HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 13, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 13, 2012 Book Release   Mon Jun 18, 2012 1:22 am

1. PHR 4322 Life’s Sweetest Cake by Nicka Gracia


Sa edad na beinte-kuwatro ay alam na ni Cake ang gusto niya sa buhay: she wanted to find her future husband. Ayaw niyang matulad sa ate at ilang mga tiyahin niya na naging matandang dalaga. And so her husband-hunting began kahit pa nga may trabaho siya. That was where Lucas entered the picture. Pumasok ito sa theatre company nila bilang stagehand. Pagkakita niya rito ay tila natapos na ang husband-hunting niya. Only for her to realize na kinausap pala ito ng daddy niya para bantayan siya at ang lahat ng mga lalaking lumalapit sa kanya. Matupad pa kaya ang pangarap niya, now that her potential husband was acting as her bodyguard?

2. PHR 4323 Chocolate Pies And Brown Eyes by Kaye Ysabelle


Pakiramdam ni Aya ay nagkulang siya sa relasyon nila ng ex-boyfriend niyang si Carlo. He was her first boyfriend at alam niyang mahal pa niya ito kaya gusto niyang itama ang lahat sa relasyon nila. At para magawa niya iyon, kailangan niyang maging isang babaeng nililingon ng mga lalaki at kinaiinggitan ng mga babae. At sa misyon niyang iyon, nakilala niya ang lalaking tutulong sa kanya, ang guwapong-guwapong doktor na si James Carlo Montague. He helped her look better for her ex at mukhang nahuhulog naman sa patibong ng ganda niya si Carlo. Ngunit habang ginagawa niya ang pang-aakit kay Carlo ay parang nagyu-U-turn naman ang puso niya. Bigla-bigla ay parang si James na ang gusto niyang akitin at mahalin. Dederetso ba siya o liliko na?

3. PHR 4324 You Make Me Feel by Lexi Levina


Nang pangarapin ni Leina na magkaroon ng prinsipe sa buhay niya, hindi niya inakalang makakatagpo siya ng isang lalaking tutugma sa deskripsiyon niya ng kanyang Prince Charming. Si Gabi ang lalaking iyon. Pero malayo ang pag-uugali nito sa Prince Charming na pinapangarap niya. Ang taguri dito ng lahat ay “Ice Prince.” Mula kasi nang sumakabilang-buhay ang asawa nito ay naging kasinlamig na ng yelo ang pakikitungo nito sa lahat ng tao. Naging manhid ito at hindi na nito hinayaan ang sarili na makaramdam ng kahit anong emosyon.
Hindi niya mapapayagan iyon. Tutunawin niya ang yelong nakabalot sa puso nito gaano man kakapal iyon. Nagtagumpay siya. Naging malapit sila at masaya sa piling ng isa’t isa. Pero panandalian lang pala iyon. Hindi lamang iyon, lumala pa ang pag-uugali nito kaysa sa dati. Kaya ngayon, ang Ice Prince turned Prince Charming ay “Dark Prince” na.
Ano ang gagawin niya para manumbalik si Prince Charming?

4. PHR 4325 Saan Tayo Dadalhin Ng Pag-ibig by Vanessa


Matagal nang inililihim ni Angelica ang pagmamahal niya kay Cleto na sa kanyang kaibigan naman may gusto. At minsang lasing ito ay hinagkan siya nito, isang bagay na ikinaila niya ritong nangyari. Ngunit nang muling malasing ito ay natuklasan niya mula mismo rito na hindi raw nito nalimutan ang kanyang mga labi. Kaya nagtanong siya sa sarili niya—bakit siya ang gusto nitong hagkan kung ang kaibigan niya ang sinasabi nitong gusto nito? Hindi kaya naliligaw lang ito ng landas at kailangan niyang tulungan itong tahakin ang tamang daan patungo sa kanya?
Saan Tayo Dadalhin Ng Pag-ibig

5. PHR 4326 Wish Of Love by Casie Beth Lor


Itinuturing man ni Dana na pangalawang mga magulang ang mag-asawang Gilberto at Kate Camara, hindi niya magagawang ituring na nakatatandang kapatid ang nag-iisang anak ng mga ito na si Gabriel. Picture pa lang nito ang nakita niya ay pumitlag na ang puso niya, lalo na nang makita niya ito sa personal nang umuwi ito sa bansa para magbakasyon.
Mukhang totoong nagkakatotoo ang hiling sa balon. Humiling kasi siya noon na sana ay matagpuan na niya ang true love niya at magkaroon siya ng isang magandang love story sa piling ng kanyang very own Prince Charming. At ngayong natagpuan na niya ang true love niya sa katauhan ni Gabriel, hindi na niya pakakawalan pa ito.
Pero ang pinapangarap niyang prinsipe, sa ibang prinsesa pala may pagtingin. Paano na ang pangarap niyang love story?

6. PHR 4327 No Money, No Honey by Mandie Lee


Mataas ang ambisyon ni Carlee sa buhay. Gusto niyang makapag-asawa ng rich para hindi na siya magtatrabaho sa buong buhay niya. At para sa kanya, panira lamang sa ambisyon niya ang pagkakaroon ng boyfriend—maliban na lang kung mayaman ito, jackpot siya. Kaya binasted niya ang manliligaw niyang si Thomas na poor ding katulad niya. Sayang, guwapo at masipag pa naman ang binata.
Pero biglang nagbago ang kapalaran nito. Nahanap nito ang tunay na ama nito na isa palang mayamang tao.
Nang minsang nahuli sila ng lolo niya na magkasama ni Thomas sa isang silid, ayaw pumayag ng lolo niya na hindi siya pakasalan nito. Ang totoo, wala namang nangyari sa kanila ni Thomas, pero sinamantala niya ang pagkakataon na maging kanya ito—at ang pera nito. Malinaw na napikot ito, pero tila gusto naman nito ang nangyari.
Na-guilty siya. Paano kung malaman nito ang totoo? Isa pa, napagtanto rin niya na hindi lang pala pera nito ang gusto niyang makuha kundi pati ang puso nito...

7. PHR 4328 When A Genius Falls In Love by Marione
Ashley



Secretly loving a genius ang drama ng buhay ni Aivi sa loob ng limang taon. Pulos pagpapa-cute at pagpapalipad-hangin ang ginagawa niya para mapansin ni Chase. Kontento na siya roon dahil para sa kanya, matanaw, makasama, at makausap lamang niya ito ay masaya na siya. Pero bigla siyang nagising sa pag-iilusyon nang ipakilala sa kanila ni Chase ang fiancée nito na si Destiny. Teka, hindi ito kasama sa love story nila! Suddenly, all her dreams about Chase being her husband vanished into thin air. But she was not Aivi Lim for nothing. She had to do something. She had a battle to face.
A battle against Destiny.
Sana lang ay manalo siya…

8. PHR 4329 Forever In My Heart by Maria Rome


Si Alfred ang unang pag-ibig ni Carla, ngunit nabigo siya. Pagkalipas ng ilang taon, nagkrus uli ang mga landas nila. Ang akala niya, nakalimutan na niya ang damdamin niya rito ngunit hindi pala. Kaya lang ay huli na ang lahat dahil may kasintahan na ito—si Maxene.
Isang araw ay nagulat siya nang kausapin siya ni Maxene. Willing itong ipaubaya si Alfred sa kanya kapalit ng isang pabor—ang matupad ang pangarap nito na mapabilang sa mga modelo ng isang sikat na fashion designer na kaibigan niya. Tinanggap niya ang deal hindi lang upang magkaroon siya ng chance na makasama uli si Alfred kundi dahil, naniniwala rin siya na hindi karapat-dapat si Maxene para kay Alfred dahil handa nitong ipagpalit si Alfred sa pangarap nito.
Ngunit mukhang ang second chance na ibinigay sa kanya ay walang saysay dahil sa huli ay nakita niyang na-confuse lang si Alfred. Ramdam niya na mahal nito si Maxene. Ang masakit, mukhang nagbago na ng isip si Maxene.

9. PHR 4330 The Infamous Biker's Club: The Untamed Cupid by Maricar Dizon


Pasaway na anak si Janis. Panay sakit ng ulo ang ibinibigay niya sa kanyang mga magulang. Tuloy ay palagi siyang naikokompara sa kapatid niyang ang tingin ng lahat ay anghel sa kabaitan. Dahil doon ay naisip niyang kunin ang atensiyon ni Yuuji, ang lalaking iniibig ng kapatid niya. Nagtagumpay naman siya at naging nobyo niya ito.
Yuuji was fun to be with. Ipinadama rin nito sa kanya na espesyal siya, isang bagay na hindi niya naramdaman sa kahit kaninong miyembro ng pamilya niya. Kaya nang lumaon ay nag-iba na ang tingin niya rito. Hindi na niya ginagamit ito upang inisin lang ang kapatid niya dahil iniibig na rin niya ito—for real.
Ngunit nalaman niyang ito pala ay may rason din kung bakit nakipaglapit sa kanya, at iyon ay dahil sa awa...

10. PHR 4331 Spells And Love Signs For Castor by Serafina


Gustong malaman ni Helga kung may gusto sa kanya ang guwapong lalaking sumalo sa kanya nang himatayin siya sa gitna ng daan—si Castor. Crush na crush kasi niya ito. Inakala pa nga niyang isa itong arkanghel na bumaba sa lupa para sunduin siya at iakyat sa langit. He was the closest thing to perfection for her. And she badly wanted to know the reason why he was so nice to her was he had feelings for her, too.
Doon umentra ang ideya ng pinsan niya tungkol sa cinco senyales para malaman niya kung si Castor nga ang lalaking itinadhana sa kanya. Nakita niya ang tatlong senyales dito at ramdam niyang may pagtingin na rin ito sa kanya. Dalawang senyales na lang ang kailangan niya nang umeksena ang babaeng espesyal sa puso nito…

11. PHR 4332 A Game Of Love by Maricar Dizon


“Commitment is just a pain.” Iyon ang motto ni Alaine sa buhay. Sawa na siyang makita ang kanyang ina na lumuluha nang dahil sa relasyon at pag-ibig. Eh, ano kung treinta na siya at single pa rin? Wala siyang balak na tumulad dito.
But she met Arnel. Nag-iisa siya noon na nagbakasyon. Initial attraction ang nadama nila para sa isa’t isa. Hindi nila napaglabanan ang atraksiyong iyon kaya nagdesisyon silang gugulin ang bakasyong iyon nang magkasama na hindi pinag-uusapan ang kanilang mga personal na buhay. It turned out to be the most memorable vacation of her life.
Ngunit dumating ang araw na kailangan na nilang maghiwalay. Ang akala niya ay hanggang doon na lamang ang magiging relasyon niya rito; but then, fate had a different plan for them. Muli silang nagtagpo at sa pagkakataong iyon ay nais na nitong maging habang-buhay ang relasyon nila. Handa na ba siyang baliin ang paniniwala niya at ipagkatiwala ang puso niya rito?

12. PHR Gothic: Red by Vanessa


Mula pagkabata ay isa lamang ang nais ni Miruna: iyon ay ang mapabilang sa mundong aksidenteng natuklasan niya—ang mundo ng mga bampira. One summer she met Red, a boy vampire. Nagsimula roon ang damdamin niya rito. Sigurado siya na isang araw ay ibibigay nito sa kanya ang dugo nito at gagawin siyang katulad nito. Pero hindi nangyari iyon. Instead, he gave his blood to some other woman and married her.
Pagkalipas ng ilang taon ay muli silang nagkita. She was already a vampire, no thanks to him. While he, a married vampire, flirted with her every chance he got. At ginagawa pa nito iyon habang nasa gitna sila ng giyera! Ano ba ang gagawin niya rito kung ang puso niya ay patuloy pa ring tumitibok para dito? At paano ang kanyang lihim na kapag natuklasan nito ay tiyak na ikagagalit nito nang husto sa kanya?
Red
Back to top Go down
 
June 13, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» rc drift stabilizer for cars???
» new DINO theme
» Chris at the Critics Choice Television Awards June 18, 2012
» 2012 Football Harvey Address Book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: