HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 16, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 16, 2012 Book Release   Thu Jan 17, 2013 11:28 am

1. PHR 4588 The Knight Wears A Fedora by Rose Tan


Masaklap mawalan ng trabaho lalo na kung wala kang naipon ni singkong-duling. Iyon ang sitwasyong kinasadlakan ni Mitchie. Kaya nangako siya sa sariling gagawin niya ang lahat magkatrabaho lang uli siya.
Anything. Maski ang magpanggap na biyuda.
Iyon ang nangyari nang makilala niya si Omeng. Napagkamalan nito na anak niya ang inaalagaan niyang pamangkin at naawa ito sa kanya nang malaman na ulila na sa ama ang bata. Inalok siya nito ng trabaho. Tulungan daw niya itong kumbinsihin ang long-time girlfriend nito na good boy na ito at handang-handa nang lumagay sa tahimik. Sa takot na bawiin nito ang alok na tulong, kinarir na lang niya ang papel ng isang single parent.
Akala niya ay wagi siya dahil bukod sa nakahanap ng daddy ang makulit na pamangkin niya, kikita pa siya nang limpak-limpak. Hindi pala wagi. Dahil ang trabahong ipinapagawa sa kanya, hindi niya kaya.
Ano siya, bale? Bakit niya ipagduduldulan sa ibang babae ang kaguwapuhan ni Omeng?

2. PHR 4589 The Man Behind The Mask by Jea Marie Rei


Nawalan na ng interes si Valerie sa kung sino ang mapapangasawa niya mula nang hindi siya siputin ng boyfriend niyang si Julian. Kaya sinagot niya si Brad na napipisil ng daddy niya na maging asawa niya kahit wala siya ni katiting na damdamin para dito. Pero kinalaunan, na-realize din niya na maling ipahawak niya ang love life niya sa ibang tao—kahit mga magulang pa niya ang mga iyon. Kaya naisip niya na mas mabuting magbakasyon muna sa Marinduque para makapag-isip at ayusin ang direksiyon ng love life niya.
Sa Marinduque, natagpuan na lang ni Valerie ang sarili na sinusundan ang isang lalaking nakamaskara bilang isang Morion. Nalaman niyang Uno ang pangalan nito. Hindi pa man niya nakikita ang mukha nito ay humanga na siya rito. Matangkad at makisig, naisip ni Valerie na para itong isang guwapong Roman soldier noong panahon ni Kristo. Napalapit siya kay Uno. Bukod pa roon ay ramdam niya na mabait ito at mapagmahal. Kaya ang ginawa niya, hindi siya tumigil hangga’t hindi niya ito nakikilala nang husto.
Kaya laking gulat niya nang malaman kung sino ang lalaki sa likod ng maskara.

3. PHR 4590 Mom-bobola by Pearl Hermosa


Ano ang gagawin ni Gelatin kung ang nobyo niya nang maraming taon ay na-in love sa best friend nito at hiniwalayan siya?
A. Umiyak na parang wala nang bukas
B. Tanggapin at isiping may bukas pa
C. Magpanggap na buntis para sa kinabukasan ng relasyon
D. All of the above
Ginawa ni Gelatin ang D. Sinundan niya si Arthur “Thor” Agapito sa Monte Kastilyo. She even gave up her career at nagpanggap na buntis magkaroon lang ng pagkakataong mailayo si Thor sa karibal niyang si Susie. Aba, may karapatan din naman siyang pikutin ang binata. Siya lang naman si Gelatin Lualhati, ang babaeng mahal na mahal ni Thor…
Dati.
Ayos na sana. Mukhang nadala ito sa kasinungalingan niya. Ikakasal na sana sila. Feeling pa nga niya ay siya na lang uli ang nag-iisang babaeng mahal ni Thor.
Ngunit nalaman niyang nagsisinungaling din pala ang lalaki sa kanya. Ano ang ibig sabihin niyon? Nagbobolahan lang sila?

4. PHR 4591 Portrait Ni Clara by Phoebe


Maraming mga bata ang lumaki sa walang-kamatayang kuwento ni Cinderella na nagsisimula sa “once upon a time” at nagtatapos sa “and they lived happily ever after.” Ngunit kakaiba si Claire dahil pinalaki siya ng Lola Aning niya sa kuwento nina Clara at Benjamin na nagsisimula sa “limampung taon na ang nakalilipas” at nagtatapos sa “to be continued.” Naniniwala kasi ito na siya ang reincarnation ni Clara sa kasalukuyang panahon at sa kanya magkakaroon ng happy ending ang naunsiyaming love story ng mga ito. Sa kasamaang-palad, si Jonathan na best friend niya ang napili ng lola niya na “Benjamin” niya.
Ginawa niya ang lahat para mapatunayan sa abuela na hindi siya ang reincarnation ni Clara. Sukdulang itaboy niya ang lahat ng nararamdaman niya para kay Jonathan, only to realize na hindi niya naitapon iyon sa nakalipas na panahon, kundi naipon lang iyon nang naipon.
Nagtagumpay naman si Clara na patunayan kay Lola Aning na mali ang teorya nito. Iyon nga lang, hindi nagtagumpay ang puso niya na makuha ang pag-ibig ni Jonathan. Bumalik na kasi ang kaisa-isang babaeng minahal nito…

5. PHR 4592 Lonely Princess by Yasmin Joo


Tutol ang papa ni Germaine sa relasyon niya kay Paolo, ang apo ng isang trabahador nila sa hacienda. Para ilayo siya rito, pilit siyang inilalapit sa anak ng isang businessman para maisakatuparan ang balak ng mga itong partnership. At bilang mabait na anak, naging sunod-sunuran siya. Walang nagawa si Germaine para ipaglaban ang pagmamahalan nila ng kasintahan.
Hindi iyon natanggap ni Paolo, at nagpakalayo-layo ito.
After six years ay nagkrus uli ang mga landas nila ni Paolo. Dalaga pa rin siya at si Paolo pa rin ang laman ng puso niya. Si Paolo naman ay isa na ngayon sa mga pinakamayamang bachelor sa bansa. Ito na rin ang bagong may-ari ng inn na pinagtatrabahuhan niya.
Umaasa si Germaine na sa pagkikita uli nila ni Paolo ay magiging mabait na sa kanila ang tadhana at madurugtungan ang kanilang nakaraan.
Ngunit hindi pa rin pala mangyayari iyon—dahil nalaman niyang malapit na pala itong ikasal at kaya nito binili ang inn ay para ialay sa babaeng mahal nito…

6. PHR 4593 Villa Cattleya: Unconditional Love by Belle Feliz


Isang gabi, sa isang hindi conventional na lugar, nakilala ni Kila si Xander. Pareho silang may mabigat na dinadala, parehong lulong sa kanya-kanyang problema. Dala ng kabataan, ikinasal sila nang gabing iyon na hindi gaanong iniisip kung ano ang susuungin nila.
They became the best of friends aside from being man and wife. Magkasama nilang hinarap ang lahat ng pagsubok ng buhay. Magkasama nilang nilampasan ang lahat ng bagyong humagupit sa kanila. Sinuportahan nila ang isa’t isa sa lahat ng bagay.
They were okay until two people from their past came back. Paano nila pakikitunguhan ang dating pag-ibig nang hindi naaapektuhan ang pagsasama nila? Handa ba silang pakawalan ang isa’t isa para sa inaakalang mas ikaliligaya ng kabiyak?
Would they sacrifice their marriage that went through a lot already?

7. PHR 4594 Topsy-turvy Love by Maria Rome


Pasaway, sakit sa ulo, malas, at walang fashion sense. Ganoon inilalarawan si Alice ni Atty. Andrew Villanueva. Pero kahit masungit sa kanya ang abogado, tuwing nalalagay siya sa alanganin ay lagi naman siyang tinutulungan nito. Naisip niya tuloy na baka may pagtingin ito sa kanya kaya lakas-loob siyang nagtanong dito. “May gusto ka ba sa akin?” Nauwi iyon sa isang malaking kahihiyan at sama ng loob.
Two years later, nagtagpo uli ang mga landas nina Alice at Andrew. Pero ibang-iba na ang sitwasyon nila ngayon dahil best man ang papel ng abogado sa nakatakdang kasal ni Alice sa pinsan nito. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mukhang tutol na tutol si Andrew sa kasal.
Ang problema, wala naman talagang kasal at ang lahat ay palabas lamang niya at ng pinsan nito. Galit pa naman si Andrew sa mga sinungaling. Ang isa pang dilemma niya, mukhang nahuhulog na naman ang puso niya sa abogado. Paano kung malaman na nito ang totoo? Mauuwi na naman ba ang lahat sa pagiging brokenhearted niya?

8. Stallion Revisited 4: Laud Sandejas by Sonia Francesca



Kontento si Deejane sa pagiging buhay-prinsesa niya. Enjoy. Hanggang isang araw ay nakakita siya ng isang prinsipe. At bilang isang prinsesang nangangarap ng magandang love story gaya ng mga nababasa niya sa mga paborito niyang romance novel, natural lang na lapitan niya ang kanyang prinsipe, kaliskisan, at amoy-amuyin.
Pero kumilos ang kanyang prinsipe at nadali ang kanyang ilong na abala sa pagsinghot sa bango nito. Nasiko siya nang wala sa oras.
“Naku, Miss, may dugo ang ilong mo!”
Yep, her nose was bleeding all right. Mukhang napuruhan siya nang masiko siya ng kanyang prinsipe—ng prinsipeng hinihimatay sa dugo. Turn-off. But fate still had something up its sleeve… when her prince turned out to be the guy she was about to marry.
“I will not marry that woman!”
Okay, fine!

9. Fifty Shades Of Grey by E L James (Filipino Edition)


Nang puntahan ng literature student na si Anastasia Steele ang batang negosyanteng si Christian Grey, nakatagpo niya ang isang lalaking guwapo, napakatalino, at nakapangingilag. Dahil hindi makamundo at inosente, nagulat si Ana nang matanto niya na gusto niya ang lalaking ito. At sa kabila ng nakalilitong katahimikan ni Grey, natuklasan niyang desperado siyang mapalapit dito.
Nadaig, sa kabila ng pagpipigil, na maakit sa maamong ganda, talas, at kalakasan ng loob ni Ana, aminado si Grey na gusto niya rin si Ana—pero sa mga kondisyong itinakda niya.
Nabigla, ngunit nasabik sa di-pangkaraniwang panlasa ni Grey sa tawag ng laman, nag-atubili si Ana.
Para sa mga karangyaang kaakibat ng tagumpay—ang multinational businesses, ang malawak na sakop ng kanyang kayamanan, mapagmahal na pamilya—si Grey ay isang lalaking pinahihirapan ng takot, galit, isipin, at mga karanasan niya sa buhay at nilalamon ng pangangailangang maging makapangyayari.
Nang magsimula ang dalawa sa isang mapangahas at mapusok na pisikal na relasyon, natuklasan ni Ana ang mga lihim ni Christian Grey at inalam ang sariling mga tagong pagnanasa.
Nakakikilig, nakapagpapalaya, at hahanap-hanapin. Ito ay isang nobelang laging sasagi sa iyong alaala, aalipinin ka, at mananatali sa iyo magpakailanman.
Back to top Go down
 
January 16, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» THE ART OF ELYSIUM 5TH ANNUAL HEAVEN GALA - Jan. 14, 2012
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: