HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 11, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 11, 2012 Book Release   Fri Jul 13, 2012 11:03 am

1. Precious World's Best Sellers: My Sister The Vampire 1: Switched by Sienna Mercer (translated by Heart Yngrid)


Nang lumipat si Olivia Abott sa Franklin Grove, excited siyang sumali sa cheerleading team at magkaroon ng mga bagong kaibigan. Then she met Ivy Vega. Noong una, ang maputla at nakasuot ng all black na si Ivy ay mukhang kabaligtaran ni Olivia. Pero nang isantabi nila ang glittery pink blush at thick black eyeliner, nadiskubre nilang identical sila—identical twins!
Punong-puno ng plano sina Olivia at Ivy na magpalitan ng katauhan at gawin ang lahat ng twin tricks na nasa libro. Ngunit agad ding nadiskubre ni Olivia na hindi talaga sila parehong-pareho ni Ivy. Bampira si Ivy. At hindi lang ito ang nag-iisang ganoon sa bayang iyon.

2. Precious World's Best Sellers: My Sister The Vampire 2: Fangtastic by Sienna Mercer (translated by Heart Yngrid)


Mula nang malaman ni Olivia na bampira ang long-lost twin sister niyang si Ivy ay naging sobrang interesado na siya sa lahat ng sasabihin nito tungkol sa vampire community ng Franklin Grove. Top secret ang lahat ng iyon at nangako siya na wala siyang pagsasabihan niyon na kahit sino. Pero isang pakialamerang tabloid reporter—si Serena Star—ang nanunubok sa Franklin Grove, lalo na sa kanilang eskuwelahan. Habang palapit nang palapit si Serena Star sa katotohanan, nakasalalay kina Olivia at Ivy ang tanging paraan para mailigaw ang reporter.

3. PHR 4361 Right Here Waiting by Kaye Ysabelle



Superhero ng buhay ni Maia si Mhyco. He was her comfort zone. Her best friend. Pero tila nasa mood na namang makipaglaro si Kupido at nakisakay naman ang puso niya. She found herself in love with her best friend. And now she was torn between love and friendship.
Wala sanang problema kung wala ang malaking katotohanang Mhyco was still in love with his ex.
Paano niya ipaglalaban ang nararamdaman niya kung sa umpisa pa lang ay talo na siya? “Friends forever” na lamang ba talaga sila?

4. PHR 4362 Coincidental Honey by Serafina



Unang kita pa lang ni Laila kay Shoji ay na-turn off agad siya rito hindi lang dahil sa out of this world fashion sense nito kundi sa kaarogantehan nito. Ang kapal pa ng mukha nito na sabihing attracted siya rito.
Ngunit nang magkrus uli ang mga landas nila, hindi niya inasahang mag-iiba ang ihip ng hangin. Sinserong humingi ito ng paumanhin sa mga nagawa nito sa kanya at kakatwang tinanggap agad niya iyon. Doon nagsimula ang closeness nila. Nag-iba ang tingin niya rito and she discovered they had so many things in common. Hanggang sa para na silang may mutual understanding.
Okay na sa kanya ang ganoong setup. Pero nang makilala niya ang ex-girlfriend nito ay na-threaten siya. Hinangad niyang maging opisyal ang relasyon nila kaya nagtapat siya rito ng nararamdaman niya.
Ngunit tila literal na tinarakan ng punyal ang kanyang dibdib nang sabihan niya ito ng “I love you.” “I like you” ang isinagot nito sa kanya...

5. PHR 4363 Villa Cattleya: Undying Love by Belle Feliz


Minahal ni Sassa si Phillip sa kabila ng napakaraming hadlang sa pagitan nila. Tila hindi gusto ng langit at tadhana na magkasama sila. Iniwan siya nito nang hindi na nito nakayanan ang mahirap na sitwasyon. Ang sabi nito ay hindi nito kayang mahalin ang kapatid na babae ng lalaking sumira sa buhay ng kapatid nito.
Lumipas ang mga taon. Sa kabila ng galit, naroon pa rin ang pag-ibig sa puso niya.
Nang magkaroon siya ng pagkakataon na makasama ito ay naramdaman niyang may damdamin pa rin ito sa kanya.
Ngunit hindi na siya maaaring magpumilit dahil kapwa na sila hindi malaya…

6. PHR 4364 Spices For The Lonely Heiress by Serafina


Nasanay si Celeste na mamuhay nang mag-isa magmula noong mamatay ang mga magulang niya. She never let anyone get close enough to her to hurt her. Pero nang makilala niya si Jerry ay hindi niya napigilan ang sarili na mapalapit dito, lalo pa at napakabait nito sa kanya. Nang magkaproblema siya dahil ipinipilit ng lolo niya ang lalaking gusto nito para sa kanya ay ito ang hiningian niya ng tulong para magpanggap bilang boyfriend niya. Ngunit sa bawat araw na dumaraan na kasama niya ito ay unti-unting nahuhulog ang loob niya rito. Hanggang sa matagpuan niya ang sariling umiibig dito.
Pero pagpapanggap lang ang lahat para dito dahil may totoong nobya ito...
Back to top Go down
 
July 11, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Saturday July 28 2012
» The Elvis Duran Z100 Morning Show on July 19, 2012
» Sunday July 29 2012
» VH1 video interview clips of Chris talking about TLOS - July 16, 2012
» Thunder Run - filming in Baton Rouge May 1-July 15, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: