HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 19, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 19, 2012 Book Release   Fri Sep 21, 2012 11:05 am

1. PHR 4447 The Princes Of Hearts Trilogy 1: Winning Winter’s Heart by Jessica Blair


Para mapatunayan ni Gabrielle sa kanyang mga magulang na may mararating siya sa pagsunod sa pangarap niya, kailangan niyang makalikha ng obra. Ngunit tulad ng ibang artist, kailangan niya ng inspirasyon para magawa iyon kaya pumunta siya sa isang lugar na magbibigay sa kanya ng inspirasyon.
Ngunit higit pa sa inspirasyon ang natagpuan niya roon. She found her Prince Charming sa katauhan ni Winter. Kahit na arogante at masungit ito, at kahit walang epekto rito ang charm niya—tulad ng sa mga fairy-tale story—ay inasam niya na sa happy ending pa rin mauuwi ang kuwento nila.
Nagkaroon siya ng pag-asa nang magsimula na itong mag-open up sa kanya. Ngunit sadyang hindi mawawala ang kontrabida sa kahit anumang kuwento. Bumalik sa buhay ni Winter ang babaeng dahilan kung bakit hindi nito magawang magmahal ng iba.

2. PHR 4448 The Princes Of Hearts Trilogy 2: Catching Cobbie’s Heart by Jessica Blair


Mayabang at ubod ng mapang-asar—iyon si Cobbie kay Erika. Nagsimula ang pagkamuhi niya rito nang basagin at laitin nito ang vase na pinaghirapan niyang gawin. Mula nang sandaling iyon ay hindi na sila nagkasundo. Until Cobbie asked for a truce…
Huli na nang mapagtanto niyang hindi dapat siya pumayag. Dahil binigyan lang niya ang binata ng pagkakataong mapaibig siya. Hindi man nito sinabi na mahal siya nito, umasa siyang iyon ang nararamdaman nito sa kanya. Iyon ang akala niya dahil isang gabi, natuklasan niya na isa lamang palang laro para dito ang relasyon nila.

3. PHR 4449 The Princes Of Hearts Trilogy 3: Igniting Isaac’s Heart by Jessica Blair


Mula nang makilala ni India si Isaac, ginawa niyang misyon sa buhay ang paibigin ito kesehodang magmukha siyang tanga sa kakahabol at kakabuntot dito. Sinikap niyang malipat sa kanya ang pagtingin nito mula sa undeserving ex-girlfriend nito na mahal na mahal nito. Naniniwala siya na mapapabuti si Isaac sa piling niya kaya dapat lang na sa kanya mapunta ito.
Ngunit ang misyon niya ay may hangganan pala. Nasaktan siya nang labis nang ipamukha nito sa kanya na kailanman ay hindi nito matutugunan ang damdamin niya rito. Dahil doon, umalis siya at sinikap niyang kalimutan ito.
Pagkalipas ng mahigit tatlong taon, pinagtagpo uli sila ng tadhana. Ito naman ang panay ang lapit sa kanya habang siya ay panay naman ang iwas dito sa pag-aalalang baka mabuhay ang damdaming matagal na niyang ibinaon sa kailaliman ng kanyang puso. Ngunit sadyang mahirap pigilin ang pusong patuloy na nagmamahal dito dahil bumigay rin siya, lalo na nang sabihin nitong mahal din siya nito.
Ngunit biglang bumalik sa buhay nito ang undeserving ex-girlfriend nito. Hindi lang iyon, may dala pa itong balitang muling nagpagulo sa pag-asa niya.

4. PHR 4450 The Cross Of Love by Barbara Cartland (translated by Iris Anne

Pagkamatay ng ama ni Rena Colwell, natagpuan niya ang sariling mag-isa na lang sa buhay at walang masasabing permanenteng tirahan. Wala rin siyang trabahong maaari niyang pagkunan ng ikabubuhay. Sa sitwasyon niyang iyon ay naalala niya ang isang lumang krus na natagpuan noon ng kanyang ama sa kakahuyan sa likod ng The Grange, ang ilang henerasyon nang tahanan ng mga Earl ng Lansdale. May nakasulat sa krus na: Ye who ask for help will find it when ye pray to me.
Pinuntahan niya iyon at nagdasal doon.
Sa pagkamangha niya, nakakita siya ng mga baryang ginto na nakadikit sa mga ugat ng halaman sa paanan ng krus. “Malamang ay sinagot mo ang aking mga dasal,” usal niya.
Tila dininig nga ang panalangin niya dahil dumating sa baryo nila si John, ang penniless na bagong Earl ng Lansdale na kadarating lang sa The Grange.
Ibinigay niya rito ang mga ginto na siyang nararapat na nagmamay-ari niyon.
“Iniligtas mo ako,” wika nito sa kanya.

5. PHR 4451 If You Asked Me To by Kaye Ysabelle


Bitter. Iyon ang isang salitang naglalarawan kay Bridge. And her heartbreak story was a cliché. She was cheated by the only man she loved. At kagaya ng mga babaeng bitter sa pag-ibig, tinalikuran na rin niya ang pagmamahal. Ayaw na niyang ma-in love dahil ayaw na rin niyang masaktan.
Then came a devilishly handsome new neighbor in town. Mula nang dumating si Klein ay ito na ang bukambibig ng mga babae sa subdibisyon nila. Pero hate at first sight ang naramdaman niya para dito. Mababaw man ay hindi niya nagustuhan nang ngitian siya nito na parang close sila.
Pero tila binibiro siya ng tadhana dahil si Klein ang nagtanggol sa kanya mula sa ex-boyfriend niyang depressed. Nagpanggap pa ito na boyfriend niya para tulungan siya sa kanyang problema. Hanggang magising siya isang umaga na nabura na ang inis niya para dito. Si Klein na ngayon ang pinakamalapit na lalaki sa buhay niya.
Eh, sa puso niya, ito na rin ba ang umookupa?

6. PHR 4452 It’s Gonna Be Love by Akira Ellie


Hindi matatawaran ang inis na nararamdaman ni Cindy kay Colt tuwing nakikita niya ito. Nalaman kasi nito na pinagpapantasyahan niya ang kaibigan at kabanda nito na si Milo. Dahil sa kagustuhan niyang mapalapit sa iniirog ay nilapitan niya ito at nagpatulong na “ilakad” siya kay Milo. Pumayag ito ngunit binigyan siya nito ng kondisyon: kailangan niyang maglinis sa apartment nito tatlong beses sa isang linggo.
Walang nagawa si Cindy kundi pumayag. Iyon lang ang tanging paraan para magkaroon ng katuparan ang fairy-tale love story nila ni Milo.
Sa bawat araw na kasama niya ito ay unti-unting nagbabago ang nararamdaman niya para kay Colt. Sa halip na si Milo ang laman ng panaginip at pantasya niya ay ito ang naging perma- nenteng namamahay sa isip niya. Lalo lang niyang nasiguro na mahal na niya ito nang ma-threaten siya sa mga babaeng umaaligid dito. Ngunit mukhang kahit ano pa ang gawin niya ay hindi rin magkakaroon ng katuparan ang love story nila dahil pagtinging-kaibigan lang ang nararamdaman nito sa kanya.

7. PHR 4453 Convincing Dane by Giorgianna Vittoria


Malaki ang utang-na-loob ni Shane sa kanyang college buddy and now attorney na si Des, kaya walang pag-aalinlangang sumang-ayon siya sa hinihingi nitong pabor. Nais nitong bantayan, samahan, at tulungan niyang "magbalik-loob" sa pagiging babae ang nagbabalik-bayang kapatid nitong si Daniella. Mas gusto na kasi nitong tawaging "Dane."
Ayaw sana niyang pakialaman ang mga ganoong bagay dahil naniniwala siyang may karapatan ang bawat taong mahalin ang kahit ano o kahit sinong tunay na makapagpapaligaya rito. But Sloane cannot believe that the delicate, doll-faced he met when he was in college now prefers women. He even had a crush on her then. Isang malaking hamon kung paano niya magagawang baguhin ang pananaw nito, lalo na at alam niya ang isang bagay na pilit inililihim ni Dane na nadiskubre niyang may kinalaman sa dahilan kung bakit ito "nagbago."

8. PHR 4454 Aseron Weddings: Helpless When She Smiles by Dream Grace


Isang malaking kasalanan ang ginawa ni Teree kay Aragon Devarga mahigit isang dekada na ang nakalilipas. But Aragon still remembered it and wanted her to pay for it. Sa malas, si Aragon din ang susi para makamit ni Teree ang hinihiram niyang malaking halaga mula kay Lolo Nemo upang maisalba ang negosyo niya, lalo na ang kahihiyan at kalayaan niya. Without her grandfather's help, her creditors would crawl all over her and she would probably end up in jail. Kaya wala siyang pagpipilian kundi sundin ang gusto ng matanda--ang magpakasal kay Aragon.
Subalit paano niya magagawa iyon kung palapit pa lang siya rito ay para na siyang sinisibat ng matatalim na tingin nito? Tila ito ang maniningil sa lahat ng utang niya sa mga lalaking pinaluha niya. But did he really have to take her heart as payment?

9. PHR 4455 Saving All My Love For You by Sofia


Sumama si Tatiana sa high school class reunion nila sa Anawangin para makita uli si Craig, ang lalaking mahal niya. Ang akala niya ay natupad na ang pangarap niya nang pasukin siya nito sa tent para dalhan ng hot tea para sa hangover niya kaya hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon at hinalikan niya ito. Subalit sa panggigilalas niya ay hindi si Craig ang kasama niya kinabukasan kundi si Antonov—ang lalaking kontrabida sa buhay niya.
Ang masaklap pa ay pinalabas nito sa lahat na patay na patay siya rito. Paano na siya makakadiskarte kay Craig? At paano pa niya maiisip si Craig kung mukhang kumikiling ang puso niya kay Antonov?
Kaaway ba talaga ito ng puso niya, o magkasabwat ang mga ito para bulabugin ang mundo niya?

10. World's Bestsellers: The Vampire Diaries - The Fury by L. J. Smith (translated by Vanessa)


Nakamamatay ang pag-ibig.

Elena: habang nasa tabi niya si Damon at walang-taros sa pagkauhaw niya sa dugo, nahihirapan ang bagong Elena na pigilin ang mga pagnanasa niya.

Damon: ang paghahangad niya sa golden girl ay nakikipaglaban sa paghahangad niyang makapaghiganti kay Stefan.

Stefan: nagdurusa sa pagkawala ni Elena, gagawin niya ang lahat para mabawi ito. Kahit pa nangangahulugan iyon na yakapin ang dati ay kinamumuhian niyang buhay.

Maaari nilang makuha ang mga nais nila, ngunit mahal ang kapalit.
Back to top Go down
 
September 19, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News September 1 2012
» George Clooney Aficionados News September 2 2012
» George Clooney Aficionados News Tuesday September 4 2012
» Bubbleman Lives - September 1st 2012 Heroes
» George Clooney News September 27, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: