HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 23, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 23, 2012 Book Release   Fri Nov 23, 2012 11:29 am

1. PHR 4522 Catch Me I’m Falling by Majesty Roque


Dahil sa matinding problema sa pera ay napilitan si Trixia na tanggapin ang iniaalok na tulong ni Eleazar kapalit ng pagpapanggap niyang nobya nito sa harap ng pamilya nito. Pero nang makaharap niya ang pamilya nito ay nadagdagan ang role niya dahil sa pakiusap ng ina nito na pagbatiin niya si Eleazar at ang Kuya Adrian nito. Ang problema, unang pagkikita pa lang nila ni Adrian ay nakatikim na siya ng kayabangan nito. Tuloy, sa halip na maging “referee” ay parang mas gusto na niyang makisali sa alitan ng dalawa.
Nang hindi makatiis si Trixia ay kinompronta niya si Adrian. Pero nabale-wala ang pagsugod niya nang biglang palambutin ng halik nito ang kanyang depensa. Nakaliliyo nga yata ang halik nito dahil namalayan na lamang niya na umiibig siya rito. Ngunit kung kailan nakataas na ang bandera ni Adrian sa puso niya ay saka niya nalaman ang totoong rason sa likod ng alitan ng magkapatid.
Hindi na yata niya magagampanan ang pagiging peacemaker niya dahil hindi niya kayang patahimikin ang sarili niyang puso.

2. PHR 4523 Te Amo, Forever And Ever by Aya Myers


Keith James and Jamie Elaine “Jeg” Grossner were best friends. Mula pagkabata ay sila na ang magkasama. Keith was handsome, responsible, and a real charmer. Kahit sino ay mai-in love dito.
Jeg thought she was the only exception and she was immuned to his charms. Pero nagbiro ang tadhana, natagpuan na lang ni Jeg ang sarili na nagmamahal nang lihim sa kaibigan. Ang masakit lang, may iba nang minamahal si Keith. She opted to hide her feelings and buried it deep in her heart.
Pero isang trahedya ang nagpabago at sumira sa buhay ni Jeg. Gaya ng isang best friend na palaging tumutulong sa kanya, iniligtas siya ni Keith sa malaking kahihiyan. Inalok siya nito ng kasal. The next thing she knew, she was married to Keith.
Naghuhumiyaw ng pagmamahal ang puso niya para dito pero alam niyang hindi na siya karapat-dapat dito. Kahit gusto niyang umasa sa mga kakaibang ikinikilos ni Keith na para bang mahal din siya nito.

3. PHR 4524 I Love You, Mr. DJ by Kandice Gonzales


Unang na-in love si Zia sa boses ni DJ Gino. Taglay nito ang pinakamaganda, masuyo, at baritonong boses na narinig niya sa buong buhay niya. At nang makilala niya ito, hindi niya napigilang tuluyang mahulog ang loob dito.
Ngunit may malaking problema—may mahal na itong iba. Nagmamahal ito sa isang babaeng may mahal namang iba. Sa kabila ng lahat, nakipaglapit siya rito. Para siyang gamugamo na patuloy sa paglipad sa paligid ng maliwanag na lampara, sa kabila ng kaalaman niyang baka mapaso siya sa huli.
Kung kailan okay na ang lahat, kung kailan ramdam niyang unti-unti nang nahuhulog ang loob sa kanya ni Gino, saka bumalik ang babaeng mahal nito. Paano na siya?

4. PHR 4525 The Captivated Painter by Tyra


Isang yacht cruise ang iniregalo kay Seika ng nobyo niyang si Arik. Sa pangalawang araw ng cruise nila, isang napakalakas na sea storm ang hinarap nila. Nahulog si Seika sa dagat. Sinubukan siyang iligtas ni Arik pero nang malapit na ito sa kanya, saka ito inanod ng malakas na alon. And that was the last time she saw him. Dahil pagdilat niya, wala na siyang makita kundi kadiliman.
Because of the accident, she became blind. Bukod doon ay hindi pa rin nakikita ng mga rescuer si Arik. She felt so devastated. Parang mas nanaisin pa niyang mamatay kaysa manatili sa kadilimang kinalulugmukan niya.
And that was when Aram came to her life.
He was like a breath of fresh air. Binigyan uli nito ng liwanag ang madilim niyang mundo. Unti-unting nahulog ang loob niya rito. She was always flooded by guilt tuwing naiisip niya na sa loob ng maikling panahon ay minahal niya si Aram. Dahil bukod sa hindi pa rin natatagpuan si Arik, hindi rin niya maaaring takasan ang masaklap na katotohanang kapatid si Aram ng kasintahan niya.

5. PHR 4526 Restless Hearts by Sheena Rose


Minalas na abutan ng bagyo sa daan si Richelle nang mag-road-trip siya. Sa kanyang paghahanap ng masisilungan ay napadpad siya sa mansiyon ni Ritz Quillan.
Natakot siya nang una niya itong makita. Para kasi itong zombie na walang kaemo-emosyon. Ngunit natuklasan niya na mabait naman pala ito. Tinanggap siya nito sa pamamahay nito. Hindi niya akalaing may sleeping disorder ito. Isang gabing malamig ay naglakad ito nang tulog at tumabi sa kanya.
Alam niya na dapat niya itong gisingin at pabalikin sa sarili nitong silid ngunit paano niya iyon magagawa kung ang makulong sa mga bisig nito ang pinakamasarap na naranasan niya sa buong buhay niya?

6. PHR 4527 Captive Of His Desires by Cassandra


Nang maulila si Veronica at ang Ate Victoria niya, naiwanan din sila ng napakalaking utang. Mula noon, ang Ate Victoria na niya ang tumayong magulang niya. Ito ang gumagawa ng paraan para mabuhay silang dalawa. Kaya nang aminin ng ate niya na nagpabuntis ito para lang mabayaran na ang mga utang nila, hindi bumaba ang tingin niya rito. Hindi niya gusto si Emilio—ang ama ng ipinagbubuntis ng ate niya—at wala siyang tiwala sa lalaki.
Ngunit isang trahedya ang sumubok hindi lang sa kanya kundi maging kay Emilio. Paano niya sisisihin ang binata kung ang may kasalanan ay walang iba kundi siya? Isang buhay ang nawala at isang buhay ang naiwan na nagbuklod sa kanilang dalawa. Paano niya haharapin ang bukas kung sa halip na ang kapatid niya, si Emilio ang makakasama niya?

7. PHR Gothic Gulla Trilogy 3: Lagablab by Camilla


Dahil sa pagiging ignorante ni Um sa ilang makalumang tradisyon ng lahi ng aswang na gaya ng mga umampon sa kanya at sa intensiyong maitakas si Ruru mula sa lalaking umaangkin dito, may ginawa siya na naglagay sa kanila pareho sa panghabang-buhay na kompromiso: kasal.
Dahil doon ay nagsimula ang pagdagsa ng mga panganib na hindi lamang sa mga aswang nakaamba kundi sa mga katulad niya na may dugong-bampira. Dahil tila nagkaisa ang mga kampon ng kasamaan na kalaban ng dalawang lipi—at tila gagawin ng mga iyon ang lahat upang mapuksa sila. Hanggang sa kung anong hiwaga ay bigla na lamang nahulog si Ruru sa isang mahabang pagkakatulog, at walang may alam kung kailan ito magigising—o kung magigising pa talaga ito.
Noon natuklasan ni Um, walang saysay na mabuhay nang walang hanggan kung wala ang kanyang kabiyak na natutuhan na niyang mahalin…
Back to top Go down
 
November 23, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Phoney Kony 2012
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» Model Stacy Keibler visits a friend in Brentwood, California on November 19th, 2012.
» George Clooney Aficionados News, November 13, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: