HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 1, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 1, 2012 Book Release   Mon Aug 06, 2012 10:10 am

1. PHR 4380 From Russia With Love by Venus Franz


Hindi makalimutan ni Sassiah ang isang gabi sa Monte Carlo, Monaco kung saan nakilala niya ang isang guwapong Greek oenologist. They shared a night of unbridled passion. Ngunit agad din silang nagkahiwalay nang matapos ang pagbabakasyon niya at kailangan na niyang bumalik sa Pilipinas.
Pagkalipas ng isang taon, muling nabuhay ang sizzling chemistry sa pagitan nila na naudlot noon nang muling magkrus ang kanilang mga landas. Pero totoo pala ang kasabihan na mapaglaro ang tadhana dahil nalaman niyang engaged na pala ito sa pinsan niya!
But he implored that they stop ignoring each other and explore whatever feelings they had for each other.
It was an offer she could not refuse. Pero hanggang kailan nila itatago sa mundo ang kanilang pagmamahalan?

2. PHR 4381 Hot Intruder: Artemis, The Smooth Operator by Laurice del Rio


Walang balak gumaya si Reen sa mommy at ate niya na malayo sana ang mararating sa buhay kung hindi inuna ang tawag ng puso. As such, falling in love is the least of her priorities. At kung mai-in love man siya, tiyak na hindi sa isang magnanakaw na nasumpungan niya sa hotel na pinapasukan niya.
He turned out to be the security expert the manager hired to help them. Ilang linggo na kasing nabibiktima ng pagnanakaw ang mga guest nila at bago pa masira ang reputasyon ng hotel ay kailangan nilang mahuli ang salarin.
Buo ang kumpiyansa ng manager kay Artemis pero si Reen, hindi pa rin mapanatag. Ang lalaki naman ay parang naging misyon na sa buhay ang bolahin siya. Ang nakakainis pa, parang nasisiyahan pa ang puso niya sa pambobola nito. Dumating pa sa punto na gusto na yata niyang maniwala sa pinagsasasabi nito.

Talagang napakalakas na puwersa ang pag-ibig—dahil kahit pa nasa huli ito ng listahan ng mga priyoridad niya ay hindi niya napigilang maramdaman iyon.
But then an event came that made her feel like the world’s biggest fool.

3. PHR 4382 Chocolate Box And Forever by Anna Caroline Via


Noong mga teenager pa sila, nangako sina Maxine at Isaac sa isa’t isa na pupunuin nila ng magagandang bagay ang mga empty chocolate box nila. And they did. Pero isang araw, itinigil ni Isaac ang tradisyon na iyon kasabay ng pagsasabi nito ng: “hindi tayo para sa isa’t isa. I can’t marry you. And... I don’t love you.”
Heartbroken, pinili niyang magpakalayo-layo.
After seven years, she came back. Hindi nagawang baguhin ng nagdaang pitong taon ang pagmamahal niya para kay Isaac. Pero tila yata iba ang kaso rito. He was now being sweet and thoughtful to her. Tila bumabawi rin ito sa mga taong nawala sa kanila.
Gusto niyang umasa na sa wakas ay may katugon na ang nararamdaman niya para dito pero masyado yatang na-traumatize ang puso niya at natakot nang muling umasa at magtiwala. Isa pa, paano kapag nalaman nito ang pinakatatago niyang lihim na may kinalaman sa kanilang nakaraan? Hindi yata niya kakayanin ang ikalawang pagkabigo…

4. PHR 4383 Love, Headbutts, And Everything Nice by Luna King



Bumalik si Prima Weignmann sa Pilipinas para maranasan ang naging buhay ng kanyang namayapang ina sa nasabing bansa. Pero sa pagpunta niya sa bansa ay nakilala niya si Keij Vianco, ang magaling na lalaking walang sorry-sorry na inabutan lang siya ng pera pagkatapos siyang mabunggo ng kotse nito. Sa kanyang pagkagulat, ito rin ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ayon sa kasunduan ng kani-kanilang mga magulang.
Sa umpisa pa lang ay nilinaw na nito sa kanyang hindi nito seseryosuhin ang engagement nila. He said he was looking for a girl whom he promised to marry twelve years ago—the faceless girl he had been looking for half of his life. In short, hindi siya ang babaeng gusto nitong mahalin. Still, she agreed to be engaged with him with no strings attached.
Pero lumihis yata ang tibok ng puso nito dahil bigla-bigla ay umaakto na itong tila in love sa kanya.
Pero umentra si Audrey, ang “promised girl” nito na matagal na nitong hinahanap. Isusuko ba niya ang pag-ibig niya rito ngayong nasa kanya na ang alas?

5. PHR 4384 Oplan: Playing Cupid (It Started With A Free Cup Of Coffee) by Andie Hizon



Nang dahil sa isang libreng kape mula sa isang guwapong estranghero na si Anderson Duavit, nagkaroon ng sigla ang love life ni Lizette. Hindi rin niya alam kung anong klaseng gayuma ang mayroon ito at nahulog agad siya rito. Mabuting tao, disente, at matalino ito. Pero kahit pa, hindi naman siya ganoon kabilis ma-in love. But with him, nagbago siya.
Salamat kay Anderson, hindi lang nito nagawang ipalimot sa kanya ang ex-boyfriend niya, nakayanan din niyang harapin nang buong tapang ang ex-boyfriend niya kasama ang fiancée nito. Magkakaroon na sana sila ni Anderson ng chance na magkakilala nang husto, kung hindi lang biglang bumalik ang ex-girlfriend nito.
Wala na talaga siyang pag-asa na maging sila—dahil isang text message ang natanggap niya mula rito. His text message said he was still in love with his ex-girlfriend…

6. PHR 4385 Oplan: Playing Cupid (An Invitation To Love) by Andie Hizon



Lihim na may pagtingin si Zam kay Ansell, ang boyfriend ng nakatatandang pinsan niya. She tried to avoid him. Ayaw kasi niyang palalain ang nararamdaman niya rito. Ayaw niyang makigulo sa mga ito.
Ngunit ayaw naman ng pinsan niya na nagkakailangan silang tatlo kapag magkakasama sila. Pinagbigyan niya ang makulit niyang pinsan. Sa pangungulit nito, nakipaglapit siya kay Ansell. But that was one wrong move. Oo, napalapit siya kay Ansell pero sa sobrang lapit ay pinangarap niyang sana ay siya na lang ang nobya nito.
Nang dumating ang oras para mag-migrate siya sa New York, lalong naging malabo ang lahat para sa kanila. She tried to forget him and live her new life. Ngunit kahit ano ang gawin niya, kahit sino pa ang maging nobyo niya, tila may kulang pa rin sa buhay niya.
Pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya sa Pilipinas.
Sa wakas ba’y matatagpuan na niya ang hinahanap ng puso niya?

7. PHR 4386 Oplan: Playing Cupid (A Secretary For Anthony) by Andie Hizon


Matagal nang crush ni Gari si Anthony, isa sa mga anak ng may-ari ng Duavit Foundation kung saan siya lumaki at siyang nagpaaral sa kanya. Hindi na siya umaasang magugustuhan siya nito dahil napakalaki ng agwat ng pamumuhay nila. Ayaw niyang mangarap ng hindi niya kayang abutin kaya masaya na siyang makita ito araw-araw.
Laking tuwa niya nang isang araw ay nabigyan siya ng pagkakataong makasama ito dahil nakapasok siya bilang bagong sekretarya nito. Ngunit natuklasan niya na ubod ng sungit pala ito. Nasabi tuloy niya sa kanyang sarili na hindi na niya crush ito.
Ngunit sa kung anong dahilan, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Unti-unting lumambot ang puso nito at hindi na siya sinusungitan nito. Hindi lang iyon, tila magkakaroon pa ng katuparan ang dati ay pangarap lang niya.
Ngunit biglang bumagsak ang lahat ng kanyang pag-asa nang sa kung ano ring dahilan ay bigla itong nanlamig sa kanya.

8. PHR 4387 Oplan: Playing Cupid (We Found Love In Nasugbu) by Andie Hizon


Nakarating si Nikki sa isang beach house sa Nasugbu sa pamamagitan ng kaibigang si Andie. Wala siyang balak magbakasyon ngunit na-tempt siya sa mga pinagsasabi ni Andie. Bukod sa walang bayad ang pag-stay niya roon, kailangan talaga niya ng bagong kapaligiran—tatlong buwan na kasi siyang may writer’s block.
Ngunit hindi pala siya nag-iisa sa beach house. Habang nagbababad siya sa bathtub, isang lalaki ang biglang sumulpot. Pagkatapos niyang mag-eskandalo ay nalaman niyang kapatid iyon ni Andie, si Anieli Duavit. Alam naman niya ang agenda ni Andie kung bakit sila pinagsama sa lugar na iyon. Well, hindi uubra iyon sa kanya.
Hindi love life ang gusto niyang ayusin sa Nasugbu kundi ang nawawalang drive niya sa pagsusulat.
Pero tulak ng bibig, kabig ng dibdib nga naman talaga. She found herself falling for Anieli. Pero kagagaling lamang nito ng isang masakit na karanasan sa pag-ibig. Papayag ba siyang maging rebound lang nito?

9. PHR 4388 Oplan: Playing Cupid (I Love Him, I Love Him Not) by Andie Hizon



Galit si Jane kay Andreu, ang singer na kapatid ng bayaw niya. Pinagtawanan kasi siya nito nang malaman nitong ultimate crush niya ang sikat na singer na si Hance Bernabe. Ayon dito ay hindi raw totoong lalaki si Hance ngunit ipinagtanggol niya ito.
At kahit hindi sila in good terms ni Andreu ay nagpumilit siyang maging personal assistant nito dahil magkakaroon ito at si Hance ng back-to-back concert. Doon niya nalamang totoo ang sinasabi ni Andreu. Ang masakit, si Andreu ang type ni Hance kaya pala nakipaglapit ito sa kanya! At the end of the day, she said good-bye to her ultimate crush and threw all her attention to Andreu.
Magiging maayos na sana ang lahat, kung hindi lang bumalik ang nag-iisang babaeng minahal daw nito.

10. PHR 4389 Oplan: Playing Cupid (The Fall Of Cupid) by Andie Hizon


Matagal nang naiinis si Andie kay Marc. Sobrang loyal kasi nito sa daddy niya. Sa lahat ng lakad niya ay nakasunod ito at lahat na lamang ay isinusumbong nito sa kanyang daddy. Hanggang sa makapagtayo na siya ng sarili niyang negosyo, ang Cupid’s Haven, ay hindi pa rin siya pinaligtas nito.
Lagi pa rin itong nasa paligid na talaga namang ikinabubuwisit ng lahat ng ugat niya sa katawan. But one day, an accident changed their lives. Nabangga ang motorsiklo nito habang nakaangkas siya. Naging mabuti naman ang kalagayan niya dahil pinrotektahan siya nito. Iyon ang dahilan kaya napilayan ang kanang braso nito.
At dahil na rin sa guilt, she made it up to him. Napagpasyahan niyang alagaan ito hanggang sa gumaling ito. Tumira sila sa bahay nito sa Batangas. Doon din sa lugar na iyon umusbong ang pag-ibig sa pagitan nila.
Ngunit natuklasan niya ang isang sekreto ni Marc na ikinasira ng kanilang magandang pagtitinginan…

Back to top Go down
 
August 1, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Thursday August 2, 2012 George Clooney Aficionados News
» Thursday August 9. 2012 George Clooney Aficionados News
» Saturday August 4, 2012
» Saturday August 11, 2012 George Clooney Aficionados News
» Friday August 17 2012, George Clooney Aficionados News

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: