HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 18, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 18, 2012 Book Release   Mon Jul 30, 2012 6:17 am

1. PHR 4365 Midnight Encounter by Mandie Lee


Raven Marcellano was not really a man-hater. Iniiwasan lamang niya ang ma-in love simply because she didn’t want to commit herself to something that she believed would not last forever.
Hanggang sa may makilala siyang isang DJ, si Deagon Linares. Nakasuot lamang ito ng boxer short sa isang beach cottage nang makita niya ito roon. The man was devastatingly gorgeous. Ngunit sa pag-aakalang magnanakaw o rapist ito ay sinugod niya ito at nagpambuno sila. Nang kapwa sila mahimasmasan ay saka nila natuklasang iisang cottage lamang pala ang na-assign sa kanila ng resort.
At doon na nagsimula ang kanilang pagkakalapit habang nasa beach resort sila. Ngunit hindi niya inakalang magkakagusto sa kanya si Deagon. Kahit anong iwas na ang gawin niya rito ay pursigido itong bumagsak siya sa mga bisig nito. Until she gave in to his persistence. Binigyan niya ito ng ten weeks upang paibigin siya. Napakarami ng hiningi niyang kondisyon, maraming bawal gawin ang binata sa kanya upang hindi mahulog ang loob niya rito. Ngunit nakalimutan niyang isali sa listahan na bawal siyang halikan nito, at higit pa sa halik…

2. PHR 4366 Jackpot In Love by Akira Ellie


Dahil kinailangan ni Barbie na saklolohan si Hero nang unang beses niyang makita ito sa mall, nawala sa kanya ang lotto ticket niya—at nanalo pa naman ang mga numerong tinayaan niya.
Gusto niyang mabalik sa kanya ang ticket dahil iyon ang babago sa buhay nila ng kanyang ina. Kaya nang sabihin sa kanya ni Hero na nasa pangangalaga nito ang ticket niya, agad siyang sumang-ayon sa kondisyon nito para maibalik sa kanya ang ticket—kailangan niyang magpanggap na nobya nito. Pine-pressure kasi ito ng tatlong tiyahin nito na maghanap na ng mapapangasawa dahil kung hindi ay ibebenta ng mga iyon ang shares sa kompanya at mapupunta ang pamumuno niyon sa ibang tao—bagay na ayaw mangyari ni Hero.
Kailangan nila ang isa’t isa kaya nagtulungan sila. Pero nang makilala ni Barbie nang husto ang binata, tila nawaglit na sa isip niya ang pangarap na maalwan na buhay. Napalitan na iyon ng pangarap na makasama ang binata sa habang-buhay.
Ngunit may lihim na maaaring sumira sa pangarap niyang iyon…

3. PHR 4367 An Encounter To Love by Victoria Amor


Gabi ng Valentine’s Day nang maaksidente ang taxi na sinasakyan ni Laureen. Hindi naging malala ang pinsala niya sa katawan pero sa tingin niya ay naapektuhan ng trauma na iniwan ng aksidente ang isip niya—dahil nakikita niya ang kaluluwa ng driver ng taxi na kasalukuyang comatose sa ospital.
Isang mayamang prodigal son pala ang driver ng taxi at kahit kaluluwa na ito ay masama pa rin ang ugali. Ibina-blackmail siya nito! Hindi raw siya patatahimikin nito hangga’t hindi niya natutulungan ito. Sumusulpot ito sa bawat bahagi ng apartment niya at sinisilipan pa siya tuwing nagbibihis siya! Hindi niya kaya ang pagkasalbahe nito. May mga wish ito na gusto nitong tuparin bago raw nito tuluyang isuko ang sarili sa kamatayan at siya ang gagamitin nito para matupad ang mga wish na iyon.
Sa takot na maging bangungot niya ang pasaway na kaluluwa, pumayag siya sa gusto nito. Hindi niya akalain na habang tumatagal na nakakasama niya ito ay babaguhin nito hindi lang ang buhay niya, kundi maging ang pintig ng puso niya.
Nataranta siya. Hindi siya puwedeng ma-in love sa isang salbaheng kaluluwa!

4. PHR 4368 Silence Means “Yes,” Maybe Means “No” by Sheena Rose


Nakatakdang lumipad patungo sa Estados Unidos si Paulene. Nais ding mangibang-bansa ng male buddy niya pero tumututol ang mga magulang nito. Nagpatulong ito sa kanya na kumbinsihin ang parents nito na payagan itong manirahan sa US. Para magawa nila iyon ay nagpanggap silang magkarelasyon na ayaw magkahiwalay.
Nang humarap na sila sa pamilya nito ay naturete siya. Tinamaan kasi siya sa older brother nito na si Bray.
Mas natuliro pa ang damdamin niya nang magsimulang magparamdam sa kanya si Bray. Pero natuklasan niya na ginagawa lang pala nito iyon upang ma-in love siya rito at nang sa gayon ay ikansela niya ang pagpunta nila ng kapatid nito sa States. Thus, her first ever heartache…

5. PHR 4369 Hot Intruder: Pepito (The Tempting Latin Intruder) by Sheena Rose


Aila was working overtime when a man broke into her office. Upang maipagtanggol ang kanyang sarili ay hinampas niya ito ng laptop sa ulo na naging sanhi para mawalan ito ng malay. Nang mapagmasdan niya itong mabuti ay natulala siya. Animo leading man ito sa isang Mexican soap!
Nang balikan ito ng ulirat ay nalaman niyang ito ang bagong office assistant niya. Ngunit ano naman ang gagawin niya sa assistant na hindi marunong gumamit ng coffeemaker at hindi rin makapagsalita ng straight English at Tagalog?
Obviously ay incompetent ito sa posisyon nito. Yet every time she looked into his drop-dead gorgeous face and temptingly hot body, she couldn’t force herself to utter the words “You’re fired!” Tila gusto niyang gawin itong permanent fixture sa kanyang opisina… at sa kanyang buhay.

6. PHR 4370 When Love Is True (Trent And Valerie) by Aloha Jade


Unang kita pa lang ni Valerie kay Trent ay nakaramdam agad siya ng matinding paghanga rito. She was thirteen years old and he was twenty-one. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahalikan siya nito—isang simpleng halik na tumatak sa kanyang batang puso. Kahit umalis na ito ng bansa ay hindi siya nasiraan ng loob. She was a believer of true love. Patutunayan niyang ang tunay na pag-ibig ay kayang maghintay nang mahabang panahon. Hindi siya umibig sa ibang lalaki dahil ang puso niya ay nakalaan lamang dito.
Pagkalipas ng sampung taon ay nagbalik si Trent sa Pilipinas. Umaasa siyang madudugtungan ang magandang nakaraan nila. Pero kung seryoso ang pananaw niya sa pag-ibig, taliwas naman doon ang pananaw ni Trent. Dahil sa trauma sa nabigong pagsasama ng mga magulang, ayaw nitong seryosuhin ang pag-ibig. Commitment wasn’t his thing.
Kaya bang baguhin ng pag-ibig ni Valerie ang pananaw ni Trent sa isang relasyon?
Saan kaya hahantong ang pagmamahal niya rito na iningatan niya sa mahabang panahon? Masasayang lang kaya iyon dahil wala ito.

7. PHR 4371 The Forgetful Intruder by Belle Feliz


May hindi magandang karanasan sa pag-ibig si Margarette. Pakiramdam niya, siya na ang pinakapangit na babae sa buong mundo dahil mataba siya. May ilang tao pa na nagpababa nang husto ng self-confidence niya.
Upang makaganti at ipahiya ang mga taong iyon, sinabi niya na may asawa siyang mapagmahal. Pinalabas niya na may isang lalaking lubos na umiibig sa kanya sa kabila ng hitsura niya kahit wala naman talaga. Sa puntong iyon ng buhay niya biglang dumating ang isang lalaki.
Inakala niyang masamang tao ang nadatnan niyang lalaki sa ancestral house nila. Nahataw niya ito ng candleholder at gumulong ito sa grand staircase. Inakala niyang napatay niya ito. Ilang araw na walang malay ito. Nang magising ito, walang maalala ito na kahit ano sa nakaraan nito.
Sinamantala niya ang pagkakataon. Pinangalanan niya itong “Rosendo” at ito ang naging “asawa” niya…

8. PHR 4372 My Gir, Sunday by Ella Raye Venice


Mga bata pa lang sila ay kinaiinisan na ni Sunday si Luan dahil noon pa man ay paborito na siya nitong asar- asarin. He would always make a way to make her day miserable. Nagtataka rin siya kung paanong maraming nagkakagusto rito. Dahil sa lakas ng sex appeal nito, pati siya ay nadamay sa “panggagayuma” rito ng isa sa mga babaeng nahuhumaling dito. Pakiramdam niya ay end of the world na nang mangyari iyon sa kanila ni Luan.
Pero habang tinutuklas nila ang maaaring maging solusyon sa problema nila, isang bagay ang natuklasan ni Sunday sa sarili niya, something she least expected.
She fell madly in love with Luan…
Back to top Go down
 
July 18, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Saturday July 28 2012
» The Elvis Duran Z100 Morning Show on July 19, 2012
» Sunday July 29 2012
» VH1 video interview clips of Chris talking about TLOS - July 16, 2012
» Thunder Run - filming in Baton Rouge May 1-July 15, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: