HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 25, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 25, 2012 Book Release   Mon Jul 30, 2012 6:33 am

1. PHR 4373 Why I Love You by Wendy Shaw


No boyfriend since birth—iyon si Jaja. Pero iyon ay hindi dahil sa walang nanliligaw sa kanya. Isa sa mga dahilan ay ang kasunduan nilang magkakaibigan na bawal silang magkaroon ng kasintahan—isang kasunduang labis na iginagalang niya.
Ngunit dumating si Bryce sa buhay niya. Hindi naging maganda ang unang pagkikita nila. Gayunman, nagkaroon sila ng pagkakataon ng guwapong binata na magkalapit at makilala ang isa’t isa. Ang nangyari, nahulog ang kanyang loob dito. Hindi niya napigilan ang kanyang puso na mahalin ito.
Isang araw, sinabi nito sa kanya na manliligaw ito sa kanya. Binigyan siya nito ng pagkakataong makapagdesisyon. Nagtalo ang kanyang puso at isip sa kung ano ang magiging sagot niya. Pinanindigan niya ang kasunduan nilang magkakaibigan sa halip na isaalang-alang ang isinisigaw ng kanyang puso. At umiiyak na sinabi niya iyon dito.
Laking gulat niya nang sabihin nitong “You thought seryoso ako? I was just playing.”
Para siyang sinampal sa magkabilang pisngi sa sinabi nito…

2. PHR 4374 Ikaw Lang by Yara King


Naririndi na si Twinkle sa mga parunggit ng nanay at mga kaibigan niya tungkol sa pagiging single niya. Ilang buwan na lang kasi ay thirty-two na siya. Lagpas na sa kalendaryo ang edad niya. Kaya kahit blind-date ay pinatulan na niya. Hanggang isang araw ay makilala niya si Rene sa MRT. Hindi sinasadyang makahalikan niya ito. At ang halik na iyon ang naging simula ng lahat.
Mula nang araw na iyon ay nagbago na ang lahat sa kanya. Lagi na niyang kasama ito hanggang sa namalayan na lang niya na unti-unti na ring nahuhulog ang loob niya rito. Akala niya ay hindi na mapuputol ang kaligayahan na iyon, hanggang sa may mangyari sa kanila.
Ngunit pagkatapos niyon ay hindi na uli nagpakita si Rene sa kanya…

3. PHR 4375 The Downfall Of A Prince by Jelaine Albert


Yanzei was everything every girl could ask for. He was rich and handsome and he was also the prince of Colegio de Sta. Theresa. Ngunit kahit anong pangungulit ang gawin niya kay Itcha ay hindi siya pinapansin nito. Bagkus ay katakot-takot na bugbog pa ang inabot niya rito.
Itcha was every inch a girl any man would dislike. Bukod sa pagiging mahirap, mainitin pa ang ulo niya at may-pagka-antisocial din siya. Ngunit nagulo ang tahimik na mundo niya nang makilala niya si Yanzei, ang lalaking kabaliktaran niya.
Despite these tons of differences, they still fell in love with each other. It was almost a perfect love story until reality struck them: hindi kailanman maaaring magsama ang isang pulubi at isang prinsipe.

4. PHR 4376 Paul’s Diary (An Imperfect Love Story) by Star Canete


“Tabi riyan, nurse ako. Marunong ako ng first aid. Ako na ang bahala sa kanya.” Hinawi ni Kat ang lalaking nakaluhod sa harap ng naaksidente.
“O, sige. Pero kung kailangan mo ng doktor, nandito lang ako sa likuran mo.”
Nabigla siya sa sinabi ng lalaki. Parang nanlambot siya sa kahihiyan. Nang suriin niya ng tingin ang naaksidente ay mukhang maayos na rin ang kalagayan nito. Tumayo siya at napabuntong-hininga, saka lakas-loob na hinarap niya ang doktor upang humingi ng paumanhin. Ngunit naumid ang dila niya pagkakita sa mukha nito.
Paul Manalaysay?
Paano ba niya makakalimutan ang kaakit-akit na mga mata nito? Ang mapupulang labi nito? Ang matangos na ilong nito? Susme, ubod pa rin ito ng guwapo katulad ng dati, kaya sinong babae ang makakalimot sa pagmumukha nito? He was her first crush, first love, first boyfriend, first heartache, first everything.
After eight years of not seeing this high and mighty genius guy, ano at kumakabog-kabog na naman uli ang pasaway na puso niya para sa taong-bato na ito?

5. PHR 4377 Mga Halik Mong Sinungaling by Mandie Lee


May nakaraang alitan—halos isang dekada na ang lumilipas—ang Math teacher na si Dionne at soccer coach na si Wade. Kaya hindi inakala ni Dionne na gustong makipag-join forces sa kanya ang suplado ngunit guwapong coach. Nanganganib kasing matanggal sa kulelat na soccer team ang tatlong players nito dahil nangangamote ang grades sa subject na itinuturo niya.
Hindi niya alam kung paano siya napapayag ni Wade na maging tutor ng tatlong alaga nito. At lalong hindi niya alam kung paano sila naging close—so close to let herself share hot, wet kisses with him. Passionate kisses that made her inevitably fall for him. Hanggang sa matuklasan niyang ginagamit lang pala siya nito in his desperate quest to keep the school’s soccer team…

6. PHR 4378 Still In Love by Ezra Lindsey


Lihim ang pagkakaroon ni Rosslyn ng crush kay James at ang tanging nakakaalam niyon ay ang kanyang mga matalik na kaibigan. Nahihiya kasi siyang malaman ni James na may crush siya rito, lalo na at hindi lingid sa kanyang kaalaman na marami ang nagkakagusto rito.
Pero dumating ang pagkakataong pinansin siya nito. Pinagtuunan siya nito ng oras na makasama. So her heart assumed na may gusto ito sa kanya. Hanggang ang simpleng paghangang mayroon siya para dito ay natuloy sa pag-ibig.
Pero nalaman niyang pinasasakay lang pala siya nito. Dahil sa una pa lang pala ay alam na nito na may gusto siya rito.

7. PHR 4379 My Pretty Little Liar by Allie Sia Alonzo


Para kay Patsy, si Blas ay pinagsama-samang Batman, Superman, Spider-man, at lahat ng superheroes sa sanlibutan. Ganoon katayog ang pagtingin niya sa binata. Subalit isang gabi, nagkaroon siya ng firsthand experience sa tunay na ugali nito. Diktador, arogante, at pagkasungit-sungit pala nito. Noon din ay naglaho ang pagsintang wagas na inilaan niya para dito.
Kaya?
Eh, bakit nang magkita uli sila, napakanta ang puso niya ng Abba song?
“Mamma Mia, here I go again…”

8. PHR Gpthic Romance: Red by Vanessa


Mula pagkabata ay isa lamang ang nais ni Miruna: iyon ay ang mapabilang sa mundong aksidenteng natuklasan niya—ang mundo ng mga bampira. One summer she met Red, a boy vampire. Nagsimula roon ang damdamin niya rito. Sigurado siya na isang araw ay ibibigay nito sa kanya ang dugo nito at gagawin siyang katulad nito. Pero hindi nangyari iyon. Instead, he gave his blood to some other woman and married her.
Pagkalipas ng ilang taon ay muli silang nagkita. She was already a vampire, no thanks to him. While he, a married vampire, flirted with her every chance he got. At ginagawa pa nito iyon habang nasa gitna sila ng giyera! Ano ba ang gagawin niya rito kung ang puso niya ay patuloy pa ring tumitibok para dito? At paano ang kanyang lihim na kapag natuklasan nito ay tiyak na ikagagalit nito nang husto sa kanya?
Back to top Go down
 
July 25, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Saturday July 28 2012
» The Elvis Duran Z100 Morning Show on July 19, 2012
» Sunday July 29 2012
» VH1 video interview clips of Chris talking about TLOS - July 16, 2012
» Thunder Run - filming in Baton Rouge May 1-July 15, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: