HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 15, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 15, 2012 Book Release   Tue Aug 14, 2012 6:10 pm

1. World's Bestsellers: Vampire Diaries: The Awakening by L.J. Smith (translated by Vanessa)


Elena: maganda at tanyag, ang babaeng kayang mapasakamay ang sinumang lalaking kanyang mapupusuan.

Stefan: malulungkutin at misteryoso, pinipilit gawin ang lahat para labanan ang paghahangad kay Elena… para na rin sa kabutihan nito.

Damon: kaakit-akit, mapanganib, at naudyukan ng masidhing pagnanasa para mapaghigantihan si Stefan, ang kapatid na nagkanulo sa kanya.
Natagpuan na lang ni Elena na naaakit sa magkapatid…

Sino ang pipiliin niya?

2. World's Bestsellers: Vampire Diaries: The Struggle by L.J. Smith (translated by Vanessa)


Damon: masidhi ang pagnanais na maging kanya si Elena; papatayin ang sariling kapatid para maangkin ang babae.

Stefan: gagawin ang lahat para mapasakamay ang kapangyarihang sisira kay Damon at maipagtanggol si Elena, susuko sa kanyang pagkauhaw sa dugo ng tao.

Elena: ang babaeng nakukuha ang sinumang magustuhan, matatagpuan ang sarili sa pagitan ng isang love triangle…

Na maaaring pagbuwisan ng buhay.

3. Bud Brothers Unlimited Series 22: The Bloomer Bandits (Luisito) by Rose Tan


Durog na durog ang puso ni Mandy nang magtungo siya sa London. Ang rason, pinagtaksilan siya ni Luis, ang kanyang pinakaiibig na boyfriend. Ipinagpalit siya nito sa babaeng mas maganda sa kanya—nang sampung beses.
Ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas, parang gustong makipagbalikan ng taksil. Hindi pa ito patay pero panay ang paramdam. Maya’t mayang ipinapaalala sa kanya ang kanilang maalab na nakaraan.
Ano ito, sinusuwerte? Pagkatapos siyang pagtaksilan, ibaon na lang daw niya sa limot ang kahapon.
Ah, babalik na lang siya sa London kaysa amining tanga ang puso niya na payag sa mungkahi ni Luis.

4. PHR 4400 Ikaw Pa Rin Sa Puso Ko by Maricar Dizon


Mia was nineteen when she met Bien, a struggling newbie actor in show business. Kahit wala siyang balak ma-involve sa isang artistang gaya nito, hindi niya napigilan ang puso niyang maantig nang magtapat ito sa kanya at sabihan siya ng makabagbag-damdaming “I will wi
n your heart.”
Ang totoo, hindi na nito kailangang gawin iyon dahil unang pagtatama pa lamang ng kanilang mga mata ay nakuha na nito ang puso niya. Pero iniwasan pa rin niya ito sa takot na masaktan lang siya. Besides, she could feel he will soon become the brightest star in show business. Baka makasagabal lang siya sa karera nito.
Ngunit sa huli ay pinagbigyan niya ang puso niyang makasama ito. Naging masaya siya sa piling nito sa kabila ng maraming pagsubok na tila ayaw silang lubayan. She thought it was just a phase, that they would soon reach their happy ever after. Pero mali siya ng akala. Because she found out he had betrayed her…

5. PHR 4441 The Secret She Can’t Hide by Indira Grey (translated by Janis Delos Reyes)


Tatlong taon na ang nakararaan nang makasiping ni Kate Enriquez ang racing driver na si Cristiano Maresca. Palagi namang may nakakasiping ang lalaki sa gabi bago ang laban nito. At labis na kaligayahan ang idinulot ni Cristiano sa kanya nang gabing siya ang angkinin nito. Ngunit kinaumagahan ay naaksidente ito at pagkalipas naman ng ilang linggo ay nalaman niyang buntis siya…

6. PHR 4442 The Real Rio Aguila by Sandra Marton (translated by Armine Rhea Mendoza)


Aplikante bilang landscaper si Isabella sa bahay ng negosyanteng si Rio Aguila. Dahil sa isang aksidente sa daan ay tatlong oras siyang nahuli sa kanyang interview. Wala na si Mr. Aguila, sa halip ay ang guwapong katiwala nito ang nag-entertain sa kanya.
He was sweet and unsophisticated—exactly not Rio Aguila’s type. Pero unang kita pa lang sa kanya ng katiwalang si Matteo ay inakit na siya nito. Ang problema, si Rio at si Matteo ay iisa… isang bagay na huling-huli na niya nalaman.

7. PHR 4443 Lovefinder Postscripts: Heart’s Wish (Verge And Sarah) by Victoria Amor


Mula pa noong bata si Sarah ay lagi na siyang api dahil BF—black and fat—siya. Dalawang lalaki lang ang totoong nagpapahalaga sa kanya: ang tiyuhin niyang tumayong ama niya at si Verge, ang mabait na bagong kapitbahay nila.
Nang biglaang mamatay ang tiyuhin niya ay pilit siyang ipinapakasal ng biyuda nito sa isang lalaking hindi niya gugustuhing maging asawa kahit sa panaginip niya. Ang pagpapakasal niya sa lalaki ang bayad daw niya sa ipinantustos ng tiyuhin niya sa kanya. Nalaman niyang hindi pala siya tunay na kadugo ng mga ito.
Sa kawalan ng mapupuntahan, si Verge ang nilapitan niya para pakasalan siya, nang sa gayon ay matakasan niya ang nakaambang bangungot sa kanya.
“Kailan mo gusto?” kaswal na balik-tanong nito sa kanya pagka- tapos ng proposal niya.
“Payag ka sa kasal? S-sigurado ka?”
“May naaalala ka bang pagkakataon na hindi ko pinagbigyan ang hiling mo?”
Hindi siya nakapagsalita. Bigla siyang natakot. May palagay siyang sa mga susunod na araw ay hindi lang ang pangalan niya ang babaguhin nito kundi pati ang pintig ng puso niyang insecure.

8. PHR 4444 My Sweet Little Princess by Zeria Villacarte



Jhena felt like she was the luckiest girl alive. Nasa kanya na ang dream job niya, may supportive family siya, at higit sa lahat ay may kaibigan siyang laging handang magpaalipin sa kanya—si Macky. Ang wala na lang sa kanya ay love life.
Bilang isa sa mga best-selling romance writers ng JMD Publishing, nasubok ang galing niya nang hilingin ni Macky na love life naman nito ang isulat niya. Hindi sana problema iyon para sa kanya dahil kaya niyang gawin iyon. Sanay na siya sa mga babae nito. Ngunit iba ngayon dahil mukhang seryoso na ito sa babaeng sinasabi nito na espesyal sa puso nito. Tuloy, na-pressure siyang maghanap din ng sarili niyang love life.
Nang malapit na niyang matapos ang kuwento, saka naman niya na-realize na sana ay siya na lang ang leading lady ng hero ng kuwentong isinusulat niya.

9. PHR 4445 Waiting For You by Jaira Amir


Ang buong akala ni Rouge ay hindi na magbabago ang takbo ng buhay niya. Pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya sa sunod-sunod na problemang kinaharap niya. She started losing hope. But one stranger came into her life—si Ivan. Wala sa hinagap niya na ito ang magi
ging dahilan niya upang kayanin niya ang lahat. But the truth hit the reality that she couldn’t be with him forever. Someone already owned him. Ang tanging magagawa niya ay ang maghintay na balang-araw ay magiging kanya rin ito.
Kung darating ang araw na iyon, masasabi na ba niyang iyon na ang pagkakataon niyang mahalin din siya nito? Was she waiting for something or nothing?

10. PHR 4446 Love In Motion by Serafina



Nang hingin ang tulong ni Yumi ng kaibigan niyang si Nef para mapabalik sa piling nito ang nangaliwang girlfriend nito, hindi lang siya basta pumayag, nag-propose pa siya ng mas maganda at mas epektibong plano.
Wala sanang kaso sa kanya na tuluyang magtagumpay ang plano kung hindi lang niya natikman ang halik nito isang araw na umuwi siya nang lasing. May hatid yatang gayuma ang pesteng halik dahil hindi na niya nakalimutan iyon. Ang masaklap pa, ang platonic relationship nila, gusto na niyang i-level up at gawing romantic.
Pero paano mangyayari iyon kung mukhang desidido si Nef na makipagbalikan sa ex-girlfriend nito?

11. PHR 4447 Craving The Forbidden by India Grey (translated by Armine Rhea Mendoza)


Isang pabor ang hiniling kay Sophie ng best friend niya na isang bakla: ang magpanggap na nobya nito para sa kaarawan ng papa nito. Isa sa mga rason niyon ay si Major Kit Florendo, ang kuya nito na suplado at mapanghusga. Sino ang mag-aakala na makakasakay niya ang binat
a sa tren patungo sa probinsiya ng mga ito? Buking na buking agad nito ang mga kagagahan niya!
Ngunit habang nagtatagal siya sa Villa Florendo, natagpuan niya ang sarili na unti-unting nahuhulog ang loob sa kapatid ng “boyfriend” niya. Nagpaakit siya rito at nalaman niyang patibong lang nito iyon upang masiguro kung anong klaseng babae siya. Ngunit para siyang tanga na nagpatangay na naman sa kanyang damdamin…

12. Territorio De Los Hombres Series 53: Cesar Trillo by Vanessa


Inirereto si Sari ng kanyang ina kay Cesar Trillo, CEO ng isang malaking kompanya, abogado, bilyonaryo, at ubod ng guwapo—samantalang siya ay ordinaryong tao lang na may mababaw na kaligayahan. Gayunman ay inalok siya ni Cesar ng trabah
o sa TV station na pag-aari ng pamilya nito. Sinunggaban niya ang pagkakataon sapagkat pangarap niyang maging isang batikang reporter.
Agad siyang na-promote at inakala niya sa ilang sandali na bumilib ito sa husay niya. Hindi pala. Mayroon palang kapalit ang lahat ng iyon—ang makipag-date siya sa kapatid nitong bading. Nakipagkutsaba siya sa kapatid nito at nagpanggap siyang hindi niya alam na bading ang lalaki dahil sa kanyang labis na inis kay Cesar at sa pag-aray ng kanyang pride. Ang kaso, bakit kahit iniisip nitong may involvement siya romantically sa kapatid nito ay nagtatangka itong hagkan siya?

13. Territorio De Los Hombres Series 54: Ross Reyes by Vanessa


Bilang isang kababata, kaibigan, at die-hard fan ni Anton Avendaño ay talagang inis si Sabel sa mahigpit na kakompetensiya nito—si Ross Reyes. Sa kanyang opinyon, hambog si Ross, babaero, masama ang ugali, at mang-aagaw ng oportunida
d ng iba.
Nang malaman niya mula kay Anton na nawawala ang nobya nito at may hinala itong kasama ni Ross ang babae ay nagboluntaryo siyang alamin kung may katotohanan iyon. Ngunit isang hindi inaasahang kaganapan ang naging daan kaya imbes na malaman niya ang katotohanan ay naging alalay siya ni Ross!
Ang hindi lang niya maipaliwanag ay kung paanong ang puso niyang matagal na niyang inilaan kay Anton ay biglang nag-iba ng tono. Ilang oras pa lang kasi niyang kasama si Ross ay ibig na niyang bumalimbing.

Back to top Go down
 
August 15, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Thursday August 2, 2012 George Clooney Aficionados News
» Thursday August 9. 2012 George Clooney Aficionados News
» Saturday August 4, 2012
» Saturday August 11, 2012 George Clooney Aficionados News
» Friday August 17 2012, George Clooney Aficionados News

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: