HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 29, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 29, 2012 Book Release   Mon Sep 03, 2012 10:51 am

1. PHR 4418 A Hanky-panky Love by Haze Prado


Hindi inakala ni Jamaica na magiging komplikado at sakit ng ulo ang idudulot ng bagong trabaho niya. Simple lang dapat ang buhay niya kung hindi siya napagbintangang iniilusyon niya ang pinakasikat na aktor sa bansa at napagselosan ng nobya nitong equally popular at successful actress na si Shayla Gomez.
Shayla wanted to make her life a living hell, to destroy everything she had para lang masigurong hindi maaagaw ng isang diumano ay tulad niyang pipitsuging writer ang boyfriend nito na nagpakita ng pagkaaliw sa kanya. She wanted her job kaya gagawin niya ang lahat para hindi mawala iyon sa kanya kahit ang katumbas niyon ay ang patuloy na tsismis na nabuo sa pagitan nila ng baguhan at guwapong aktor na si Fyodor. Kailangan niyang palawigin ang interes ng mga tao sa nakikitang namumuong “something” sa pagitan nila.
Ngunit bakit kahit matigas siya sa pangangastigo sa sarili na kailangan lang niyang magtiis na sakyan ang tila pagkaaliw ni Fyodor sa pagkukunwari nila, parang gusto na niyang mag- ilusyon na may gusto ito sa kanya? And yes, kailangan ng romance sa pagitan nila, so kissing was needed and she became a willing participant…

2. PHR 4419 Secretly In Love by Maricar Dizon



Sixteen years—ganoon na katagal na matalik na kaibigan ni Kendra si Darren sa kabila ng magkaibang personalidad nila. He was always with her through every happiness and heartbreak, through thick and thin, and in sickness and in health. Para sa isang gaya niya na wala nang balak pang ma-involve sa kahit sinong lalaki dahil sa isang nakaraang ayaw na niyang balikan, mahalaga ang existence ni Darren sa buhay niya. Kaya noon pa man ay ipinangako na niya sa sarili niya na poprotektahan niya ang perpektong relasyon nila.
Ngunit nagsimulang maging komplikado ang lahat nang bigla na lamang itong may ipakilalang babae sa kanya. Ang damdaming mayroon siya noon para dito ay biglang nanumbalik. Natakot at nataranta siya. Dahil oras na hindi niya mapigilan ang paglabas ng emosyong iyon, tiyak na mawawala ito sa kanya.
And she would rather die than let that happen.

3. PHR 4420 Love Team by Andie Hizon


Hindi kasundo ni May ang katambal niya sa showbiz na si Lawrence. Paano siya matutuwa rito kung palagi siyang inaasar nito? Ngunit sa kabila ng lahat ay nakapasok ito sa buhay niya. She used to be alone. Tanging ang personal assistant niya ang itinuturing niyang kaibigan. But when Lawrence became her friend, na-realize niya na hindi pala masaya ang mag-isa. He was there when she needed him.
Ngunit isang araw ay kinailangan muna niyang iwan pansamantala ang show business upang bigyan ng panahon ang kanyang sarili na ayusin ang ilang gusot sa kanyang buhay. Ang resulta: nagkaroon ng bagong ka-love team si Lawrence.
Bumalik siya sa trabaho na iba na rin ang kapareha niya. Pareho sila ni Lawrence na nagkaroon ng kanya-kanyang buhay. Makaapekto kaya iyon sa “halos namumuo nang pagtitinginan” nila, o iyon ang magiging dahilan para mawala sila sa buhay ng isa’t isa?

4. PHR 4421 Real-ationship by: Jamie Black


Sa pagtanggap ni Jade ng trabaho para maging accountant ng Laurel Restaurant ay itinaas na agad niya ang guard niya. Bantog kasi sa pagiging babaero si Nathan, ang binatang may-ari niyon. Lahat na lang ng accountant na ipinapadala sa Laurel ay umaalis doon nang luhaan. Puwes, ibahin siya nito. Hinding-hindi siya papayag na mapabilang sa mga babaeng iyon.
Pero nang nagtatrabaho na siya para kay Nathan ay natuklasan niyang lethal pala ang charm nito. Napakahirap nga pala talagang i-resist ito kapag ibinuhos nito ang charm at atensiyon nito sa isang babae.
Kakainin yata niya ang sinabi niya. Gustong-gusto na kasing bumigay ng puso niya sa panunuyo nito…

5. PHR 4422 Love In The Highlands by Barbara Cartland (translated by Anna Gisella)


Mariing tinutulan ni Lady Lavina at ng kanyang ama ang pagpapakasal niya kay Prinsipe Stanislaus kahit iyon ang nais ni Reyna Victoria. Sa gitna ng dilemma na iyon, isang tao lang ang may sapat na kakayahan na matulungan sila—si Ivan, ang Marquis ng Elswick. Ngunit paano sila tutulungan ng isang lalaki na kilalang namumuhi sa mga babae at
kinasusuklaman ang ideya ng pagpapakasal? Mula nang talikuran ito ng kasintahan sa araw mismo ng kasal ng mga ito ay nagkaganoon na si Ivan.
Ngunit sa gitna ng kawalan ng pag-asang tutulungan siya ng Marquis, nagulat siya nang bigla itong pumayag sa nais nila ng kanyang ama. Doon nagsimula ang kanilang pagpapanggap na magnobyo at nakatakda nang ikasal.
Hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya sa masungit na Marquis ngunit iyon ang nangyari. Umibig siya rito at nangarap na sana isang araw ay suklian nito ang lihim na damdamin niya para dito. Hindi naman siguro malabong mangyari iyon lalo na at tila nagseselos ito sa isa pang ginoo na nagpapahayag ng paghanga sa kanya.
Pero gayon na lang ang pagkadurog ng puso niya nang matuklasan niya na ginamit lang siya ng Marquis para paghigantihan si Prinsipe Istanislaus, na natuklasan niyang siyang nang-agaw sa kasintahan nito…

6. PHR 4423 Stars In The Sky by Barbara Cartland (translated by Sharin Lee)


Mailigtas lang ni Lady Sylvia ang kanyang pamilya mula sa pagkakautang at mapanatiling pag-aari nila ang pinakamamahal niyang Castle Belham, ipinangako niyang magpapakasal siya sa kaduda-dudang si Count von Brauer. Bago pa man sila ikasal ay pinagtangkaan nito ang kanyang puri at ang pagtakas niya rito ay nauwi sa isang aksidente at pagkabura ng ka
nyang mga alaala.
Ngunit isang Lord Farron ang nagligtas sa kanya nang gabi ring iyon—sa gitna ng dilim at ulan—nang halos makabungguan niya ang karuwahe nito habang sakay siya ng kabayo. Hindi niya matandaang nagkita na sila ng lalaki, pero parang nakikilala niya ang tinig nito.
Unti-unting bumalik ang pira-pirasong mga alaala niya isang gabing magkasama silang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

7. PHR 4424 Loving Prime by Nikki Karenina


Dahil sa matinding galit ni Freya sa manlolokong boyfriend niya, naibunton niya sa sasakyan nito ang lahat ng galit niya. Only to find out later na nagkamali siya ng tingin sa plate number. Hindi pala ang sasakyan ng boyfriend niya ang na-“murder” niya kundi ang sa guwapong basketball player na si Prime Abellana!
Labag man sa loob niya, kailangan niyang tanggapin ang parusa nito. Magiging dakilang “alipin” siya nito at wala siyang magagawa kundi sumunod sa lahat ng ipag-uutos nito kung ayaw niyang dumeretso sa presinto. Guwapo nga ito pero nakaka-high blood ang ugali nito.
Pero isang araw ay dinala siya nito sa isang lugar kung saan hindi sinasadyang nakita niya ang isang side nito. Puwede pala itong maging lovable kung gugustuhin nito. Kaya isang araw, nagising siyang in love na rito. Hiling niya kay Kupido na sana ay panain nito nang bonggang-bongga ang puso ni Prime patungo sa kanya.
Unfortunately, hindi yata marunong makinig ng instruction si Kupido. Dahil pinana nga nito ang puso ni Prime, hindi naman patungo sa kanya kundi sa ibang babae. And worse, sa isa sa mga best friend pa niya…

8. PHR 4425 Hot Intruder: JP, Denia’s Intruder by Camilla


Habang pinipilit ni Denia na matulog isang gabi, naramdaman niyang may pumasok sa silid niya. Kasunod niyon, napag-alaman niyang lasing pa ang intruder! Hinagip niya ang lampshade, handang basagin ang bungo ng lalaki, ngunit nakailag ito. Humampas ang pamukpok niya sa hangin at bumagsak siya sa sahig.
“JP” pala ang pangalan ng mapangahas na lalaki at aminado siya, malakas ang dating nito. Ngunit nalaman niyang kaibigan at sugo pala ito ng ex-boyfriend niyang may taning na ang buhay.
Sa paglipas ng mga araw, may kung anong damdaming nabubuhay sa kanya para kay JP, pero ayaw niyang i-entertain ang damdamin na iyon. Ayaw na niyang maulit ang sakit na idinulot ng ex-boyfriend niya. Ngunit sa pag-iwas niya, lalong nahulog ang loob niya rito.
Wala namang problema. The feeling was mutual. Pero bigla na lang itong hindi nagpakita sa kanya…

9. Territorio delos Homres Series 57: Marcial Ortega by Vanessa


Simple lang ang buhay at mga pangarap nina Carmen at Marcial noong mga bata pa sila. Ngunit ang lahat ng iyon ay humantong sa isang buhay na magkahiwalay sa loob ng halos isang dekada. Maraming mahahalagang bagay at pangarap ang kailangang isakripisyo ni Carmen alang-alang sa kapakanan at kaligtasan ng mga mahal niya sa buhay.
Ngunit muling nagkrus ang mga landas nila ni Marcial. Tama bang umasa siya na matutupad pa rin nila ang kanilang mga simpleng pangarap sa kabila ng magkaibang buhay nila at mahabang panahong nagdaan na wala sila sa piling ng isa’t isa?

10. Territorio delos Homres Series 58: Alejo Alarico by Vanessa


Once upon a time, Fae fell in love with a handsome debonair named “Alejo Alarico.” But he broke her heart. Pinagbantaan niya ito nang huli niya itong makita at desidido siyang gantihan ito, kung hindi lamang sa gitna ng depresyon niya ay inakala niyang nakatagpo siya ng isang bokasyon. She entered a convent to become a nun.
Mahigit isang taon siya sa kumbento nang magsimula siyang tila matauhan. In her heart she knew she could not give up the world outside to stay forever in the convent. Ang gulo ng isip niya. At sa gitna ng gulong iyon niya literal na natagpuan uli si Alejo—duguan at halos walang malay.
Was it divine intervention or garden-variety coincidence that would mess her up again?
Back to top Go down
 
August 29, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Thursday August 2, 2012 George Clooney Aficionados News
» Thursday August 9. 2012 George Clooney Aficionados News
» Saturday August 4, 2012
» Saturday August 11, 2012 George Clooney Aficionados News
» Friday August 17 2012, George Clooney Aficionados News

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: