HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 27, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 27, 2012 Book Release   Fri Jun 29, 2012 7:04 am

1. PHR 4342 Love, Music, And Magic by Maria Rome


Ang gusto lamang ni Beatriz ay ang mapansin siya ni Aaron, ang kanilang school librarian, kaya nagawa niyang bumili ng gayuma at binalak gamitin iyon dito. Ang hindi niya inaasahan ay ang pagkakamaling nagawa. Imbes kasi na si Aaron ay iba ang nakainom niyon—si Sid, ang rakistang numero unong kinaiinisan niya.
Dahil sa bisa ng gayuma kaya walang ligoy na nagpahayag ito ng pag-ibig sa pamamagitan ng kanta. Kahit pinigilan niya ang kanyang sarili ay nahulog pa rin ang loob niya rito. Ang buong akala niya ay magiging maayos ang lahat sa kabila ng pagkakamali niya. Ngunit nagkamali siya. Nang hulog na hulog na siya rito ay saka naman niya nalaman na hindi naman pala totoo ang gayuma. Niloloko lang pala siya ni Sid.

2. PHR 4343 Bride For Real by Lynne Graham (translated by Bettinna)


Isang ordinaryong babae lang si Tally at walang karanasan sa pag-ibig kompara sa isang napakayaman at napakaguwapong palikerong si Sander Valdez. Malaki ang kaibahan nila maliban sa isang bagay—ang matinding atraksiyon nila sa isa’t isa. But within weeks, Sander found himself betrayed into exchanging vows with Tally.
Nang inakala nilang tapos na sa kanila ang lahat ay pinagtagpo uli sila ng kapalaran, and the passion between them was just as strong. However, Sander had dark reasons for wanting his wife in his bed again. And Tally also had a terrible secret…

3. PHR 4344 Marriage Made On Paper by Maisy Yates (translated by Armine Rhea Mendoza)


Hindi inakala ng public relations expert na si Lily Flores na nang pumirma siya ng kontrata sa hotshot property tycoon na si Gage Fajardo ay para na rin siyang nagpaalipin dito. He wanted her at his beck and call twenty-four hours a day!
Gage expected employees to go above and beyond, kaya nang mangailangan ito ng positive PR, completely unexpected ang solusyon nito: nag-propose ito kay Lily! Lahat ay alang-alang sa negosyo nito, siyempre.
Alang-alang din sa pinakamamahal niyang career, pumayag si Lily. Ngunit hindi kasama sa napagkasunduan nila ang pagkahulog ng loob niya rito.

4. PHR 4345 Butterfly Kisses For You by Rose Tan


Gusto nang lumagay sa tahimik ni Cham at ayon sa panaginip niya, hindi siya dapat maiwan ng bus papunta sa Tarlac dahil iyon ang huling biyahe. Kaya nang makarating siya roon at makilala ang guwapong dentista na si Aston Martin, sigurado siyang ito na ang lalaking ipinahihiwatig ng panaginip niya. Ito ang tinutukoy na “huling biyahe” niya at hinding-hindi siya paiiwan.
Masuwerte naman siya dahil kahit maraming naghahangad na sumakay sa biyaheng iyon kasama si Aston, napunta siya sa front seat. As in, pinatira pa siya nito sa bahay nito. Wagi ang long hair niya!
Pero hindi pala.
Kasi ang huling biyahe, ayaw umandar.

5. PHR 4346 Kenzo, My Love by Zoey Summers


Walang ibang ninais ang puso ni Melody kundi si Kenzo lamang. Ito lang ang nakakuha ng kanyang atensiyon at pagmamahal. Naniniwala siyang ito ang kanyang destiny kahit lagi siyang dine-dead-ma at sinusungitan nito. Lalong tumindi ang paniniwala niyang iyon nang dumating ang pagkakataon na makakasama niya ito sa iisang bubong. And she took that as a sign.
Lagi siyang nagpapa-impress dito, hoping na mapapansin na nito ang beauty niya. Kahit nang sabihan siya nitong playgirl at flirt, kinaya iyon ng puso niya at tinanggap lahat ng sakit na nadama. Wala yata siyang hindi tatanggapin sa ngalan ng pag-ibig. Hindi siya naghintay nang limang taon para sumuko agad sa pagmamahal niya rito.
Pero nang malaman niyang may ibang babae na palang nagmamay-ari sa puso nito, alam niyang ibang usapan na iyon. It was time for her to quit.

6. ]color=red]PHR 4347 I Love You, Miss Big by Bethany Sy[/color]


Mula pagkabata ay malusog na ang pangangatawan ni Philein Sofia. Hindi naman naging issue sa kanya iyon hanggang sa kutyain siya ng dating manliligaw niyang si Rex. Mula noon ay nawala na ang lahat ng confidence niya sa sarili. Hindi na rin niya hinahayaan ang mga kalahi ni Adan na lumapit sa kanya. Until she met Toby.
Unang kita pa lang niya rito ay humanga na siya rito. Hindi rin niya inakalang mapapalapit ito sa kanya. Sa bawat araw na kasama niya ito ay lalo lang nahuhulog ang loob niya rito hanggang sa aminin niya sa sarili na mahal na niya ito. Ngunit nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit nilapitan siya nito…

7. PHR 4348 Sweet Curse by Sofia


Mortal na magkaaway sina Claude at Evan. Parang nilikha sila para buwisitin ang isa’t isa. Nang minsang mapuno si Evan sa kanya ay isinumpa nito: “isinusumpa ko na tatanda kang mag-isa. Hindi ka makakatagpo ng kaligayahan sa kahit sinong lalaking mamahalin mo… Magdurusa ka muna bago mo siya makuha. Tandaan mo iyan.”
Wala sa diksiyonaryo ni Claude ang maniwala sa mga sumpa pero nang magsunod-sunod ang kamalasan niya sa pag-ibig, napilitan siyang lumapit kay Evan para tanggalin nito ang sumpa. Tutulungan daw siya nitong maalis ang sumpa sa isang kondisyon—magpapanggap siyang nobya nito para mapaniwala ang babaeng gusto nito na totoo itong lalaki at hindi isang bading.
Ngunit talaga yatang pagsubok sa kanyang matagpuan pa ang lalaking nakatadhana para sa kanya. Na-in love na kasi siya sa kanyang mortal na kaaway…

8. PHR 4349 The Reality Show: Seoul Searching by Angel Bautista


Si Isadora “Issa” Castillo ang production manager ng TRS. Landon Cruz, showbizlandia’s resident bad boy, was the show’s host. May gusto si Issa kay Landon pero iba ang gusto ni Landon. They were friends kaya naman classic ang dilemma ni Issa. Nang nagkakalabuan na si Landon at ang current girlfriend nito, nagi-guilty siya dahil sa halip na malungkot, nakakita pa siya ng flicker of hope. Tama bang attitude iyon ng mabuting kaibigan? Still, Landon wouldn’t see her as anything more than a drinking buddy. She should really let him go. Seriously, for her sanity’s sake. Pero sandali lang, magpapayakap lang muna siya nang isa rito… Kahit sandali lang.

9. PHR 4350 The Obnoxious Damsel by Julia Francine Sicat


Nang masaksihan ni Aika na tinanggihan ang proposal ni Migi ng girlfriend nito ay naawa siya sa guwapong nilalang. Kung siya rin naman kasi ang tatanungin, iyon na siguro ang pinaka-lame proposal na nasaksihan niya sa buong buhay niya.
Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon ay pinayuhan niya ito.
“Oh, really? Why don’t you show it to me then?”
And she did. Binigyan niya si Migi ng lessons at naging masunurin naman ito. Parang hindi na nga ito makagalaw kung hindi siya kasama nito. She took that as a sign that he was falling for her. Siya rin naman ay nai-in love na rito kaya niligawan niya ito. Pero basted siya.
Ngayong brokenhearted ang drama niya ay saka umentra sa eksena ang kapatid nitong si Spencer at nag-“I love you” pa sa kanya. Balik-eksena si Migi at naging possessive sa kanya…
Naku naman!
Back to top Go down
 
June 27, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» rc drift stabilizer for cars???
» new DINO theme
» Chris at the Critics Choice Television Awards June 18, 2012
» 2012 Football Harvey Address Book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: