HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 9, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 9, 2013 Book Release   Fri Jan 11, 2013 12:10 pm

1. PHR 4580 Love Drunk by Belle Feliz


Tanggap na ni Elizabeth na nakatakda siyang mag-isa habang-buhay. Pero nang makilala niya si George ay hindi niya inakalang babaguhin nito ang buhay niya. They spent a night together. The next day, saka niya nakilala kung sino si George, kung gaano kalaki ang pangalan nito sa mundo ng telebisyon at kung gaano ito nirerespeto ng mga tao.
Kaya nang malaman niyang nagbunga ang isang gabing pagsasama nila ay natakot siyang ipaalam ang tungkol sa anak nila at ikaila sila nito. Sa halip, pilit na lamang niya itong kinalimutan.
Naging masaya siya sa pagiging ina; halos wala na siyang mahihiling pa. Pero may sariling paraan ang tadhana upang pagtagpuin sila ni George. Muli, binago nito ang buhay niya. He made her want things that were romantic and permanent. He made her want him so badly.
Kahit nagsusumigaw ang isa na namang katotohanan sa pagkatao nito…

2. PHR 4581 Sa Puso Ko’y Ikaw Lamang by Odessa Kathrina


Nagkagusto kaagad si Andie kay Joshua nang una pa lang niya itong makita. Pero nagkamali siya nang ipakilala niya si Joshua sa mga kaibigan niya. Dahil sa halip na siya ang mapansin ni Joshua, ang best friend niyang si Toni ang pinormahan nito. Wala siyang nagawa kundi ang magmukmok habang nagliligawan ang dalawa. Lalong naghimutok ang puso niya nang opisyal na maging magkarelasyon ang mga ito. Lumipas ang mga taon. Nanatiling laman ng puso niya ang binata.
Hanggang sa magkaroon si Andie ng isa pang pagkakataon kay Joshua. Toni broke up with him. At siya ang naging sandalan ni Joshua. Ginawa niya ang lahat para mabaling sa kanya ang atensiyon nito. Maging ang iniingatan niyang “bataan” ay isinuko niya rito. Umasa siyang balang-araw ay mababaling din sa kanya ang pag-ibig nito.
Pero hindi pa rin pala sapat ang lahat ng ginawa niya dahil bigla na lang siya nitong itinaboy at sinabing si Toni pa rin ang nasa puso nito. Paano na iyan, wala na siyang maibibigay pa…

3. PHR 4582 Pilipit Kong Puso by Laurice del Rio


Minsan sa buhay ni Cyrille ay naging super-pasaway siya. Kung hindi pa dahil sa isa sa mga teacher niya na marunong umunawa ay baka nagtuloy-tuloy siya sa pagiging sakit ng ulo ng mga magulang niya. Kaya nang pakiusapan siya ng kaibigan niyang si Cherry na tulungan ito sa pagpapatino sa pamangkin nito ay hirap siyang hindian ang kaibigan. Dagdag pa na dati ay crush niya si Aston, ang kapatid nito, na ama ng bata.
Ang pagpapatino sa pasaway na si Ashley ay hindi naging mahirap para kay Cyrille. Ang pag-awat sa puso niyang kinikilig kapag nasisilayan si Aston ang mas mahirap gawin. Wala siyang aasahan sa lalaki, sure siya roon. Bukod sa alam nito kung ano siya dati kaya biased na agad ito sa kanya, hindi pa rin nito malagpasan ang trahedyang sinapit ng asawa nito na yumao sa isang aksidente.
Kaya lang, bakit kung kumilos si Aston ay parang natutuwa ito sa kanya? Para lang ba kay Ashley kaya palagi siyang gustong makasama nito? Parang hindi naman. At dahil optimistic siya, nagsimulang umasa si Cyrille na siya na pala ang susi para maka-move on si Aston. Iyon ay hanggang sa may gawin ang lalaki para malaman niya na asa lang pala talaga siya.

4. PHR 4583 I Love You Number Eight by Lianne Gonzales


Desidido si Sutton na huwag magkaroon ng “boyfriend number eight.” Nakumbinsi siya ng isang magazine article na ipinakita sa kanya ng isang kaibigan na kapag umabot na sa edad na twenty-five ang isang babae na nagkaroon na ng pitong ex-boyfriends, magiging old maid na ito forever. Sa takot na mangyari iyon sa kanya dahil nasa kanya na ang lahat ng signs, gumawa siya ng paraan para dayain ang urban legend na iyon.
Sa tulong ng womanizer na kapitbahay niyang si Onyx, hinanap niya ang mga ex-boyfriend niya para makipagbalikan sa mga ito. What she did not expect was that in the process, makikilala niya ang ikawalong lalaki na magpapatibok ng puso niya sa katauhan ni Onyx.
Ano’ng gagawin niya? Ipagpapatuloy ba niya ang pandaraya sa urban legend o maglalakas-loob siya na sumugal kay Onyx?

5. PHR 4584 Love Will Find The Way by Saab de Andrade



Tumira si Annie Gail sa bahay ng pamilya ni Adonis dahil sa alok ng mama ng binata na tulungan itong maka-move on sa pagkawala ng kasintahan nito. Tinanggap niya ang alok dahil makakatulong din naman iyon sa kanya. Gusto niyang makalimutan ang kabiguang nararamdaman niya dahil sa hindi pagsipot ng groom niya sa araw ng kanilang kasal. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay sinabi niya sa sariling hindi na uli siya magmamahal.
Iyon ang akala niya. Sa araw-araw na laging kasama ni Annie Gail si Adonis ay nahulog ang loob niya rito. Nagising na lang siya isang araw na mahal na niya ito. Lalo pang nahulog ang loob niya kay Adonis nang halikan siya nito.
Ngunit kung akala niya ay pareho ang nararamdaman nila para sa isa’t isa ay nagkakamali siya. Nawalang parang bula ang lahat ng pag-asa niya nang malaman niya mula mismo kay Adonis ang dahilan kung bakit hinalikan siya nito.

6. PHR 4585 A Home In His Arms by Aya Myers


Mula nang umuwi sa Pilipinas si Angela ay palagi na siyang ginugulo ng isang masamang panaginip. Ang bangungot na iyon ang naging daan para matuklasan niya na hindi pala siya tunay na anak ng kinikilala niyang ina. Sa paghahanap niya sa kanyang tunay na katauhan ay nagtagpo ang mga landas nila ni Marko. Marko had blue eyes and he was charming. Unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ay agad nang sumikdo ang puso niya para dito. Niligawan siya nito. Ginawa ni Marko ang lahat mapaibig lamang siya at nagtagumpay naman doon ang binata. Angela loved his blue eyes. She loved all of him. Hanggang sa dumating sa puntong ipinagkatiwala na niya rito ang lahat-lahat sa kanya kahit na malabo pa ang kanyang nakaraan.
Angela’s life was almost perfect… almost. Subalit natuklasan niya na si Marko pala ay bahagi ng kanyang madilim na nakaraan…

7. PHR 4586 A Playboy May Cry by Luna King


Fascinated si Antenna sa mga lalaking umiiyak. So it was love at first sight for her when she saw Shark cry because of a broken heart. Para sa kanya kasi, pagpapatunay iyon na mahal ng isang lalaki ang isang babae. Iyon ang dahilan kung bakit sumali siya sa pa-contest ng fans club nito sa Facebook. At nang manalo siya, nagkaroon siya ng pagkakataong mas makilala pa ito sa pamamagitan ng isang date.
Pero napakababaero pala ni Shark! Ang lahat ng ipinakita nito sa kanya ay arte lamang pala. Pero mahal na niya ito. Kaya wala na siyang nagawa kundi subukang paibigin ito.
Ang akala ni Antenna ay nagtagumpay na siya—dahil ginawa niya ang lahat para pasayahin ito. Hindi rin niya hinayaang may ibang babaeng makalapit dito. Sa tingin niya ay nahuhulog na ang loob nito sa kanya. Pero nagkamali siya. Nakita niya itong may kahalikang babae. Hindi niya inaasahang magtataksil ito sa kanya.
Anak ng pating! Hindi lang siya nabigo, napagtaksilan pa siya!  

8. PHR 4587 A Truce Of Hearts by Serafina


Si Vince ang first love ng kapatid ni Einid. And Einid used to hate Vince when they were kids. In fact, the feeling was mutual.
Walang pakundangan si Vince sa panunuksong pangit siya na hindi naman niya pinapansin dahil batang paslit lang ito.
Fifteen years later, Einid found herself marrying Vince. Siya diumano ang replacement sa kanyang kapatid na ibang lalaki ang nakatuluyan. Nakasalalay sa pagpapakasal niya kay Vince ang kinabukasan ng kanyang pamilya kaya pumayag siyang pakasal dito. But they weren’t going to act like normal married couple.
Iyon ang kanilang naging kasunduan. Written, signed, and notarized.
At kung noong mga bata pa sila ay ayaw na nila sa isa’t isa, walang ipinagkaiba iyon ngayong mag-asawa na sila. They were poles apart and obviously had no interest whatsoever in each other. Subalit takang-taka si Einid sa sarili dahil tuwing magkakalapit sila ni Vince, ang disgusto niya rito ay nauuwi sa pagkabog ng kanyang dibdib. At nang muling maging malapit ito sa kapatid niya ay ganoon na lang ang paghihimutok ng kanyang kalooban.
Bawal siyang ma-in love kay Vince dahil maghihiwalay rin sila. Paano ngayon pipigilan ni Einid ang pagkahulog sa asawa?
Back to top Go down
 
January 9, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Struck By Lightning Premiere--January 6, 2013
» George Clooney Aficionados News January 5,2013
» Rangrasiya Written Update 6th January 2014
» Ek Boondh Ishq - Written Update - 3 January 2014
» My Playvisions Collection updated January 3, 2013. over 30 new models!

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: