HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 6, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 6, 2012 Book Release   Thu Jun 07, 2012 7:03 am

1. PHR 4310 Sana’y Ikaw Na Nga by Pearl Hermosa


Minahal at pinakasalan ni Gladys ang kababata niyang si Ryan Ediser. Kinabukasan ay lumuwas ito sa Maynila upang puntahan ang pamilya nito. Pero hindi na bumalik pa ang asawa niya.
Limang taon ang nakalipas ay nakita uli niya ito. Pero hindi na ito ang Ryan na nakilala niya. At hindi na siya nito kilala.
Umiling-iling ang guwapong lalaking kahawig na kahawig ng asawa niyang matagal na niyang hindi nakikita. “You must've mistaken me for someone else. I got into an accident and lost my memory, pero sigurado akong hindi ako si Ryan at hindi kita kilala,” sagot nito.
Sinabi nitong “Ralph Claude” ang pangalan nito at hindi ito ang asawa niya kundi ang kakambal nito. Mayroon itong amnesia at upang makasiguro na hindi nga ito ang asawa niya ay nagsama sila sa iisang bubong. Sa pagdaan ng mga araw na magkasama silang dalawa, unti-unting nahulog ang loob niya rito. Wala man itong maalala tungkol sa nakaraan, minahal nila ang isa't isa. Tinulungan niya itong maibalik ang alaala nito. At nagtagumpay naman siya. At doon nila nasiguro ang tunay na katauhan nito. Hindi ito ang lalaking pinakasalan niya!

2. PHR 4311 When Sparks Fly by Celine Isabella


Nang magpunta si Claire sa Bangkok dahil sa trabaho niya, hindi niya inakala na makakatagpo siya roon ng isang lalaki na gaya ni Macoy. He was the most indulgent man she had ever met. Pinasasaya siya nito kahit sa mumunting bagay na ginagawa nito para sa kanya. Pakiramdam din niya, kapag kasama niya ito ay walang sinumang puwedeng makapanakit sa kanya.
She was not born yesterday. Alam niya kung saan hahantong ang nangyayari sa pagitan nila. The attraction was too strong to resist.
May malaki nga lang problema: she was already engaged to be married.

3. PHR 4312 The Truth About Debra by Bella Sabina


May gustong takasan si Debra kaya nagdesisyon siyang umalis ng Maynila at pansamantalang manirahan sa isang private resort sa Palawan. She took a new identity there; ipinakilala niya ang sarili bilang “Diana.” Umasa siyang hindi magtatagal ay matatagpuan din niya ang katahimikang hinahanap niya.
Hanggang sa makilala niya si Cyrus, ang guwapong pintor na nakatira sa kalapit na beach house. Wala sa plano niya ang makipaglapit dito, pero laging naroon ito para tulungan siya. Tila tadhana na rin ang gumagawa ng paraan para magkalapit sila. Hanggang sa dumating ang araw na tuluyang nahulog ang loob niya rito.
Ngunit paano siya magkakaroon ng layang ibigin ito kung hindi niya masabi rito ang totoong pagkatao niya? Could she tell him all her secrets without ever breaking his heart?

4. PHR 4313 Lovely Daniel by Kaye Ysabelle


Lovely hated Daniel. Ito kasi ang lalaking nanloko at nagpaiyak sa best friend niya. She considered him as “one of the enemies” dahil sa ginawa nitong iyon. After ten years ay nagkrus uli ang mga landas nila. Sinumbatan niya ito sa panloloko sa best friend niya pero ikinainis niya ang tahasang pagtanggi nito sa bagay na iyon.
What she didn’t expect was when her heart was broken by the love of her life. Daniel was there for her. Ito ang nakinig sa mga hinaing niya, nagpatawa sa kanya, at nagpuyat para lang pagbigyan ang trip niya. When she got to know the real him, she started to see him in a new light. Unti-unti ay hindi na ito enemy sa paningin niya; nagiging hero na ito ng buhay niya.
Pero ang maging hero ito ng puso niya, papayag ba siya?

5. PHR 4314 Just Once by Camilla


Matagal nang may gusto ang spoiled brat na si Jaylynn Mendez sa kinakapatid niyang si Yves Samaniego, pero dead-ma sa kanya ang guwapong binata. Kaya nang makiusap ang ina nito na gumawa sila ng paraan para mailayo ito sa nobya nito na kerida pala ng stepdad nito, pumayag siya.
Nagbunga ang scheme nila ng matanda; napasakanya nga si Yves. Ngunit kahit nagpapakita pa ito ng sweetness sa kanya ay hindi pa rin siya makampante. Dahil walang kasiguruhan kung magkakapuwang din siya sa puso nito...

6. PHR 4315 Pandora’s Heart by Julianna Ran


Iniwan si Pandora ng boyfriend niya at sumama sa mortal na kaaway niyang si Odessa. Nagpakalayo-layo ang dalawa. Nagmukha siyang tanga dahil sa ginawa ng mga ito. Napahiya siya sa mga taong nakakakilala sa kanila. Hanggang sa magtagpo ang mga landas nila ni Banjo Ibañez. Sampung ulit pang higit ang katangian nito kompara sa ex-boyfriend niya. Naging malapit sila sa isa’t isa dahil iniligtas siya nito nang minsang mahimatay siya. Pagkatapos niyon ay naging bahagi na ito ng buhay niya. Pinasaya, pinakilig, at binuhay nito ang mga pangarap niya. Wala man silang relasyon ay alam niyang espesyal ang turing nila sa isa’t isa.
Nang bumalik ang ex-boyfriend niya sa Pilipinas kasama ang mortal na kaaway niya ay walang sabi-sabing in-appoint ni Banjo ang sarili na maging boyfriend niya. Kinilig naman siya. Maniniwala na sana siya na kahit wala silang usapan ay totoo ang ipinahayag nito, kung hindi lang niya ito nahuli na nakikipaghalikan kay Odessa!

7. PHR 4316 Love Whisperer by Laurice del Rio



Hindi maka-get over si Aleta sa pagkawala ng fiancé niyang si Paolo hanggang sa nakilala niya si Natz—ang vet ng alaga niyang si Balto. Hindi naiwasang nagkamabutihan sila nito at unti-unti ay naka-move on siya sa pagkamatay ng dating nobyo.
Pero kung kailan naman handa na siyang aminin kay Natz ang nararamdaman niya ay saka nasangkot ito sa isang aksidente—isang bagay na nagpaalala sa kanya ng pagkawala ng dating nobyo niya. Sa takot na maramdaman ang dating sakit, sinabihan niya si Natz na kailangan na nilang maghiwalay ng landas.
Nang magkalayo sila, doon lang niya natanto na hindi pala niya kayang panindigan ang naging desisyon niya. Naghintay siya sa muling paglapit ni Natz. Pero naghihintay lang pala siya sa wala. Bumalik na ang babaeng inamin nito dati na sinisinta nito. At ikakasal na ang dalawa!

8. PHR 4317 Hot Intruder: Kenshin, The Chinky-eyed Stranger by Victoria Amor


Napadpad sa Hong Kong si Romanita “Amor” Lagaspac dahil sa libreng bakasyon na sponsor ng kaibigan niyang bading na si Riki. Pero ang loka, pagdating sa Hong Kong ay tinipid siya. Hindi raw kasi nito kaya ang ten days accommodation sa Hotel kaya sa guesthouse na pag-aari ng kamag-anak nito siya pinatuloy—sa EverBest Guesthouse na kabaligtaran ng pangalan ang serbisyo—poor service na, busangot pa ang mga nakasalamuha niyang staff na singkit! Pero ang pinakamalala, suwapang yata ang may-ari dahil tumanggap iyon ng isa pang guest sa silid na okupado na pala—at siya ang malas na biktima. Kinabukasan ay nagising siya na yakap ng isang etrangherong singkit!
Lalong lumala ang problema niya nang hindi sila magkaintindihan dahil hindi ito gaanong nakakaintindi ng English. Salamat sa kaguwapuhan nito—sa killer smile at expressive eyes—napaniwala siya nito na hindi ito masamang tao. Hindi lang iyon, tinamaan din siya sa charm nito.
Subalit sa huling gabi niya roon ay sumambulat sa kanya ang katotohanan—hindi lang pala English ang kayang intindihin ng singkit na intruder na si Kenshin, kundi pati Tagalog!
Mapagpanggap pala ito. Naisahan siya nito! Naintindihan pala nito ang pagmo-monologue niya ng diga!

9. PHR 4318 Loved You Once, Love You Still by Sonia Francesca


Nagbalik si Aminah sa Pilipinas para suyuin uli si Raoul, ang nobyo niya na walang-pasabing iniwan niya dahil sa isang matinding dahilan. Gaya ng inaasahan niya, galit pa rin ito sa kanya. Pero buo na ang loob niya. Hindi siya padadaig sa galit nito. Gagawin niya ang lahat upang mahalin uli siya nito. At kapag nangyari iyon, nangangako siya na wala siyang ibang gagawin kundi ang pasayahin ito. Kahit ano ang mangyari, hinding-hindi na niya hahayaang masaktan uli ito nang dahil sa kanya.
Iyon ay kung magtitiwala uli ito sa pagmamahal niya…

10. PHR 4319 A Place In Your Heart by Maan Beltran


Year 2012 na pero tila stuck sa 1990s ang mga magulang ni Lindsay. Naniniwala pa rin ang mga ito sa arranged marriage, ang isang bagay na diumano ay makakatulong upang mapalago ang kanilang negosyo. Hindi pa nakontento ang mga ito, pinipilit pa siyang tumigil na sa pagiging romance writer at tulungan na lang ang mga ito sa pagpapatakbo ng negosyo nila. She hated her parents. Kaya kung makaluma ang paniniwala ng mga ito, puwes, sasagutin din niya ang mga ito sa makalumang paraan—ang maglayas at magtago.
Napadpad siya sa tahimik na probinsiya ng isa sa kanyang mga masugid na reader. Sa lugar na iyon ay natagpuan niya ang katahimikan na hinahanap niya. Nakikita niyang matutulungan siya ng lugar na iyon para masolusyunan ang problemang tinakasan niya sa Maynila. Pero nagkamali siya. Nakilala niya si Noah at nadagdagan pa ang mga problema niya. Nahulog kasi ang loob niya kay Noah, bagay na alam niyang sa simula pa lang ay wala nang patutunguhan.

11. PHR 4320 Once A Princess by Angel Bautista


Once upon a time, there was a princess who could not live happily ever after…
May hindi magandang ginawa si Erin Almeda, ang isa sa mga prinsesa ng Gibbons International School kung saan ang clique na kinabibilangan niya ay ang pinakapopular at pinakatinitingala. She played with the innocent heart of their class geek, Leonard Jamieson.
Seven years later, nagtagpo uli ang mga landas nila ni Leonard. It seemed their roles had been reversed. Sa fairy tale man o sa real life, palaging may kapalit na curse ang paggawa ng masama.
And so Erin needed to find the magic that will lift that curse. Or she will die of heartache soon…

12. PHR 4321 She Gave Me Her Heart by Aloha Jade


Bata pa lang si Simone ay minahal na niya si Craig, ang best friend ng Kuya Pierre niya. Pinangarap niyang maging kanya ang puso nito kahit maraming taon nang hindi sila nagkikita. She loved Craig, but Craig loved Cher.
Pihikan sa babae si Seth. Wala siyang hinangad kundi ang magmahal ng babaeng sa tingin niya ay karapat-dapat sa kanya. Nang una niyang makita ang babaeng umiiyak sa araw ng kasal nina Craig at Cher ay napukaw agad nito ang damdamin niya. Right at that moment, he knew what he wanted. It was Simone.
Sino sa dalawa ang magtatagumpay na makamit ang hiling ng kanilang mga puso?
Back to top Go down
 
June 6, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» rc drift stabilizer for cars???
» new DINO theme
» Chris at the Critics Choice Television Awards June 18, 2012
» 2012 Football Harvey Address Book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: