya: niligawan niya si Mateo. Pakipot naman ang tinamaan ng kulog.

8. Señorita 34 Candida by Rose Tan


Marami ang nangangarap na magkaasawa ng MMM—Matandang Mayaman na Madaling mamatay. Isa na sa mga iyon si Candida. At hindi siya nabigo sa pangarap niyang iyon dahil naikasal siya sa isang matandang ubod ng yaman. Pero namatay ang matanda sa mismong gabi ng kanilang pulot-gata.
Ngunit nalaman niyang may nawawalang apo pala ang kanyang sumalangit na esposo. Kaya ipinahanap niya ito. At natagpuan naman ito—si Pocholo. Buong paninindigang tinanggihan ni Pocholo ang mamanahing kayamanan.
Simple lang ang dahilan: ayaw nitong maging lola siya nito. Kasi raw, “Ang ganda ng lola ko.”

9. Señorita 35 Alodia by Rose Tan


Ipinagkasundo si Alodia ng kanyang mga magulang kay Dr. Max San Pedro. Hindi siya tumutol kahit hindi pa niya nakikilala ang doktor dahil mayaman ito at iyon lang ang mahalaga.
Pero hindi sumipot sa kanilang “introduction dinner” ang lalaki at nabuo ang isang hinala na may misteryo sa pagkatao nito. So, Alodia pretented to be somebody else and changed her appearance. Bilang si Louise Briones ay nag-apply siyang sekretarya sa klinika nito. Lulutasin niya ang misteryo ng kanyang husband-to-be.
Pero ang pagpapanggap ni Alodia ay nadagdagan pa ng panibagong pagpapanggap. Napagkamalan siya ni Max na isang espiyang ipinadala ng mama nito. Hiningi nito ang tulong niya para hindi matuloy ang kasal nito kay Alodia. Pinagpanggap siya ni Max na girlfriend nito.
Hindi niya alam kung paano siya makakaahon sa patong- patong na pagkukunwari, lalo na nang mahulog ang damdamin niya kay Max. Bilang si Louise, paano niya pipigilan ang nakatakdang kasal nito sa babaeng wala ring iba kundi siya?
Back to top Go down
 
January 30, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Struck By Lightning Premiere--January 6, 2013
» George Clooney Aficionados News January 5,2013
» Rangrasiya Written Update 6th January 2014
» Ek Boondh Ishq - Written Update - 3 January 2014
» My Playvisions Collection updated January 3, 2013. over 30 new models!

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: