HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 17, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 17, 2012 Book Release   Fri Oct 19, 2012 4:44 am

1. PHR 4481 Diamond By Night by Venus Franz


Kinailangan ni Jaine Marliz na humalili sa puwesto ng kapatid niya sa isang club na pinagtatrabahuhan nito. Labag man iyon sa kanyang kalooban ay wala siyang nagawa. Her sister badly needed her help. Kailangan lang niyang tiisin ang isa o dalawang gabi bilang si “Diamond”—ang pinakahinahangaang cocktail waitress ng club na iyon.
Nang gabing nag-umpisa siya bilang si Diamond ay nakilala niya ang isang lalaking magpapabago sa buhay at puso niya. Never in her entire life had she felt such attraction to a stranger, lalo pa kung isa itong abogadong mapanghusga. Nabihag at nasaktan nito nang husto ang puso niya sa loob lang nang napakaikling panahon. Pinaratangan siya nito ng masama at mababang uri ng babae. Mula nang mag-walkout siya sa buhay nito, bitbit ang malaking halagang walang-anumang ibinayad nito sa kanya para lang sa isang sayaw na kasama ito, ay hindi na niya ito nalimutan pa.
Kaya ganoon na lang ang pagsikdo ng puso niya nang muli itong makita pagkalipas ng dalawang taon. Nagulat siya dahil nakilala pa siya nito. At nang hagkan siya nito sa kanyang mga labi ay nakalimutan na niyang may mapait na nakaraang dumaan sa pagitan nila noon…

2. PHR 4482 Our One-sided Love by Maricar Dizon


Nag-transfer si Maricko sa San Lorenzo University para sa isang dahilan: ang mapalapit kay Hiro Valdez, ang ace pitcher ng baseball team ng SLU. Tinamaan kasi ang puso niya rito nang minsang mapanood niya ang laro nito.
Hindi siya nabigong mapalapit kay Hiro dahil sa mga pangyayaring naging daan para magkasama sila. Habang tumatagal ay lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Hindi niya maiwasang umasa na makaka-strike din siya sa puso nito.
Pero biglang nadehado ang pag-ibig niya nang malaman niyang mula pagkabata ay in love ito sa kababata nito. At sa tuwina, kahit kasama niya si Hiro, ramdam niyang may ibang babae na umookupa sa puso nito.
Hanggang kailan siya aasa at maghihintay na maging champion din siya sa puso nito?

3. PHR 4483 Warrior Clan Series 1: Paladin by Arielle



Nang unang makita ni Sandrine si Vin ay hinangaan niya ang lakas at katatagan ng loob nito. Nang ilagay ng binata ang buhay nito sa panganib para lamang masiguro ang kanyang kaligtasan ay tuluyan na niyang minahal ito.
Sa muling pagkikita nila ay buong tapang na sinabi niya rito ang kanyang damdamin.
Noon niya natuklasan na wala itong alam tungkol sa pag-ibig!
Mula pagkabata ay sinanay si Vin kung paano lumaban at kung paano maging isang magaling na protector. Bihasa ito sa pakikipaglaban ngunit pagdating sa pag-ibig o sa babae ay hindi nito alam kung ano ang dapat gawin.
Dahil doon ay ipinasya ni Vin na iwasan na lamang siya. Isang bagay iyon na hindi matanggap ni Sandrine kaya isang mapangahas na plano ang isinakatuparan niya.

4. PHR 4484 Warrior Clan Series 2: Gladiator by Arielle


Pagdating sa hand-to-hand combat ay itinuturing na isa sa pinakamagaling si AC sa lahat ng miyembro ng Tiger Unit ng FIST. Pinakinabangan din niya ang fighting skill niya para mabuhay siya sa Arena illegal games kung saan buhay ang isinusugal ng bawat manlalaro.
Ngunit sa pagbabalik niya sa normal na buhay ay nabale-wala ang kanyang galing sa pakikipaglaban nang makaengkuwentro niya ang magkapatid na Jersey at Cameron. Inakusahan kasi siya ng dalagang si Jersey na rapist siya nito! At ang kapatid nitong lalaki na si Cameron ay gusto siyang patayin upang maipaghiganti ang sinapit ni Jersey.
Batid ni AC na inosente siya sa krimeng ibinibintang sa kanya ng magkapatid. Ngunit hindi rin niya maitatanggi na tuwing makikita niya ang magandang si Jersey ay para siyang sinasapian ng demonyo at napupuno ng masidhing pagnanasa!

5. PHR 4485 Warrior Clan Series 3: Chevalier by Arielle


Si Chevalier ang itinuturing na diva ng Tommy Rose Club. Ito ang main attraction sa drag queen shows ng club at siyang dahilan kaya dinarayo ng maraming tao ang lugar.
Sa kabila ng pagkatao nito, natagpuan pa rin ni Scion ang sarili na nahuhulog ang loob sa lalaki. Nagdesisyon siyang putulin ang pakikipagkaibigan dito at iwasan ito dahil ang mga drag queen na tulad ni Chevalier ay hinding- hindi magmamahal ng isang babaeng tulad niya.
Sa muling pagkikita nila ay tinatawag na nito ang sarili bilang “Cash.” Lalaking-lalaki na rin ang dating nito at sa labis na pagkabigla niya ay nagpahayag din ito ng pag-ibig sa kanya!
Maniniwala ba siya?

6. PHR 4486 Warrior Clan Series 4: Conqueror by Arielle



Labinlimang taon si Arden nang makilala niya at mahalin ang binatang si Nykola. Sumumpa siya na mamahalin niya ito at hihintayin ang pagbabalik nito nang paghiwalayin sila ng kanyang ama.
Sa paglipas ng mga taon, nanatili siyang tapat sa sumpaan nila. Pinrotektahan din niya ang kanyang sarili sa lahat ng mga lalaking nagtangkang gawin siyang asawa.
Sa ikaanim na taon ng paghihintay niya ay dumating sa bayan nila ang isang lalaking nagngangalang “Nylon Peregrine.” Mabangis ito, malakas, at walang kinatatakutan. Wala siyang nagawa nang angkinin siya nito at gawing asawa.
Ngunit hindi pa nakasapat iyon dito. Gusto rin nitong makuha ang pag-ibig na iniuukol niya kay Nykola!

7. PHR 4487 Warrior Clan Series 5: Renegade by Arielle



Natagpuan ni Abby ang lalaking mamahalin niya sa katauhan ni James Peregrine. May plano na rin siya kung paano paiibigin ang binata.
Ngunit bago niya naturuan itong mahalin siya ay kinuha ito sa kanya ng organisasyong nagngangalang Forca International Strikers o FIST. Nagdesisyon siyang walang sino mang magmamay-ari sa kanyang katawan at puso hangga’t hindi sila muling nagkikita.
Nang magkrus uli ang mga landas nila ng binata ay natuklasan niyang nakalimutan na siya nito. At wala rin itong panahon sa pag-ibig at sa sino mang babae. Ang tanging mahalaga lang dito ay paghihiganti.
Sa kabila ng pagtanggi nito ng kanyang pag-ibig, higit na mas naging pursigido siya na mapaibig si James.

8. PHR 4488 Warrior Clan Series 6: Maverick by Arielle


Itinago ni Mica ang tunay na katauhan upang mapaghigantihan si Dillon Garrison na siyang pumatay sa kanyang ina. Pinalabas niyang isa siyang lalaki at ginamit ang pangalang “Mitchel.”
Pagkaraan ng maraming taon ay natagpuan niya si Garrison. Natuklasan din niyang inampon nito ang isang lalaking nagngangalang “Rayon.” Ayon sa balita, si Rayon ang magiging tagapagmana nito.
Dahil dito, muli siyang nagbalik sa pagiging isang babae. Balak niyang akitin at paibigin si Rayon upang magamit ito laban kay Garrison.
Huli na nang matuklasan niyang walang kakayahang magmahal si Rayon. At siya itong tuluyang nahulog ang loob sa binata.

9. PHR 4489 Enchanted Hearts by Estella Meredith


Isang assignment sa trabaho ang nagdala kay Mei sa malaparaisong bayan ng Majayjay. Dahil likas na mapagmahal sa kalikasan, humanga siya sa kagandahan ng lugar. At bukod sa magagandang tanawin ay nakilala rin niya si Seth. Tila nabatubalani siya nang unang masilayan niya ang lalaki na may mga matang nakakalunod kung tumitig. Sira nga lang ang pantasya niya dahil may-pagkamasungit ito. Pero hindi rin naman niya magawang tuluyang mainis dito. Dahil sa mga kamalasang inabot niya sa Majayjay ay naroon ito para tulungan siya. Hanggang sa matagpuan niya ang sariling nahuhulog na ang loob dito. Gustong-gusto niyang makasama ito at mukhang ganoon din ang gusto nito. Pero hindi sila puwedeng magsama. Dahil pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa nakaraan nito ay kailangan niyang pakawalan ito para na rin sa ikabubuti nito.

10. PHR 4490 Mutual Pleasure by Mandie Lee


Inaamin naman ni Priss na hindi-kagandahan ang kanyang ugali. She was loud, a nagger, and had a temper. Iyon daw ang mga dahilan kung bakit tatlong beses na siyang nai-dump ng mga naka-date niya. Kaya ipinangako na niya sa sariling hindi na muling mai-involve sa mga lalaki. Hanggang sa may mangyari sa kanila ng barkada niyang si Alden, a hunky guy with a hot body and a deep, sexy voice that could make timid girls run wild.
They shared a hotter and more explosive moment kaysa sa pagdiriwang ng Bagong Taon na dinaluhan nila. Pagkatapos ay nagkasundo silang magkaroon ng physical relationship. Hanggang doon lamang ang iginiit niya rito.
Ngunit mapapanindigan kaya niya iyon gayong napakadaling mahalin ng isang katulad ni Alden? Would she let herself fall for him with the risk of being dumped again?
Back to top Go down
 
October 17, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney News October 4, 2012
» George Clooney Aficionados News October 14, 2012
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» NY Daily News - BUTLER'S NEW LEADING LADY

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: