HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 12, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 12, 2012 Book Release   Fri Sep 21, 2012 10:32 am

1. PHR 4437 Strings Of Fate by Xandria


Kontento na si Hera sa buhay niya. Simple lang iyon ngunit masaya. She had a fulfilling life and a daughter she truly loved. Her daughter, Elida, was everything to her. Ito na ang naging buhay at kaligayahan niya mula nang ihabilin ito sa kanya ng yumaong kapatid niya. Hanggang sa dumating sa buhay nila si Xander, ang ama ni Elida. He made it clear to her that he would do everything to get his daughter back.
As hard as a stone, he vowed to take Elida away from her. Of course, she would never let that happen! She could never live without Elida kaya gagawin niya ang lahat huwag lang nitong kunin ang anak niya. Ngunit ano itong masamang biro ng tadhana? Bakit habang tumatagal na nakakasama niya si Xander ay tila nahuhulog ang loob niya rito? Papayag ba siya na pati puso niya ay tangayin na rin nito?

2. PHR 4438 You And I by Jelaine Albert


Kung gaano katagal nang kaibigan ni Rey si Casey ay ganoon na rin katagal na umiibig siya sa binata. Ngunit tila hanggang pagkakaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa kanya. Gayunman, patuloy pa rin niyang minamahal ito nang lihim at idinadalangin sa Diyos na sana ay dumating ang panahon na matutugunan din nito ang pag-ibig niya.
Tila dininig naman ng langit ang mga dasal ni Rey dahil isang araw ay biglang nagbago ang pakikitungo ni Casey sa kanya. Bigla itong naging extra sweet at maalalahanin. Nagkaroon tuloy siya ng dahilan upang ipaglaban ang nararamdaman niya para dito.
Ngunit nang nakakita na siya ng pag-asang makamit ang puso nito, bigla naman siyang ipinagtabuyan nito nang paulit-ulit. Hanggang sa dumating sa puntong hindi na nagpakita o nagparamdam si Casey sa kanya. Dahil sa labis na pagmamahal niya rito ay inalam niya ang dahilan ng ipinagkakaganoon nito.
Sa nalaman ni Rey masusubok kung gaano talaga katatag ang pag-ibig niya rito…

3. PHR 4439 The Nerds Area: Eury’s The One by Gypsy Esguerra


Eury had always been comfortable talking to Blake. At alam din niyang parang nakababatang kapatid lang ang tingin nito sa kanya. Kaya nang minsang makausap niya ito ay lakas-loob na inamin niya rito ang isang sekreto.
“Alam mo bang naging crush kita dati?”
“Really?”
“Pero sandali lang kita nagustuhan no’n dahil nalaman kong may mga nobya ka na.”
He laughed but didn’t deny her statement. “I don’t have a girlfriend now.”
“Oo, pero hindi na ikaw ang gusto ko,” parang bata na pang-iinis niya rito.
“Hindi ka naman gusto ng taong gusto mo,” ganti naman nito sa kanya.
Napangiti siya pero bahagyang nasaktan sa sinabi nito. Kunsabagay ay tama rin naman ito. Pero sapat na dahilan na ba iyon para magmahal siya ng iba?

4. PHR 4440 The Nerds Area: Penny’s Prince Charming by Gypsy Esguerra


Palaging sigurado si Penny sa bawat desisyong ginagawa niya sa kanyang buhay. Ngunit bakit pagkalipas ng ilang taon ay tila nalilito siya at nagkakaroon ng pagdududa? At nang hindi niya na malaman ang gagawin ay hiningan niya si Blake ng isang pabor.
“If I asked you to kiss me, would you do it?” seryosong tanong niya rito.
“I am now officially terrified. What’s going on in your head, Penny?”
Napabuntong-hininga siya. “I just… I just wanted to know if what I’m feeling now is real. So… would you be kind enough to help me or would you be cruel enough to just let me figure it out on my own?”
Ilang segundo na tinitigan lang siya ni Blake. “You want me to kiss you?” tanong nito sa kanya na para bang itinatanong nito kung sigurado siya sa hinihiling niya rito.
“Yes,” desididong sagot niya.
Humakbang ito palapit sa kanya.
“I don’t know why you want to complicate things but… all right… I’ll help you.”

5. PHR 4441 The Nerds Area: Caly’s Mr. Right by Gypsy Esguerra


Debate. Iyon na siguro ang masasabi ni Caly na pastime nila ni Blake. Madalas silang may pinagtatalunan. Pero nagkaroon siya ng utang-na-loob kay Blake at nang minsang pasalamatan niya ito dahil sa pagsama nito upang komprontahin ang kanyang dating nobyo at dating kaibigan ay nagulat ito.
“I’m just glad you’re there because I was able to maintain my composure. I know you’re going to bully me in case I say something stupid like ‘Please come back to me’ so I kept my usual self while talking to them,” naaaliw namang sagot niya.
“Or maybe just like you said, you’re just over it so it’s easier for you to walk out on them.”
Sumang-ayon siya sa sinabi nito. Nagagawa na niyang tumawa. Masasabi niyang normal na rin ang buhay niya. Pero sapat na pruweba na ba ang mga iyon para masabi niyang wala na talaga siyang nararamdaman para sa dating nobyo niya?

6. PHR 4442 The Nerds Area: Ashly’s Hero by Gypsy Esguerra


Ashly was practical, analytical, and logical. Ngunit hirap siyang makihalubilo sa ibang tao, lalo at may “bad reputation” siya. Nang minsang makausap siya ni Blake ay sinubukan nitong magtanong ng ilang personal na bagay tungkol sa kanya.
“Will I pass as a hero in your story?”
“Hindi siguro. I mean, you’re good-looking, but no offense meant, I’ve never found myself being attracted to you.”
“Bakit?”
“Kasi, sa simula pa lang ay sinabi ko na sa sarili ko na trabaho lang `to, walang personalan.”
“Really?” natatawang turan nito na para bang duda pa ito sa isinagot niya.
“Yes. Really.”
“No wonder you’re single.”
Nagkibit-balikat siya. “Wala namang kaso sa `kin `yon. Isa pa, kahit magkagusto ako sa`yo, alam ko namang wala ring patutunguhan `yon.”

7. PHR 4443 Meant To Be In Love by Danic Lauren


Pagkalipas ng mahabang panahon ay nakita uli ni Xena si Irvine, ang dating nobyo niya na nagawan niya ng malaking kasalanan noon. Ngunit sa halip na galit ang isalubong nito sa kanya ay isang mahigpit na yakap na puno ng pangungulila pa ang natanggap niya mula rito.
Labis na ipinagtaka niya iyon. Ilang beses kasing ipinagdasal niya noon na balikan siya nito upang makapagpaliwanag siya rito at nang mapatunayan niya rito na minahal niya ito nang totoo. Kay tagal na hinintay niya ito ngunit hindi na siya binalikan pa nito.
At ngayon, kung kailan okay na siya at natutuhan na niyang kalimutan ito ay saka naman nagbalik ito sa buhay niya. Pang-best actor pa ang arte nito. Kung makaarte kasi ito sa harap niya ay parang totoong mahal pa nga siya nito tulad ng sinasabi nito sa kanya.
Ayaw man niya at duda man siya sa motibo nito sa pakikipaglapit sa kanya, gustong-gusto naman ng kanyang puso na maniwala rito…

8. PHR 4444 A Forever Kind Of Love by Shaylee Sizon


Kahit kailan ay hindi na nakasundo nina Hany at Fredrick ang isa’t isa. Kaya laking gulat ni Hany nang isang araw ay kausapin siya ni Fredrick at hilingin nito na tulungan niya ito at ilakad sa best friend niya. Siyempre pa, noong una ay hindi siya pumayag. Ngunit sa paglipas ng mga araw ay nakilala niya ito at saka niya nalaman na hindi naman pala ito ganoon kasungit tulad ng inaakala niya. In fact, she found him nice, caring, and very lovable. Pero iyon na nga ang problema. Kaya pa ba niyang ilakad ito sa best friend niya kung siya na mismo ang unti-unting nahuhulog ang loob dito?

9. PHR 4445 I Went To Your Wedding by Camilla


Dahil depressed at lito noong araw ng kasal ni Vasilico “Vaz” Popa, naiwan ni Prada sa LRT ang dala niyang wedding gift. Eksakto namang may natagpuan siyang isang gift box na walang nakalagay kung kanino nanggaling. Nilagyan niya iyon ng tarheta at pinalabas na galing sa kanya.
Hindi niya sukat-inakalang iyon ang pagsisimulan ng mga kamalasan niya. Lapida ang laman ng regalong iyon! Kaya nang mapatay sa mismong araw ng kasal ang bride ni Vaz, siya agad ang naging suspect.
Parang avalanche ng kamalasan, nang halughugin ng mga pulis ang mga gamit niya, may nakuha ang mga ito na ebidensiya na nagbuking sa pinakatago-tagong lihim niya: ang matinding pagnanasa niya sa nabiyudong groom…

10. PHR 4446 Still In Love With You by Bethany Sy



Ang buong akala ni Kate ay hanggang sa pangarap na lang niya makakasama si Angelo. Kontento na siya na tinitingnan ito sa malayo o inaabangan ito sa mismong campus nila. Ngunit sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay ito mismo ang nagligtas sa kanya nang malagay siya sa alanganing sitwasyon.
Mula noon, naging malapit na sila sa isa’t isa. Naging mabuting magkaibigan sila. Iyon na rin ang naging simula ng paglalim ng nararamdaman niya para dito. Kahit malayo ang agwat nila dahil simpleng estudyante lang siya at ito ay may sariling fans club sa eskuwelahan nila.
Pero pagkatapos nitong nakawin ang first kiss niya ay bigla na lang itong naglahong parang bula sa hindi niya malamang dahilan.
Pagkalipas ng limang taon ay nagbalik ito. Ang akala niya ay tuloy-tuloy na ang pangangarap niya na makasama ito habang-buhay. Ngunit nagbalik lang pala ito para ligawan ang babaeng matagal na nitong gusto…

11.
Back to top Go down
 
September 12, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News September 1 2012
» George Clooney Aficionados News September 2 2012
» George Clooney Aficionados News Tuesday September 4 2012
» Bubbleman Lives - September 1st 2012 Heroes
» George Clooney News September 27, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: