HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 28, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 28, 2012 Book Release   Wed Dec 05, 2012 11:02 am

1. PHR 4528 Mula Nang Ibigin Kita by Doreen Gabriel


Kilalang geek si Beremise sa eskuwelahan nila noong high school siya. At tulad ng madalas na maranasan ng isang katulad niya, naging laruan siya ng mga popular student doon. Kaya nagsumikap siyang magbago at nagtagumpay naman siya. Plano niyang ipakita iyon sa buong mundo, lalo na sa mga taong minsang nanakit sa kanya noon. Kaya sasamantalahin niya ang pagkakataong um-attend ng high school reunion nila.
Sa payo ng sekretarya niya, umupa siya ng isang dance instructor na maaaring magpanggap bilang boyfriend niya para sa gabing iyon. Pero nang dalhin niya ang DI roon, natuklasan niyang ang kasama niya ay hindi si Gabby na inirekomenda ng sekretarya niya sa kanya kundi si Gabriel Kiyunari o “Gabe” na anak ng may-ari ng sikat na Kiyunari Laboratories.
Pero huli na ang lahat—dahil nang gabing iyon, ang kunwari lang sanang relasyon nila ay nauwi sa experimental relationship nang umamin si Gabe na may gusto ito sa kanya.
Hindi rin naman niya naitangging attracted siya rito.
At ang experimental relationship ay nauwi sa totohanan… at least, para kay Beremise dahil talagang nahulog na ang loob niya rito. Nagawa pa nga niyang ibigay ang lahat-lahat kay Gabe—para lang masaktan sa huli dahil nalaman niyang isa rin pala itong kasabwat ng mga taong minsang nanakit sa kanya noong high school siya.
Ngayon, hindi lang ang pagkatao niya ang niyurakan, pati ang puso niya.

2. PHR 4529 Love At The Cupcake Corner by Maria Flora Celine


Apat na taon na ang nakararaan, isang malaking dagok ang nagpabago sa takbo ng buhay ni Arianne. Kaya naman nagdesisyon siyang isara ang kanyang puso sa pag-ibig. Lumayo siya kay Ryan, ang tanging lalaking minahal niya.
Ngunit muling nagkrus ang mga landas nila ng binata. Nakipaglapit uli ito sa kanya. Pilit na iniwasan niya ito pero pursigido itong manuyo. Para tantanan na siya nito, inireto niya ito sa pinsan niya.
Pero nang magkalapit naman ang dalawa, napagtanto niyang hindi pala niya kayang makita si Ryan na may kasamang ibang babae…

3. PHR 4530 Far Away by Andrea Ylagan


Mula pa pagkabata ay hindi na talaga kasundo ni Venus si Lessan. Ever since that day he called her “fat,” she declared war between them. But as time passed by, they both learned to deal with it and they just practically avoided one another. The more they grew up, the lesser they saw each other—na labis niyang ikinatuwa. After all, hindi ito malaking kawalan para sa kanya. They were never even friends, to begin with.
Ngunit hindi yata nakatakdang magbago ang lahat sa pagbabalik nito sa Pilipinas mula sa pagtatrabaho nito sa ibang bansa. Speaking of a surprise welcome, she accidentally saw him in his birthday suit on his very first day home. Sa dinami-rami ba naman ng unang-una nitong makakasalubong ay bakit siya pa?
Subalit isang araw ay naramdaman na lang niyang nabuhay ang matagal na niyang itinagong pagka-crush dito noong bata pa sila. Mukhang hindi yata siya immuned sa karisma nito gaya ng inaakala niya.
With their families pairing them up, his deadly charms, and her growing attraction towards him, the possibility of her falling for him didn’t seem too far away.

4. PHR 4531 My Fairy Tale Prince Trilogy 1: Prinz, The Frog Prince by Skye Reyes


Aminadong addict sa Tagalog romance pocketbooks at isang hopeless romantic si Rome. Nangangarap siyang matatagpuan din niya balang-araw ang kanyang Prince Charming. Pero sa bawat fairy tale ay may kontrabida—at isang Prinsipeng Palaka na nagngangalang Prinz ang kontrabida sa fairy tale niya.
Hindi naniniwala si Prinz sa fairy tales at happy endings at lalong-lalo na sa isang Prince Charming. “You deserve better than a Prince Charming that is too lazy to leave his castle and find his princess. Isang knight in shining armor ang piliin mo, dahil `yon ang magliligtas sa `yo.”
Hanggang sa makilala ni Rome si Kingsley Constantino, ang prinsipeng matagal na niyang hinihintay. Pero bakit kung kailan natagpuan na niya ang Prince Charming niya ay saka tila may koryente siyang naramdaman kay Prinz tuwing magdidikit sila?
Sino ba sa dalawang prinsipe ang gusto niyang makasama sa happy ending ng fairy tale niya? Ang pinapangarap niyang Prince Charming o ang Prinsipeng Palaka na hindi naniniwala sa happy ending?

5. PHR 4532 My Fairy Tale Prince Trilogy 2: William, The Knight In Shining Armor by Skye Reyes


Princess Nica lived a royal life. Ang sabi nga nila, perpekto raw ang buhay niya. Kaya nang malaman niya na hindi siya anak ng kinikilala niyang ama ay tila nagunaw ang mundo niya. Hindi sinasadyang nalaman niya na anak pala siya ng mommy niya sa isang mahirap na lalaki at dating driver daw ng pamilya nila. She vowed not to tell anyone and keep the secret even in her grave.
Until she met William, ang hunk na bodyguard—este, bagong driver nila. Sa mga panahong malungkot siya ay naroon ito sa tabi niya. He was her knight in shining armor. Itinakas siya nito nang i-announce ang engagement niya sa isang mayamang lalaki na hindi naman niya mahal. Sa pagsama niya kay William ay unti-unting nahuhulog ang loob niya rito. Subalit pinigilan niya ang sarili na umibig dito dahil ayaw na niyang maulit ang kapalaran ng mommy niya na umibig sa isang mahirap na lalaki.
Funny how destiny seemed to manipulate them. Napag-alaman niyang malahari pala ito sa yaman, samantalang siya ay isang huwad na prinsesa. May pag-asa pa kaya ang pag-ibig niya para kay William?

6. PHR 4533 My Fairy Tale Prince Trilogy 3: Dohn, The Valiant Knight by Skye Reyes


Hindi kasama sa plano ni Princess Honey Lou Luessen na mag-a la Sleeping Beauty sa taxi ng isang guwapong taxi driver pero iyon na lang ang nagawa niya nang habulin siya ng kanyang mga bodyguard na balak pala siyang kidnapin.
Nang magising siya ay ang guwapong mukha ng estrangherong taxi driver ang nabungaran niya. Nagpakilala ito bilang Dohn Michel. Ikinuwento niya rito na isa siyang prinsesa sa isang malayong kaharian pero mukhang hindi ito naniniwala kaya tinakot na lang niya ito na ipapagarote sa oras na makabalik siya sa kahariang pinanggalingan niya. Natakot yata si Dohn kaya napilitan itong tulungan siya.
Habang nakikipag-“hide-and-seek” siya sa mga kidnaper niya ay nahulog ang loob niya rito. Lalo pang lumala iyon nang italaga ni Dohn na maging valiant knight niya ito.
Handa na sana siyang iwan ang kaharian niya para maging isang ordinaryong babae sa piling ni Dohn Michel, pero nalaman niyang may inililihim pala ito sa kanya. Paano pa niyang paniniwalaan uli ito kung nadala na siya nang paglihiman din siya ng unang lalaking minahal niya noon?

7. PHR 4534 My Brightest Day by Laurice del Rio



Dahil kay Andrew, nagpursige si Charisse na magbawas ng timbang. Magkapareho kasi sila ng problema—ang pagiging lumba-lumba. Andrew had to lose weight, para mapansin ni Yvonne—ang nakatatandang kapatid ni Charisse—na nag-uumapaw sa ganda points at kaseksihan. Naging katuwang ni Charisse ang binata sa pagkakaroon at pagpapalakas ng self-confidence. Nahawa na rin siya kay Andrew sa magandang pananaw nito sa buhay. At dahil din dito, naipagpatuloy ni Charisse ang naudlot na pangarap na maging isang pintor na tinututulan ng pamilya niya.
Ngunit hindi pa man tuluyang natatapos ang “Oplan: Pagbabawas-timbang” ng dalawa ay kinailangan nang umalis ni Andrew para sa scholarship nito sa ibang bansa. Noon din ay nakumpirma ni Charisse sa sarili niya na mahal na niya ang binata.
Lumipas ang ilang taon at isa nang makisig na Andrew ang nagbalik sa buhay ni Charisse. Ngayon ay may lakas na siya ng loob na magtapat kay Andrew ng tunay niyang nararamdaman.
Ngunit dagli ring bumagsak ang loob niya nang malamang interesado na ang kapatid niya kay Andrew…

8. Catching Fire by Suzanne Collins (translated by Katrina Pineda)


Sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdaanan, naipanalo ni Katniss ang Hunger Games. Siya at ang kapwa tribute ng District 12 na si Peeta Mellark ay himalang buhay pa rin. Dapat ay nabunutan na ng tinik si Katniss, maging masaya pa nga. Lalo pa at nakabalik na siya sa kanyang pamilya at sa matagal nang kaibigang si Gale. Ngunit wala sa mga ninais niyang mangyari ang nangyari. Naglagay si Gale ng malamig na distansiya sa kanya. Tuluyan na siyang tinalikuran ni Peeta. At may mga bulong-bulungan ng pag-aaklas laban sa Kapitolyo—isang pag-aaklas na maaring natulungan nina Katniss at Peeta na maisagawa.
Sa kanyang labis na pagkabigla at pagkatakot, nakapagpasiklab si Katniss ng kaguluhang sa tingin niya’y hindi niya kayang pigilan. At ang lalong ikinatakot niya ay hindi siya lubusang kumbinsido na subukang pigilan iyon. Habang papalapit ang na oras upang bisitahin nina Katniss at Peeta ang mga distrito sa malupit na Victory Tour ng Kapitolyo, higit na malaki pa ang mga panganib ngayon. Kung hindi nila mapatutunayan, nang walang bahid ng pagdududa, na labis silang umiibig sa isa’t isa, magiging kahila-hilakbot ang magiging parusa.
Sa Catching Fire, and pangalawang nobela ng Hunger Games trilogy, ipinagpapatuloy ni Suzane Collins ang kuwento ni Katniss Everdeen, sinusubok siya nang higit pa kaysa dati… sinisindak ang mga mambabasa sa bawat paglipat ng pahina.
Back to top Go down
 
November 28, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Phoney Kony 2012
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» Model Stacy Keibler visits a friend in Brentwood, California on November 19th, 2012.
» George Clooney Aficionados News, November 13, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: