HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 2, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 2, 2013 Book Release   Thu Jan 03, 2013 12:33 pm

1. PHR 4570 Captured Heart by Jelaine Albert


Hindi alam ni Colene kung pinlano talaga ng tadhana na pagtagpuin ang mga landas nila ni Sky Villamayor. Tumakas siya sa mga magulang nang pilit siyang ipakasal ng mga ito sa isang lalaking hindi niya gusto para maisalba ang kanilang negosyo.
Samantalang tila galit naman sa mga babae si Sky dahil ipinagpalit pala ito ng dating girlfriend sa isang mayamang lalaki.
Dahil sa kanya-kanyang isyu sa buhay, tila imposibleng magkapuwang ang pag-ibig sa pagitan nila.
Pero ganoon ang nangyari.
Walang kasinsaya si Colene sa piling ni Sky. At tila siya rin ang nagpalis ng lungkot sa puso nito.
Ngunit panandalian lang pala ang saya. Isang araw, ipinatawag siya ng kanyang ina at sinabing tuparin ang tinakasan niyang obligasyon, kung hindi ay ikamamatay iyon ng kanyang ama…

2. PHR 4571 All Rights Reserved by Wilhelmina


Para matigil na ang mga kaibigan ni Bri sa pagba-blind date sa kanya sa kung sino-sinong lalaki, sinabi niyang may boyfriend na siya. Pero hindi nakontento ang mga ito. Ayaw siyang tigilan ng mga kaibigan niya hangga’t hindi niya sinasabi kung sino ang misteryosong boyfriend niya. Sinabi niyang si Orion—ang sikat na singer na nakabase sa Ireland—ang boyfriend niya. Bri met him a year ago through her cousin. And she fell for him at first sight. Naisip niyang hindi siya mabubuko dahil nasa malayo ito at imposibleng biglang umuwi sa Pilipinas.
Mukhang natahimik na ang mga kaibigan niya at hindi na naungkat pa ang topic tungkol sa boyfriend issue. Kaya laking gulat niya nang isang araw ay sitahin siya ng mga kaibigan niya na bakit hindi niya sinasabing nasa Pilipinas na ang boyfriend niya at hindi pa niya ipinapakilala ito sa kanila.
Lalo siyang nagulantang nang makipagkilala ang mga kaibigan niya kay Orion. Sa pagtataka niya, hindi itinanggi ng lalaki ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya na may relasyon sila!

3. PHR 4572 His One In A Million Girl by Estela Anderson


Meigan stood by Vixent when he was seriously injured in an accident. Hindi iyon naging dahilan para iwan niya si Vixent at hindi niya ito magawang mahalin. Best of friends sila, hanggang sa na-in love sa isa’t isa. Wala nang mahihiling pa si Meigan sa maayos na relasyon nila.
Ngunit dumating ang isang unos sa buhay ni Meigan na sumubok sa pagmamahalan nila ni Vixent. She was torn between her family and her love for him, nang malaman niyang may kinalaman ang kanyang ama sa pagkakaaksidente ni Vixent. Kakayanin kaya niyang isugal ang kanyang pag-ibig alang-alang sa hustisya?

4. PHR 4573 Love The Ninja Way by Luna King


Malaki ang naging kasalanan ni Audrey sa magkasintahang kaibigan niya na sina Prima at Keij nang muntik na siyang maging dahilan ng pagkasira ng love story ng mga ito. Kaya para makabawi sa magkasintahan ay nangako siya sa sariling pangangalagaan niya ang relasyon ng dalawa. Ginawa niyang misyon ang i-distract ang atensiyon ng lalaking may lihim na pagtingin kay Prima—si Exel, lalo na nang marinig niya ang sinabi nitong: “I’m going to have her back. I won’t let him win now.” May balak itong agawin si Prima mula kay Keij! Doon na naalarma si Audrey at agad niyang isinagawa ang misyon. Sa misyon niyang iyon ay nag-a la ninja siya sa pagsunod-sunod kay Exel mahadlangan lang ang masamang plano nito. Sukdulang magpanggap pa siyang may gusto rito para lang hindi nito mahalata ang panggugulo niya sa diskarte nito.
But Audrey’s plan backfired on her. Mula sa misyon niyang ilayo si Exel kay Prima, naging misyon na niya ang paibigin ang binata. Because she fell in love with Exel!  

5. PHR 4574 Stop And Stare by Andrea Ylagan


Detective Kate Javier takes pride in a job dominated mostly by males. Siya ang nagsisilbing kilabot ng mga pusakal at masasamang-loob. At mas gusto niyang tugisin ang mga ito nang mag-isa. Pero nasira ang diskarte niya nang minsang sagipin niya ang buhay ni Rick. Paano ay napagdiskitahan nitong gawin siyang peg sa cover story na isinusulat nito. Ginamit nito ang koneksiyon nito para bumuntot-buntot sa kanya.
The next thing she knew, mayroon na siyang instant police buddy. Pero nasobrahan yata ang pagsama-sama ni Rick sa kanya dahil biglang nadiskaril ang puso niya at gusto na niyong gawing partner for life ang binata.
Paano niya sasagipin ang puso niya mula sa pagkakabihag nito?

6. PHR 4575 I’ll Give My Love To You by Estela Anderson


Parang ninakawan ng kalayaang magmahal si Arica dahil sa isang kasunduan ng great-grandparents niya. Hindi pa man siya ipinapanganak, ipinagkasundo na siya nito sa apo ng kaibigan ng mga ito.
“Kung hindi mag-iisang-dibdib ang dalawang apong itinakda, ang lahat ng kayamanan ng dalawang pamilya ay mapupunta sa iba’t ibang charity institution. Ni isang kusing ay walang makakamit ang bawat miyembro ng dalawang angkan. Ngunit kung maipapakasal sila, magsasanib ang dalawang imperyo,” anang lola niya.
Ayos lang naman iyon sa kanya. Kaya lang ay dumating sa buhay niya sina Clyde at Ethan. Si Clyde ay ang lalaking ipinaramdam sa kanya kung gaano kasarap ang magmahal. Si Ethan ay ang apo na nakatakda para sa kanya.
Ngayon, naiipit siya sa sitwasyon kung sino ang pipiliin niya. Ang lalaking nangakong mamahalin siya o ang lalaking pinangakuan niya ng pagmamahal?

7. PHR 4576 Until I Found You by Jelaine Albert


Sa unang pagkakataon sa buhay ni Berna ay magbabakasyon siya. Lilibutin niya ang buong Pilipinas. Ngunit napurnada agad ang plano niya nang sa unang stopover sa isang probinsiya ay nawala ang pouch na naglalaman ng mga pera, cards, at cell phone niya.
Mabuti na lang at nakilala niya si Louie. Nagta-travel ito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas bilang speaker sa isang agricultural convention. Inalok siya nitong maging temporary assistant nito. It was like hitting two birds with one stone: magkakapera na siya, maipagpapatuloy pa niya ang kanyang bakasyon… nang libre.
Ngunit ang hindi napaghandaan ni Berna ay ang pagka- kahulog ng loob niya kay Louie. Isang damdamin na tila walang kasiguruhan tugunan man nito dahil nalaman niyang hindi pa rin nakaka-get over si Louie sa isang past love…

8. PHR 4577 Sweet Princess by Yasmin Joo


Malaking karangalan para kay Jundice na maging kliyente ang isang guwapong bilyonaryo na tulad ni Matt Andrew Ricaforte. Magpo-propose na ito ng kasal sa fiancée nito, at ang events company na pag-aari niya ang inatasan nito para gawing romantic ang okasyon.
Sa pagkadismaya niya, hindi umayon ang lahat sa plano. Hindi tinanggap ng fiancée ni Matt ang alok nitong kasal. At sa pagkagulat ni Jundice, sa kanya isinisi ni Matt ang lahat. Bilang parusa daw ay siya ang ihaharap nitong fiancée sa press conference na inihanda nito dahil wala raw itong balak na mapahiya sa madla. Napag-alaman niyang palabas lang pala ang marriage proposal na iyon dahil ang totoo, hindi naniniwala si Matt sa pag-ibig.
Naiinis man, pumayag si Jundice sa plano ng aroganteng lalaki. Balak din niya itong turuan ng leksiyon at ipakita rito na totoo ang pag-ibig. Na hindi iyon isang laro.
Ang kaso, siya ang mas naturuan ng leksiyon at mas nakumbinsi na totoo ang pag-ibig—dahil unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito…

9. PHR 4578 Taking Chances by Viel Roberts


Nang minsang sumama si Vanessa sa staff niya na mag-out- of-town trip ay nakilala niya si Rydel, isang lalaking animo Greek god sa kaguwapuhan. Sa tatlong araw na pananatili nila sa Hacienda Celestial, she was charmed by the beauty of the place and the hospitality of the people. Para tuloy gusto na lang niyang manatili roon. Pero tuwing maiisip niya si Rydel, gusto na lang niyang tapusin ang pangangarap ng payapang buhay roon.
Sadyang nakakainis si Rydel, napakayabang pa. Wala itong ibang ginawa kundi buwisitin siya at kahit pa hero material ito, she wouldn’t want him in her life. Nunca siyang magpapaniwala sa mabulaklak nitong dila. She won’t!
Ngunit ganoon na lang ang pagtataka niya dahil mukhang hindi niya nakumbinsi ang puso niya. Ilang araw pa lang silang nakakabalik sa Maynila ay hinahanap-hanap na ni Vanessa ang presensiya nito. Mukhang natipuhan ng puso niya ang lalaking kabaligtaran niya sa lahat ng bagay.

10. PHR 4579 Missing Mommy by Estela Anderson


It started with a kiss which turned into a one drunken mistake. Napilitan si Elisha na makisama kay Phyton dahil sa hindi inaasahang bunga ng kanilang kapusukan. Sa maikling panahon ay naging maganda ang pagsasama nila. Hanggang sa dumating ang isang pagsubok.
Dahil sa isang pangarap, nagawa ni Elisha na talikuran si Phyton. Limang taon ang lumipas, muli siyang bumalik sa piling nito.
Nagsisisi siya sa ginawa niyang desisyon noon. Nangako siyang babawiin ang kanyang pamilya para muling mabuo iyon. Ngunit magagawa pa kaya niya iyon kung may isang babae nang nagmamay-ari sa puso ng lalaking mahal niya? O kailangan na lamang niyang magparaya tutal ay wala na siyang karapatan dito dahil hindi naman sila kasal ni Phyton…?
Back to top Go down
 
January 2, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Struck By Lightning Premiere--January 6, 2013
» George Clooney Aficionados News January 5,2013
» Rangrasiya Written Update 6th January 2014
» Ek Boondh Ishq - Written Update - 3 January 2014
» My Playvisions Collection updated January 3, 2013. over 30 new models!

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: