HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 22, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 22, 2012 Book Release   Mon Sep 03, 2012 10:21 am

1. PHR 4408 Hailey, My Love So Sweet by Jelaine Albert


Unang araw ni Hailey sa kolehiyo nang tamaan siya ng sakit. Sakit sa puso, that is, dahil umibig siya kay Borg Añunuevo, ang pinakasikat na lalaki sa buong campus. Talagang sapol siya ng pana ni Kupido kaya bukod sa pag-aaral, ginugol niya ang mga oras niya sa pagsunod at pag-alam sa lahat ng tungkol di
to.
Napagpasyahan niyang bago pa sila magtapos ng pag-aaral ay kailangan na nitong malaman ang nararamdaman niya para dito. Naniniwala siyang wala nang iba pang babae ang nababagay rito kundi siya. Kaya isang araw, lakas-loob na lumapit, nagpakilala, at nagpahayag siya ng damdamin niya rito. Ngunit hindi siya pinaniwalaan nito.
Dahil doon, wala na siyang ibang pagpipilian kundi gamitin ang huling alas niya: ipinagsigawan niya sa buong campus ang nararamdaman niya para dito: “May gusto ako sa `yo!”
Ngunit tila pinalala lang niyon ang lahat dahil lalong umiwas ito.
Ano pa kaya ang maaari niyang gawin upang masungkit ang mailap na puso nito?

2. PHR 4409 The May-December Affair by Yna Paulina


May found out December was a brilliant animator but he was an introvert and a loner. Ang mundo nito ay maliit lang at binubuo ng mga piling tao. At dahil sa kahilingan ng lola nito na si Lola Guada na nag-aalala para sa kapakanan ng apo nito, pinakiusapan siya ng matanda na tulungan ito. She was friendly and outgoing so Lola Guada thought she could teach December a thing or two.
The inevitable happened and they fell in love. The two people less likely to fall in love already did.
Pero It’s complicated ang status nila dahil siya ay may boyfriend at ito naman ay in love sa pinsan niya…

3. PHR 4410 Heart Lullabies: Picture-perfect Couple by Brandy Gallardo


Unang nakita ni Natalie si Henry sa plaza. Napakamisteryoso ng dating ng binata sa kanya—nakaupo ito sa lilim ng punong-kahoy, malayo ang tingin, at naggigitara. As a photographer, isang magandang subject ito kaya kinunan niya ito ng litrato. Nagalit ito sa kapangahasang ginawa niya.
Pero huli na ang lahat. Nakuha na ng guwapong binata ang atensiyon niya—at sa huli, ang kanyang puso.
She was desperate to win his love. Handa siyang gawin ang lahat, pero napakasuplado nito at palagi siyang itinataboy palayo rito. Eventually, he succumbed to her charms. At sa piling nito niya nadama ang labis na kaligayahan. Ngunit kung kailan nangyari iyon, saka niya natuklasan na may itinatago pala ito sa pagkatao nito—kabilang na roon ang nakatakdang pagpapakasal nito…

4. PHR 4411 Someone I Love by Xandria


Bumalik si Luigi sa buhay ni Airen dahil hindi pa rin nito matanggap na pinaasa, pinaglaruan, at dinurog niya ang puso nito noon. He bravely told her he could make her pay for what she did to him ten years ago. Funny, pero sa halip na matakot ay hindi iyon ang naramdaman niya sa pagbabalik nito kundi excitement at pag-asa.
Sampung taon din niyang hinintay ito. At ngayong nagbalik na ito ay handa na siyang gawin ang lahat mapatawad lang siya nito. Dahil mahal na mahal pa rin niya ito. Hindi naging madali ang lahat bago uli niya nakuha ang pagmamahal nito. Pero nagawa niya. Nagkabalikan sila at muling nagmahalan.
Pero may isang problema. May nawawala sa pagmamahalan nila—ang pagtitiwala.
Could their love survive without trust?

5. PHR 4412 The Princess Next Door by Jackie Braun (translated by Dawn Igloria)


Hindi isang fairy tale ang buhay ng isang prinsesa. Kahit sa loob lang ng isang linggo, gustong matakasan ni Hollyn Saldani ang mga nakaatang sa kanyang tungkulin bilang maharlika at muling hanapin ang mga bagay na natagpuan niya noon: freedom… and the boy next door—si Nate Mateo.
Kaya walang-paalam na nilisan niya ang kaharian. Bumalik siya sa Heart Island, kung saan ginugugol niya ang summer niya noong bata pa siya, kung saan nagiging totoo siya sa sarili niya.
Walang gaanong binago sa isla ang mga taong lumipas. Pero malaki ang binago niyon sa binatilyong nakilala niya noon, naging kaibigan, at ang tanging lalaking inalagaan niya sa kanyang puso. Mamang-mama na si Nate Mateo, at ito na ang nagpapatakbo sa resort ng pamilya nito. At sa pagbabalik niyang iyon, tila determinado itong ipakita sa kanya na maaaring maging ekstraordinaryo ang isang pangkaraniwang pamumuhay.

6. PHR 4413 Hot Intruder: Kenneth, Xiao’s Intruder by Camilla


Nagulat, pagkatapos ay natuwa si Xiao nang makilala kung sino ang pangahas na intruder sa condo unit niya. It was her gorgeous neighbor na matagal na niyang crush pero suplado at hindi pinapansin ang beauty niya. Finally the guy next door had a name: “Kenneth Riguer.”
Pero mali pala siya. Hindi naman pala ito ang lalaking pinapantasya niya. She learned that this Kenneth, the guy who intruded her condo unit, was the twin brother of Kevin—her long-time crush.
Nang mahuli sila ng tiyahin niyang matandang dalaga sa isang compromising na sitwasyon, she knew she was in for a heartache dahil mapipilitan silang magpanggap na nagmamahalan, bagay na mahirap yatang magkaroon ng katuparan dahil si Kenneth pala ay committed na...

7. PHR 4414 Byron’s Lady Rash by Serafina


Dahil sa walang habas na paggastos ni Trida sa mga walang-kuwentang bagay, pinutol ng lolo niya ang credit cards niya at nawalan siya ng allowance. Kailangan daw niyang magtrabaho para matutuhan niya ang halaga ng pera. Nagtrabaho siya sa Zilch Bar. Doon niya na-experience ang kalupitan ng amo niyang si Byron. Madalas siyang punahin nito. Slave driver ito. Pero palagi naman siyang nakakaisip ng paraan para makaganti rito.
Subalit nang mapag-trip-an nilang maging mabait sa isa’t isa, ikinagulat niyang nagustuhan niya ang natatagong personalidad nito. In love na yata siya rito.
Pero ikakasal na ito…

8. PHR 4415 You And I Collide by Kaye Ysabelle


Mainit ang ulo ni Nadalie sa mayabang na doktor na si Kennett June Villareal. And the feeling was mutual. Ayaw rin nito sa kanya dahil hindi raw normal ang pagiging maingay niya. Well, hindi rin normal ang sama ng ugali nito kaya quits lang sila. Hanggang sa magkasakit ito at siya pa ang minalas na naging nurse nito. She saw the other side of him. Pati ang kagandahang-lalaki nito ay kitang-kita rin niya. She suddenly liked his smell, even his constantly changing mood. Isang umaga paggising niya, wala siyang ibang gustong gawin kundi alagaan ito habang-buhay. Pero paano mangyayari iyon kung tila wala naman itong balak na magpaalaga sa kahit na sino, lalong-lalo na sa kanya?

9. PHR 4416 Claude’s Dream Girl by Aloha Jade


Unang kita pa lang ni Charmaine sa guwapong boss niya ay nagka-crush agad siya rito. Pero hindi siya puwedeng magpadala sa damdamin niya rito. Claude Mendez was a legendary womanizer. Ayon sa mga tsismis na kumakalat sa opisina nila, kaya walang tumatagal na sekretarya rito ay dahil pinapaibig ni Claude ang mga iyon at kapag nakuha na ang gusto ay iniiwan sa ere.
Alam ni Charmaine na wala siyang dapat alalahanin. Hindi siya ang tipo nitong babae kaya hindi siya papansinin nito. Ngunit sa kung anong kadahilanan ay nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Kahit anong pilit niyang sikilin ang damdamin niya ay napasuko siya rito. Ngunit isang araw ay may natuklasan siya—isang masakit na katotohanan para isipin niyang magiging katulad din siya ng mga nagdaang sekretarya nito.

10. PHR 4417 Heart Lullabies: Love More Than A Love Song by Brandy Gallardo


Nagrebelde si Courtney dahil hindi siya nabibigyan ng oras ng kanyang mga magulang. Ngunit nagbago ang lahat nang magkrus ang mga landas nila ni Alex, ang lead singer ng bandang Exploded Hype. Every time she got into trouble, palagi itong naroon upang tulungan siya. Tuloy ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili na mahalin ang guwapong binata.
Pakiramdam niya ay may pagtingin din ito sa kanya although hindi ito nagtatapat sa kanya. Ngunit pakialam ba niya? Basta ang alam niya ay may something special sa kanila.
But her father showed disapproval of Alex. Mahal na niya ito at hindi niya ito basta-basta igi-give up. Pero napansin niyang mukhang siya lang ang mag-isang lumalaban para sa kanilang dalawa. Because in the end, he gave up on her.

11. Territorio De Los Hombres Series 55: Juan Gorospe by Vanessa


Bridgette was a rebel. Mabababa ang marka niya sa eskuwelahan kaya ikinuha siya ng tutor ng kanyang mga magulang, si Juan na ilang taon lang ang tanda sa kanya ngunit isang henyo. Mabilis na naging kaibigan niya ito sapagkat napaka-gentle at napakabait nito. He became her best friend, and she his.
Through the years their friendship grew deeper. Naging business partners sila, saksi ang isa’t isa sa mga kaganapan sa buhay nila. Juan got engaged, and she found a boyfriend her family loved. Akala niya ay walang magiging problema sa pagitan nila, akala niya ay magiging mag-best friend sila buong buhay nila, ngunit bigla ay nagkaroon ng tensiyon sa pagitan nila. Soon, they were French kissing each other. And then she realized she was in love with him. But was he in love with her, too? Ano ang gagawin niya?

12. Territorio De Los Hombres Series 56: Woogey Waguinto by Vanessa


Nakilala si Kata Bermudez bilang ultimate homemaker. Trabaho niyang humanap ng paraan upang mapagaan ang buhay ng lahat ng nanay at babae na nanonood ng kanyang TV show at nagbabasa ng kanyang magazine. To the public, she was pure, simple, and talented… Until her fiancé married not another woman but a man.
Naging laughingstock siya. She went on a vacation in Las Vegas and there, drunk and playing craps, she was literally swept off her feet by Woogey, the playboy bachelor, who saved her from yet another shameful gossip. Ngunit mas malaking gulo pala ang mangyayari sapagkat lumabas na flavor of the month siya ng guwapong binata. She had to save her career and her business. Nakiusap siya kay Woogey na kung maaari ay magpanggap silang magnobyo sa harap ng mga tao. Ang tugon nito: “I don’t do pretend relationships. I only do real ones. If you want to be my girlfriend then you’d be it. No pretensions.”
Why in the world would he want to be her boyfriend?

Back to top Go down
 
August 22, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Thursday August 2, 2012 George Clooney Aficionados News
» Thursday August 9. 2012 George Clooney Aficionados News
» Saturday August 4, 2012
» Saturday August 11, 2012 George Clooney Aficionados News
» Friday August 17 2012, George Clooney Aficionados News

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: