HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 10, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 10, 2012 Book Release   Fri Oct 19, 2012 5:03 am

1. PHR 4474 When Two Hearts Feel The Same Way by Pinky Jemiel


Daig pa ni Sabrina ang pinagsakluban ng langit at lupa nang maghiwalay sila ng longtime boyfriend niyang si Reggie. Wala na siyang inatupag kundi ang magmukmok. Hanggang makilala niya ang super- guwapong model friend ng best friend niyang si Kurt—si Vince Morel.
Guwapo si Vince pero suplado naman. Ang ipinagtataka niya ay bakit sa kanya lang ito ganoon. Kaya sa inis niya ay nangako siya kay Kurt na sa susunod na pagkikita nila ni Vince ay tatarayan din niya ito. Pero paano gagawin iyon ni Sabrina kung sa isang halik lang ay tumitiklop na siya at nakakalimutan na ang pagkainis dito.
Magkatotoo kaya ang sinabi ni Kurt na sila ang nakatadhana para sa isa’t isa? Hmm… sana.

2. PHR 4475 Heart Lullabies: The One That Got Away by Brandy Gallardo


Ngunit tutol ang kanyang mga magulang na makipagrelasyon siya rito. Napagpasyahan ng mga itong pag-aralin siya sa ibang bansa.
Nang malaman iyon ni Jun ay niyaya siya nitong magtanan sila.
For months they lived happily like a real married couple. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay bed of roses ang pagsasama nila. Sinubok iyon, lalo na ng problemang pampinansiyal. Still, they held on to each other.
Hanggang sa isang araw, dumating ang ina ni Jun at pinakiusapan siyang layuan ang anak nito. Marami pa raw magagandang pangarap ang anak nito at hindi raw makakamit ni Jun ang mga iyon kung nakahadlang siya.
Dahil sa pagmamahal niya kay Jun ay pinagbigyan niya ang hiling ng ina nito. Iniwan niya ito nang hindi nito nalalaman ang sakripisyong ginawa niya para sa pagmamahal niya rito…

3. PHR 4476 Sweetest Affliction by Emily Reese


Courtney had Renzo at his worst. Ito ang ideal man para sa kanya, until his ex-fiancée left him. He transformed into a heartless beast, but the love she had for him never faded away.
Ngunit dumating ang isang malaking problema sa buhay ni Courtney. Dala ng frustration, inamin niya kay Renzo ang nararamdaman niya para dito at nakiusap siya sa lalaki na magpanggap na mahal siya nito kahit saglit lang.
He agreed.
Naging masaya si Courtney sa piling ni Renzo. Pero nang bumalik ang ex-fiancée nito upang isampal sa kanya ang katotohanan—na nagbalik ito para bawiin ang lalaki, at higit sa lahat ay upang ipamukha sa kanya na ito pa rin ang tanging babaeng nasa puso ni Renzo—ay na-realize niya na isa lang pagpapanggap ang lahat…

4. PHR 4477 If Only Love by Sofia


Toni was on the top of the world. She was an icon, a multimedia star and the envy of many artists in her generation. She had a perfect boyfriend and everything at her whim. Subalit sa isang iglap ay nawala sa kanya ang lahat. Pakiramdam niya ay wala nang kuwenta ang buhay niya. Subalit may isang taong nagpabalik ng pag-asa niyang mabuhay—si Rushmore, ang lalaking minsang bumigo sa kanya.
Rushmore hated her guts at first. Subalit ito ang naging sandigan niya nang panahong akala niya ay wala na siyang pag-asa. His love made her live again.
Ngunit bumalik si Toni sa kawalang-pag-asa nang matuklasan niya na isang pagbabalatkayo lang pala ang pag-ibig ni Rushmore.

5. PHR 4478 Love,Camera, Action Series 7: Stealing My Precious Emerald by Haze Prado


Nagpasya si Emerald na sundan ang kanyang ama sa Pilipinas para makipagbati rito. Ngunit sa unang araw ng pagbabalik-bayan niya ay may nagtangkang dumukot sa kanya. Sa pagtakas niya sa mga ito ay nasubsob siya—literally—sa mga bisig ni Servius.
Nang malaman nito ang istorya niya, bigla ay itinalaga nito ang sarili na tagapagtanggol niya, kahit hindi niya hiningi ang tulong nito. Sapilitan itong nag-alok ng serbisyo nito, dahil ayon dito ay isa itong alagad ng batas.
Duda man si Emerald dito, tinanggap niya ang alok nito. Wala kasi siyang ibang mahihingan ng tulong. Ayaw naman niyang madamay sa gulong kinasasangkutan niya ang kanyang mga kamag-anak.
Hindi niya napaghandaan na ang pagtanggap niya ng tulong mula kay Servius ay magbubunga ng iba pang problema. Namalayan na lang kasi niyang nagkakagusto na siya sa guwapo at makisig na rescuer niya.
At hindi maaaring mangyari iyon. Dahil may kasintahan siya na naghihintay sa kanya sa Amerika…

6. PHR 4479 My Quarter-life Crisis Boyfriend by Yna Paulina


Isang bonggang-bonggang quarter-life crisis ang pinagdaraanan ni Lola—wala na nga siyang career, wala pa siyang love life. Ayaw na kasi niya sa trabaho niya. Sawa na siya sa pagiging pambansang yaya. Tuwing may teleserye na nangangailangan ng yaya, siya ang kinukuha. Dumagdag pa ang boyfriend niya nang tatlong taon. Bigla na lang nambuntis ng iba ang walanghiya.
Enter Rurik, a guy from her past. Nangako ito ng pag-ibig na wagas. “I meant it when I said you can’t scare me away. I love you when you’re crazy, I love you when you’re not crazy, and I will always love you no matter what.”
Iyon ang sabi nito. Pero nang hindi maalis ang depression niya sa kawalan ng matinong career, ang magaling na lalaking nangako ng wagas na pag-ibig, hayun at bigla na lang siyang iniwan.

7. PHR 4480 Saint Catherine University: Campus Girl (Dara, The Otaku Girl) by Heart Yngrid


Dara was a passionate manga/anime fanatic and cosplayer. Madalas ay hindi naiintindihan ng mga tao—lalo na ng mga walang hilig sa anime—ang trip niya sa buhay. Isa na roon si Tristan Revelar, ang leader ng Alpha Koppa, ang pinaka-notorious na fraternity sa St. Catherine University. Para kay Tristan, isa siyang psycho.
Hindi siya natatakot sa binata kahit ang buong populasyon yata ng SCU ay takot dito. Kaya nang magkaatraso ito sa kanya, hindi siya nagdalawang-isip na papanagutin ito.
“Sa ngalan ng buwan, parurusahan kita!” sabi niya rito bilang si Sailor Moon.
Hindi niya inakala na ang “pagpaparusa” na iyon ang magiging daan para makilala niya ang totoong Tristan Revelar, dahilan para magbago ang tingin niya rito. Lalong hindi niya inakala na isang araw, aasamin niyang maging very own Tuxedo Mask niya ito, ang love interest ni Sailor Moon. Willing naman kaya itong maging Tuxedo Mask niya?

8. Stallion Revisited Series 3: Devon Fabriquier by Sonia Francesca


Tinanggap ni Mio ang pasya ng mga magulang niya na pakasalan ang lalaking napili ng mga ito para maging asawa niya. Tradisyon ng kanilang pamilya na half Chinese ang arranged marriage kaya ayos lang sa kanya iyon. In any case, kapag hindi naman iyon nag-work out, she could always get an annulment.
Ang hindi lang niya inasahan ay ang lalaking napili ng mga magulang niya para sa kanya. Dahil bukod sa wala ito ni katiting na patak ng dugong-Chinese, ito rin ang lalaking naging dahilan ng matinding pagkabigo niya noong nasa high school siya.
“Hindi lang basta responsibilidad kundi isang moral na obligasyon na protektahan ko ang kaligayahan ng ex-girlfriend ko…” Iyon ang katwiran ni Devon nang tanungin niya ito kung bakit gusto pa rin nitong ituloy ang kasal nila.
Good ‘ol Devon Fabriquier. He just won’t stop giving her headaches and constant reminders how much she was still in love with this adorable jerk.

9. PHR Gothic Romance Gulla Trilogy 1: Pukaw by Camilla


Namatay ang mga magulang ni Baudolino “Bo” Gulla sa isang malagim na pangyayari maraming taon na ang nakararaan—isang pangyayaring naging dahilan para maging imortal siya. Hanggang sa may gumambala sa kanyang tahimik na pamumuhay: ang archaeological digging na ginagawa ni Dr. Edmund Graves at ng team nito.
May nahukay na relics ang mga ito na naging dahilan para maniwala siya na maipaghihiganti pa niya ang kanyang mga magulang. Nagtungo siya sa lugar na iyon para kumalap ng impormasyon. Doon niya nakita at inibig si Fleurette Graves.
Ngunit kasabay ng pagkamulat niya sa pag-ibig, dumating ang ibang panganib…
Back to top Go down
 
October 10, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney News October 4, 2012
» George Clooney Aficionados News October 14, 2012
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» NY Daily News - BUTLER'S NEW LEADING LADY

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: