HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 4, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 4, 2012 Book Release   Fri Jul 13, 2012 10:41 am

1. PHR 4351 Home In My Heart by Solitaire


Matagal na pinagdusahan ni Nina ang trauma na dulot ng car accident na kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang. Nagkaroon lang uli siya ng bagong pag-asa sa buhay nang makilala niya si Russel, ang anak ng isang katiwala ng lolo niya sa hacienda.
Sumigla uli ang mundo niya at nagkaroon ng kulay. At hindi lang iyon, sa unang pagkakataon din ay tumibok ang puso niya para sa isang lalaki. Ngunit nang malaman niyang may nobya na ito ay nagtanim siya ng galit dito. Itinuring din niya itong karibal sa atensiyon ng kanyang lolo. At upang tuluyan nang mawala ito sa landas niya, gumawa siya ng istorya na ikasisira nito at nagtagumpay naman siya.
Ngunit sa huli ay siya rin ang talunan. Dahil sa kabila ng kanyang ginawa, ito pa rin ang hinahanap-hanap ng kanyang puso...

2. PHR 4352 Ready To Love Again by Olivette


In love si Celine sa kababata niyang si Thunder pero ang lalaki ay in love naman kay Maureen na girlfriend ng kapatid nito. Nang malaman niya iyon ay nakaramdam siya ng awa rito. Pero dahil engaged na si Maureen sa kuya ni Thunder, naisip niyang tulungan na lang si Thunder na makalimutan ang nararamdaman nito sa babae. Mukha namang nagtatagumpay siya. Kaya nang isang gabing sabihin nito na mahal siya nito, hindi siya nagduda. After all, ikakasal na si Maureen sa kapatid nito.
Ngunit isang trahedya ang naganap. Naaksidente ang kapatid ni Thunder sa araw ng kasal nito at ni Maureen. Labis na nagdalamhati si Maureen at si Thunder ang dumamay rito. Hanggang namalayan niyang unti-unting nawawala si Thunder sa kanya.
Sa nakikita niya, mukhang may pag-asa na si Thunder kay Maureen. Pero paano siya at ang puso niya na nagsimula nang umasa?

3. PHR 4353 Paano Ba Kita Mamahalin by Bridgette Marie


Sa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life.
Then she met her match. Si Arkangeal Tyreal Hearshel, ang lalaking ipinaglihi yata sa galit dahil nang una silang magtagpo sa kasal ng kaibigan niyang si Chloe, hinamon siya nitong hanapin niya ito at ligawan. Ngunit nang magkita naman sila ay hindi siya maalala nito. Hindi siya maalala nito samantalang kinuha na nito ang pinakamasarap na halik na natikman niya sa buong buhay niya. At mukhang hindi lang halik niya ang kinuha nito dahil natangay na rin yata nito ang puso niya.
Pero ipinagtatabuyan pa rin siya nito at tila galit pa sa kanya. Ano ang gusto nitong gawin niya para mapaibig ito?

4. PHR 4354 A Special Kiss by Sheena Rose


Sa twenty years of existence ni Julianne sa mundo ay hindi pa siya nakaramdam ng attraction para sa isang lalaki. Naiinis din siya sa makukulit na nanliligaw sa kanya. Isang misteryo sa kanya kung bakit gustong-gusto ng mga kaibigan niya na magka-boyfriend at matikman ang first kiss.
Para masagot ang mga tanong niya ay nilapitan niya si Zander na kaibigan ng big brother niya. She asked him if he could show her what was so special in a kiss. Noong una ay tumanggi itong halikan siya. Ngunit kinalaunan ay pumayag din ito. She didn’t expect that she would like being kissed by him. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit palagi siyang nananabik na makasama ito.
Was it possible that her first kiss was also her first love?

5. PHR 4355 Love Letter And A Challenge by Maricar Dizon


Nanariwa ang galit sa dibdib ni Keene nang makita uli niya si Ernest, ang lalaking crush niya noong nasa high school pa sila. Hindi niya makakalimutan ang nangyaring hindi na nga nito tinanggap ang love letter niya ay ipinahiya pa siya nito. Kesyo mataba raw siya, maraming pimples, at may brace ang mga sungking ngipin kaya hindi ito magkakagusto sa kanya.
Noon iyon—dahil ngayon ay wala siyang ibang nakikita sa mukha nito kundi paghanga sa kanya.
Mabuti na lamang at may excuse siyang lumapit dito at maisagawa ang planong pagganti rito. Paiibigin niya ito at kapag in love na ito sa kanya ay iiwan niya ito. Gagawin niya iyon hindi lamang para sa kanya kundi para din sa kaibigan niyang sinaktan din nito.
Ngunit hindi pa man siya nakakapagsimula ay nabisto na agad ni Ernest ang plano niya.
“Do what you intend to do. Make me fall in love with you. But I will not let you do it without a fight. Let’s see who’s going to fall in love with whom,” paghamon nito sa kanya.
Confident siya na may pag-asa siyang manalo rito. Pero bigla siyang hinalikan nito. Nagulo ang puso niya at biglang nasira ang diskarte niya.

6. PHR 4356 Audrey And The Heart Thief by Ashlene Javier


Gustong magwala ni Audrey nang sa halip na pasalamatan siya ay pinarusahan pa siya ng mama niya nang pakialaman niya ang love life ng kakambal niyang si Adrian. Nagdesisyon itong alisin sa kanya ang mga pribilehiyo niya bilang isang Sommeridge. Sa loob ng tatlong buwan, kinailangan niyang magtrabaho bilang sekretarya ni Trent Figuroa, Jr., isang lalaking sobra ang pagka-workaholic. Wala itong maituturing na social life, even if he got the looks, the brains, and the money to get all the women he could ever want.
Her heart melted when she learned the reason why he was that way. Gusto pala nitong kalimutan ang isang aksidente na nangyari dito sampung taon na ang nakararaan. It was way too impossible for any woman to resist someone like him and she wasn’t an exception. But he believed that love was just a word, sensationalized by the romantics and the marketing specialists.
How could she make him believe otherwise?

7. PHR 4357 Why Love Is On The Menu by Venus Franz


Keene almost stopped breathing when he saw Ethan. Wala rin siyang pakialam kung nakanganga siya habang nakatitig sa guwapong mukha nito. Ito na ba ang lalaking pinana ni Kupido ang puso para makatuluyan niya? He was oozing with sex appeal. His aura and posture spoke of who he was—strong, confident, intelligent, adorable, and handsome. He was unbelievably gorgeous.
Kinunan niya ito ng litrato gamit ang camera ng cell phone niya. Pagkatapos ay inihanda niya ang kanyang sarili. Babanggain niya ito at magkukunwari siyang hindi napansin ito. Gagayahin niya ang nababasa niya sa mga nobela at napapanood sa romantic movies at TV series. Sa mga ganoong eksena rin nag-uumpisa ang love story ng mga tauhan—magngingitian, magiging magkaibigan, magde-date, hanggang sa magkagustuhan at magpakasal.
Sana lang ay maging effective din iyon sa kanila ni Ethan.

8. PHR 4358 What Love Is by Tyra


Mahalaga kay Anise ang Liberty Hotel account na malaki ang maitutulong sa career niya bilang architect.
What she did not expect was that once she got the account, her world would turn upside-down and she would meet Cain Ledesma who would sweep her off her feet. Pero hindi si Cain ang tipo ng lalaki na naniniwala sa pag-ibig at hindi naman siya ang tipo ng babae na susugal sa isang walang kasiguruhang relasyon.
But when she got sick, Cain was there to take good care of her and no other person had ever done that to her. She could not stop her heart from falling for him pero handa na ba siyang sumugal sa buhay kasama si Cain na ang tanging nararamdaman sa kanya ay matinding physical attraction?

9. PHR 4359 Kundiman Para Kay Sweetheart by Julianna Ran


Ang sabi ng mga nakakakilala kay Sweetheart, kung gaano katamis at kalambing ang pangalan niya, kabaligtaran naman daw niyon ang ugali niya. She was weird, cold, and unfriendly. Pero wala siyang pakialam dahil siya ang may hawak ng buhay niya.
Until she met Bayani, the rocker in the making na ubod ng guwapo at nag-uumapaw ang sex appeal. Sa ngiti pa lang nito ay natataranta na siya, paano pa kaya nang walang habas na sabihin nito na gusto siya nito? Muntik nang mawala sa lugar ang puso niya dahil doon ngunit hindi siya nagpahalata. Tinaray-tarayan niya ito at binara ang lahat ng mga hirit nito. Ngunit makulit ito. Unti-unting nabubuwag nito ang itinayo niyang pader sa palibot ng puso niya.
Natakot siya sa nararamdaman niya para dito. Bago iyon sa pakiramdam niya kaya tinanggihan niya ang pag-ibig nito. Ang akala niya ay okay na siya sa naging desisyon niya ngunit hindi pala. Hinahanap-hanap ito ng puso niya. Mahal pala niya ito. Nang magdesisyon siyang muling kausapin ito at bawiin ang lahat ng sinabi niya rito ay huli na ang lahat para sa kanila. Wala na ito at mukhang nakalimutan na siya nito.

10. PHR 4360 You’re Still The One by Joan Jean



Pagkatapos ng maraming taon, hayun na naman sa harap ni Jeri si Aaron, ang lalaking nangwasak sa puso niya. Ang lakas ng loob nitong mag-propose sa kanya ng kasal na para bang hindi siya sinaktan nang husto nito noon. Ilang beses na niyang sinabi sa sarili na wala na ito sa sistema niya, lalo na sa puso niya, ngunit bakit hindi niya magawang mag-move on? Bakit sa isang ngiti lang nito ay natibag agad ang pader na ipinalibot niya sa puso niya? Diyata’t umaasa siya na kapag muling nagkrus ang mga landas nila ay matutuloy na rin ang pangarap niyang “happy ending”?
Gusto niyang sumugal ngunit mas malakas ang takot na nararamdaman niya. Paano siya magtitiwala sa taong minsan nang sinaktan ang puso niya?

11. Precious World's Best Sellers: Twilight (Takipsilim) by Stephenie Meyer (translated by Armine Rhea Mendoza)



Tatlong bagay ang siguradong-sigurado ako na totoo.
Una, si Edward ay isang bampira.
Pangalawa, may isang bahagi niya
at hindi ko alam kung gaano makapananaig ang bahaging iyon
na nananabik sa aking dugo.
At pangatlo, umiibig ako sa kanya
na walang-pasubali at kailanman ay hindi magbabago.
Back to top Go down
 
July 4, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Saturday July 28 2012
» The Elvis Duran Z100 Morning Show on July 19, 2012
» Sunday July 29 2012
» VH1 video interview clips of Chris talking about TLOS - July 16, 2012
» Thunder Run - filming in Baton Rouge May 1-July 15, 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: