HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 5, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 5, 2012 Book Release   Mon Sep 10, 2012 10:42 am

1. PHR 4426 Chasing My Love Story by Viel Roberts


Kilala si Kieko sa pagiging cynic pagdating sa pag-ibig. Kaya nakapagtataka na nagsusumiksik siya sa isang publishing house na nagpa-publish ng mga romance novel. Lalo pang kataka-taka na sa kabila ng pagiging cynic niya ay nakikisali siya sa mga diskusyon tungkol sa pag-ibig na tila isa siyang eksperto. She fell in love once and that was seven years ago and she never tried to be part of any man’s life anymore. Masyado yata siyang nasaktan sa unang pag-ibig niya kaya pinili niyang maging platonic lang ang relasyon sa pagitan niya at ng mga kalahi ni Adan. Until someone came out of the blue and she changed her mind. For the first time after so many years, she finally decided to get close—very close with a man.

2. PHR 4427 My Little Miss Sunshine by Maricar Dizon


Hindi pa nai-in love si Mandy. But when she finally did, it was a love-at-first sight with a man she met on the train. Kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang malamang ang bago palang photographer ng magazine nila na si Bernard Pascua ay walang iba kundi ang lalaking nakilala niya sa tren.
She thought it was the start of her long-awaited romance. Ngunit tila siya nadaganan ng mabigat na bagay nang malaman niyang may kasintahan na pala ito na isa pang beauty queen. Her heart was broken even before her love bloomed. Sinubukan niyang kalimutan ang nadarama at kumilos nang normal sa trabaho. Ngunit hindi niya iyon magawa, lalo pa at tuwing nagsasalubong ang mga mata nila ni Bernard ay hindi niya maiwasang umasa sa nakikita niyang emosyon sa mga iyon.
Ngunit tila ayaw talaga siyang tigilan ng tadhana nang malaman niyang mas malalim pa ang ugnayan ni Bernard at ng babae. He was bound to that woman and he didn’t want to let go.

3. PHR 4428 Don’t Faint On Me, Mr. Torpe by Venus Franz



Hindi maintindihan ni Irene kung bakit tuwing nakikita siya ng kapitbahay niyang si Toffy ay parang lagi itong sinisilihan. Bawal din niyang ngitian ito dahil kung gagawin niya iyon ay “hihimatayin” ito. Pero noon iyon—noong hindi pa niya ito nananakawan ng halik. Ngunit tila panan
dalian lang ang epekto ng halik niya para sandali itong tumino sa harap niya dahil nagbalik din ito sa pagiging aloof sa kanya.
Ngalingaling sumuko na siya dahil napapagod na rin siya at ang puso niya sa paghahabol at pagpapa-cute dito. Subalit isang araw na nakita nito na may kasama siyang ibang lalaki ay nag-transform ito into a confident man—malayong-malayo sa torpeng lalaki na kilala ng lahat.
Sana lang ang pagselosin si Toffy ang permanenteng lunas sa pagkatorpe nito.

4. PHR 4429 A Night Of Scandal by Sarah Morgan (translated by Bettinna)


Hindi inakala ni Katie na mapapansin siya ng isang tulad ni Nathaniel Wolfe na kilalang icon, heartthrob, at itinuturing na isa sa hottest celebrities sa kasalukuyan. Hanggang isang gabi, kinailangan nito ang tulong ng isang ordinaryong babaeng tulad niya. Sa isang gabing nagkasama sila ay unti-unting natuklasan niya ang mga lihim na itinatago nito. Lihim na maglalapit sa kanya sa tunay na Nathaniel Wolfe.

5. PHR 4430 His Smile by Angel Bautista


Jackie had a crazy brief affair with Gio when she was in Vietnam. Malinaw sa kanya na walang patutunguhan iyon. He was a waiter in a roadside bar. Hindi ito aaprubahan ng mommy niya na mataas ang standards sa pagpili ng lalaking pakakasalan niya. Ayon nga sa kaibigan niya, kapag umuwi siya kasama si Gio sa Pilipinas, hindi na magiging romantic ang dating ng istorya nila kundi tragedy na.
Trahedya rin kayang matatawag kung sasabihin niya sa mga kaibigan niya na in love siya kay Gio? At gaano pa kalaking trahedya ang mangyayari kung pagkalipas ng tatlong taon ay muli itong bumalik sa buhay niya sa mismong araw na iaanunsiyo ang engagement niya sa ibang lalaki?

6. PHR 4431 Loving The Heartbreaker by Skye Reyes


Ipinadala si Gabrielle sa isang medical school sa Colorado bilang exchange student. Doon niya nakilala si Davie Sollano, isang sikat na basketball player at notorious playboy. Eksperto ito sa paglalaro ng basketball—sa pakikipaglaro sa mga babae. Kaya wala sa kanyang hinagap na mahuhulog ang loob niya rito sa kabila ng reputasyon nito bilang playboy. Buong pusong pinaniwalaan niya ang mga pangako nitong aabutin ang mga bituin para lang sa kanya. Pero sa huli ay niloko lang din siya nito.
Hindi niya alam kung bakit ito pa ang may galit nang muli silang magkita pagkalipas ng limang taon. Ganoon na lang din kung itaboy siya nito nang maging resident doctor siya sa isang sports society kung saan ay miyembro ito. Ang akala niya ay hindi na siya apektado sa karisma nito subalit namalayan na lang niya ang sarili na muling umaasa at naniniwala sa mga pangako nito.
Subalit, datapwa’t, gayunman—isa pa rin itong pure-blooded playboy. And she was not an exemption to his destiny to break women’s hearts.

6. PHR 4432 The Best Friends Promise by Laurice Del Rio


“Ako, si Marissa Tenorio, ay sumusumpa na magiging kaibigan lang habang-buhay ni Antonino Salvador. Na mamahalin ko lang siya bilang kaibigan at hindi na lalagpas pa roon.”
Taimtim na tinupad nina Yssa at Inno ang pangako ng kanilang kamusmusan sa lilim ng punong-mangga. Nasubok na ng panahon ang kanilang pagkakaibigan. Pagkalipas ng maraming taon ay nanatili silang matalik na magkaibigan kahit pa nangibang bansa si Yssa para magtrabaho.
Nang bumalik si Yssa galing ng Singapore ay ibang Inno na ang kanyang nadatnan. Naging default mode nito ang pagiging matamlay. Gagawin niya ang lahat para bumalik ito sa dati sukdulang hayaan niya ang kaibigang si Naomi na akitin ito kahit labag iyon sa kanyang kalooban. Napapreno siya sa isiping iyon. Bakit labag sa kanyang kalooban na may ibang babaeng magpapasaya rito?
Mukhang mapapako ang kanyang pangako sa lilim ng punong-mangga…

7. PHR 4433 Lovesick by Belle Feliz


Sa batang edad ay iniibig na ni Lavender ang guwapo at sikat na pintor na si Pablo Vicente Munis. Kahit hindi siya pinapansin ni Pablo ay patuloy pa rin ang puso niya sa pagtibok para dito. Patuloy siyang umaasa na magkakaroon sila ng mala-fairy tale na love story.
But he broke her young heart.
Sinikap niyang kalimutan ito; napagtagumpayan naman niya.
And they eventually became friends.
Nagawa rin niyang umibig sa ibang lalaki. When someone broke her heart again, Pablo was there and kept her sane.
Biglang nagbago ang relasyon nila nang dumating sa buhay nila ang limang taong gulang na bata na diumano ay anak ni Pablo. Nag-iba ang ikot ng kanilang mundo. Mas naging malapit sila sa isa’t isa at mas nakilala niya ito. Muli, nahulog siya rito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya sigurado kung makakaahon pa siya. Ang natitiyak lamang niya ay nakahanda siyang isugal uli ang kanyang puso, mabigo at masaktan kung ang mga iyon lamang ang paraan upang maipadama niya rito ang wagas na pagmamahal niya.

8. PHR 4434 Hotness Overload Trilogy 1: Sarang Hae, My Honey by Luna King


Addict si Itchie sa mga guwapong Koreano pero mas addict siya sa Korean hottie na si Min Ho Jang na animo ay lumabas mula sa pinapanood niyang mga Koreanovela. Pero suplado ang bruho at hindi sineseryoso ang pagtatapat niya ng wa
lang-kamatayang pag-ibig dito.
But because she was in love, she did everything to catch his attention—mula sa pagsigaw rito ng “Mahal kita!” sa iba’t ibang lengguwahe hanggang sa mapilitan siyang gumawa ng isang malaking kasinungalingan para lang mapansin siya nito at para mapilitan itong alagaan siya.
Nagtagumpay naman siya sa gusto niya. He finally acknowledged her feelings for him. May bonus pa nga dahil na-in love din ito sa kanya. Saan pupulutin ang kagandahan niya kapag nabuking nito ang bonggang-bonggang kasinungalingan niya?

9. PHR 4435 Hotness Overload Trilogy 1: Wo Ai Ni, My Darling by Luna King


Wala na yatang mahihiling pa si Suri sa relasyon nila ng kanyang nobyong si Greyson Chai. Their love story was like a fairy tale—sweet, magical, full of sparks, and overloaded with happiness.

Sigurado na sila sa isa’t isa. Sa katunayan, naplano na nila ang kanilang buhay na magkasama. Magma-migrate sila sa Canada at doon magpapakasal. They were full of dreams—dreams where they spend everyday of their lives together.
But the night before they left the country, isang bagay ang hindi inaasahang mangyari. Napilitan siyang talikuran ito at ang mga pangarap nila kahit mahal na mahal niya ito.
Sana lang ay mapatawad pa siya nito sa ginawa niyang pang-iiwan dito…

10. PHR 4436 Hotness Overload Trilogy 3: Aishiteru, My Baby by Luna King


Hindi mapigilan ni Meiko ang sariling tumulong sa iba. Natutuwa kasi siya kapag may napapangiti siya. Kaya ganoon na lang ang kagustuhan niyang matulungan din si Skylus Saitou, ang Japanese hunk na wala yatang emosyon, cold, at indifferent. She took it upon herself to teach him what “warmth” was.
Pero habang binubuhay niya ang mga emosyon sa puso nito, unti-unti rin siyang nai-in love dito. Okay lang iyon dahil nararamdaman niyang nahuhulog na rin naman ang loob nito sa kanya.
Kaya lang, nalaman niya ang totoong dahilan nito kung bakit pinag-aralan nitong mahalin siya…
Back to top Go down
 
September 5, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News September 1 2012
» George Clooney Aficionados News September 2 2012
» George Clooney Aficionados News Tuesday September 4 2012
» Bubbleman Lives - September 1st 2012 Heroes
» George Clooney News September 27, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: