HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 Character Sketch

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Alejandro
Senior
Senior


Number of posts : 387
Age : 26
Location : Cabadbaran City
Registration date : 2010-09-02

PostSubject: Re: Character Sketch   Fri Sep 28, 2012 12:46 pm

actually may existing topic na nito dito... sa mga newbies sa forum please pakisearch muna sa mga threads dito ang mga tanong ninyo bago gumawa ng panibagong thread Smile
Back to top Go down
http://copypastewriter.wordpress.com , http://dmecchoir.blogspot
Rhaine.Castillo
Junior
Junior


Number of posts : 168
Location : Biglang Awa, Caloocan City (District 2)
Registration date : 2012-07-28

PostSubject: Re: Character Sketch   Sat Sep 08, 2012 11:53 am

like ko yung sinabi ni hellionist *tumbs up*

para sa akin naman na walang problema sa characters ay binabase ko muna sa mga personal info. nila katulad na lang ng kapag ang ang pamilya ng chara. ay mayaman kadalasan ay spoiled o kaya ay kulang sa pag mamahal o atensyon pwede rin yung interests nila katulad na lang ng music ang chara. mo ay shy kung sports naman ito ay matapang o kung sa math and science ito ay matalino pwede rin sa colors like violet mahilig sa art ,blue melodrama ,at yellow masayahin, childish at kapag nagawa mo na ito pagbasehan mo ang Goal, Motivation at Confit ni Hellionist para makagawa ka ng plot! Very Happy
Back to top Go down
xyxryll
Junior
Junior


Number of posts : 32
Age : 22
Registration date : 2012-05-24

PostSubject: Re: Character Sketch   Tue Sep 04, 2012 8:19 pm

Salamat po sa mga sumagot. Malaking tulong po talaga.

Try ko po lahat ng sinabi ninyo. Sa ngayon po ang ginawa ko muna ay parang slumbook. Kaso lang feeling ko kulang yung mga hinihingi kong info sa mga taong sapilitan kong in-interview. Try ko din po ang goal, motivation and conflict at pati ang pag-a-outline.

Sana maging maayos na sila. Madalas kasi bigla na lang silang lumilitaw sa utak ko e. hahaha....maraming salamat po talaga.
Back to top Go down
hellionist
Junior
Junior


Number of posts : 136
Age : 29
Location : Cavite
Registration date : 2011-04-03

PostSubject: Re: Character Sketch   Tue Sep 04, 2012 6:40 pm

Hango po ito sa article na ito: Goal, Motivation, and Conflict

Ang epektibong character ay kailangang may Goal, Motivation, at Conflict.

Goal: Ano ang nais ng character na mangyari? O ano ang iniiwasan niya?
Motivation: Bakit matindi ang pagnanasa ng character na matupad ang goal niya? Ano ang nagtutulak sa kanya na gawin ang gusto niya?
Conflict: Ano ang mga hadlang sa character upang matupad ang nais niya?

This guideline works for me most of the time. Mas maayos ang pagsusulat ko ng story kapag defined ko na ang ugali ng character at kung ano ang gusto nila. Para hindi rin nawawala sa karakter ang bida, narrative or dialogue man, at focused palagi sa takbo ng istorya. Malaking bagay rin na kilala mo na ang characters mo para mas maging kapani-paniwala ang dialogues. Iyong parang itong character talaga na ito ang tipong magsasabi ng ganong dialogue? Kahit simple lang ang plot, basta malinaw ang personalidad ng characters at makaka-relate ang mga mambabasa (o ang manunulat) sa pinagdadaanan nila.

Hope it helps. Smile
Back to top Go down
romzz
Junior
Junior


Number of posts : 38
Registration date : 2011-05-09

PostSubject: Re: Character Sketch   Tue Sep 04, 2012 1:51 pm

madalas kasi sa akin bago ko pa simulan ang story may idea na ako sa personality ng main characters ko. Sa utak ko kasi binubuo kung paano sila magsalita o gumalaw, binabase ko rin sa edad. Just focus on the main characters para hindi ka malito. Okay lang kung magulong mag-isip ang bida mo. sa tingin ko mas maganda nga yon dahil ibig sabihin mas magiging unpredictable yung story mo. you have to treat ur character as a living breathing human being. Tsaka dont resists kapag dinadala ka ng characters mo sa isang situation ganoon talaga yon,nadedevelop naman ang character as the story progresses. Kung hirap ka pa rin why dont you base ur character sa mga taong kilala mo para mas madali ang characterization. I did that on my first novella pati pangalan, personality, edad ginamit ko. Kung hirap ka pa rin try profiling na parang slumbook.
Back to top Go down
heidz
Newbie
Newbie


Number of posts : 23
Age : 23
Location : Bulacan
Registration date : 2012-07-16

PostSubject: Re: Character Sketch   Tue Sep 04, 2012 11:52 am

Hello xyxryll Smile

Ang advice ko lang.... Kapag nagbi-build ka ng mga characters mo, dapat kaya mo silang panindigan. At saka, huwag masyadong maraming characters para hindi mahilo ang editor pati ang mga readers. One more thing, gumawa ka ng outline ng characters mo. busisiin mong mabuti. I-line up mo ang mga pangalan pati ang mga personalities nila para hindi ka rin nalilihis sa sarili mong mga characters.

Sana makatulong Wink
Back to top Go down
xyxryll
Junior
Junior


Number of posts : 32
Age : 22
Registration date : 2012-05-24

PostSubject: Character Sketch   Mon Sep 03, 2012 11:06 pm

Paano niyo ginagawa ang inyong mga tauhan? Ano ang mga tanong na ikino-consider niyo? May guide questions ba kayong sinusunod o bigla na lang silang sumusulpot sa utak ninyo? Question Question

Ang gulo kasi ng utak ko kaya pati characters ko magulo din mag-isip. Di daw tuloy ma-establish yung characters nila.
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: Character Sketch   Today at 6:23 am

Back to top Go down
 
Character Sketch
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» IPK2 character sketch...
» Character Sketch of Ishita & Raman of Yeh hai Mohabbatein
» A quick sketch Madman's house
» Naruto Guess The Character Game
» Which Mai HiME character are you most compatible with?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: General Discussion-
Jump to: