HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 23, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 23, 2013 Book Release   Thu Jan 24, 2013 10:28 am

1. PHR 4595 Love And Dreams by Viel Roberts


Tasha was ordinary, the most ordinary in her family. Ngunit nang dumating si Lyndon sa buhay niya, tinanggal nito ang lahat ng alinlangan niya sa sarili niya. Pinaulanan siya nito ng maraming comforting words.
And just when they were so happy together, saka naman dumating ang isang magandang oportunidad sa kanya bilang isang pintor. Iyon din ang magiging daan para hindi na siya maging ordinary sa pamilya nila. Only there was a problem. She had to leave Lyndon behind.

2. PHR 4596 Enemies With Benefits: Serve Me Your Heart by Haze Prado


Sa kagustuhan ng kuya ni Celine na matigil na ang tsismis na lesbian siya, ipinagkasundo siya nito sa isang lalaki na malayo sa pinapangarap niya. Sinuway niya ito kaya pinarusahan siya nito. Ipinasok siya ng kuya niya bilang serbidora sa “maid’s café” ng kaibigan nito. Lahat ng female employees doon ay kailangang maging masunurin, magiliw, at malambing sa mga customer niyon na pulos lalaki.
She wouldn’t give up on his brother’s punishment. Kaya nang makilala niya si Marquis, ang lalaking pinagsisilbihan niya sa café, ay nakipagkasundo siya rito. Kinasabwat niya ito para magkunwaring nobyo niya. Patutunayan niya sa kuya niya na totoong babae siya.
Kung bakit ganoon na lamang kadaling pumayag si Marquis ay saka na niya aalamin. Nagtaka lamang siya kung bakit mukhang determinado ito na ituloy-tuloy na nila ang pagpapanggap.
She would admit, she enjoyed how it feels like to being his pretend girlfriend.
Pero nalaman niyang nagawa rin nitong lihim na makipagkasundo sa kuya niya. At ang mas masakit, sa pinagpilian nitong layuan o pakasalan siya, walang pag-aalinlangan nitong ibinigay ang sagot na nagpasakit nang husto at dumurog sa puso niya.

3. PHR 4597 A Home For Moira’s Heart by Dawn Igloria


Ang akala ni Moira ay matatahimik na ang mundo niya sa pag-alis niya sa kanila at sa paglayo sa mommy niya. Pero maling-mali siya. Hindi niya inaasahan na sa lilipatan niyang condo unit ay may isang lalaking kapitbahay na aakit sa puso niya—si Jabez.
At mukhang napansin din nito ang cuteness niya. Dahil nagpapadala ito sa kanya ng cakes, Betty Boop stuffed toy, chocolates, breakfast na may kasamang fresh cabbage rose, at kung ano-ano pa.
“Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito sa isang tao…” pagtatapat nito habang nakatutok sa kanya ang cute na mga mata nito. “`Yong sobrang gaan ng loob na naramdaman ko noong una pa lang na makita kita. I felt that there was a connection of sorts…”
Biglang kilig ang split-ends at ingrown sa mga kuko niya. “Na para bang magkadugo tayo.” Ngek!

4. PHR 4598 A Robot May Blush by Luna King


Peanut desperately needed to learn how to play the guitar and Bread was offering lessons through Skype. Pero ang mahal nitong maningil at wala siyang pera!
Handa na sana siyang magmakaawa rito para lang bigyan siya nito ng libreng guitar lessons nang mapagkamalan siya nito na siya ang nagligtas sa buhay nito. She was there the night he almost drowned but it wasn’t her who saved him. It was Jam, the person she hated most! Walang pag-aatubiling inangkin niya ang “kabayanihan” ng dalaga. Ang kinahinatnan ay nakuha niya mula kay Bread ang free guitar lessons na inaasam-asam niya bilang pasasalamat nito at nakuha niya rin ang puso nito.
Sa kabila ng mga kasinungalingan, panggagamit, at pagpapanggap niya ay nararamdaman niyang mahal na rin niya ito. Pero natuklasan niyang may gusto rin pala si Jam dito. Naalarma siya. Wala siyang kalaban-laban dito dahil ito ang babaeng tunay na nagligtas sa buhay ni Bread.

5. PHR 4599 I Melt With You by Bethany Sy


Nang dahil sa isang comment ni Yuna sa Facebook ay nagsimulang maging magulo ang buhay niya. Mula kasi noon ay hindi na siya tinantanan ni Jadrien Yu—ang pinakamayabang at pinakamakulit na lalaking nakilala niya. Naiinis siya rito at sa mga alipores nito dahil walang ibang alam gawin ang mga ito kundi sirain ang araw niya sa eskuwelahan. Ito rin ang dahilan kung bakit naranasan niya nang wala sa oras na mag-community service nang aksidente silang nagkahalikan sa likod ng campus at mahuli sila ng isang terror na professor.
Pero mula noon ay naging kakaiba na ang nararamdaman niya kay Jadrien tuwing magkakalapit sila. Ang nakapagtataka, natagpuan na lang ni Yuna ang sariling tumutugon sa mga paglalambing nito. Ano’ng nangyari?

6. [font=Comic Sans Ms]PHR 4600 Then And Now by Brandy Gallardo/font]


Mga bata pa lang sina Demi at Francis ay hindi na sila magkasundo. They never liked each other. Hindi naman masisisi ni Demi ang binata kung palaging nasa danger zone ang pakiramdam nito kapag nasa malapit siya. Sobrang maldita kasi talaga niya, at ito ang trip niyang biktimahin ng kamalditahan.
Mukhang wala na silang pag-asang magkasundo.
Hanggang sa isang araw, niyaya siyang mag-date ni Francis. Napansin niyang nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Kung tratuhin siya nito ay para bang espesyal na babae siya. Siya man ay nag-iba ang tingin dito. Napansin ni Demi ang kaguwapuhan nito, ang kabaitan, ang pagiging gentleman. Kaya hindi na siya nagtaka nang mapagtanto niyang umiibig na siya sa dating kaaway. At nararamdaman niyang may pagtingin din si Francis sa kanya.
Ngunit akala lang pala niya iyon. Dahil nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit bigla itong nakipaglapit sa kanya, at masyado iyong dumurog sa puso niya…

7. PHR 4601 Close Enough To Love You Still by Giorgianna Vittoria



Tinanggihan ni Nik ang alok na kasal ni Allistair para sundin ang kanyang pangarap. Ngunit sa paglipas ng mga taon, naabot man niya ang pangarap na maging isang abogada, hindi naman nawaglit sa isip at puso niya si Allistair.
Nagpasya siyang balikan ito. Subalit ibang Allistair na ang nadatnan niya. Napakalayo na rin ng narating nito. Kinikilala ito sa probinsiya dahil sa pagsusulong ng mga proyektong nagpaalwan sa buhay ng kanilang mga kababayan. Pero kung gaano nito pinahahalagahan ang mga kababayan nila, siya namang kawalang-halaga niya rito. Bale-wala na siya rito. Inaasahan na niya iyon. Nasaktan kasi niya ito. Pero hindi siya susuko. Liligawan niya ito hanggang sa mapasakanya uli ang puso nito.
Ganoon na lamang ang tuwa niya nang magtagumpay siya sa hangarin. Pero sinubok muli ang pag-iibigan nila. Sa pagkakataong ito ay gusto ng kanyang pamilya na tuparin niya ang pangarap ng mga ito. Gusto ng mga ito na tumakbo siya sa eleksiyon. Nalaman iyon ni Allistair at nilayuan siya nito. Nagbalik lang daw pala siya para makuha ang suporta nito sa halalan…

8. PHR 4602 The Prince’s Trial-and-error Love by Marione Ashley


Ashleigh fell in love with the man in her dreams. Alam niyang ang lalaki sa panaginip niya ay ang lalaking nakalaan para sa kanya. At wala na siyang ibang lalaking mamahalin pa kundi ito lang. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Rein. At natuklasan niyang schoolmate niya ito, kaya ginawa niya ang lahat upang mapansin nito. Pero lantarang sinabi ni Rein na tigilan na niya ito dahil hindi siya nito kayang mahalin at masasaktan lamang siya kung ipagpapatuloy niya ang nararamdaman niya para dito. Pero hindi siya basta-basta susuko. Nagtagumpay naman siya.
Smooth-sailing na ang relasyon nila nang malaman niyang nagdadalawang-isip si Rein sa pag-alis ng bansa upang tuparin ang mga pangarap nito. Alam niyang siya ang dahilan sa pag-aatubili nito kaya kinumbinsi niya itong umalis. At alam niyang ang paglalayo nila ay mangangahulugang wala nang patutunguhan ang relasyon nila.
Kung sana’y nakinig si Ashleigh kay Rein noon nang sabihin nitong masasaktan lang siya kung ipagpapatuloy niya ang nararamdaman para dito.

9. PHR 4603 Minamahal Kita by Jelaine Albert


Labing-apat na taon pa lang si Rosmelia ay lihim na niyang minamahal ang kababata niyang si Ysmael. Hindi niya alintana kahit nakababatang kapatid lang ang turing nito sa kanya—dahil malinaw niyang nakikita ang hinaharap na kasama niya ito. Hanggang sa dumating ang araw ng kanilang graduation. Nalaman niyang ipapadala na siya ng kanyang ama sa Amerika upang doon magkolehiyo.
Kasama ng pangako ni Ysmael na hihintayin ang pagbabalik niya ay ang pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya. Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ni Rosmelia nang mga sandaling iyon. Wala silang magagawa kundi maghiwalay muna. Nangako naman siyang babalik pagkatapos ng apat na taon.
Iyon nga lang, napako ang pangako ni Rosmelia kay Ysmael. Pagkalipas ng walong taong pananatili sa Amerika ay noon lamang siya nakabalik sa Pilipinas. Doon niya natanto na nagbabago ang lahat ng tao, damdamin, at pagkakataon. Wala na pala siyang babalikan. Dahil si Ysmael ay hindi na kanya at pag-aari na ng iba…

10. PHR 4604 Show Me Love by Sheena Rose


Hindi ko na kailangang mahalikan ang lalaking mahal ko para maranasan ko kung paano ang pakiramdam ng lumutang sa alapaap. I already feel like I’m walking on clouds because I’m with him and he’s holding my hand.

Nakipag-break si Jeg sa boyfriend niya kahit pa very loyal ito sa kanya at handa itong pakasalan siya. Pakiramdam kasi niya ay may kulang sa kanilang relasyon.
Nakilala niya si Keenan. He was definitely not a boyfriend material. May pagka-weird ito dala marahil ng pagiging artist nito. Tila kontento na rin itong magkulong sa sariling mundo.
Hindi niya pinlanong ma-attract kay Keenan ngunit iyon mismo ang nangyari sa kanya. Dito niya naramdaman ang mga bagay na hindi niya naranasan noon sa dating kasintahan.
Unfortunately, hindi sila pareho ng nararamdaman.
Back to top Go down
 
January 23, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Struck By Lightning Premiere--January 6, 2013
» George Clooney Aficionados News January 5,2013
» Rangrasiya Written Update 6th January 2014
» Ek Boondh Ishq - Written Update - 3 January 2014
» My Playvisions Collection updated January 3, 2013. over 30 new models!

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: