HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 14, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 14, 2012 Book Release   Wed Nov 14, 2012 7:54 pm

1. PHR 4514 The Temporary Mrs. King by Maureen Child (translated by Armine Rhea Mendoza)


Kasunduan lang ang kasal nina Melinda at Sean. Pareho silang makikinabang sa business arrangement na iyon. Makukuha ni Melinda ang kanyang trust fund na magagamit niya sa pagpapaunlad ng sining niya at makukuha naman ni Sean ang lupa na kailangan nito upang pagtayuan ng hotel.
Si Melinda ang gumawa ng rules sa pagsasama nilang dalawa, pero sa paglipas ng mga araw ay tila hindi na lang for convenience ang kasal na iyon.
Handa na ba siyang gawing permanente ang pansamantalang arrangement nila ni Sean?

2. PHR 4515 Sunlight Trilogy 3: Eds by Sheena Rose



Nanganganib na mawalan ng kabuhayan ang mga residente sa Santa Elena. Humiling si Gracia ng milagro mula sa Itaas upang hindi mangyari ang kinatatakutan nila.
Hindi naman siya binigo ng Langit. Laking-tuwa niya nang dumating si Eds, ang milagrong magliligtas sa bayan nila.
Kaya nang mabalitaan niyang nangangailangan ito at ang pinsan nito ng kasambahay ay ipinrisinta niya ang kanyang sarili. Sinabi niya na nais niyang tumanaw ng utang-na-loob sa mga ito. Ngunit ang totoo ay ang mapalapit kay Eds ang tunay na hinahangad ng puso niya.
Muli ay natagpuan niya ang sariling humihiling ng panibagong milagro—na sana ay mapansin siya ni Eds kahit isa lamang siyang hamak na probinsiyana.

3. PHR 4516 Aseron Weddings: You Can Let Go by Dream Grace


Danieca had loved and lost two men five years ago. Ang isa ay ang lalaking pakakasalan dapat niya, at ang isa ay isang napakalapit na kaibigan. Isang malagim na aksidente ang dahilan kung bakit nawala sa buhay niya si Nikolas, habang si Lucien naman ay bigla na lang hindi nagpakita sa kanya sa kadahilanang ito lamang ang may alam. Ngayon, limang taon pagkatapos ng pagkawala ng mga ito sa buhay niya ay pinakiusapan siya ng kanyang lolo na magtungo sa Estancia, ang private estate ng pamilya ni Lucien.
Pagdating doon ay muling nakaharap ni Danieca si Lucien. Galit ito sa mundo, tila nagtatago sa lahat, at may napakalaking pilat na halos sumakop sa buong kaliwang bahagi ng mukha nito. Nalaman niyang natamo iyon ni Lucien sa isang plane crash limang taon na ang nakararaan. Agad na nabuhay sa puso niya ang kagustuhang matulungan ito na muling harapin ang mundo. At iyon mismo ang gagawin niya—sisiguruhin niyang maibabalik din ang dating samahan nila.
But Danieca fell in love with Lucien in the process. Muling nagkaroon ng kaligayahan sa puso niya pagkatapos ng napakahabang panahon.
Ngunit nalaman niyang buhay pa pala ang unang lalaking minahal niya. At ang lalaking minamahal niya ngayon ay may itinatagong lihim na malaki ang kaugnayan sa unang pag-ibig niya…

4. PHR 4517 Love Rush by Hazyl del Carmen


Nakilala ni Shyla si Markhel nang minsang iligtas siya nito nang muntik na siyang matamaan ng bola habang nanonood siya ng laban nito sa basketball league. Mula noon ay palagi na siyang bumubuntot at nagpapa-cute dito. Noong una ay panay ang iwas nito sa kanya pero nang minsang iligtas niya ito sa mga babaeng nagbabalak yatang pikutin ito ay nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Ang akala niya ay may pag-asa na siya rito, pero nalaman niyang may fiancée na pala ito. Sa kaalamang iyon ay napatunayan niyang hindi lang simpleng paghanga ang nararamdaman niya para dito. Mahal na niya ito. And being the very persistent girl that she was, hindi agad siya susuko. Alam niyang hindi tama, pero susubukan niyang agawin si Markhel sa fiancée nito habang nasa Australia pa ang babae.
Sa ilang pagkakataong nagkasama sila, naramdaman niyang tila ibinabalik na nito ang nararamdaman niya para dito, lalo pa’t hinalikan siya nito.
Pero mula nang bumalik ang fiancée nito ay bumalik din si Markhel sa dati, iyong dating panay ang iwas sa kanya. Ano’ng nangyari? Hindi ba siya nagtagumpay na makapasok sa puso nito? Eh, ano na lang `yong halik na namagitan sa kanila? Joke lang?

5. PHR 4518 On Time Love by Serafina


Matagal nang kilala ni Colette si Gaston ngunit hindi sila malapit sa isa't isa. Naging magkaibigan lamang sila noong ilakad niya ng ligaw ang lalaki sa kanyang roommate noong nasa kolehiyo sila. Subalit sa pagiging makasarili niya ay siya rin ang naging dahilan kung bakit nagkahiwalay ang mga ito. Pinagsisihan niya iyon, ngunit hindi na bumalik sa dati ang samahan nila ni Gaston.
Lumipas ang mga taon at muling nagkrus ang mga landas nila ni Gaston. Nagkaroon uli ng pagkakataon si Colette para maging malapit dito. Noon niya natuklasan na matagal na pala siyang napatawad nito. Nang ligawan siya ni Gaston ay siya na yata ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa dahil sa wakas ay magkakaroon din ng pag-asa ang matagal na niyang damdamin para dito. Ngunit muli ring nagkrus ang mga landas ni Gaston at ng first girlfriend at first love nito. Hayagang inamin ng babaeng iyon na may pagtingin pa rin ito kay Gaston. And it seemed that Gaston was still in love with his ex. Paano niya haharapin iyon?

6. PHR 4519 Obviously In Love With You by Brandy Gallardo


Simon had been Sue’s best friend since their college days. Siya lang ang pinakamalapit na babae sa buhay nito. At kahit marami itong nakarelasyong babae, hindi siya nate-threaten na mawawala ito sa kanya. Panatag siya dahil alam niyang hindi sineseryoso nito ang mga relasyon.
Ngunit nalaman niyang nagkaroon ng girlfriend si Simon. At sa unang pagkakataon ay nagselos si Sue. Pakiramdam kasi niya ay seryoso ito sa babae. Noong una, ang akala niya ay selos-pangkaibigan lang ang nararamdaman niya. Hanggang sa aminin niya sa kanyang sarili na umiibig pala siya sa best friend niya.
Then she told herself, ipaglalaban niya ang kanyang pag-ibig kay Simon.

7. PHR 4520 In Christofides’ Keeping by Abby Green (translated by Bettinna)


Nang magbunga ang isang gabi ng pakikipagniig niya sa playboy na si Rico Christofides, naging determinado si Gypsy Borja na ilayo ang anak niya. Ayaw niyang maranasan nito ang mapait na kabataang dinanas niya dahil hindi siya tanggap ng sariling ama niya.
Ngunit dalawang taon pagkaraan ng gabing iyon, aksidenteng nagtagpo uli ang mga landas nila ni Rico. At nang malaman nitong isa na itong ama, tila walang makakapigil dito upang makuha ang anak niya. Gusto ni Gypsy na tumakas at lumayo, pero batid niyang hindi na niya maiiwasan ito. At ang masaklap, natuklasan niyang hindi pa rin pala nawawala ang atraksiyon niya rito…

8. PHR 4521 And Then There Was You by Sonia Francesca



Inaalat si Mirajane.
Hindi niya madugtungan ang mga eksena sa script na ginagawa para sa mga teledrama project niya. Binulyawan na rin siya ng supervisor dahil atrasado na naman siya sa deadline. Ang mas malala, nadisgrasya pa siya at naospital dahil sa poster ng paborito niyang musician.
And when she thought it could not get any worse, heaven smiled at her when she met at the same hospital her favorite musician. But he turned out to be a little on the jerk side. Sira tuloy ang ilusyon niya rito.
Then she heard his friend talking. “So that’s the reason why you’re suddenly turning up here these past few days. You’re waiting for her.”
Nagtayuan ang invisible antennaes niya. Lumakas din ang loob niya at kumapal ang kanyang mukha kaya hinarap niya si Trax.
“May… gusto ka sa akin?”
“Mukha ba akong may gusto sa iyo?”
“W-wala.”
“Good. At dahil diyan, ililibre kita ng kape.”

9. Territorio delos Hombres Series 59: Clyde Hart by Vanessa


Nagtungo sa Territorio si Peppi upang makipag-meeting sa isang Clyde Hart para sa kanyang negosyo, at upang makipagkita na rin sa kanyang ex. Masaya siya nang madiskubre niya na wala na pala siyang feelings para sa kanyang ex. Ngunit anong gulat niya nang bigla na lang siyang eskandaluhin ng asawa nito.
Noon niya nakilala ang isang estranghero na nakita rin niya nang gabing iyon sa isang bar. At sa bar na iyon ay muli siyang ineskandalo ng asawa ng kanyang ex. Salamat sa estrangherong nagpakilala bilang “Shibo.” Lumabas siya ng bar na iyon nang may kaunti pa ring dignidad. Shibo took her to his cabin. Something happened to them. She left early the next day. Hindi niya iniwan ang kanyang numero at hindi niya tiyak kung makikita pa uli niya ang lalaki.
How was she to know that Shibo was also Clyde Hart?

Back to top Go down
 
November 14, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Phoney Kony 2012
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» Model Stacy Keibler visits a friend in Brentwood, California on November 19th, 2012.
» George Clooney Aficionados News, November 13, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: