HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 5, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 5, 2012 Book Release   Thu Dec 13, 2012 6:31 am

1. PHR 4536 Paradise With You by Brandy Gallardo


Nakatakdang ikasal si Georgina sa isang German national—ngunit gagawin lang niya iyon dahil sa takot sa kanyang ina at sa utang-na-loob sa mga kapatid. Pumayag siya at inisip na lang niya ang magandang buhay na kapalit niyon sa piling ng mabait na mapapangasawa niya. Pero nang magbakasyon siya sa isang resort ay nakilala niya si Gabriel, isang bakasyunista na may nais kalimutang masakit na alaala. Hindi niya inaasahang mai-in love siya rito.
Gayunman, sa kabila ng realidad na hindi na siya malaya, hinayaan niya ang sariling maging maligaya sa piling nito. Kahit alam niyang pagkatapos ng bakasyon, kailangan na niyang lisanin ang resort at ang buhay ni Gabriel…

2. PHR 4537 Mischief And Mayhem by Rose Tan


Sa pagbabalik sa bayang sinilangan, napalapit uli si True sa kanyang high school crush, si Trip.
Pero may nadiskubre siya sa lalaki. Bukod sa binata pa rin ito, masyadong malinis at maingat sa katawan, masyadong malinis ang silid, nagsusuot ito ng ternong pj with heart prints.
Bading si Trip.
Pero gusto raw nito ng anak.
Willing ba siyang maging ina?
Kung ang first love ay never dies…

3. PHR 4538 One Last Summer by Nicka Gracia


Nagtungo si Arlene sa Donsol upang mag-isip at magbakasyon. Hindi niya inasahang higit pa sa butanding ang makikita niya sa lugar na iyon. Because that summer, nahulog ang puso niya sa lalaking hindi niya naisip man lang na mamahalin niya—si AJ. Hindi niya pinlano iyon, naramdaman na lang niyang hulog na hulog na ang loob niya rito.
Ngunit batid niyang sa umpisa pa lang ay tila talo na ang puso niya. Sa binata na mismo nanggaling na hindi na ito magmamahal uli gaya ng pagmamahal nito sa dating nobya nito. Nasasaktan siyang makita ang lungkot sa mga mata nito.
Kung sana lang ay hahayaan siya ni AJ na palisin iyon…

4. PHR 4539 If I Ain't Got You by Camilla


Parang tomboy kung kumilos si Wang-wang, pero ang totoo ay matagal na siyang may lihim na pagsinta sa kinakapatid niyang si Kevin. Nang ipitin ito ng mga magulang nito at sinabing kailangang pakasalan siya nito bago makuha ang iniuungot na mana, hindi na siya nagdalawang-isip sa pagpayag.
Mukhang maganda naman ang kinahinatnan. Ang noon ay pagnanakaw nito ng halik sa kanya ay nauwi sa isang magandang pagtitinginan. Ngunit isang araw ay hindi siya sinipot nito, sa halip ay nagpakita sa kanya si Valerie—ang ex-girlfriend nito. Ipinamukha sa kanya ng babae kung ano lang talaga ang silbi niya sa buhay ni Kevin…

5. PHR 4540 How A Cowboy Stole Her Heart by Donna Alward (translated by Miss Daisy)


Bumalik si Meg sa bayan ng Concepcion upang makasama ang kanyang pamilya. Sa pagbalik niya roon ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Clay, ang kababatang minahal ng batang puso niya noon.
Naging malapit uli sila sa isa’t isa. Kasunod niyon ay ang pag-usbong ng mas malalim na damdamin para sa isa’t isa. Pero hindi puwede. Bukod sa pagkakaibigan, kailangan niyang isaalang-alang na wala siyang maipapangakong “habang-buhay” kay Clay dahil walang kasiguruhan kung malalampasan niya ang pagsubok sa kanyang buhay—ang dahilan kung bakit siya lumayo.
Pero mapilit si Clay. Tatanggihan ba niya ito dahil sa takot o haharapin niya ang walang-kasiguruhang buhay kasama ito?

6. PHR 4541 Romeo Loves Juliet by Amanda


Walang inasam si Juliet mula sa kanyang pagkabata kundi ang makauwi sa bayang sinilangan ng kanyang ama, ang marating ang lupain ng mga Guevarra, ang makita ang abuela, at masilayan ang Mount Mayon. It all came true twenty-five years later. Pero hindi lang pala ang mga iyon ang matatagpuan niya sa pag-uwi niya roon dahil nakilala niya si Romeo Montemar aka Mio, a world-class pianist, mysterious, and undeniably a good-looking man. At nang tugtugin nito ang “Sarung Banggi” ay nahulog ang loob niya rito.
Hindi issue sa kanya kung diborsiyado ito at sa kabila ng magagandang katangian nito ay iniwan ng asawang ballerina. Hindi niya naisip na ang hadlang ay magmumula sa pagiging isang Montemar ni Mio at pagiging isang Guevarra niya.
Hahayaan ba nilang mamagitan ang naging hidwaan ng kanya-kanyang pamilya sa nakaraan sa pag-iibigan nila?

7. PHR 4542 When The Love Falls by Maricar Dizon



Jemelyn was a conservative and hard-working career woman. At kapag sinabi niyang “conservative,” that meant, hindi siya basta-basta bumibigay sa mga lalaki. Hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo ng isang lalaki… mas tinitingnan niya ang ugali na malaking kabaligtaran ni Dillion Smith, ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang galitin siya. Yes, he was dangerously handsome, pero masyadong mataas ang self-confidence nito na labis na kinaiinisan niya.

Ayaw na ayaw niyang naglalalapit ito sa kanya. Pero nagbago ang tingin niya rito nang minsang iligtas nito ang buhay niya. Nakita niya ang magagandang katangian ng binata. Hanggang sa nahulog ang loob niya rito. Pero hanggang saan siya dadalhin ng nararamdaman niya gayong nabalitaan niyang may iba pa palang dahilan ang pagliligtas nito sa buhay niya?

8. PHR 4543 Rave Of My Heart by Ailaine


Sa loob ng halos siyam na taon ay iniwasan ni Isha si Rave dahil sa pagtanggi nito sa kanya nang magtapat siya ng pag-ibig dito. Pero sa nakalipas na siyam na taon, hindi naman nawala ang nararamdaman niya para dito. At ni minsan, hindi niya naisip na darating pa ang araw na mag-uusap sila. Kinailangan niyang makipagbati rito dahil kailangan niyang humiram ng perang pangkapital sa negosyong nais niyang itayo.
Kinausap niya si Rave at nagawa nilang ayusin ang hindi pagkakaunawaang namagitan sa kanila. He was about to hand her the check nang maka-encounter naman nila ang obsessed admirer ni Rave na si Dina. Sa labis na inis niya sa babae, sa harap nito mismo, ay hinalikan niya si Rave na ikinagulat ng binata.
Nang mag-usap sila, sinabi nitong kinailangan nilang magpanggap na magnobyo dahil hindi pa rin daw titigil si Dina sa pagbuntot dito. Dahil gusto rin naman ng puso niya ang ideya, she gave in.
Back to top Go down
 
December 5, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» George Clooney Aficionados News December 26, 2012
» George Clooney Aficionados News December 24, 2012
» George Clooney Aficionados News December 6, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: