HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 7, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 7, 2012 Book Release   Fri Nov 23, 2012 11:54 am

1. PHR 4507 Aseron Weddings: Shape Of My Heart by Dream Grace


Alam ni Georgette na siya ang huling babaeng papasok sa isip ni Zrael kung makakasama sa buhay ang pag-uusapan. Nang may magsabi nga sa binata tungkol sa lihim na pagsinta niya rito ay tinawanan lang nito iyon. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang halos maglumuhod ito sa harap niya upang pumayag siyang tumayong girlfriend nito sa pagdalo sa kasal ng pinsan nito. Subalit dagli ring napalitan ng nag-uumapaw na inis ang pagkagulat niya nang ipaliwanag nitong magkukunwari lang silang magkasintahan para tantanan na ito ng matchmaker na lolo nito. Kung ibang babae raw kasi ang ipapakilala nito, malamang na hindi maniwala ang matanda na seryoso si Zrael.
Siguro ay magaling talagang umarte si Zrael dahil sa buong panahon na naroon sila sa Isla Fuego para sa kasal ng pinsan nito ay hindi ito umalis sa tabi ni Georgette. Ni wala itong ibang isinayaw na babae bukod sa kanya. Naniniwala ang lahat na talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa, at maging siya ay gusto na ring makumbinsi. Si Zrael kaya? Sana ay makumbinsi niya itong mas magiging maganda kung totohanin na nila ang kanilang “pag-iibigan.”

2. PHR 4507 Can’t Stop The Feeling by Laurice del Rio


Matagal na hindi nakita ni Chelsea ang kababata niyang si Nico. Sa muli niyang pag-uwi sa bayan nila ay kasama sa plano niya ang subukang bingwitin ito. Pero sa kung anong dahilan ay si Xander—ang buwisit na kaibigan ni Nico—ang pilit na inihaharang ng kapalaran sa daraanan niya.
Galing ng States si Xander at tiyempong may balak din itong magbakasyon sa San Carlos. At kagaya noong mga bata pa sila, panira ito ng diskarte. Sa halip na nakakapag- concentrate si Chelsea sa pagbingwit kay Nico ay dito nabaling ang pansin niya. Nuknukan kasi ito ng kulit.
Biglang napansin ni Chelsea na may mga pagkakataon na hindi na siya naiinis dito. Sa halip ay fascination na ang nangingibabaw sa kalooban niya. Dumating pa ang sandali na naisip niya na Xander was not such a bad guy after all. At doon nagsimula ang problema. Nang hindi na siya naiinis kay Xander ay napakabilis na nahulog ang loob niya sa lalaki. Pero mabilis din pala siyang iiwan nito para bumalik sa babaeng hula niya ay totoong nagmamay-ari ng puso nito.

3. PHR 4909 Forever With You by Cady Lorenzana


“Gumawa tayo ng rules! Hindi kasali ang kiss!” giit ni Lady kay Guji.
“Ha? Eh, paano tayo magiging effective na lovers niyan kung walang kiss?”
“Puwede namang holding hands o hug basta walang kiss!”
He twitched his lips. “At bakit naman? Masama ba ang lasa ng mga labi ko kaya ayaw mong mahalikan akong muli?” sabi nito at unti-unti pang inilapit ang mukha sa kanya.
Parang binabayo ng sampung kabayo ang dibdib ni Lady habang inilalapit ni Guji ang mukha nito sa mukha niya. Naguguluhan si Lady sa nangyayari sa kanya. Nagkakasundo pa lang sila ni Guji sa mga batas na gagawin nilang palabas pero pakiramdam niya ay nagtataksil na ang puso niya. Hindi siya puwedeng ma-in love dito dahil nagpapanggap lang silang magnobyo.
Kailangan niyang pigilan ang sarili niya. Guji was a self-professed playboy. She shouldn’t fall for his overpowering charms. Ngunit kaya ba niyang tanggihan ang makulit na puso niya? Lalo na at ipinaglihi yata sa asukal ang lalaking wala na nga silang audience ay feel na feel pa rin ang pagiging artista nito?

4. PHR 4510 Way Back Into Love by Belle Feliz


Courtney loved no one but Prince. Prince had always been in love with Courtney. But they were friends and they valued friendship more than anything else. Isang gabi, hindi sinasadyang may nangyari sa kanila na hindi normal na nangyayari sa magkaibigan. At dahil sa mga komplikasyong idinulot ng pagkakamaling iyon ay nagpasya silang maghiwalay at magpakalayo-layo sa isa’t isa.
But would that be for the better?

5. PHR 4511 Songs About Nate by Giorgianna Vittoria


Pagkalipas ng mahigit siyam na taon ay nagbalik sa kanyang hometown si Shane para sa TV feature sa kanya ng isang sikat na music channel. Nakatakdang muli niyang makita si Nate, ang lalaking malaki ang naging bahagi sa tinatamasa niyang tagumpay ngayon bilang isang singer-songwriter. Sa umpisa pa lang ay ito na ang naging inspirasyon niya sa bawat kantang isinusulat niya. Those heartfelt, honest lyrics in each hit song were all because of him and their beautiful love story which, sadly, had to end.
Ngayon ay hindi niya alam kung paanong pakikiharapan ang lalaking kailanman ay hindi nawaglit sa isip at puso niya. She was the one who was hurt, the one who had to run away because it was the only way to deal with her pain. Ngunit bakit nang sa wakas ay muli silang magkaharap ay tila ito pa ang matindi ang galit sa kanya?

6. PHR 4512 In Bed With A Stranger by India Grey (translated by Armine Rhea Mendoza)


Dumating si Sophie Guerrero sa buhay ni Kit Florendo na parang isang ipuipo at nagawa ni Sophie na basagin ang pader na nakapalibot sa puso ni Kit at baguhin ang disposisyon nito sa buhay. Masakit para sa kanilang dalawa nang kinailangan nang umalis ni Kit at bumalik sa duties nito sa army.
Nang umuwi si Kit mula sa destino nito, mainit at nakalalango ang muli nilang pagkikita ni Sophie. Pero napansin ni Sophie na may malaking pagbabago rito. Pakiramdam niya ay tila naging isang estranghero ang lalaking mahal niya.
Batid ni Sophie na hindi lang maiinit na halik, yakap, at pagniniig ang kailangan upang maisalba ang kanilang pag-ibig. Kailangan uli niyang mabuksan ang puso ni Kit…

7. PHR 4513 Love Letters For The Library Girl by Farah Alegria



Hindi alam ni Tammy kung anong klaseng saltik sa utak mayroon si Simon Manuel Ledesma. The first time they met, bigla siya nitong tinalikuran at nilayuan na akala mo ay nakakita ng multo. At ngayon, ang simple niyang task na interview-hin ito ay ginawa nitong komplikado sa pamamagitan ng isang kondisyon—ang maging constant companion siya nito sa loob ng isang buwan. Talk about being weird.
Pero ang mas weird sa lahat, nasumpungan niya ang sarili na unti-unting nade-develop sa binata sa bawat araw na nakakasama niya ito. At assuming mang pakinggan, pakiramdam niya ay ganoon din ito sa kanya. Dahil ano’t sasabihin nito sa harap ng maraming tao na espesyal siya kung hindi, `di ba?
Subalit isang sulat ang sumira sa lahat ng delusyon niya. Isang sulat na nagbalik sa kanya sa realidad kung saan magkaibigan lang sila ng binata at secretly in love ito sa ibang babae. Isang sulat na nagpa-realize sa kanya na wala na siyang pag-asa rito.

8. PHR Gothic Gulla Trilogy 2: Bugso by Camilla


Namatay ang mga magulang ni Cliff sa isang malagim na pangyayari maraming taon na ang nakalilipas, isang pangyayari na nagpabago sa kanyang kapalaran at naging dahilan upang siya ay maging isang immortal.
Ang buong akala niya ay nag-iisa lang siya, unique sa kanyang paraan dahil kalahating tao at kalahating bampira siya. Pero nagkamali siya.
Sa isang archaeological digging kung saan may nakitang mummified remains ng pinaghihinalaang mga bampira, naaalarmang pinapunta siya roon ng kanyang ama para mag-imbestiga. Doon niya nalaman na tatlo silang magkakatulad—mula sa isang pamilya at galing sa iisang ina.
Ang pagkakatuklas sa mga mummy na iyon ang naging dahilan para makilala niya ang kanyang tunay na pamilya, ang mga kaibigan at kaaway ng mga ito, at higit sa lahat, ang misteryosang babaeng hindi niya makalimutan ang magandang mukha.
Back to top Go down
 
November 7, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Phoney Kony 2012
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» Model Stacy Keibler visits a friend in Brentwood, California on November 19th, 2012.
» George Clooney Aficionados News, November 13, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: