1.
PHR 2857 An Honorable Man's Promise by CamillaNagkahiwalay sina Keeshia at Buzz ilang taon na ang nakalilipas. When they met again, there was that obvious animosity on Buzz’s part towards her. Pero dahil sa hiling ng mommy niya bago ito mamatay, she found herself agreeing to marry him. May pag-asa kayang maging totoo ang kasal nila?
2.
MLB 205 Vanessa & Wayne by Bernadette Licarte Bata pa si Vanessa nang maulila siya. Ang pamilya nina William ang kumupkop sa kanya. Kaya nang ipareha silang dalawa ng mga magulang nito ay hindi niya nagawang tumanggi kahit wala siyang espesyal na damdamin para sa lalaki. Ang ikinakabalisa niya ay kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya tuwing napapalapit siya sa nakatatandang kapatid nitong si Wayne. She wanted to be William’s wife but her heart pounded every time she saw Wayne.
Si Wayne ay kabaligtaran ni William sa lahat ng bagay. Itinuturing itong black sheep sa pamilya. Pero mula nang makilala niya ito nang lubusan ay naiba ang paniniwala niya. Wayne had a big heart. Kabaligtaran iyon sa sinasabi ng mga tao na walang puso ito.
Nang nasawi sa isang spiritual and medical mission si William ay si Wayne ang naging tagaaliw niya. Tuloy ay lalong lumalim ang damdamin niya para dito. Pero paano na ang pangako niya sa puntod ni William na ito lamang ang mamahalin niya?
3.
MLB 206 Phoemela & Eugene by Cora ClementeDahil walang nakagisnang buong pamilya, pinangarap ni Phoemela na makakilala ng lalaking perpekto na makakatuwang niyang bumuo ng isang masayang pamilya. Kaya nang makilala niya si Cenon Romasanta at alukin siya nito ng kasal, excited na tinanggap niya iyon kahit anim na buwan pa lamang na nakikilala niya ito at hindi niya ganoon kamahal.
Subalit ang pinakaaasam niyang pangarap na maging isang bride ay napurnada nang sa mismong araw ng kasal niya ay kidnapin siya ng isang lalaki.
Ang lalaki ay nagpakilala bilang si Eugene Villaruel. At kaya raw siya kinidnap nito ay upang sagipin sa gagawing panloloko ni Cenon sa kanya.
Paniniwalaan ba niya ang sinasabi nito?
4.
MLB 207 Contressa & Travis 1 by VanessaContressa’s biggest dream was to get married to the right man. Sa palagay niya ay natagpuan niya ang right man sa katauhan ng nobyo niya. Ang problema ay hindi pa sila maaaring magpakasal dahil kailangan muna niyang piliting tumanggi sa kasal nila ang lalaking napisil ng kanyang lolo na pakasalan niya. Ang lalaki ay walang iba kundi si Travis.
Pero matigas si Travis sa kapasyahang magpakasal sila. Hindi raw ito papayag na hindi matuloy iyon…
5.
MLB 208 Contressa & Travis 2 by VanessaNatuklasan ni Contressa na mahirap palang kausap si Travis. Ang proposition niya na sa palagay niya ay kapwa nila pakikinabangan ay tinanggihan nito. At gigil na gigil siya rito na gusto nitong pakasalan siya gayong unang kita pa lang niya rito ay may kasiping na itong iba!
6.
MLB 209 Rumer & Wulf by CamillaWeeks before her supposed grand wedding, nagpakasal sa iba ang fiancé ni Rumer. Naging palalo siya pagkatapos niyon. Then she met and fell in love with Wulf Sanguinez, na sa kabila ng kasungitan sa kanya at debosyon sa nobya nito ay batid niyang attracted din sa kanya. Then one night they ended up in bed. At nagbunga ang gabing iyon.
Ayaw siyang panagutan ni Wulf. “Kung ganyan ang istilo mo para makakuha ng lalaki, hindi na ako nagtataka kung bakit ipinagpalit ka ng dating fiancé mo sa iba,” sabi pa nito.
Pero bigla na lang itong nag-propose ng kasal sa kanya. Masisisi ba siya nito kung magduda siya?
7.
MLB 210 Kimberlee & Markshin by Heart YngridIkakasal na dapat si Kimberlee ngunit sa mismong araw ng kasal niya ay may natuklasan siya tungkol sa kanyang nobyo na ikinawasak ng kanyang puso at ikinasusuklam niya rito. Para makaganti rito ay tumakbo siya palabas ng simbahan upang maipahiya ito sa harap ng maraming bisita.
Wala siyang choice kundi ang sumakay sa motorsiklo ng isang lalaking natagpuan niya sa labas ng simbahan upang makalayo sa kanyang groom at mga magulang na humabol sa kanya. Later, she was too surprised to find out who the guy with the helmet on was.
Si Markshin Mendoza! Ang mortal na kaaway niya since birth!
8.
MLB 211 Nicole & Hayden by Bernadette Licarte Nang araw na umalis si Hayden ay pinilit ni Nicole na iwaksi sa isip na iyon na rin ang wakas ng kanilang pag-iibigan. Nangako man itong babalik ay hindi niya mapanghawakan iyon dahil bukod sa malayong agwat ng kanilang buhay ay unti-unti na ring lumalabo ang kanilang komunikasyon.
Upang makalimot ay sinubukan niyang umibig sa iba. Kahit nag-aalinlangan ang kanyang puso ay tinanggap niya ang marriage proposal ni Floy, isang mayamang negosyante na matagal nang nanliligaw sa kanya. Matututuhan naman siguro niyang mahalin ito dahil mabait ito.
But the night before their engagement, an unexpected turn of events occurred. Isang gabing masungit ang panahon ay may kumatok sa kanyang bahay at humingi ng tulong. Iyon ay walang iba kundi ang lalaking pinakaasam-asam niyang pakasalan...
9.
MLB 212 Emiliana & Aldo by VanessaBinuo ni Emiliana ang mga batang pangarap niya na kasama si Aldo, ang kababata niya at unang nobyo. Ngunit nasira ang pangarap nila. Sinira iyon ng matinding pangangailangan niya. At kinailangan niyang itaboy ito palayo...
10.
MLB 213 Emiliana & Zeke by VanessaSa loob ng mahabang panahon ay nagtiis si Emiliana sa piling ng isang lalaking malupit sa kanya. Nasa ganoong estado siya nang muli niyang makita ang lalaking siyang isinisigaw pa rin ng kanyang puso--si Aldo. Ngunit iba na ito. Mas kilala na ito sa pangalang “Zeke,” isang mayaman at makapangyarihang tao.
Sa kabila ng malaking ipinagbago nito ay nasilip niya sa mga mata nitong buhay pa rin ang pagtingin nito sa kanya.