HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 26, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 26, 2012 Book Release   Thu Jan 03, 2013 11:56 am

1. PHR 4561 Samia’s True Love by Zindy Rivera


Hindi sinasadyang nabasag ng kapatid ni Samia ang bintana ng sasakyan ng sikat na modelong si Hendrick.
Sinisingil siya nito para sa danyos. Pero dahil wala siyang maipambayad kay Hendrick, nagprisinta siyang pagtatrabahuhan na lang niya ang halagang sinisingil nito. Walang pagdadalawang-isip na tinanggap siya nito dahil wala raw itong PA.
Ubod ng yabang at matapobre si Hendrick. Wala itong ginawa kundi utusan siya kahit sa maliit na bagay na kaya naman nitong gawin. Kung hindi lang siya ang may atraso ay matagal na niyang sininghalan ito. Pero nagtimpi siya.
Habang nagtatagal, mas nakikilala ni Samia ang tunay na ugali ni Hendrick. Hindi pala ito kasinsama tulad ng inaakala niya. Sadyang may pinagdaraanan lang pala talaga ito. Nalaman niyang naging coldhearted si Hendrick mula nang iwan ito ng fiancée sa mismong araw ng kasal ng mga ito.
At unti-unti ay nahuhulog na ang loob niya rito. Pero hanggang doon na lang yata talaga iyon. Biglang bumalik ang fiancée nito at mukhang may pag-asa pang magkabalikan ang dalawa.

2. PHR 4562 I Don’t Want To Be Your Friend by Sheena Rose


Dinamayan ni Ira si Zeke sa pagdadalamhati nito. Pakiramdam kasi ni Ira ay obligasyon niya iyon dahil ang kapatid niya ang nang-agaw sa nobya nito. Tinulungan niya si Zeke na makapag-move on. Ibinigay niya ang atensiyon at panahon niya rito kahit ayaw niyang makitungo sa kahit sinong lalaki na maaaring makagulo sa normal na takbo ng buhay niya.
Noong una ay tinanggap lang niya si Zeke bilang kaibigan. Later on, she started to care for him. Hanggang sa unti-unti ay minahal na niya ito. Pero pinili niyang itago ang nararamdaman niya para dito.
Sa pag-aakalang naka-move on na ito, inisip ni Ira na magiging okay na ang lahat. Pero hindi niya inasahan na darating sa puntong babalik ang kapatid niya at ang ex-girlfriend ni Zeke. At nang makita niyang magkakasama ang tatlo, nakita niya sa mga mata ni Zeke ang kaligayahang makita uli ang dating nobya. Then she realized Zeke hasn’t really moved on a bit.
He was still in love with his ex-girlfriend…

3. PHR 4563 Cupid’s Target by Gypsy Esguera


Ang misyon lang ni Pheony ay tulungan si Hugo upang mapamahalaan nito nang maayos ang ospital na pag-aari ng mga magulang nito. Kaya nagulat siya nang isang araw ay mag-propose ito ng marriage sa kanya.
Napailing siya. “Sorry. But I won’t marry you.”
“Why not?”
“Because I don’t love you.”
“You don’t?” nakataas ang mga kilay na tanong nito.
“Alam kong naging malapit tayo sa isa’t isa pero hindi ibig sabihin n’on na may nararamdaman na ako para sa `yo. Actually, I was just being nice to you.”
Sinabi ni Pheony na tanging pakikipagkaibigan lang ang kaya niyang ibigay kay Hugo. Ngunit hindi niya inaasahan na kahit ano pala ang gawin niyang pangungumbinsi rito ay tanging sarili lang nito ang pakikinggan nito.
Kaya iniwasan niya ito. But it only made Hugo more determined to make her fall for him. Magagawa kaya ni Pheony na ipaintindi rito na hindi talaga sila para sa isa’t isa o mas magagawa ni Hugo na ipaintindi sa kanya na sila talaga ang nararapat na magsamang dalawa?

4. PHR 4564 Written In The Stars by Aya Myers


Sa edad na dalawampu ay hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Margaux. May history pa naman ang pamilya nila na hirap nang magkaanak kapag nasa late twenties na. Kaya nagdesisyon siyang sumailalim sa artificial insemination noong nakatira pa siya sa New York.
Nagbalik siya sa Pilipinas at doon ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Miro, ang kababata niya na wala nang ginawa noon kundi asarin siya. Pero napakalaki na ng ipinagbago nito at tila desidido itong bumawi sa kanya.
Niligawan siya nito. Hindi narendahan ni Margaux ang puso niya at tuluyang nahulog ang loob niya kay Miro. She was so happy being with him na nawaglit na sa isip niya ang tungkol sa artificial insemination.
Kung kailan maligayang-maligaya na siya sa piling ni Miro ay saka niya nalamang buntis siya.
Paano niya ipapaliwanag dito ang sitwasyon? Maniniwala ba ito na ito ang tanging lalaking hinayaan niyang makapasok sa buhay niya?

5. PHR 4565 Lovefinder Postscripts: Rajed by Victoria Amor


Unang nakilala ni Regine si Alexandrei Rajed Viezo bilang pasyente na kailangan ng mag-aalaga. Inalagaan nga niya ito nang hindi iisang beses lang. Magmula noon, lagi na niyang naiisip ang guwapong mukha at ngiti nito. Pero naisip niyang imposible ang fairy-tale story sa kaso niya kaya pilit niyang kinalimutan ito.
Pagkatapos ng ilang buwan na hindi na sila nagkita ay nagbabalik si Rajed sa buhay niya hindi bilang nagpapaalagang pasyente kundi bilang best friend ng newfound kuya niyang si Antonn Benito Villaguerre. Hindi niya inakalang parehong mundo ang ginagalawan ng dalawa.
Nabulabog ang tahimik na sanang puso niya. Kailangan niyang maging mean dito para hindi nito mahalatang nalalaglag ang puso niya tuwing nginingitian siya nito.
Pero pasaway talaga ang puso niya. Patuloy siyang nahulog sa charm nito hanggang sa hindi na niya kayang umiwas pa…

6. PHR 4566 Better With You by Odessa Kathrina


Mailap ang suwerte kay Audrey dahil naging madamot ang tadhana sa kanya. Until Mikus came into her life. Sa isang iglap ay nagkaroon ng katuparan ang mga pangarap niya at nagkaroon ng kulay ang kanyang daigdig. Pero sa umpisa lang pala ang lahat ng iyon dahil kailangan niyang magpakasal sa isang lalaking pinili ng stepfather niya para sa kanya.
Kailangan na niyang magdesisyon agad kung ang sarili niyang kaligayahan o ang kaligayahan ng kanyang pamilya ang pipiliin niya.

7. PHR 4567 Sa Likod Ng Maskara by Vanessa


Si Romeo ang naging tagapagligtas ni Chloe nang ma-kidnap siya. Dahil sa ginawa nito ay nagpasya ang ama ni Chloe na kunin itong helper sa kanilang bahay. She found herself liking Romeo more and more everyday but he was ever the gentleman. Sa paglipas ng panahon ay hindi nagbago ang pagkamaginoo ni Romeo sa kanya kaya lalong nahulog ang loob niya rito. Pero isang araw ay natuklasan niya ang lihim ni Romeo—na sa buong panahong kasama niya ito ay nagkukubli lamang pala ito sa likod ng isang maskara…

8. PHR 4568 The Sweet Escape by Serafina


All you need to spice up your life is a boyfriend…
Nang maalala ni Joey ang sinabing iyon ng pinsan niya ay iisang mukha ng lalaki ang pumasok sa isip niya: kay Noah. Si Noah ang lalaking nakaengkuwentro niya sa isang silid ng hotel sa Tagaytay.
Sa community service na sinamahan niya ay hindi niya lubos na inakala na muling makikita niya roon ang lalaki. Masaya siyang malaman na naaalala pa rin siya nito. Napag-alaman din niya na volunteer din ito tulad niya.
Noah and Joey got along well. Hindi alam ni Joey pero para sa kanya, kahit ang simpleng pag-aalala nito ay malaking bagay na sa kanya. Hanggang sa magkaaminan silang mahal na nila ang isa’t isa sa loob lamang ng napakaikling panahon. Pero isang araw ay nagising na lang siya mula sa isang napakagandang panaginip na iyon. Napag-alaman niyang engaged na pala si Noah sa ibang babae.
One day she was the happiest woman, but after that she was the saddest.

9. PHR 4569 Forevermore by Destiny


Bilang isang wedding planner, walang hinangad si Lilac kundi ang makita ang kanyang sarili na lumalakad din sa aisle kasama ang kanyang dream man. Pero hindi na yata matutupad iyon dahil ikinasal na ang lalaking lihim na iniibig niya. At siya pa ang nag-ayos ng kasal nito.
Noon muling bumalik sa buhay niya si Herald Lazaro—ang bad boy sa kanilang university at hobby yata ang asarin siya noon. Nang mag-migrate ang pamilya nito sa ibang bansa, parang nabunutan ng tinik si Lilac. Ngunit sa pagbabalik ni Herald sa bansa, wala na ang trace ng bad boy image nito noon. At sa pagkakataong iyon ay naging magkaibigan na sila.
Napalapit sila nang husto sa isa’t isa, at isang araw ay nagising na lang si Lilac na si Herald na ang kinasasabikang makita ng kanyang mga mata at hinahanap ng kanyang puso. Si Herald ba ang magbibigay ng katuparan sa pangarap niyang maikasal sa dream man niya?

10. PHR Gothic The Masked Man by Victoria Amor*


Bata pa lang si Tin ay taglay na niya ang mga kakaibang kakayahang hindi niya alam kung bakit mayroon siya. Nang mamatay si Lolo Foncio, ang nag-aruga sa kanya nang mamatay ang tunay na lolo niya, ay nangako siyang aalagaan at poprotektahan ang apo nito at best friend niya na si Mina. At ang pag-iwas ng kaibigan niya sa tiyahin nitong mapang-api ang nagdala sa kanila sa isang ancestral house sa Laguna.
Unang gabi pa lang nila roon ay napanaginipan na niya ang isang lalaking nakamaskara. Paggising niya, mula sa terrace ay natanaw niyang nasa di-kalayuan ang lalaki sa panaginip niya, tila nagmamasid sa kanya. Pagkatapos niyon ay nagsunod-sunod na ang mga panaginip niya at ang mga pananakot sa kanilang magkaibigan.
Isa pang misteryosong nilalang ang nakilala niya sa gitna ng gubat—si Devon. Tila isang ligaw na anghel ito na nag-iiwan ng mga talulot ng pulang rosas sa daan na nawawala na lang pagkatapos. Ang akala niya ay curiosity lang ang humahatak sa kanya rito. Ngunit huli na nang malaman niyang inilatag talaga nito ang bitag para madala siya sa mundo nito.

*Available in premium and standard paperback sizes

Back to top Go down
 
December 26, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» George Clooney Aficionados News December 26, 2012
» George Clooney Aficionados News December 24, 2012
» George Clooney Aficionados News December 6, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: