HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 8, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 8, 2012 Book Release   Tue Aug 14, 2012 5:32 pm

1. Bud Brothers Unlimited Series 21: The Bloomer Bandits (Rehan) by Rose Tan


Wala na sigurong mas ideal pa kaysa sa boyfriend ni Pansy kaya ganoon na lang ang pagtutol ng mga magulang niya nang sabihin niyang hindi na niya mahal ang lalaki at gusto na niyang makipagkalas dito. Wala na raw hihigit pa sa boyfriend niya at kung ipipilit niya na mayroon, iharap niya sa mga ito.
Di iharap.
Umarkila siya ng isa pang maginoo para magpanggap na bagong boyfriend niya. Ang kaso, at the last minute ay proxy ang sumulpot para sa grand presentation: si Rehan. Anak ito ng landlady niya. Crush daw siya nito kaya ito na lang ang papapel na ideal boyfriend niya. Wala na siyang choice. Duda man siya sa katauhan nito, iniharap niya ito sa mga magulang niya bilang bagong “love interest.”
Pero ang tinamaan ng magaling, pagkatapos harapin nang isang beses ang mga magulang niya, umurong na. Wala na raw itong balak panindigan ang papel ng ulirang boyfriend dahil bukod sa weird daw ang pamilya niya, lasang-baha pa ang nilaga ng mama niya.
Hayun, siya pa ngayon ang nagmamakaawa sa bubuli!

2. PHR 4390 A Taste Of My Love by Laurice del Rio


Isang up and coming chef sa New York si Chino, ang nobyo ng best friend ni Aubrey. Nang maimbitahan ito na lumahok sa isang prestihiyosong cooking competition, naisip nito na lagyan ng regional twist ang mga putaheng lulutuin nito sa kompetisyon. But the competition was a tough one. He needed all the edge he could get. Para magawa iyon ay umuwi ito sa Pilipinas para magpaturo sa kanya ng mga regional cuisine. Tumuloy ito sa bahay nila sa Bicol.
Hindi maganda ang unang impresyon niya rito. Bukod sa maangas ito, kung makapagsalita ito ay parang ayaw na nitong maging Filipino. Pero habang tinuturuan niya ito ng mga putaheng hango sa rehiyon nila ay nag-iiba hindi lang ang impresyon niya rito, kundi pati ang damdamin niya. She was slowly falling for the guy. At nang matikman niya ang halik nito na mas masarap pa yata sa luto nito ay tuluyan na niyang hindi napigilan ang silakbo ng kanyang damdamin.

3. PHR 4391 A Wrestled Romance With Ricarte by Serafina


Ang gusto lang ni Ruby ay mabuhay siya nang malaya at mahanap ang taong mamahalin niya. Pero natatakot siya sa kanyang nakaraan. Kaya nang dumating si Ricarte sa buhay niya ay pinigilan niya ang sarili na mahalin ito kahit alam niyang tuluyan nang nahulog ang loob niya rito. Paano kung malaman nito ang problemang matagal na niyang tinatakbuhan? Magugustuhan pa rin kaya siya nito?

4. PHR 4392 The Deal With Devin by Aria


Rieva knew better how to associate herself with a guy like Devin Santiago. Matagal na niyang kilala ito. The guy was a walking heartbreaker. Kaya nang alukin siya nitong maging “pretend girlfriend” para makuha ang bagong pinopormahan nito na fiancée pala ng dating crush niya, hindi niya alam kung bakit napapayag siya nito sa gusto nitong mangyari. But then, it was only a one-shot deal—Devin would get the girl and she would get her crush.
Pero sa pagdaan ng panahon ay natuklasan niyang mali ang unang naging impresyon niya rito. It seemed that even the notorious playboy had a heart after all. Kusa siyang umasa, kusa siyang nahulog dito. Hanggang sa masaksihan niya ang bagay na naging dahilan upang mawasak ang puso niya nang dahil dito.

5. PHR 4393 Unmistakably In Love by Haze Prado


Naiirita na si Shea sa pangungulit ng best friend niyang si Loraine sa love life niya. Panay ang pagse-set up nito sa kanya sa mga date. Ayaw nitong tumigil kahit wala naman siyang matipuhan sa mga iyon. Hanggang sa makilala niya si Earl, na ayon sa kaibigan niya ay huli nang ipapa-date nito sa kanya. Kapag pumalpak pa iyon ay titigilan na siya nito.
Nalaman niyang may gusto si Earl kay Loraine at balak nitong ligawan ngunit hindi naman ito pinapansin ng kaibigan niya. Bumuo sila ni Earl ng plano. Tutulungan niya ito upang mapansin ni Loraine bilang possible boyfriend.
Pero nang makita niyang tila nagkakaigihan na ang dalawa, parang gustong magprotesta ng puso niya.

6. PHR 4394 More Than Anything Else by Jelaine Albert


Nagbalik sa Pilipinas si Angelique upang pagbayarin ang mga taong naging bahagi ng masalimuot na nakaraan niya. Ang plano niya ay durugin at sirain ang buhay ng mga ito. Aalisan din niya ng pag-asa at pagmamahal ang mga ito gaya ng ginawa ng mga ito sa kanya.
Ngunit nagulo ang maganda na sanang plano niya nang makilala niya si Ylac Villamayor, isang guwapong hacendero na pilit na nakikialam at nanghihimasok sa buhay niya. Unti-unti ay lumambot ang puso niyang pinatigas ng panahon. Natagpuan na lamang niya ang sariling umiibig dito.
But was love enough for her to believe in forgiveness and second chances?

7. PHR 4395 My Pretend Husband by Claudia Santiago


Dahil sa matinding pagmamahal ni Eliza sa kababatang si Gabriel, nasira niya ang relasyon nito at ng kapatid niyang si Katrina. Umalis siyang baon ang matinding galit ng kapatid niya sa kanya.
Pagkalipas ng ilang taon, nagbalik siya sa lugar na kinalakhan niya. Ngunit dahil kailangan niyang ma-assure si Katrina na hindi na siya magiging hadlang sa relasyon nito at ni Gabriel, hiningi niya ang tulong ng boss niya na si Jaime na magpanggap na fiancé niya. Hindi lang ito basta pumayag sa gusto niya, ni-level up pa nito ang role na gagampanan nito. He was now his pretend husband. And what a pretend husband he was! Feel na feel nito ang role nito. Epitome ito ng isang ulirang asawa at manugang para sa papa niya kaya sinong babae ang hindi mahuhulog ang loob dito?
Nakakasilip na siya ng pag-asa na kahit papaano ay may nararamdaman na ito para sa kanya. Ngunit biglang sinabi nito na ginagawa lang nito ang lahat ng iyon dahil sa malaking pabor na ginawa niya rito noon. Grateful lang pala ito at hindi in love! Paano na ang puso niyang umaasa na ang fiction ay magiging reality?

8. PHR 4396 Surrendered! One True Love by Gabriev Fuentes


Bata pa lang si Reci ay alam na niyang si Dylan ang gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda niya. Kaya kahit naiinis ito sa pangungulit niya ay hindi siya sumusuko. Gusto niyang makita nito na siya lang ang babae para dito. Matutuwa na sana siya nang unti-unting magpakita ito ng concern sa kanya. Pero bago pa man may umusbong na relasyon sa pagitan nila ay tinangay na ito ng isang trahedya.
Nawala ang ngiti nito, naging blangko ang mga mata nito. At ang simpleng iritasyon lang na dating ipinapakita nito tuwing kinukulit niya ito ay tila naging galit.
Gusto sana niyang tanungin ito kung ano ang nagawa niya para maging ganoon ito sa kanya pero nawalan na siya ng pagkakataon nang sumama ito sa daddy nito paalis ng kanilang lugar. Nang muling magkrus ang mga landas nila, naroon pa rin ang galit sa mga mata nito.
Mapaamo pa kaya niya ang tila naging bato nang puso nito?

9. PHR 4397 Unexpected Yet Meant To Be by Jennieca Guererro


Si Ian ang ideal man ni Danica, ang kanyang best friend. Kaya tahimik lang siyang humahanga rito for their friendship’s sake. Then, Jake entered the picture—ang kaibigan ni Ian na player pagdating sa mga babae.
Sino ba ang mas safe mahalin? Si Ian na matagal nang tinitingnan ng kanyang mga mata o si Jake na tila tinititigan ng kanyang puso kahit pa may tendency itong iwan lang siya with a shattered heart, sa bandang huli?
Safe ang puso niya kay Ian but Jake could give her happiness. Kaya may war na nabuo sa puso at pagkatao niya. Pero kapag nag-ceasefire na, sino nga ba ang dapat manalo kina Ian at Jake?

10. PHR 4398 From Storm With Chocolate Kisses by Luna King


Rain and Storm were the best of friends. For more than twenty years, they maintained their strong friendship. Kaya ganoon na lang ang pangangalaga ni Rain sa unbreakable bond nila ng binata. She thought they could stay together forever. Until he decided to stop playing the “best friend role.”
Hindi na raw nito kayang magpanggap na tanggap na nito na kaibigan lang ang tingin niya rito. “I can’t do that when every second of my life, I want to kiss you.”
Nagimbal ang isip at puso niya sa pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya. She rejected him, of course. She had a perfect boyfriend.
Pero bakit hindi matahimik ang kalooban niya at hindi na niya magawang tumingin dito nang walang malisya? Especially now that she could see him as a man whom she could love in a romantic way. Kung hindi lang niya kailangang ipaalala sa sarili na may boyfriend na siya…

11. PHR 4399 Once Touched, Never Forgotten by Natasha Tate (translated by Armine Rhea Mendoza)


Tinalikuran ni Colette ang ama ng ipinagbubuntis niya upang protektahan ang kanyang magiging anak mula sa rejection ng sarili nitong ama, sampu ng matapobreng pamilya ng lalaki. Five years later, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Nang madiskubre ni Stephen ang tungkol sa anak nila, wala siyang nagawa kundi magpatianod sa nais nito—ang magpakasal sila alang-alang sa bata.
Pero kakayanin ba niyang manatiling nakatali rito gayong alam niya na pabigat lang siya rito at kailanman ay hindi nito magagawang mahalin?

12. World's Bestsellers: My Sister The Vampire 3 (Re-vamped) by Sienna Mercer (translated by Heart Yngrid)


Ngayong nasabi na nina Olivia at Ivy sa mga kaibigan nila na magkakambal sila, kailangan na rin nilang ipaalam iyon sa kanya-kanyang adoptive parents. Ang problema, ni ayaw ma-meet ng dad ni Ivy si Olivia!
Nang malaman ng vampire officials na alam ni Olivia ang katotohanan tungkol sa mga bampira, nag-demand ang mga ito na sumailalim siya sa tatlong tests upang malaman kung worthy siya na bahaginan ng sekreto ng mga ito. Pero isang bagay ang sigurado—kapag nalagpasan nilang magkapatid ang pagsubok na iyon, makakaya nilang harapin ang kahit ano!
Back to top Go down
 
August 8, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Thursday August 2, 2012 George Clooney Aficionados News
» Thursday August 9. 2012 George Clooney Aficionados News
» Saturday August 4, 2012
» Saturday August 11, 2012 George Clooney Aficionados News
» Friday August 17 2012, George Clooney Aficionados News

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: