HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 12, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 12, 2012 Book Release   Fri Dec 21, 2012 10:51 am

1. PHR 4544 You Found Me by Bethany Sy


Simple lang ang gusto ni Jewel. Para sa kanya, tama nang nakikita at malayang napagmamasdan niya si John mula sa malayo. Magkaiba sila at tanggap niya iyon. Isang simpleng estudyante lang siya samantalang ito ay sikat at pinagkakaguluhan ng mga babae sa eskuwelahan nila. Masaya na siya sa ganoon. Kahit masabihan pa siyang mababaw lang ang kaligayahan niya ay wala siyang pakialam.
Hanggang sa isang araw, nalaman na lang niya na may girlfriend na si John. Wala siya sa posisyon para magalit at maghinanakit. Tama na sigurong maging masaya rin siya dahil alam niyang masaya ang lalaking mahal niya—sa piling nga lang ng ibang babae.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, naghiwalay si John at ang girlfriend nito. Mali man ang matuwa sa sinapit ng dalawa, iyon ang naramdaman ni Jewel. Nang lumipat si John sa ibang eskuwelahan ay sumunod siya rito. Nagkakilala sila… Nagkalapit… At hindi nagtagal ay naging magkasintahan.
Ang buong akala ni Jewel ay maayos na ang lahat sa pagitan nila ni John. Hanggang sa matuklasan niya ang totoong dahilan ng paghihiwalay nito at ng dating girlfriend nito.
Sasapat pa ba ang pagmamahal niya rito para mapantayan niya ang pagmamahal na iniukol nito para sa dating kasintahan nito?

2. PHR 4545 Fiery Tales Trilogy 1: The Fraud Prince by Xandria


Sumumpa si Olga na hinding-hindi na siya babalik pa sa Pilipinas pagkatapos madurog ang puso niya at masabihan ng ex-boyfriend na “I’m tired of everything.” Pero kinain lang din niya ang mga sinabi niyang iyon nang biglang pinauwi siya ng kanyang mga kapatid para harapin ang kanilang mga problema.
Pero siya na yata ang pinakamalas sa lahat ng malas sa mundo. Sa mismong araw kasi ng pagbabalik niya ay nabastos agad siya ng mga walang magawa sa buhay na mga tricycle driver sa bayan nila. And out of nowhere, biglang dumating ang knight in shining armor niya. Si Derrick—ang minsan na ring naging beast ng buhay niya at ang nagsabi sa kanya ng “I’m tired of everything” may anim na taon na ang nakararaan.

3. PHR 4546 Fiery Tales Trilogy 2: True Love’s Kiss by Xandria


Napakalaki ng problema ni Erlyn. Bukod sa malapit na siyang mamulubi, nawawala pa ang daddy niya. May dumating na solusyon sa problema niya—sa katauhan ni Eva Cordero. Uupa ito ng imbestigador na maghahanap sa daddy niya kung magagawa niyang mapagkasundo ang pamangkin nitong si Orlando at ang ama niyon.
Hindi niya inaasahan na magiging madali ang misyon niya dahil noong una ay hindi sila magkasundo ni Orlando. Pero sa paglipas ng mga araw ay unti-unti itong bumait sa kanya. Naging sweet at caring din ito. Hindi nagtagal, naging best of friends sila… hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob niya rito. At mukha namang nahuhulog na rin ang loob nito sa kanya.
Pero natuklasan niya, pinasasakay lang pala siya ni Orlando…

4. PHR 4547 Fiery Tales Trilogy 3: Once Upon A Time by Xandria


Galit na galit si Ellaine Xandrelle kay Hercules Wade. Gusto kasing ipagiba ng lalaki ang bookstore niya dahil magpapatayo ito ng mall. At lalo pang tumindi ang galit niya kay Hercules nang bigla na lang siyang paimbestigahan nito dahil sa layon nitong hanapan siya ng isang bagay na magagamit nito upang mapilitan siyang ipagbili ang bookstore niya rito.
Ngunit dahil sa panghihimasok nito sa buhay niya ay maraming bagay ang natuklasan nito sa pagkatao niya. Kasama na roon ang pagkakaroon niya ng isang lihim na may kinalaman sa problemang kinakaharap ng pamilya niya. Ginamit nito ang lihim na iyon upang hawakan siya sa leeg. At para mapatahimik niya ito, pumayag siya na maging sunod-sunuran dito. She will be his “slave” and he will be her “master.”
Okay na sana ang lahat sa pagitan nilang dalawa dahil sa pagtupad nila sa kasunduang iyon. Kung hindi lang napagtanto ni Ellaine na unti-unti nang nahuhulog ang loob niya sa kanyang “master” at kung hindi lang niya natuklasan ang naging koneksiyon nito sa nakaraan niya…

5. PHR 4548 Ang Sumpa Mo Neneng by Rose Tan


Rich and pretty na si Neneng nang magbalik siya sa sitio na sinilangan niya. Ang unang ginawa niya pagtapak niya sa lugar ay ang isumpa si Arkin, ang lalaking nagpakulong sa kanyang first love. Pababagsakin niya ang kabuhayan ng magaling na lalaki.
Pero sa unang paghaharap pa lang nila, tumiklop na agad siya kay Arkin. Bakit? Dahil ginagayuma pala siya ng lintik!
Kaya pala hindi ito nawawala sa isip niya. Kaya pala hinahanap-hanap na niya ito. Kaya pala hinalikan niya ito nang walang pag-iimbot.
Pero hindi raw siya dapat mangamba. Two months lang daw ang bisa ng gayuma. In the meantime, pagtitiisan na lang daw muna nito ang pagmamahal niya…

6. PHR 4549 Something So Beautiful by Angelene Buena


Si Ethan ang huling lalaki na gugustuhing makasama ni Wana. Malayong-malayo ito sa ideal man na iniisip niya—because Wana almost had everything. She’s got beauty, money, and fame, while Ethan was a nobody. All he had was his determination to do what it took to achieve his dreams. Pero hindi inakala ni Wana na ang isang katulad ni Ethan ang magiging takbuhan niya sa magulo niyang buhay. He became her friend, her companion, her love.
Ngunit isang pangyayari ang sumubok sa pagmamahal ni Wana rito. Kinailangan niyang iwan si Ethan at hindi niya kayang sabihin dito ang dahilan. At baon niya sa paglayong iyon ang galit at pagkasuklam nito sa kanya…

7. PHR 4550 Soldier On Her Doorstep by Soraya Lane (translated by Dawn Igloria)


Ang lahat kay Alex ay perpekto. Guwapo ito, matangkad, matipuno, at malapad ang mga balikat na animo ay football player. Ngunit malungkot ang ngiti nito. Hindi inakala ni Lisa na ang lalaking nagmamay-ari ng perpektong katawang panlabas ay wasak naman sa loob at may napakabigat pang dalahin sa konsiyensiya. Si Alex ang sundalong naatasan ni William—ang asawa ni Lisa na namatay sa labanan sa disyerto—na magdala ng mga naiwan nito bago ito nalagutan ng hininga.
At kahit sarado si Alex sa ano mang klase ng relasyon, hindi naging hadlang iyon para makaramdam si Lisa ng atraksiyon dito. At kahit nilalayuan siya ni Alex, hindi maikakaila sa mga sulyap na ibinibigay nito sa kanya na pareho sila ng nararamdaman. The tension had been building up since his first day in her cottage.
Isang gabing maliwanag ang buwan ay nilapitan siya nito at walang sabi-sabing siniil siya ng halik.
Ang akala ni Lisa ay handa na siyang kalimutan si William. Hanggang sa matuklasan niya kung ano ang papel ni Alex sa pagkamatay ng asawa niya…

8. PHR 4551 Twisted Tales book 1: Going Past The Limits by Nikki Karenina


Seff was Sugar’s best male friend ever. Ito ang laging kasama niya sa lahat ng lakad niya. Ito ang naging bodyguard-cum-business partner niya. Ngunit nang magtapat si Seff ng totoong nararamdaman nito sa kanya ay tinanggihan niya ito. Mas pinili niya ang pagkakaibigan nila kaysa sa pagmamahal nito na walang kasiguruhan kung hanggang kailan magtatagal. Alam niya sa sariling mahal niya si Seff bilang kaibigan.
Or so she thought.
Nanatili silang magkaibigan ni Seff sa kabila ng pagtanggi niya rito. Ngunit nararamdaman niyang lumalayo ito sa kanya. Nang pormahan nito ang isa sa mga kaibigan niya, nalito siya sa kanyang nadama. Dahil sa halip na matuwa siya dahil sa wakas ay napansin din ni Seff ang kaibigan niya ay pagkainis ang nararamdaman niya tuwing nakikitang magkasama ang dalawa.
Nang ma-realize ni Sugar na hindi na pagtinging-kaibigan ang nararamdaman niya kay Seff ay sinabi agad niya ang nararamdaman niya rito. Ngunit hindi siya naging handa sa naging tugon nito…

9. PHR 4552 Twisted Tales book 2: Better Than Revenge by Nikki Karenina


Aso’t pusa ang turingan nina Ginger at Yoej sa isa’t isa. Hindi lumilipas ang araw na hindi sila nag-aasaran nito. Akala ni Ginger ay hindi na mababago ang batian nila sa isa’t isa hanggang sa humingi ng tulong sa kanya si Yoej. Gusto nitong magpatulong para makuha ang atensiyon ng best friend niyang si Sugar.
Napagdesisyunan niyang tulungan ito ngunit hindi ang tulong na inaasahan nito. Sinabi ni Ginger kay Yoej ang lahat ng kabaligtaran ng gusto ni Sugar. Inaasahan na niyang magagalit ito sa kanya at madaragdagan uli ang pang-aasar nito sa kanya pero nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Naging mabait ito sa kanya. Hindi na siya madalas na asarin nito at binubusog nito ang puso niya ng kilig. Yoej was all handsome and cool. Hindi niya napigilan ang kanyang sariling mahulog ang loob dito.
Pero hindi pala siya dapat nagpadala na lang basta sa mapang-akit na tingin nito, magandang katawan, at masarap na mga labi. Dahil lahat pala ng ginawa nito para sa kanya ay pulos kalokohan lang.
He was on her for revenge. Paano na ngayon ang puso niyang tumitibok para dito?

10. PHR 4553 Twisted Tales book 3: Sweet Crazy Love by Nikki Karenina


Wala nang mahihiling pa si Lemon—masaya na siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Hanggang sa ipakilala sa kanya ng kaibigan niyang si Pepper ang lalaking pakakasalan nito: si Joey Montinola. Si Joey ang lalaking ayaw na niyang makita. Ngunit hindi na siya makakaiwas dahil siya ang napili ni Pepper na mag-organize ng engagement party nito. Kahit hindi niya gusto ang ideya ng pagpapakasal ng dalawa, ginawa pa rin niya ang kanyang trabaho.
She thought everything was going to be perfect, but something went wrong. Tumakas si Pepper; and worse, sumama ito sa kuya niya. Sinabi ni Joey sa kanya na kailangan niyang malusutan ang problemang iyon. At hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa nito. Joey suddenly kissed her. The moment Lemon felt his lips on hers, she knew he had captured her heart. Again.

11. PHR 4554 Twisted Tales book 4: Duty To My Heart by Nikki Karenina


For once, gusto nang gumawa ni Pepper ng isang bagay na hindi na kakailanganin ng permiso ng kanyang mga magulang. Kaya on impulse, nagdesisyon siyang i-boycott ang kanyang sariling engagement party. Pero minalas siya, dahil sa dinami-rami ng sasakyang puwede niyang pagtaguan, sa sasakyan pa siya ni Calyx napasakay. Ito ang isa sa mga taong ayaw niyang makasama. Pepper hated Calyx to the core. Pero kailangan niyang pagtiisan ito.
Ang usapan nila ay ibababa siya nito sa isang safe na lugar, pero sa panggigilalas niya ay isinama siya ni Calyx sa pupuntahan nito. Ang akala ni Pepper ay hindi niya matatagalan ang presensiya ng lalaki, pero nakilala niya nang husto ang kakaibang Calyx nang sumama siya rito.
She did not expect she would fall in love with him. Again…

Back to top Go down
 
December 12, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» George Clooney Aficionados News December 26, 2012
» George Clooney Aficionados News December 24, 2012
» George Clooney Aficionados News December 6, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: