HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 20, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 20, 2012 Book Release   Thu Jun 21, 2012 6:00 am

1. PHR 4333 Still Loving You by Solitaire


Ilang taon na ang nakararaan nang lisanin ni Aryann ang San Agustin kung saan ay mayroon siyang iniwang masasakit na alaala. Ngayon, sa kahilingin ng kanyang ama na buuin uli nila ang kanilang pamilya, umuwi siya sa bayan nila. Ngunit sa pagbabalik niya, nangangahulugan din iyon ng pananariwa ng sugat ng kahapon.
At nangyari ang kanyang kinatatakutan: muli silang nagkaharap ni Zac, ang lalaking inibig niya noon. Ngunit kung noon ay napakasuplado nito at hindi man lang marunong ngumiti sa kanya, ngayon ay tila nagbago na ito. Sa katunayan, lantaran pang ipinapakita nito sa kanya na may gusto ito sa kanya.
Ipinaalala niya sa kanyang sarili na hindi na siya ang lovestruck teenager na nahulog dito noon. Na nag-mature na siya. Ngunit kapag nasa malapit naman ito, tila bumabalik siya sa nakaraan kung saan ito ang sentro ng kanyang mundo at ang tanging itinitibok ng kanyang puso...

2. PHR 4334 My Dream Plus My Heart Equals My Homeroom Teacher by Luna King


Hindi naging maganda ang unang pagkakakilala ni Ali kay Exer Villez, the young man with attractive amber eyes. Para makabawi sa nagawa niyang pagkakamali rito, tinulungan niya itong makaligtas sa kapahamakang siya rin ang nagdulot. Bilang pasasalamat sa kanya, inilibre siya nito ng merienda. They shared a short yet memorable time together, and in that very short moment, she fell for him.
Three months later, he suddenly showed up in her classroom.
“Exer!” bulalas niya.
“Ah. That’s ‘Sir Villez’ to you, Miss Vismonte,” nakangiting sagot nito.
Exer turned out to be her substitute homeroom teacher! Dahil sa sitwasyon nila, pinigilan niya ang damdamin niya para dito. Pero hindi siya nagtagumpay, lalo na at pakiramdam niya, espesyal siya rito. Higit sa lahat ang atensiyong ibinibigay nito sa kanya. She confessed her feelings to him. But she was bluntly rejected. May iba na palang nagmamay-ari sa puso nito.
Now, seven years had passed and for some reason, their roles had switched. It was her turn to reject him. Dahil ngayon ay siya na ang nakatali sa isang pangako…

3. PHR 4335 Mamahalin Mo Rin Ako by Nicka Gracia


Natakot nang umibig si Lassie mula nang iwan siya ng dating nobyo ilang linggo bago ang araw ng kasal nila. Pero kailangan niyang harapin ang takot na iyon kaya pinili niyang magtrabaho bilang wedding coordinator. Kung hindi man naging maganda ang kinalabasan ng kasal niya, gusto niyang maging maganda iyon sa ibang mga pareha.
Sa trabahong iyon ay nakilala niya si SanJay, ang anak ng kanyang boss at photographer din ng kompanya. Lantaran ito sa pagsasabing gusto siya nito at lantaran din itong nagpapahayag ng “panliligaw” sa kanya.
Aminado siyang mula nang mabigo siya, ito pa lang ang tanging lalaking nagagawang pangitiin siya. At sa kakulitan nito, paano niya iiwasang patuluyin ito sa kanyang puso kung hindi pa rin napapawi ang takot niyang masaktang muli?

4. PHR 4336 If You’ll Take Care Of Me by Juno


Isang umaga, nagising na lang si Wendy sa isang realisasyong nag-iisa na siya sa buhay. Wala siyang mga magulang, kapatid, asawa, o nobyo man lang. She then decided to have a child by artificial insemination para may makasama siya at para may magmahal pa rin sa kanya sa kanyang pagtanda. Luckily, aksidenteng nakilala niya si Alex. Ito ang naging sperm donor niya. Nag-offer pa itong alagaan siya sa kanyang pagbubuntis hanggang sa makapanganak siya. Nahulog ang loob niya rito, only to find out na may sariling motibo ito kaya pumayag itong maging sperm donor niya. Now, how could she deal with it?

5. PHR 4337 Love Me Again: First Love Never Dies by Heart Yngrid


Para kay Anina, ang makatuluyan ang first love ang sweetest thing na mangyayari sa isang babae. Kaya nang makilala niya si Jared, ang kanyang first love, she was determined to make him stay in her life forever. Ngunit ganoon na lamang ang panlulumo niya nang mawasak ang relasyon nila. Her dream of marrying her first love was shattered.
Years later, muli silang nagkita. Kapwa na sila artista at nakatakdang magtambal sa isang pelikula. May galit pa rin sila sa isa’t isa. Kaya sa shooting ay wala silang ginawa kundi magbangayan. Mukhang nananadya pa ang tadhana dahil kahawig ng totoong istorya nila ang plot ng pelikula.
Habang gumigiling ang camera, nagbalik sa kanyang isip ang lahat ng saya at pait ng nakaraan. Pero teka, pati ba ang dating damdamin niya rito ay kailangang magbalik?
Parang gusto niyang mapasigaw ng “Cut!” upang rendahan ang kanyang puso…

6. PHR 4338 Anatani Aitakute (Missing You) by Bethany Sy


Mula nang maaksidente si Asihiro—ang napakaguwapo at sikat na car racer at modelo—sa huling laban nito ay wala nang naging balita pa si Kharen tungkol sa sinisinta niya. At dahil missing in action ang inspirasyon niya, nagkaroon siya ng writer’s block. Kaya nagpasya muna siyang magtungo sa ibang lugar upang magnilay-nilay.
Ngunit ang plano niyang pagninilay-nilay ay nauwi sa pagiging mabait at pasensiyosang nurse sa napakaguwapo at napakasungit na pasyente niya na walang iba kundi si Asihiro! Pagkatapos ng ilang gabing pangha-harass niya rito ay bigla na lang itong bumait sa kanya. Ang buong akala niya ay maayos na ang lahat sa pagitan nila—“MU” na sila, wika nga ng iba.
Ngunit isang araw ay may dumating na maarteng “buwisita” ang guwapong sinisinta niya na labis na ikinaselos ng sutil na puso niya. At tila nakalimutan na ni Asihiro ang presensiya niya.
May pag-asa pa kayang mabuo ang “Asihiro-Kharen” love team na matagal na niyang pinapangarap, o kailangan pa muna uli niyang painumin ng sangkaterbang gamot si Asihiro para ma-realize nito na siya lang talaga ang babaeng nakatakda para dito?

7. PHR 4339 The Reality Show: Rock Star by Angel Bautista


Shera Robinson was one of the Valley Girls of The Reality Show. Alam niya ang stereotype na dala niya nang pumasok siya sa palabas na iyon—mayaman, tagapagmana ng isang hotel empire, spoiled, at medyo clueless sa buhay. She was told to exploit that character to the hilt.
“You don’t look like as if you’d know how to be poor,” sabi sa kanya ng kapwa Valley Girl niya na si Cornelia Gaston.
Kung alam lang nito na may panahong iniwan niya ang lahat para makisama sa isang mahirap na karpintero na puno ng pangarap sa buhay—si Franco. Pero iniwan din siya niyon.
Five years later, muling nagtagpo ang mga landas nila. This time ay sa entablado na ng TRS. Hindi niya inasahan kung ano na ang narating nito.
Franco Lim was no longer a carpenter. He was now “The Rock Star.”

8. PHR 4340 Still by Bethany Sy


High school student pa lang si Marianne ay may gusto na siya kay Tommy. Pero ayaw sa kanya ng binata. Ipinahiya pa siya nito sa buong klase nila noong rehearsal ng graduation rites nila. Labis ang sakit at galit na naramdaman niya sa binata kaya isinumpa niyang darating ang araw na gagantihan niya ito.
Nagsumikap siyang magpaganda at magpapayat. At sa nakalipas na apat na taon ay malaki ang ipinagbago niya. Kaliwa’t kanan ang manliligaw niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkrus uli ang mga landas nila ni Tommy. At dahil malaki na ang ipinagbago niya ay hindi siya nakilala nito. Iyon na ang pagkakataon niya upang gantihan ito.
Sa tulong ng mga kaibigan niya, nakagawa siya ng magandang plano.
Step one: Get his attention.
Step two: Make him fall for you.
Step three: Leave him.
Pero mukhang hindi na niya magagawa ang mga iyon. Una, labis ang atensiyong ibinibigay nito sa kanya. Pangalawa, mukhang nahulog nga talaga ang loob nito sa kanya. At pangatlo, hindi niya magawang iwan ang binata dahil hindi kakayanin ng puso niya. Abort the mission na ang drama niya. Kaya lang pagkatapos na may mangyari sa kanila ay bigla na lang hindi nagparamdam sa kanya si Tommy…

9. PHR 4341 Big Brother by Camilla



Hindi inakala ni Tipper Carpio na ang mismong kaibigan niyang si Gabrielle ang magtatangka sa kanyang buhay para lang maagaw ang asawa niyang si Luis. Inakala ng lahat na patay na siya, ngunit masuwerteng nakaligtas siya mula sa kamatayan.
At ngayon, pagkalipas ng mahabang panahon, handa na siyang bumalik sa buhay nina Gabrielle at Luis, kimkim ang paghihiganting dapat lang na makamtan ng mga ito mula sa kanya.
Nasa likod niya si Kier—ang lalaking tunay na minahal niya noon pa man, trying to play the role of a big brother dahil sa pangako nito sa kanyang namayapang ama. Pero katulad din pala ito ng iba.
Sa gitna ng lahat ng peligrong kakaharapin niya sa buhay niya, sino ang puwedeng pagtiwalaan niya?

10. Señorita Series 32: Honoria b Rose Tan


Unti-unti nang iginugupo ng Alzhiemer’s ang isip ng ama ni Honoria pero nang ideklara nitong may anak ito sa labas at doon iiwan lahat ng kayamanan, napilitan siyang sumama kay Laren sa Masbate para hanapin ang nawawalang kapatid niya. Close ito sa kanyang ama at nag-aalala ito sa kalagayan ng matanda. Nagprisinta ito kaya hindi na siya tumanggi.
But Laren was the last person she wanted to be with. Because when she was seventeen, she placed a pillow around her belly to make Laren believe she was pregnant.
Kaya hanggang sa kasalukuyan, pinagtatawanan pa siya nito at sigurado siya, walang gagawin ito kapag magkasama sila kundi ipaalala sa kanya ang kalokohan niya.
But that wasn’t the worst part.
The saddest thing was keeping the truth from him.
Na totoong dinala niya sa sinapupunan ang anak nila…
Back to top Go down
 
June 20, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» rc drift stabilizer for cars???
» new DINO theme
» Chris at the Critics Choice Television Awards June 18, 2012
» 2012 Football Harvey Address Book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: