HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 19, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 19, 2012 Book Release   Fri Dec 21, 2012 12:03 pm

1. PHR 4555 The Love I Found In You by Lace


Dahil sa kahilingan ng ninong niya, pumunta si Geraldine sa Cebu. Ang assignment niya ay ang makakuha ng mga ebidensiya upang ma-expose ang pagnanakaw ng pera doon bilang isang temporary secretary sa kompanyang may shares of stocks ang matanda. Doon ay nakilala niya ang CEO ng kompanyang iimbestigahan niya. But she was blown away. Hindi naman sinabi sa kanya ng ninong niya na umaapaw pala ang sex appeal ng lalaki.
Jethro Andrew Collins and his green eyes were perfection. Paano pa niya magagawa nang maayos ang trabaho niya kung hindi niya mapigilang magkaroon ng palpitation tuwing magkikita sila? Hindi rin maayos ang first impression nila sa isa’t isa. Hindi nito gusto ang hitsura niya at hindi naman niya matanggap ang kayabangan nito. Each day was a battle of wills between them. Pero sa hindi malamang dahilan ay biglang nag-iba ang tibok ng puso niya para dito at natuklasan pa niyang sa una pa lang pala ay napaglaruan na siya.

2. PHR 4556 When I Found You by Maricar Dizon


Brokenhearted si Jessie nang alukin siya ng kasal ni Jordan Montero. Kailangan daw nitong mag-asawa para magkaroon ng katuparan ang isang business venture nito. Kahit mali ay pumayag si Jessie sa alok. Magandang paraan na rin iyon para makalimutan niya ang lalaking minamahal na ngayon ay pag-aari na ng ate niya.
Wala siyang inaasahan na kahit ano sa magiging buhay-mag-asawa nila ni Jordan. But he turned out to be a better husband that she thought he would be. Maalaga at generous ito.
Until Jessie realized she already loved him.
Ang akala niya ay mahal din siya nito. Ngunit gumuho ang ilusyon niya nang malaman niya ang tungkol sa isang babaeng tunay na mahal nito na tinanggihan ang alok nitong kasal bago siya…

3. PHR 4557 Emily by Camilla


Sa loob ng tatlong araw, titigil muna ang mundo ni Emily bilang chambermaid ng isang resort. Magmimistula siyang turistang naka-check in sa mamahaling suite. Doon siya makikilala ni RJ, na nabighani sa kagandahan niya.
Ipinagkaloob niya ang sarili sa lalaki. Paggising niya kinaumagahan, isa palang bangungot ang lahat. Dahil si RJ pala ay si Royce John Heintz, ang owner ng resort na pinagtatrabahuhan niya! Nagalit ito sa kanya dahil sa inakala nitong panloloko niya rito, dahilan para tanggalin siya sa trabaho.
Pagkalipas ng halos dalawang taon ay muli silang nagkita. May mahalagang pakay siya rito: ang ipaalam dito ang tungkol sa naging bunga ng nangyari sa pagitan nila.
Walang nabago sa damdamin ni Emily rito. Pero sa kabila ng pang-aakit na ginagawa ng lalaki sa kanya upang marahil ay magantihan sa inaakalang kasalanan niya rito, halos gahibla na lang ng buhok ang pagtitimpi niya bago siya tuluyang bumigay…

4. PHR 4558 Love Contract by Zoey Summers


Tuwing magkikita sina Yui at Ethan ay lagi silang nag-aaway. Pero dahil sa kanya-kanyang mga problema ay napagpasyahan nilang magkasundo at magtulungan. Tutulungan ni Yui si Ethan sa negosyo nito sa pamamagitan ng ninong niya, at magpapanggap naman si Ethan na boyfriend niya sa college reunion nila.
Naging maayos naman ang lahat, bukod pa sa extended na pagpapanggap ni Ethan bilang boyfriend niya. Hanggang namalayan na lang ni Yui na unti-unti na siyang nahuhulog dito. Pero paano matatanggap ng puso niya na ang mga halik na ipinalasap ni Ethan sa kanya, na inasahan niyang totoo, ay arte lang pala para maging kapani-paniwala ang pagpapanggap nila?

5. PHR 4559 Fall All Over Again by Dwayne Izzobelle


Sa udyok ng isang kaibigan, sumali sa isang dating game sa radyo si Ember. Isang nagngangalang “Cyd” ang napili niyang maka-date.
Nang araw ng pagkikita nila, nagulat siya nang mapagtantong ito si Third, ang naging boyfriend niya noon sa probinsiya. Kahit mga bata pa lang sila noon, alam niyang totoong pag-ibig ang naramdaman nila para sa isa’t isa. Kaya labis siyang nalungkot nang hindi siya nito sinulatan kahit kailan gayong nag-iwan siya ng address dito.
Ngayon ay nais daw nitong dugtungan nila ang nasimulan nila noon. Inaamin niyang mahal pa rin niya si Cyd hanggang ngayon. Ngunit sa pagbabalik nito sa buhay niya, bumalik din ang isang masakit na alaala—isang multo ng kahapon na nagsasabing kailanman ay hindi sila para sa isa’t isa…

6. PHR 4560 Love Completes Me by Ezra Lindsey



“Guwapo, mabait, at neat tingnan”—ganoon i-describe ni Rose ang ideal man niya. Kaya hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nahulog ang loob niya kay Hyun. Oo nga at guwapo ito, lagi namang magulo ang buhok nito, nakasimangot, at napakasungit pa.
Because she was in love with him, ginawa niya ang lahat para mapalapit siya rito. And she succeeded. Naging malapit sila sa isa’t isa hanggang sa pakiramdam niya ay mahal na siya nito.
Pero natapos ang pagpapantasya ni Rose nang masira niya ang isang bagay na alam niyang napakahalaga sa buhay ni Hyun. Isang bagay na mas mahalaga pa sa kanya…
Back to top Go down
 
December 19, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» George Clooney Aficionados News December 26, 2012
» George Clooney Aficionados News December 24, 2012
» George Clooney Aficionados News December 6, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: