HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 24, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 24, 2012 Book Release   Tue Oct 23, 2012 7:48 pm

1. PHR GEMS 48 Coron: Iisa Lang Ang Puso Ko by Martha Cecilia


Isang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya.
Ang sabi ni Shane: “Ako ang mahal ni Caroline! Bakit mo gustong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?”
“Si Caroline ang mahal ko. Ang iniibig ko. I have never loved a woman as much as I loved her.
At ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya. Morally or otherwise…,” sagot naman ni Matt.
Caroline loves one man and will marry another. Hindi niya iniibig sa tunay na kahulugan ng salita si Matt. Subalit minamahal, hinahangaan, at iginagalang niya ito. Naroon ito sa panahong sinaktan siya ni Shane.
Iisa lang ang puso niya at naibigay na niya iyon kay Shane. Subalit umaasa siyang mababawi pa niya ang puso niya mula kay Shane at maibigay kay Matt sa takdang- panahon.

2. PHR 4491 Need To Be Next To You by Jerie Gale


Malaki ang bilib ni Stephanie sa sarili na kaya niyang baguhin si Aedan. He was a freakin’ playboy and she was a freakin’ hopeless romantic. Kaya nang alukin siya nito na maging girlfriend nito ay tinanggap niya ang inialok nito. Ginawa niya ang mga bagay na hindi pa nagagawa ng mga naka-fling nito. Ang akala niya ay effective ang ganoong strategy. Ngunit sadya yatang hindi na niya kayang baguhin ang nakasanayn na nito dahil nahuli niya itong may kasamang babae sa unit nito. She let him go at kasabay niyon ay kinalimutan niya ang anumang namagitan sa kanila.
Years later ay muli silang nagtagpo. Malayo ito sa lalaking minahal niya noon. Sa pagbabalik nito ay tila naging sariwa uli ang mga sugat sa puso niya.
Nang kulitin siya ni Aedan ay hindi siya nakaiwas. Sumusuko siya sa mga halik at yakap nito. Tama bang muli niya itong mahalin?

3. PHR 4492 Ezra’s Once In A Lifetime Love by Andie Hizon



Para kay Ezra, hindi para sa kanya ang pag-ibig. Hindi rin kasi iyon para sa nanay at ate niya. Bata pa siya nang iwan sila ng kanilang ama dahil sa pangarap nito at dahil sa ibang babae. Ang ate naman niya ay hindi pa nadala dahil ginaya pa ang yapak ng kanilang ina. Kaya hayun, naging ina at ama ang ate niya sa anak nito.
Ayaw niyang matulad sa mga ito. Kaya kung maaari ay lumalayo siya sa tukso, sa mga lalaki, lalo na sa mga guwapong lalaki dahil pahamak lamang ang mga iyon.
Ngunit nakilala niya si Axel. Pilit itong nakikipaglapit sa kanya kahit ipinagtatabuyan niya ito. At dahil na rin sa kakulitan nito ay natuklasan niyang hindi pala lahat ng lalaki ay katulad ng ama niya at ng ama ng pamangkin niya.
Handa na sana si Ezra na ma-in love nang makita niya si Axel na nakahiga sa isang kama kasama ang bruhang ex-girlfriend nito. Wasak na naman ang pangarap niya. Ang masakit lang, durog din pati ang puso niya.

4. PHR 4493 Special Bola-bola by Laurice del Rio


Bad trip na bad trip si Bechay tuwing naisasakay niya sa kanyang kalesa si Jacob—ang lalaking saksakan ng bolero at sobra ang bilib sa sarili. Oo nga’t guwapo ito, pero naiinis siya tuwing naririnig niya ang mga boladas nito sa mga babaeng isinasakay nito sa kanyang kalesa. Hanggang isang araw ay nakahanap si Jacob ng katapat—si Bianca. Sa lahat ng babaeng nai-date ni Jacob sa kalesa niya, si Bianca ang maitatanghal niyang henyo dahil hindi ito nagpauto sa lalaki.
Desperado na si Jacob na mapasagot si Bianca at siya ang napili nitong hingan ng tips kung paano ang tamang panliligaw. Mukha namang kayang remedyuhan ni Bechay ang bulok na style nito, lalo pa at fast learner ito. Iyon nga lang, habang nagtatagal ay nakita rin niya kung gaano kalakas ang karisma nito.
Gusto na niyang tumakbo palayo kay Jacob dahil mukhang pati siya ay hindi na ligtas sa epidemya ng charm nito… Pero paano niya gagawin iyon kung tila may magnet ito na humihila sa kanya palapit dito?

5. PHR 4494 Heart Lullabies: Pag-ibig Nga Kaya? by Brandy Gallardo


Falling in love was the farthest thing from Emma’s mind. Ang totoo, wala talaga siyang oras para doon dahil abala siya sa pagma-manage ng flower shop na pag-aari nila ng kanyang ina. Ngunit naiba ang ihip ng hangin nang magkrus ang mga landas nila ni Andy, ang gitarista ng isang up-and-coming band.
Sa umpisa ay hindi niya pinansin ang pagpaparamdam nito. Ngunit nang lumaon, hindi na rin niya maitatwa sa kanyang sarili na ito ang isinisigaw ng kanyang puso. Tinanggap niya ang pag-ibig nito at umasam na magiging maganda ang lagay ng kanilang relasyon.
Ngunit napag-alaman niyang hindi pala madali na makarelasyon ang isang sikat at guwapong personalidad na tulad nito. Hindi maiwasang may mga babaeng umaaligid at ma-link dito, at naninibugho siya dahil doon. She knew it was the price she had to pay for being his girlfriend, ngunit hanggang kailan siya magtitiis?

6. PHR 4495 Hot Intruder: Clint, Wild Encounter by Mandie Lee


Nasa cottage ng isang beach resort si Tasha, kasama ang kaibigan at boss niyang si Peggy, nang pasukin siya ng isang lalaki sa kuwarto. Sa pag-aakalang may masama itong binabalak sa kanya ay inatake niya ito. Ngunit siya ang na-injure.
Ang pangahas na estranghero ay walang iba kundi si Clint Linares, ang ubod ng guwapong bagong manliligaw ni Peggy. At ang kuwartong balak pala talaga nitong pasukin ay ang sa kaibigan niya.
Nang kinailangang bumalik ni Peggy sa Maynila ay ibinilin sila nito ni Clint sa isa’t isa.
Pero iba ang nangyari. Nagkalapit sila nang husto ng binata. It even sparked intense sexual attraction between them. Gusto niyang iwasan ito dahil kay Peggy ngunit hindi niya magawa. She lost all her reservations and shared wild kisses with him, and then beyond just wild kisses…

7. PHR 4496 Dare To Love You by Aya Myers


Napilitang sumali si Grace sa isang reality dating show sa telebisyon. Malaki ang maitutulong ng perang puwede niyang mapanalunan doon sa problemang kinakaharap ng kanyang pamilya. Pero nagulat siya nang makilala ang lalaking naghahanap ng prospective Miss Right—si Mike Villamor, isa sa most eligible bachelors ng bansa.
Pero ang pinakamalaking sorpresa sa kanya ay nang matuklasan niyang ito ang lalaking basta na lang niyang hinalikan sa isang bar nang maglaro silang magkakaibigan ng “truth or dare” noon.
Sa reality show na iyon ay nagpakita si Mike ng paglalambing sa kanya. Alam niyang pagkukunwari lang ang lahat para sa ikagaganda ng show kaya pinilit niyang umiwas dito. Ayaw niyang masaktan sa huli.
Ngunit huli na ang lahat kay Grace—hindi niya narendahan ang puso niya at namalayan na lang niyang nahulog na iyon kay Mike.

8. PHR 4497 Sharing Sean by Julianna Ran


Matagal nang lihim na minamahal ni Marilen ang sikat na modelong si Sean ngunit kinailangan niyang isantabi ang nararamdaman niya para sa kapatid niyang si Lucille. Ex-girlfriend ni Sean ang kapatid niya at kahit nanatiling magkaibigan na lang ang dalawa sa loob ng mahabang panahon ay nakikita niya sa mga mata ng kapatid niya na mahal pa rin nito ang dating nobyo.
Hindi niya puwedeng taluhin ang kapatid niya dahil malaki ang pagmamahal at respeto niya rito. Ito ang tumayong magulang niya at ang nagbigay ng magandang buhay sa kanya. Kaya pilit na ipinaintindi niya sa sarili na kailanman ay hindi ito maaaring maging sa kanya.
Until some crazy guy threatened her life. Nang malaman iyon ni Sean ay nagboluntaryo itong protektahan siya. Unti- unti na namang kumakawala ang tunay na damdamin niya para dito.
Ano nga ba ang maaari niyang gawin upang makontrol ang sarili niyang damdamin? At kung mapagtagumpayan niya ito, hanggang kailan niya kayang gawin iyon?

9. PHR 4498 Ikaw Ang True Love Ko by Jelaine Albert


Kung matuturuan lang ni Danica ang kanyang puso, ang best friend niyang si Louie ang iibigin niya. Naging karamay niya ito sa lahat ng bagay, kaya nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya ay pinag-isipan niyang mabuti kung tatanggapin niya ang iniluluhog nito. Saka naman bumalik sa buhay niya ang isang lalaking naging mahalagang parte ng kanyang kahapon: si Juan Aragones.
Ang akala niya noong nasa kolehiyo sila ay may magandang namamagitan sa kanila. Ngunit hanggang sa maka-graduate sila ay hindi man lang niya nalaman kung tama ba ang kanyang hinala. Pero ngayong nagbalik ito, tila pinatutunayan nitong tama ang hinala niya all along. Patunay niyon ang pagbibigay nito sa kanya ng mga bulaklak at pagyaya sa kanya sa mga kilig date.
Sa wakas magiging masaya na rin ang buhay-pag-ibig niya.
Ngunit nagkamali siya. May ibang babae na pala sa buhay ni Juan…
Back to top Go down
 
October 24, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney News October 4, 2012
» George Clooney Aficionados News October 14, 2012
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» NY Daily News - BUTLER'S NEW LEADING LADY

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: