HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 30, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 30, 2012 Book Release   Wed May 30, 2012 6:04 am

1. PHR 4300 More Than I Feel Inside by Jelaine Albert


Unang beses pa lamang na nagtama ang mga mata nila, alam na ni Althea na umiibig na siya kay Gabriel. At wala na siyang ibang pinangarap kundi ang maging kanya ito. Nangyari naman ang inaasam niya; she became Mrs. Gabriel Vasquez.
Ngunit sa pangalan lamang sila naging mag-asawa dahil labis na kinasuklaman siya nito. Iyon ay dahil isang kasunduan lamang sa pagitan ng mga magulang nila ang nangyaring kasalan at siya ang labis na sinisisi nito sa bagay na iyon.
Despite everything, she still loved him and she would take every risk to make him love her, too. And fate had been so kind to her. He fell in love with her, too.
Subalit kung kailan may katugon na ang damdamin niya rito, saka naman niya nalaman na nasa panganib ang buhay niya na nakatakdang maglayo sa kanya rito.
Will fate still be on her side?

2. PHR 4301 Aishiteru, Mahal Kita by Doreen Gabriel


Sa pagnanais na makaiwas sa isang wedding match ay nagtago si Aia sa Trujillo Primitivo. Doon ay nakilala niya ang elementary teacher na si Pining na sa una pa lamang nilang pagkikita ay tila tinubuan na ng pagtingin sa kanya. Subalit hindi siya nagtungo roon for some female hunting.
Kung kailan naman parang nawalan na ito ng interes sa kanya ay saka naman siya nakaramdam ng interes dito. Hanggang sa biglang kinailangan niyang pansamantalang tumira sa bahay ng mga ito.
Doon nagsimula ang malaking problema niya. Aksidenteng nasilipan niya ito sa silong ng bahay ng mga ito!
“Ano, binata? Nakapagpasya ka na ba? Maayos ka naming tinanggap dito sa aming pamamahay. Sana naman ay huwag mong suklian iyon ng kawalanghiyaan,” galit na sabi ng ama nito.
“I understand, Sir. Pakakasalan ko po ang anak ninyo.”
Tinakasan ba niya ang isang Manileña upang masilo ng isang maestrangpromdi?

3. PHR 4302 Drumbeats Series 1: Rhyme by Arielle


Bahagi ng tradisyon ng pamilya Muller na ang panganay na anak na lalaki ng bawat henerasyon ay kukuha ng isang virgin wife mula sa isla ng Vatika. Naniniwala kasi sila na nagdadala iyon ng suwerte sa buong angkan. Labag man sa kanyang kalooban ay tinanggap ni Regent ang kanyang kapalaran.
Ngunit ang babaeng pinili ng kanyang pamilya na mapapangasawa niya—si Kythira—ay tumakas.
Ngayon lang nangyari na tinakbuhan ng bride nito ang isang Muller. Malaking sampal iyon sa kakayahan at pagkalalaki ni Regent. Sumumpa siyang gagamitin ang lahat ng koneksiyon at kayamanan ng kanyang pamilya para matagpuan si Kythira.
Oras na matagpuan niya ito ay paiibigin niya ito…

4. PHR 4304 Drumbeats Series 2: Repertoire by Arielle


Naging isang recluse si Forrest Mezzo pagkatapos siyang pagtaksilan ng unang babaeng inibig niya.Tinakasan niya ang mundo at tinalikuran ang very successful career niya bilang isang songwriter.
Ngunit para sa Drumbeats, tanging siya ang makakalikha ng mga awiting aakma sa musika ng mga ito.
Sa kagustuhan niya na mapanatili ang kanyang katahi- mikan at patuloy na makapagtago, isang napakaimposibleng bagay ang hiniling niya mula kay Collumn, ang manager ng Drumbeats. Susulat lang siya ng kanta para sa naturang banda kung maihahanap siya ni Collumn ng babaeng mamahalin niya at magmamahal din sa kanya nang totoo.
Huli na nang ma-realize niya na walang imposible kay Collumn. Dahil ang babaeng natagpuan nito para sa kanya ay hindi niya magawang tanggihan!

5. PHR 4304 Drumbeats Series 3: Harmony by Arielle



Isang sikat na radio anchor si Strauss Cadenza. Pangarap niyang tanghalin bilang number one radio anchor sa buong bansa. Para mangyari iyon, kailangan niyang makakuha ng exclusive interview sa enigmatic band na Drumbeats.
Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang ang hinging kapalit ni Cyanide sa exclusive interview ay ang paglayo niya sa kanyang girlfriend na si Patrice.
Isinakripisyo niya ang kanyang pangarap at garantisadong kasikatan para sa dalaga. Sa lahat kasi ng mga babaeng nakilala niya, ito lang ang minahal niya nang tunay.
Ngunit marami pala itong itinatagong sekreto. Isa na roon ang pagiging keyboardist nito ng Drumbeats…

6. PHR 4305 Drumbeats Series 4: Medley by Arielle


Nag-iisa na si Bria sa buhay. At sa loob ng maraming taon ay kinupkop at sinuportahan siya ni Vernon na nagpakilalang pinsan niya. Nang maging maayos na ang buhay niya ay saka ipinagtapat ni Vernon na may kinalaman ito sa pagkamatay ng kanyang ina. Pagkatapos niyon ay nagpakalayo-layo na ito.
Dahil sa nalaman ni Bria, sumumpa siya na maghihiganti. Ang mapahamak si Vernon ang hiningi niya kay Collumn na kapalit ng pagsali niya bilang bassist ng Drumbeats. Madali namang nai-set up ni Collumn si Vernon para makulong ito at maparusahan sa isang krimen.
Dapat ay masaya na siya. Nakapaghiganti na siya. Pero hindi niya magawang magdiwang. Sa pagkakapahamak kasi ni Vernon ay saka niya natuklasang matagal na pala niyang iniibig ito. Ang galit pala niya rito ay hindi dahil sa naging parte nito sa kamatayan ng kanyang ina kundi bunsod ng pang-iiwan nito sa kanya…

7. PHR 4306 Drumbeats Series 5: Resonance by Arielle


Nang unang marinig ni Sarabeth na kumanta si Montaro ay agad siyang nakumbinsi na ito ang perfect vocalist para sa Drumbeats, ang binubuong banda ng Kuya Collumn niya. Sinadya pa niya ito sa bansa nito para alukin ito na maging miyembro ng Drumbeats.
Tumanggi ito. Kahit anong pangungulit niya ay hindi ito pumayag.
Ngunit nang makausap nito ang kuya niya, sinabi nitong papayag itong maging vocalist ng Drumbeats sa isang kondisyon.
Pakasalan daw niya ito…

8. PHR 4307 Drumbeats Series 6: Rhapsody by Arielle


Hindi maintindihan ni Collumn kung bakit mainit ang dugo sa kanya ni Cyanide. Kahit ano ang gawin niya ay nananatiling walang tiwala ito sa kanya. Oportunista pa rin ang tingin nito sa kanya.
Nang matuklasan niya na ang ganoong mind-set nito ay epekto ng traumatic experience nito sa unang boyfriend nito, ipinasya niyang hanapin ang sinumang lalaking iyon. Bibigyan niya ito ng matinding leksiyon.
Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang malaman niyang ang ex-boyfriend nito ay walang iba kundi siya!

9. PHR 4308 Executive: Expecting Tiny Twins by Barbara Hannay (translated by Vivienne Valencia)


Isang mapangahas na desisyon ang ginawa ni Lizzie para magkaroon siya ng matagal na niyang minimithing anak. Hindi naging madali iyon, lalo pa at isa siyang public figure. Kaya para makaiwas sa mga mapanuring mata na laging nakasubaybay sa bawat kilos niya, nagtungo siya sa Ilocos para doon pansamantalang manirahan. Doon niya nakilala si Jack San Luis. Sa kabila ng malamig na pagtrato nito sa kanya, hindi pa rin niya napaglabanan ang atraksiyon dito. Kahit sa unang pagkikita pa lamang nila ay ipinaramdam na nito sa kanya na hindi ito magkakagusto sa isang gaya niya na sanay sa mabilis na buhay sa Maynila…

10. PHR 4309 Perfect Two by Julianna Ran


Para kay Euna, higit pa sa isang matalik na kaibigan ang turing niya kay Borris dahil palagi itong nasa tabi niya kapag kailangan niya ito. Ito lang din ang nakapagpapangiti sa kanya kapag malungkot siya. Kaya para sa kanya, ito ang lalaking pag-aalayan niya ng kanyang puso.
Pero mukhang unrequited love ang drama nila. Hindi mabilang ang mga babaeng nai-involve dito. Lahat ng taong nakapaligid sa kanila ay nagsasabing perfect match sila pero tuwina ay tinatawanan lamang iyon ng manhid na kaibigan niya.
Until one fateful day, napilitan siyang makipag-date sa manliligaw niyang si Dwight. Nang malaman iyon ni Borris ay na-bad trip ito. Inaway pa nito at pinakitaan ng masama si Dwight. Pinagalitan din siya nito at nagkasagutan sila. At laking gulat niya nang halikan siya nito.
Muntik na siyang atakihin sa puso nang sabihin nito na nagselos ito, lalo na nang sabihin nito na ituturing na siyang “girlfriend” nito.
Abot-langit ang tuwa niya pero paano niya masisiguro na siya lang ang nag-iisang babae sa buhay nito?
Back to top Go down
 
May 30, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: